logo text
Thêm vào thư viện
logo
logo-text

Tải xuống cuốn sách này trong ứng dụng

Chapter Seven: Cherish, The Caregiver.

Bigla naming napahiya si Cherish nang mapagtanto ang kanyang pagkakamali.
“I’m sorry...” ang hinging-paumanhin niya.
“Now,I’m having second thoughts,hija.Kung paiiralin mo ang iyong emosyon,I don’t think you’re ready for this---yet.” ang nagdadalawang-isip na pahayag ni Tita Feliza.
Cherish snapped her head up to her Aunt,dahil bahagya siyang natakot sa sinabi nito.
“I know I was wrong for being so emotional,Tita...But I really want to do this.At pagbubutihin ko pa ang trabaho ko without involving my feelings.” ang paninigurado niya.
Tinignan muna ni Tita Feliza si Cherish.Makalipas ang ilang minute ay napatango na rin ito.
“Don’t let me down,Cherish.Is that clear?” ang sabi nito.
Sunod-sunod ang nagging pagtango ni Cherish.
“Okay.Let’s go inside.” ang utos ni Tita Feliza.She opened the door,at nauna na itong pumasok sa kuwarto.Tahimik naman sa sumunod si Cherish dito.
Ang unang nakita ni Cherish ay isang matanda na nakatingin sa direksyon ng bintana habang nakahiga ito sa kama...Sa tantiya niya ay nasa 70’s na ang edad ni Lola Bien.There was a small,nostalgic smile on the old woman’s face habang nakatingin ito sa malayo.
“Magandang umaga po,Lola Bien.Kumusta po ang nagging tulog ninyo kagabi?Marami po ba kayong nakain na almusal?” ang magiliw na tanong ni Tita Feliza.
Pero parang walang narinig ang matanda.Ni hindi sila nilingon ni Lola Bien,dahil hind pa rin nito inaalis ang tingin sa bintana.
“Halos laging ganyan si Lola Bien.Looks like she’s remembering those times with her beloved grandson.” ang imporma ni Tita Feliza.
“Those happy times...” ang nalulungkot naman na tugon ni Cherish,habang nakatingin sa matanda.
Nagulat na lamang sila nang mapansin nila na nakatingin na si Lola Bien sa kanila.
“Ah,gusto ko nga po palang ipakilala ang bago nating makakasama dito sa Himawari,Lola Bien...Siya po si Cherish,ang pamangkin ko.” ang pakilala ni Tita Feliza sa pamangkin.
“Ikinagagalak ko po kayong makilala,Lola Bien...” ang magalang na sabi naman ni Cherish.
Much to their suprise,biglang nagpakawala ng ng maluwang na ngiti si Lola Bien kay Cherish.
“Napakaganda mo,hija.Bagay na bagay kayo ng apo ko.” ang turan nito.
Nagkatinginan sina Cherish at Tita Feliza.Nagtaka si Cherish nang makita niya ang pagkagulat sa mukha ng kanyang Tiyahin.
“L-Lola Bien?Naaalala ninyo na po ba si Hiro?Ang apo ninyo?” ang di-makapaniwalang tanong ni Tita Feliza kay Lola Bien.
“At bakit ko naman makakalimutan ang pinakamamahal kong apo?Kahit napakakulit ng batang iyon ay malambing naman siya..Pasensiya ka na sa sinabi ko kanina na bagay kayo ng apo ko,hija...Kung binata lang sana ang apo ko ay gusto kong ikaw ang maging kasintahan niya.Pero sa ngayon ay hindi ko pa pwedeng isipin ang mga bagay na iyan dahil walong taong gulang pa lamang si Hiro.” ang patuloy ni Lola Bien.
Kitang-kita naman ni Cherish ang biglang panlulumo ni Tita Feliza.
“Hindi pa rin naaalala ni Lola Bien ang apo niya...Actually,binata na si Hiro but Lola still thinks that he is eight years old.It’s all because she has Dementia.She’s only remembering the past,at ang iba pa doon ay nakalimutan na niya.Lola Bien’s not aware that she’s living in the present time now...” ang pagkukwento ni Tita Feliza.
“Tita..I think I have to talk to Lola Bien’s grandson.In these cases of Dementia,makakatulong kay Lola Bien kahit na kaunti kung laging nasa tabi niya ang mga mahal niya sa buhay.” Cherish pointed out.
Napabuntong-hininga si Tita Feliza habang umiiling ito.
“I’m sorry to say this,hija.But that’s not part of your job anymore.And don’t be too harsh and judgemental when it comes to Hiro...” ang muling saway nito sa kanya.
Nagtatakang napatingin si Cherish sa Tiyahin.
“Now,I’m really curious to know kung anong klase ba talagang tao si Hiro...And what his work really is.Sa tingin ko ay parang mas importante pa ang trabaho niya kaysa kay Lola Bien.” ang pahayag ni Cherish.
Biglang nag-iwas ng tingin si Tita Feliza.
“Again,Cherish.Don’t mix in too much emotions on your work.By the way,I have to go.I need to make my rounds...” ang nasabi na lamang nito,at pagkatapos noon ay lumabas na ang Tiyahin.
Naiwan naman si Cherish na nagtataka dahil sa mga ikinikios ng kanyang Tiyahin.Base na rin sa mga nasabi nito sa kanya kanina,parang mas pinagtatanggol pa ni Tita Feliza ang apo ni Lola Bien kahit na maliwanag pa sa sikat ng araw na talagang pinapabayaan na ng lalaki ang Lola nito...
“Tita Feliza is hiding something.” iyon ang nabuo sa kanyang isip.
Napatigil siya sa mamalim na pag-iisip nang maramdaman niya na hinawakan ni Lola Bien ang kamay niya.Awtomatikong nagpakawala ng ngiti si Cherish nang ituon niya ang kanyang atensiyon sa matanda.
“Puwede mo ba akong basahan ng kwento sa pocketbook,hija?” ang nakangiting pakiusap ni Lola Bien sa kanya.
“Sige po,Lola...Ano po ba ang gusto ninyong basahin ko?” ang malambing na tanong ni Cherish.
Itinuro ni Lola Bien ang cabinet na katabi lamang ng higaan nito.Namangha si Cherish nang makita niya ang koleksyon ng Tagalog pocketbooks ni Lola Bien.
“Wow,ang dami naman po nito,Lola!Ako na rin po ba ang pipili ng babasahin?” ang muling tanong niya.
Tumango si Lola Bien bilang sagot.Mabilis naman na nakapili si Cherish ng pocketbook na babasahin na sa tingin niya ay magugustuhan ng matanda.Nagsimula na siyang magbasa habang tahimik naman na nakikinig si Lola Bien sa kanya...
========================
Dumating ang gabi.
Tapos na ang shift ni Cherish.Sa ngayon nga ay nasa reception desk siya habang gumagawa ng report tungkol sa nagging trabaho niya sa araw na iyon...
Biglang siyang napahinto sa pagsusulat nang maalala niya si Lola Bien.Kanina,pagkatapos niyang basahan ang matanda ay nakatulog na ito ng mahimbing...Sinigurado muna niya na komportable sa pagtulog si Lola Bien bago niya iniwanan ito.
Matapos noon ay inasikaso niya rin ang iba pang pasyente na nakatoka sa kanya.But all in all,it has been a productive day for her kahit pagod na pagod siya.She feels satisfied sa tuwing nakikita niya na nakangiti sa kanya ang mga Lolo at Lola.At may tuwa rin na namumuo sa kanyang puso sa tuwing magpapasalamat ang mga ito sa kanya kahit sa mga maliliit na bagay na ginawa niya...
Matapos ang kalahating oras ay natapos na rin ni Cherish ang kanyang report.Nag-inat siya at pagkatapos noon ay tumayo na siya upang pumunta sa kanyang locker at kunin ang kanyang bag para makauwi na rin siya...
“Pauwi ka na,Cherish?” nagulat si Cherish nang marinig niya ang boses ng isang babae sa likuran niya.
“O-Oo...Pero paano mo nalaman ang pangalan---?” naputol ang pagtatanong ni Cherish nang biglang magsalita muli ang babae.
“Paano ko nalaman ang pangalan mo?Matagal ka na sa aming ikinukwento ni Tita Feliza noong wala ka pa rito.Pamangkin ka niya,di’ba?By the way,I’m Liberty,and welcome aboard to Himawari!” ang masayang bati nito kay Cherish,sabay yumakap ito sa kanya.
Hindi na napigilan ni Cherish ang matawa dahil sa pagiging kikay at masayahin ni Liberty.
“T-Thank you.” ang pasalamat niya.Gumanti din siya ng yakap dito.
“Pang-nightshift ako kaya ako ang kapalitan mo.Siyangapala,nakahanap ka na ba ng school na papasukan mo for your Japanese lessons?” ang biglang naitanong ni Liberty.
“Ah...Hindi pa nga eh.Pero sabi ni Tita ay may pupuntahan kami kapag nagkaroon na ako ng oras.” ang sagot ni Cherish.
“Hay naku,parang alam ko na kung saan kayo pupunta ni Tita Feliza.Tiyak na ie-enroll ka niya sa pinapasukan din naming Japanese Class.What I can suggest is pumunta ka na lang mag-isa kapag off mo since alam naman natin na busy rin si Tita Feliza.Here is the business card.Nakalagay na d’yan ang name at address ng school.Train lang ang sasakyan mo papunta d’yan at malapit lang mula rito.” ang paliwanag ni Liberty,habang ibinibigay nito ang isang business card kay Cherish.
“Midorikawa Japanese Language School...” ang basa ni Cherish sa tarheta na hawak niya.
“That’s right.Meron silang morning and evening classes depende na rin kung ano ang gusto mong pasukan base na rin sa shift mo dito sa Himawari.At mare,added bonus na yung gwapong Japanese teacher natin!Hay,makalaglag-panty talaga ang kagwapuhan niya!” ang kinikilig na sabi ni Liberty.
“Mukhang magandang school ito ah...Hindi dahil sa sinasabi mong gwapong teacher pero...Yung ideya na pwede kang pumili ng schedule na umaayon sa oras ng trabaho natin.” ang nangingiting pagtatama ni Cherish.
“Kaya nga lahat ng staff ditto sa Himawari doon nag-aaral.” ang pagsangayon ni Liberty.
“Thanks a lot,Liberty...Gusto ko pa sanang makipagkwentuhan sa’yo but I’m really,really tired.” ang nahihiyang pag-amin ni Cherish.

Bình Luận Sách (28)

  • avatar
    Mark Ivan Valen

    I. need money

    28/07

      0
  • avatar
    Marville Banzon

    ml lods

    07/06

      0
  • avatar
    Rio Taedo

    so cute story

    27/05

      0
  • Xem tất cả

Các chương liên quan

Chương mới nhất