logo text
Thêm vào thư viện
logo
logo-text

Tải xuống cuốn sách này trong ứng dụng

Chapter Three

ROMANCE NOVELLA V. 1 series #3
SUDDENLY AT THE COURT ROOM
Copyright © by lucky_patch (2022)
The moral right of the author has been asserted.
DISCLAIMER. This is a work of fiction. All names, characters, businesses, places, events and incidents in this story are either product of the author's imagination or used in fictitious manner and any resemblance to actual person, living or dead, or actual events is purely coincidental.
~
Si Adley. The perfect man with a perfect life. Si Raj. The lost man in the midst of revenge. Si Alexa. The gorgeous mysterious woman. Si Rico. The carefree guy. Bawat isa ay may itinatago. Bawat isa ay may pinaglalaban. Bawat isa ay may inaasam. At bawat isa ay may nais mapatunayan. Their world's would about to collide suddenly at the court room.
~
CHAPTER THREE: The Festivity
Continuation…
~~
MALAKAS na musika ang pumuno sa napakalaking bahay ng mga Marquees. Makikita rin ang mga nagkikislapang mga ilaw at disenyo sa buong paligid. Nakahanda naman ang iba't ibang mga pagkain sa buffet table at nakadisplay naman ang iba't ibang klase ng wine sa isang sulok. Kasalukuyang ipinagdiriwang ng mga nandoon ang ika-tatlumpu't dalawang kaarawan ng unico iho ni Don Enrique Marquees.
Maraming dumalo sa birthday party ni Adley na ginanap sa mansion ng mga Marquees. Bukod sa mga kaibigan at kakilala niya sa law firm ay nandoon rin ang mga panyero ng kanyang ama. At siyempre ang pamilya ni Natasha. Buong buhay ni Adley ay noon lamang niya naramdaman ang ganoong klase ng kasiyahan. Kasiyahang dulot ng pagmamahal at pagmamalaki ng kanya sariling ama sa kanya. Tatlumpu't dalawang taon niyang hinintay ang ganitong pagkakataon. Kaya hindi niya sasayangin ang pagkakataong iyon.
"Ladies and gentlemen," tawag pansin at panimula ni Don Enrique Marquees, ang ama ni Adley at may-ari ng EsM (pronounced as es-em, as in SM Mall) Law Firm na pinagtatrabahuan ng anak, habang hawak ang isang wine glass, "let's offer a toast to my one and only son, Adley Marquees that he may have more fruitful years to come! Cheers!"
Sabay sabay naman na itinaas ng mga guests ang kani-kanilang mga hawak na wine glass at nagsipag-inuman. Hinarap naman ni Don Enrique ang anak at mahigpit itong yinakap.
"I'm very proud of you, my son!"
Pinigil ni Adley na mapaiyak sa harap ng ama gayong alam niyang hindi nito magugustuhan iyon. Ngunit nahirapan pa rin siyang pigilan ito sapagkat ngayon lamang siya nayakap ng sariling ama. Ngayong pang birthday niya at sa harap pa mismo ng mga tao. Wala nang hihigit pang regalo sa yakap ng kanyang ama. Kumalas sa yakap si Don Enrique at hinarap ang mga nagsilapitang kaibigan.
"Napakaswerte mo talaga panyero sa anak mong yan!" saad ng isa nitong kaibigan.
"May pinagmanahan ata!" sabat naman ng isang may bigote sa mukha.
Natawa si Don Enrique sa mga komento ng mga panyero para sa kaniyang unico iho.
"Siyempre!"
"Hindi pa rin ba bumabalik ng bansa si Ady? Ilang taon na siyang walang paramdam ha."
"Huwag ho kayong mag-alala sa kapatid ko. Maayos ho ang buhay niya sa ibang bansa. In fact, kakatawag niya lang kanina para batiin ako. And she was so sorry na hindi siya makakauwi ngayon to celebrate our birthday together." maagap na sagot ni Adley.
"Oo nga pala, kambal pala ang anak nitong si Enrique. Muntik ko nang makalimutan dahil bihira na rin naman maikwento nitong si Enrique ang anak niyang babae. At pareho pang maganda at gwapo."
"Hindi lang iyon, matalino at mga professional na. Nakakalungkot lang at biglang naisipan ni Ady na mamuhay ng tahimik at simple. Malayo sa kung anong buhay ngayon nitong si Adley."
"Ngunit, tingnan mo nga naman itong unico iho niya."
"Isa na lamang ang kulang, Enrique. Ang mabigyan ka ng apo ng mga anak mo. Baka nga may asawa na si Ady sa ibang bansa, inililihim lang sa inyo."
Nabahala si Adley nang makitang biglang lumungkot ang mga mata ng ama. Ngunit kaagad din naman iyong nawala.
"Darating din tayo doon Ricardo. Pero sa ngayon, itong aking binata at si Ady ay magpapakasawa muna sa kanilang buhay na malaya! At oras na dumating ang panahon na dapat na nila akong bigyan ng apo ay titiyakin ko sa inyong invited ulit kayo sa party na ihahanda ko!"
Nakahinga ng maluwag si Adley sa mga salitang binitawan ng ama.
Humingi siya ng paumanhin sa ama at sa mga kausap nito at sinabing asikasuhin niya muna ang kanyang mga bisita. Sinundan naman siya ng tingin ng mga ito at narinig niya pa ang tawanan ng mga ito ng lumapit siya kay Natasha.
"Palagay ko panyero ay malapit ka ng bigyan ng apo ng iyong anak." ang sabi ni Don Ricardo na hinaluan pa nito ng malutong na tawa.
Lihim na napangiti si Adley. Epektibo ang kanyang naisip na paraan. Ngunit may isa pa siyang dapat na gawin sa gabing iyon.
"Natasha can we talk? In private."
"Sure." nakangiting wika ni Natasha.
Sabay na naglakad ang dalawa palabas ng mansyon patungo sa garden na nasa kanang bahagi ng bahay.
"Anong pag-uusapan natin?" hindi pa rin mapalis ang matamis na ngiti ng dalaga.
Iisa lang nasa isip nito, aamin na sa kanya ang binata ng nadarama at magpopropose sa kanya. Ngunit ang ngiting iyon biglang naglaho.
"I'm sorry but we need to stop this."
"What do you mean?"
"Let's stop seeing each other."
"Adley, what the hell are you saying?" malapit nang umiyak si Natasha. Hindi iyon ang inaasahan niyang sasabihin ng binata.
"I don't want to hurt you that's why I'm doing this."
"But you're already hurting me, Adley."
"Pero mas lalo ka lamang masasaktan. Hindi ko gustong paasahin ka, Natasha. I don't love you and I don't want you to be committed in a one-sided love. I only see you as a friend and as a sister."
Isang malakas na sampal ang natanggap ni Adley mula kay Natasha. Kitang kita sa mga mata ni Natasha ang sakit at galit para sa binata.
"How could you ... " umiiyak na wika nito.
"Natasha please. I'm doing this for your sake. Hindi ko gustong umasa ka sa akin. In the end, hindi ko pa rin magawang mahalin ka na higit pa sa kaibigan. Marami pang mga lalaki na mas deserve kang mahalin at alagaan. At hindi ako iyon. You will find the right man na inilaan para sa iyo. At hindi ako iyon. Natasha, you're important to my sister as well as to me. I don't want to hurt you."
"Bakit hindi mo ako magawang mahalin? We've known each other since forever and I love you since we're little. Just, why?"
'Because I'm not the old Adley you once knew.'
"I love you Natasha, okay? Don't think that I don't."
"But as a friend and as a sister." nakapout nitong wika ngunit patuloy pa rin ito sa pag-iyak.
Niyakap naman niya ito saka hinaplos haplos ang buhok.
"Shhh. Don't cry. Baka isipin ng mga bisita na pinapaiyak ko ang napakagandang dilag na kasama ko. Isipin mo na lang na isa akong limited Ash&Patch high heeled shoes na hindi mo nabili. You can get over with me, Natasha, I want to see you genuinely happy with a man that truly loves you."
Hindi naman umimik pang muli si Natasha. Nanatili lamang na nakayakap ang dalawa sa isa't isa.
~
To be continued...
~
Up Next...
Chapter Four: The Lamentation
~
ROMANCE NOVELLA V. 1 series #3
SUDDENLY AT THE COURT ROOM
© lucky_patch 2022

Bình Luận Sách (21)

  • avatar
    Fhem De Castro

    oh my gee. very awesome story. highly recommended 👌 👍 👏 💯

    03/04/2022

      1
  • avatar
    Magsilao Ja Hz

    Love this!

    21/06/2023

      0
  • avatar
    Drandreb Herrera

    hey is so good

    02/05/2022

      1
  • Xem tất cả

Các chương liên quan

Chương mới nhất