logo text
Thêm vào thư viện
logo
logo-text

Tải xuống cuốn sách này trong ứng dụng

[Ikalima] Hindi Siya

Nakailang beses na ba akong lingon ng lingon sa aking paligid. Kada hakbang ko ay nililingon ko ang kaliwa at ang kanan. Naninigurado na hindi ako nanaginip at talagang hindi ako sinusundan ng babaeng multo na 'yon.
I grinned when I made sure that there's no sign of Ella. Sa wakas ay nagsawa na rin siya sa kakabuntot sa akin. She's draining my energy whenever she's around.
My wide grin will never explain how happy I am that Ella is not around. Pero hindi nagtagal ang ngising iyon dahil sa biglaan pagsulpot ng babaeng ako lang ang nakakakita.
"Hello!"
"P*ta! Ikaw na naman!" gulat na sabi ko kay Ella, na malawak ang ngisi sa kaniyang mukha. Kailan niya ba ako lulubayan?
Mas lumawak lang ang ngisi n'ya sa akin sa kabila ng masamang tingin ko sa kan'ya.
Tss. Bad trip! Bakit ba ang kulit ng babaeng multong na 'to?
"Saan ka pupunta?"
"Wala kang pakeelam!" singhal ko sa kaniya.
"Ang sungit mo naman! Ano bang problema mo?"
Tsk! Magtatanong pa s'ya kung anong problema ko? Ikatlong araw na n'ya akong sinusundan e. Ilang beses ko na rin siyang tinatanong kung bakit ba siya sunod ng sunod sa akin. Pero walang kwenta lagi ang sinasagot niya sa akin.
"Huy!"
"Tigilan mo ako Ella!" masungit kong sabi at mas binilisan ko pa ang paglalakad.
Makalipas ng ilang minuto ay wala na akong narinig mula kay Ella. That’s unusual. Kaya naman ay nilingon ko siya. Ngunit, wala na siya. Nakibit balikat nalang ako. Marami akong dapat gawin at wala akong panahon para problemahin pa kung saan nagpupunta ang multong iyon.
Papunta ako ngayon sa hide out naming magkakaibigan. Pag-uusapan namin ang tungkol sa pagkamatay ni John. Maraming mali na mga detalye sa ukol sa pagkamatay ng kaibigan namin at hindi namin iyon dapat ipagsawalang bahala. Naniniwala kaming lahat na 'di nagpakamatay si John. Mukhang kailangan ko ring sabihin kila Chris ang naging pagpunta ni Kevin sa bahay namin. Kevin was so scared that time. Hindi rin iyon dapat balewalain.
Bukod sa mga iyo ay may isa pa 'kong problema. Paano ko sasabihin kila Paul na nakikita ko ang ispirito na napalabas namin no'ng gabing naglaro kami ng spirit of the glass?
Natigil ako sa paglalakad nang biglang tumunog ang aking cellphone. Kimunot ang noo ko nang makita kung sino ang tumatawag. Si Paul. Ano naman kaya ang problema niya?
"O Paul? Papunta na k---"
"Tol! May masamang balita!"
Bigla akong kinabahan sa tono ng boses ni Paul.
"Ano 'yon?" pinilit kong kalmahin ang sarili ko sa kabila ng mabilis na tibok ng puso ko.
"Tumawag iyong nanay ni Kevin. Nawawala raw siya!"
"P*ta"
Nagmamadali kong tinakbo ang daan patungo sa hide out ng barkada namin. Ilang beses na akong napadaing sa ginawa kong pagtakbo dahil sa injury sa aking paa. Pero hindi ko pinansin ang sakit na iyon.
Pagdating ko sa hideout namin ay nandoon na sila Chris at Paul.
Si Chris ay pabalik-balik lang sa paglalakad at halata mong hindi mapakali. Habang si Paul ay nakaupo sa sofa na naroon at halata mo ang labis na takot sa mukha.
Akmang lalapit na ako sa kanilang dalawa nang matigilan ako dahil sa napansin kong nakaupo sa bakanteng espasyo sa tabi ni Paul. Si Ella.
Nangunot ang noo ko at napatitig kay Ella. Naalala ko ang biglang pagkawala ni Ella kahapon 'tapos ay saka ko nakita si Kevin sa tapat ng bahay namin. Wala rin si Ella no'ng may kababalaghang nangyari sa loob ng bahay namin. Kanina ko nalang ulit nakita si Ella dahil wala siya buong magdamag kagabi. 'Tapos bigla siyang nawala kanina at nauna pa siyang dumating dito sa tambayan na para bang alam niyang dito ako papunta kahit na ba hindi ko naman sinabi iyon sa kaniya. Nagkataon lang ba ang lahat?
"Tol! Nandiyan ka na pala!"
Nawala ako sa malalim kong iniisip dahil sa pagpansin sa akin ni Paul. Kiming ngumiti ako kay Paul bago lumapit sa kanilang dalawa ni Chris.
Pasimple kong binalingan ng tingin si Ella. Kaagad siyang yumuko para umiwas ng tingin sa 'kin. Malayo 'to sa makulit na Ella na una kong nakilala.
"Kailan pa siya nawawala?" tanong ko sa kanila.
"Kahapon pa," sagot ni Paul bago siya naupo sa tabi ko.
"Kaya siya hindi pumasok kanina. Akala ni tita ay nakitulog sa bahay," sabi naman ni Chris. Madalas kaming nag-oover night sa bahay ni Chris at alam iyon ng mga nanay namin.
“Teka lang. Kahapon? Imposible 'yan. Nagpunta pa siya kahapon sa bahay namin,” paliwanag ko sa kanila na ikinatigil nilang dalawa.
“Pumunta? Nagkita pa kayo p're?” nagtatakang tanong ni Paul.
“Oo. Naghihintay siya sa labas ng bahay namin. Kaso, mukhang may problema siya kahapon. Paulit-ulit sinabi ni Kevin na tulungan ko raw siya. May papatay daw sa kaniya.”
“Sino?! P*ta! Ano bang nangyayari mga pare?!” naguguluhang tanong ni Paul.
“Hindi niya nasabi sa akin. Bigla nalang siyang tumakbo no'n. 'Yon ang dahilan ko kaya pinapunta kita Chris sa bahay nila, kahapon.” at tumingin ako kay Chris na ngayon ay napalitan na ng takot ang mga mata.
“Pumunta ako sa bahay ni Kevin kahapo pero wala siya ro'n. Kaya naman hinintay ko siya sa bahay nila. Ngunit, hindi siya dumating.”
I heaved a deep sigh with what Chris said. Natahimik kaming tatlo. Kung gano'n… Saan pumunta si Kevin pagkagaling sa bahay namin?
Napakuyom ang kamao ko dahil sa naramdam kong konsensya. Dapat sinundan ko si Kevin no'n.
"Tol… N-napanaginipan ko siya kagabi. Humihingi siya ng tulong," mahinang sabi ni Paul sa kabila ng katahimikan naming tatlo.
Napalingon kami sa kan'ya ni Chris dahil sa sinabi niya. Napansin ko ring maging si Ella ay napatingin sa gawi ni Chris. Kita ko ang takot sa kaniyang mga mata. Anong alam niya?
"May iba pa bang siyang sinabi, Paul?" kaagad na tanong ni Chris.
"Humihingi siya ng tulong. Par--parang… may humahabol sa kaniya. Pagkatapos, nakita ko ang isang orasan. Alas dose 'yong oras. 'tapos wala na."
Alas-dose?
"Anong ibig sabihin ng alas dose?" tanong ni Chris.
"Sa tingin ko oras ng pagkawala niya," sagot ni Paul.
"Oras na mamamatay siya."
Napalingon ako dahil sa sinabi ni Ella.
Ako lang nakakakita at nakakarinig sa kan'ya sa loob ng silid na c
'to. At nagulat talaga ako sa kaniya g sinabi. Ngayon, sigurado na akong may alam nga siya.
"Anong alam mo?" tanong ko kay Ella.
Hindi ko na napigilan ang sarili ko sa naging pagkausap kay Ella. Napansin kong napalingon sa akin sila Paul at Chris. Parehong nakakunot ang mga noo nila at nagtataka pero hindi ko nalang sila pinansin. Nanatili ang tingin ko kay Ella, hinihintay ang sagot niya.
Huminga siya ng malalim at nanatiling nakaiwas ang tingin sa akin. Pero, hindi nakaligtas sa tingin ko ang panginginig ng mga kamay niya.
"Tol! Sinong kausap mo?" tanong ni Paul.
"Si Ella," kimi kong sagot na kinaangat ng tingin ni Ella sa akin. Nanlalaki ang mga mata niya. Halatang hindi niya inaasahan na sasabihin ko ang tungkol sa kaniya kila Paul.
"E-Ella? Sino naman iyon?” tanong ni Paul.
"Si Ella ang natawag nating ispirito sa spirit of the glass," seryoso kong sabi.
Nagkatinginan muna sila Chris at Paul bago natawa si Chris na halata mong hindi naniniwala sa sinabi ko.
"P*ta tol! Ikaw na ang nagsabi na hindi totoo ang larong 'yon. Hindi tayo nagbibiruan dito p're! Itigil mo na 'yan." at tinapik pa ako ni Chris sa balikat.
“Hindi ako nagbibiro mga pare. Nandito siya.”
”Itigil mo na 'yan. Hindi tayo nagbibiruan dito!” galit na sigaw ni Chris.
"Hindi ako nagbibiro! Nandito nga siya! Kasama natin siya!" ganting sigaw ko kay Chris.
Natigilan silang dalawa sa naging reaksyon ko. Kalmado akong tao at napakabihira sa akin ang madala ng emosyon. Alam nilang seryoso na ako dahil sa pagtaas ng aking boses. Sabay silang napaiwas ng tingin. Pero hindi nakaligtas sa akin ang mga takot aa mata nila.
Hindi na sila sumagot pa sa akin at hinayaan ko nalang sila. Bumaling nalang muli ako kay Ella na ngayon ay nakatingin na rin sa akin.
"Ella, sagutin mo ako. Anong alam mo?!"
Huminga siya ng malalim bago siya umiling.
"Wala akong alam. Akala ko, ako lang iyong natawag ni'yo no'ng buksan ninyo ang pintuan. Pero mukhang may iba pa. May ibang spirit pa kayong napalabas at maaaring sila ang gumugulo sa inyo."
"Posible ba iyon?" naguguluhang tanong ko sa kan'ya.
"Hindi ako sigurado. Pero hindi ni'yo tinapos ang laro kaya siguradong nanatiling bukas ang pintuan sa pagitan ng mga buhay at patay. Maaaring maging daan 'yon ng ibang ispirito na may nais pang gawin sa mundo ng mga buhay. Maaaring sila ang nasa likod ng mga hindi maipaliwanag na mga pangyayari."
“Sigurado ka bang wala kang kinalaman sa pagkamatay ni John at pagkawala ni Kevin?” diretsahang tanong ko sa kan'ya. Kailangan kong malaman kung kakampi ba namin si Ella. Sa mga nangyayari sa amin ngayon, hindi ko na alam kung anong paliwanag pa ang paniniwalaan ko.
“Maniwala ka sa akin. Wala akong alam sa mga nangyayari sa inyo.”
Napahagod ako sa aking buhok at hindi ko napigilang hampasin ang mesa. P*TANG LARO 'YAN!
"Tol! Anong sabi niya!?"
"Ang lahat ng ito ay dahil sa spirit of the glass," maikling sabi ko at nagpakawala ako ng isang malalim na buntong hininga.
"Ano?!"
"F*ck!"
Katulad ko ay halata na ang inis at takot kila Paul at Chris.
"Ella, anong gagawin namin?" desperadong tanong ko kay Ella na siyang tanging pag-asa namin sa mga nangyayari.
"Alamin ninyo kung sino pa ang napalabas niyong ispirito bukod sa 'kin. Pero bago 'yon, iligtas ninyo muna ang kaibigan niyo."
Tama. Si Kevin muna. Kailangan niya kami. Pero saan? Saan kami magsisimula gayong habang tumatagal ay mas nagiging mas malabo ang lahat?
“Saan natin siya hahanapin?” mahinang tanong ko kila Paul at Chris.
Pareho silang nag-iwas ng tingin. Lahat kami ay walang ideya kung saan kami magsisimulang maghanap. At kung tama si Ella, mayro'n kaming natitirang oras hanggang alas dose para mahanap si Kevin upang mapigilan ang kung ano mang masamang pwedeng mangyari sa kaniya.
Napatingin ako kay Ella, nagbabakasakaling may maibibigay siyang kalinawan sa mga nangyayari. Malungkot na ngiti ang ibinigay niya sa akin bago niya inabot ang kamay kong nasa ibabaw ng lamesang nasa harapan ko. Hinawakan niya ang aking kamay. Kahit hindi ko nararamdaman ang kamay niya, kahit paano ay gumaan ang bigat ng loob ko dahil sa pag-aalala para kay Kevin.
“Mahahanap din natin siya,” sabi ni Ella na sinang-ayunan ko naman kaagad.
Sapat na sa aking malamang hindi namin kalaban si Ella.

Bình Luận Sách (131)

  • avatar
    Abegail Alpaño

    3,0000

    1d

      0
  • avatar
    Prince Cejhay Latada

    goods

    2d

      0
  • avatar
    Janelle Fate Chua

    hvyctcyvivfh jvybychvgchvtvtdtcexhdbyfhvrfjvybtdhcrcgdgvrdhdrgxfichfxjg gjxifigfxfxitgkchkchdhdthfhzfhdhdgcdhcydcvgcbg yd ydcg yhdyvhfvhujfjfvyjvhfvfyhvyfvfyhvfyfhufvfvfuvhdcdhcyydgdcdyydchcycyvuufjvjfvfyyvyfcuhfyhuhcfnfcyhcybyhyhd ybchbycbcyyfvhbcgbcfcbcbghfchfgchdhfgbfycdbcbkhcjgjgcjxgjxgjxjgxnxxncjbcghchchchchvjchcbuvb JCB b HV j. b j jh. h vhvubgchfbhhfvbyffhvhyfhfvbvnvhcchvnvnvn n b nñn. bb. vnbvncjcbcnvmvv..v.gnvbxbxbvnvnvnchfcxbghchvvxfnxgnxgdhfjchfhfbchcbchcbcbcbcbcbcbc

    5d

      0
  • Xem tất cả

Các chương liên quan

Chương mới nhất