logo text
Thêm vào thư viện
logo
logo-text

Tải xuống cuốn sách này trong ứng dụng

Huling Obra

Huling Obra

Astellar


Kabanata: Unang Pagkikita

Kabanata-I
Maingat na ipinipinta ni Estella ang kanyang  magiging disenyo sa kanyang silid. walang kurap niya itong ginagawa habang nakataas ang isa niyang kilay pati ang kanyang alagang pusa ay walang kurap din nitong pinagmamasdan bawat pagpinta ng kanyang amo maging ang ulo nito ay sumasabay bawat saw-saw sa tubig.
Tanaw mula rito ang mga taong nag tatanim ng mais at mga taong nag aani tanaw din dito sa itaas ang kanilang mga anak na nagtatakbuhan at malayang nagsisiyahan sa madamong bahagi ng taniman habang ang kanilang mga magulang ay nagpapahinga sa isang malaking puno na siyang sinisilungan nila.
"Kay lakas ng hangin" pikit na wika ni Estella habang dinaramdam ang bawat hangin na dumadampi sa kanyang balat na animo'y nasa ulap siya nag papahinga at nakikipaglaro sa mga ibon  biglang natigil ang kanyang imahinasyon nang makarinig siyang may na tabig na tubig nakita niya ang kanyang alaga na pinag lalaruan ang kanyang ginawang lilok na itsurang daga
"Ikaw talaga Milan napaka kulit mo halika nga rito" ngiting sabi ni Estella sabay kuha sa alaga niyang si Milan kulay puti at mabalahibong pusa na regalo sakanya ng kanyang ama bago ito umalis niyakap niya ito at pilit naman kumakalas ang pusa sa higpit ng kanyang pag kakayap.
"Nasaan ang iyong kapatid?" tanong ng kanyang inang si Donya Celeste sabay buklat ng kanyang pamaypay "N-nasa hardin p-po" pagsisinungaling ni Joselito nakababatang kapatid ni Estella na kapareha niya sa mga kalokohan. Oras na malaman ng kanyang ina na pumunta nanaman siya sa lumang bundok tiyak na mapaparusahan siya.
Sandaling napatigil sa pag paypay si Donya Celeste at nagsimulang mag salita "tawagin mo siya at tayo'y bibisita sa hacienda ng iyong tiya na si Donya Maria" tuloy niya sabay tiklop ng kanyang pamaypay na siyang pagsagot nang mabilis si Joselito "S-sige po ina" sabay alis nang may kaba sa dibdib.
"Hindi bat ipinagbilin ko na hindi ka pwedeng pumunta sa lumang bundok na iyon!" pasigaw niyang sabi sa kanyang anak habang ito ay naka upo sa sahig at patuloy sa pag iyak
" T-tama na po Donya Celeste a-ako na po ang bahala sa kanya" pag-awat ni Manang Miya na pilit na sinusubukang pakalmahin si Donya Celeste at sinenyasan ang isang kasambahay na pakalmahin din si Estella at papuntahin ito sa kanyang silid
"t-tayo na po binibining Estella" saad ng kanyang manang pilit na inaalalayan ni Tiya Lita si estella upang maka pumunta sila sa kanyang silid.
Nakaupo sila sa kama ni Estella na pilit namang pinapakalma ang kanyang sarili. "T-tiya Lita ano po bang kasalanan ko naroon lamang ako upang mag pagpahangin ngunit bakit..." di natuloy ni Estella ang kanyang sasabihin ng unahan siya ng kanyang Tiya Lita "m-mukhang tinatawag na ako ng iyong i-ina" pag babago niya ng usapan tinignan niya ito ng mabuti,batid ni Estella na may itinatago silang sikreto "a-ano po bang meron sa bundok na iyon Tiya?" habang pinupunas niya ang kanyang sarili na patuloy parin sa pag iyak, nakikita naman ni Estella na papalayo na ito nang papalayo sa kanya ang kanyang Tiya Lita hanggang sa narating niya sa pinto ng kanyang kuwarto "m-malalaman mo rin... Estella" sabay sarado ng kanyang pinto.
"Nandito kalang pala ipinapahanap ka saakin ni.." di natuloy ang sasabihin ni Joselito nang mag salita na si Estella "si ina..batid ko na papagalitan muli ako nun" malungkot niyang sabi sabay bitaw sa pag kakayakap sa kanyang alaga at inayos ang kanyang mga gamit saglit na napatingin si Joselito sa kanyang kapatid na kita sa kanyang mga mata na malungkot ito "t-tulungan na kita a-ate" sabay kuha ng kanyang mga ilang pang gamit "siya nga pala anong kailangan sakin ni ina?" habang inaayos ang kanyang mga kagamitan sa pag pinta "may pupuntahan daw po tayo ni ina kila Donya Maria" sagot ni Joselito napatigil bahagya si Estella dahil siya ang kanyang narinig
dahil siya ang paboritong Tiya na mahigit tatlong taon na silang hindi nag kikita lalo na ang kanyang paboritong pinsan na si Leonor na magaling sa musika at magdisenyo. agad nabago ang itsura ng marining niyang pupunta sila roon,agad naman nagmadaling ayusin ang kanyang mga kagamitan.
"Magandang hapon po Donya Maria" ngiting sabi ni Joselito sa kanyang tiya na kasama ngayon ng kanyang ina "M-magandang hapon din sayo Joselito" ngiting sagot ng ka yang Donya maria "kay laki mo na,naalala ko kay liit mo pa noon" patuloy niya habang inaanyayahang umupo sa kanilang silya "doon muna kami ng iyong Donya Maria sa kanyang hardin" ngiti ni Donya Celeste sabay turo roon sa isang magandang hardin na puno ng maraming halamang gamot "wag kayong aalis" tuloy niya pa na siyang tango naming lahat sabay sabuklat nang kanyang pamaypay at nag lakad na sila ni Donya Maria.
Payapa sila ngayong naka upo sa isa pa nilang hardin na napapagiliran ng mga rosas matatagpuan iyon sa gilid ng Hacienda de Santiago Natatanaw dito ang mga magagandang ilog na kanila ring sakop na nagsisilbing pahingaan. Ang kanya namang mga ibang kapatid ay sumama sa mga nakatatatandang kapatid ni Leonor na si Jacinto at Antonio upang mag kabayo at kaming tatlo ang naiwan sa hardin.
"masaya ako na muli kayong dumalaw dito kahit pa tatlong taon na ang huli niyong punta" panimula ni Leonor na nakatingin sa mga ulap sabay tingin naman si estella "pasenya na marami lang kaming ginagawa" pagsagot ni estella kita naman sa mukha na kinakabahan si Leonor baka pag tawanan siya ni Estella sa oras na sabihin niyang may manliligaw siya ngunit hindi nagdalawang isip si Leonor  magpatulong sa pinsan niyang si Estella.
"Maaari bang ikaw nalang mag sulat para saakin ako'y hindi gaanong bihasa sa pag tugon ng mga liham" sabay bigay ng liham sa kanya gulat namang tumingin si Estella at kinuha ang liham "hindi rin ako kagalingan ngunit  mapagkakatiwalaan mo ko" ngiti ni Estella at nag simulang kunin ang pluma at tinta ni Leonor.  
Nagsimulang basahin ang isang liham na ibinigay ni Leonor kinakabahan si Leonor na baka hindi kayang tugunan  ni Estella dahil nakahahalina ang liham na ginawa ng kanyang manliligaw samantala, maka ilang tango naman si Estella at namamangaha sa husay ito at ganda ng pag kakagawa dito. Napapansin din na Estella na mahusay ang lalaki na gumamit ng mabubulaklak na salita na animo'y bihasa na ito.
Napa buga siya nang malalim mag sisimula na dapat siyang mag salita nang nagsalita ang nakababatang kapatid ni Leonor "mahusay yan si ate Estella siya nga ang nanalo noong nag balagtasan siya at kinalaban ang aming mahusay na pambato sa aming iskuwelahan" pagmamayabang sabi ni Maliya na pitong taong gulang sabay ngiti na siyang tingin nilang dalawa sakanya "Maliya itikom mo nga ang iyong bibig usapan ito ng matatanda kaya gumalang ka" mahinang bulong ni Leonor sa kanyang kapatid "p-pasenya na po" sagot niya at kita sa mga mukha niya ang pag hingi ng tawad ni Maliya.
"Saang lalawigan siya naroroon?" tanong ni Estella habang binabasang muli ang liham kaylangan niya ng ilan pang impormasyon upang makagawa na siya ng kanyang isusulat.
"Siya ay nasa maynila" tugon naman ni Leonor na pilit tinatakpan ang kanyang mga ngiti at siyang pag tigil ni Estella sa kanyang ginagawa "nag aaral siya ngayon sa sikat na paaralan mula roon at kilala siya na matinik sa babae" tuloy niya sabay paypay sa kanyang sarili
"Mukhang natinik ka ate" pangaaasar ni Maliya "ikaw talaga" ngisi ni Leonor sabay habol nito sa kanyang kapatid na tumatakbo ngayon habang si Estella nag iisip kung ano ang maaari niyang itutugon doon.
Nagsimulang isaw-saw ni Estella ang plumang gamit ni Leonor at ang nag simulang isulat ang panagalan ng lalaking taga maynila na nag palambot ng puso ni Leonor.
Matapos ang dalawangput minutong pag bobolahan walang hingang natapos ni Estella sa kanyang ginagawang liham sa lalaking iyon. Manghang mangha namang binabasa nila Leonor at Maliya ang liham na ginawa ni Estella para sa manliligaw niya.
"Sabi ko naman po sayo ate mahusay yan si ate Estella" payabang nanamang niyang sabi at nagtawanan sila ngiting nag papasalamat nagyon si Leonor kay Estella "wag mo nang ipamayabang Maliya alam ko na yan...
ako pa" mayabang sabi ni Estella habang ngiti siyang kumakaway na animo'y isa siyang nanalo ng isang paligsahan "maari mo nang halikan ang iyong kasintahan" dagdag pa nito habang at tawa nilang lahat.
Minahal kong Lorenzo
Ikinatutuwa kong ika'y may paghanga sa simpleng katulad ko kahit pa'y kisap mata lang tayo nagkita,masaya ako sa iyong itinuring na akoy binibini na ninais mong makapiling ngutin
nagtatanong din ang aking sarili kung tunay ba ang iyong pag hanga sakin?At kung sumasagi rin ba sa iyong isipan na kung ano ang mangyayari satin kung sa simpleng pag kilala natin sa ay nababatid kong kulang.
Nais ko sana na makilala ka pa nang mabuti upang pangamba ko'y mawala, batid ko rin na napakalabong makilala natin ang ating sarili kung sa liham lang tayo nagkikilala.ngunit handa akong lakbayin ang karagatan upang marating sa iyong pinaroroonan dahil ibig kitang makilala.
"salamat Estella" saad niya at niyakap ito "wala iyon maliit na bagay" pagsagot niya at bumitaw sa pag kakayakap at hindi namalayan ni Leonor na may nakaligtaan itong pupuntahan.
"naku! kailangan ko nga palang pumunta sa kaarawan ng aking kaibigan" pagkakataranta niya at kanya namang napatakip ang kanyang bibig naalala niya rin na kailangang may regalo itong ibibigay "s-samahan kita?"pag saad ni Estella
Narating nila bayan.agad namang bumaba si Leonor upang mag hanap ng pwede niyang iregalo sa kaibigan niyang si Clara isang magandang babae na kahit sino ay makikilala siya dahil sa tanyag nang kanilang apelyidong Da Silva dahil ang kanyang ama ay kilalang gobernador at ang kanyang ina naman kilala sa pag papatakbo sa isang sikat na damitan dito di lang yun karamihan sa kanilang mga ninuno ay inialay ang kanilang sarili para sa bayan.
Habang abala si Leonor sa pag pili ng kanyang ireregalo nag punta si Estella sa di kalayuang museo na malapit mula roon.
tinawid ni Estella ang lahat marating lamang niya ang museong iyon nang biglang may nag mamadaling kalesa na papalapit sa kanya hindi alam ni estella kung ano ang gagawin na pa istatwa na lamang ito roon at ipinikit ang mata ng biglang
may humawak sa kanyang kamay
Parang tumigil ang pag ikot ng mundo kasabay din ng malamig na ihip ng hangin. Ilang minutong walang kurap na nag titigan ang aming mga mata na siyang pag lakas nang pagtibok ng aking puso biglang natauhan ako ng masalita ito
"ayos kalang ba binibini?"

Bình Luận Sách (5)

  • avatar
    Tata Tambor Abong

    okkaayo

    03/01

      0
  • avatar
    Micaela De Asis

    💗💗💗

    02/01

      0
  • avatar
    Zoe

    ❤️❤️❤️❤️❤️❤️❤️

    28/08/2022

      0
  • Xem tất cả

Các chương liên quan

Chương mới nhất