logo text
Thêm vào thư viện
logo
logo-text

Tải xuống cuốn sách này trong ứng dụng

Kabanata 1: Tragedy

Tragedy
Ano nga ba ang kahulugan ng buhay?
Iba ba ang kahulugan nito sa kahulugan ng iba?
Para kasi sa akin, ang buhay ay hiram lamang na nakatakdang bawiin kapag oras mo na. Walang saktong oras o panahon, walang sino man ang makakapagsabi kung anong mangyayari sa ating buhay.
Buhay - isang salita na sobrang lalim ng kahulugan para sa bawat tao. Hindi natin ito hawak pero tayo ang masusunod. It's how you connect to people and learn to live on your own and design your own life. Ngunit gayun pa man, lahat tayo lumalaban at kinakaharap ang ating bukas para mabuhay... para man sa sarili natin o sa taong mahal natin.
Pero may tama bang paraan para diktahan ang buhay? Iyong masasabi mo na tama ang ginagawa mo. Kaya mo pa at lalaban pa para sa iyong kinabukasan. Iyong tipong pasan mo na ang mundo, lumalaban ka pa rin.
Hindi ko alam ang sagot sa tanong ko dahil go with the flow lang ako sa buhay ko. No thrill. No excitement. Nabubuhay lang ako kasi sa tingin ko iyong ang purpose ko. Tumulong magbigay ng carbon dioxide sa mundo at dumagdag sa populasyon at maging isang anak, na walang problemang dinudulot sa kanilang magulang.
But is it enough?
Tumingin ako sa isang lumang gusali na naging imbakan na lang. Mataas ito at talaga namang nakakalulang tignan. Hindi ko na pinatagal ang tingin ko doon dahil may pupuntahan pa ako. Hindi ko rin kayang magtagal doon dahil sa alaalang naglalaro sa isipan ko. Wala akong makukuha na maganda sa pagtitig sa gusaling iyon. Puro masasakit na alaala lang ang naiwan doon.
I feel like I was fluctuating while I was walking going back home. Dalawang araw na rin ang nakakalipas simula nang kumalat ang balita sa buong bayan... nakakagimbal na balita. Unang pagkakataon na may nangyaring ganun sa aming bayan.
Naging matunog ito sa buong bayan at pati na rin sa social media. Kaya naman kung ano-anong komento ang maririnig sa lugar namin.
"Nagpakamatay daw 'yong anak nun."
"Maryosep! Kabata-bata pa!"
"Hindi! Ang sabi aksidente daw."
"Baka sinabi lang na aksidente pero hindi talaga. Wala naman kasing nakakita."
"Sinayang lang 'yong buhay niya kung gan'on. Ang daming taong ayaw mamatay e."
"Matalino't may itsura pa naman, sayang. Hindi mo talaga masasabi kung anong nangyayari."
Napapailing na lang ako at pilit na hindi pinapakinggan ang mga sinasabi nila. Hanggang ngayon may mga palihim pa rin na nagsasalita tungk sa nangyari. Hindi ko alam kung bakit kinukombinse ko ang sarili kong hindi sila paniwalaan. Hindi man lang sumagi sa akin na totoo ang lahat. It never sinks in as I tried to let it go. It hurst though.
I was still looking for a strength to let it go... to let him go.
Kahit hindi ko naman kaano-ano ang dahilan kung bakit siya nagpakamatay ngunit mabigat sa loob ko ang nangyari. Hindi rin naman kami magkaibigan pero nakakairita lang itong mga taong dada nang dada. Kung ano-ano ang mga salitang binibitawan nila para sa taong piniling umalis sa mundong hindi naman mapayapa.
Sa loob din ng dalawang araw, iyong lang din ang paulit-ulit kong naririnig mula sa mga taong nakakaalam ng balita kahit hindi naman talaga nila siya lubisang kilala. Kahit ako aminado akong hindi ko pa siya lubos na kilala kahit na nakatira lang kami sa iisang barangay. Pero aminado naman akong wala akong halos na kakilala sa barangay namin kasi hindi naman ako lumalabas, bilang lang ata sa daliri ko ang mga taong kilala ko dito sa amin.
It was already two days since my mind and emotions were crumbling and unstable.
I was affected by the tragic death even though he didn't even know that I exist in this world. I know him by his name pero sadly, hindi niya din ata ako kilala kahit sa pangalan ko lang. May pader sa mundo namang dalawa at wala kaming rason para tibagin ito. Nabubuhay kami sa sarili naming mundo at mapagtatanto mo na lang naman ang buhay ng isang tao kapag may nangyari sa kanila... katulad ngayon.
We didn't even know the real reason behind that accident. No witnesses and no evidence of murder, which is why that reason they simple concluded that he took his own life. Tanging gwardya ang nakakita sa katawan ni Akiro, sa lumang warehouse malapit sa school namin.
Tulad ng sabi ko, walang nakakita pero matunog ang bulong-bulungan na nagpakamatay siya. Hindi naman din masisisi na ganoon ang isipin ng mga tao dahil wala ngang nakakita at walang kahit anong ebidensya na nagpapatunay na may foul play sa nangyari. There was just blood coming out from his body and the judgement of the society.
I gritted my teeth as I looked at my reflection in the mirror. Kaagad din akong umalis doon dahil bigla akong natakot dahil inalala ko ang pangalan niya. Lumabas ako ng kwarto at pumunta sa kusina para maghanda ng pagkain ko.
Akiro Miguel Sato...
Magkaklase kami ni Akiro kaya alam ko ang pangalan niya pero never kaming nagkausap man lang. Lalo pa't transferee lang siya nung grade 10 kami at kakasimula pa lang din ulit ng klase ngayong senior high. They find Akiro as a loner person. They were people who tried to approach him but he seems so distant. Malayo siya sa mga tao sa hindi malaman na kadahilanan. Kaya kalaunan, wala na rin siyang naging kaibigan, iyon ang sabi nila at iyon ang nakikita ng lahat.
Actually, wala naman talaga akong problema kung ganoon siya kasi baka personality niya na talaga 'yon. Minsan kasi sobrang draining ang nakihalubilo lalo na kung hindi ka sanay. Tsaka isa pa hindi naman gaano siyang napapansin. Not until na kumalat na 'yong balita. As I said, he's known as being loner. Hindi ko alam kung nabu-bully siya in or outside ng school kasi kapag tumunog na ang bell mabilis din itong umaalis ng room, laging uwing-uwi.
I am an introvert person but I know naman kung paano makisama sa ibang tao at paano sa kanila humarap. Pero minsan mapayapa ako kapag mapag-isa. Madalas doon ako masaya... iyong mag-isa lang. Walang ibang tao at wala kang ibang iniisip. Hindi ko naman naiisip na malungkot ako, nagiging payapa lang talaga ang mundo ko. Sanay din naman kasi akong mag-isa, maliwanag man o madilim.
Pero ngayong mag-isa ako, ginagapangan ako ng kalungkutan at takot. Kalungkutan para sa nangyari at takot para sa buhay ko.
Niligpit ko na ang pinagkainan ko dahil wala na naman akong gana pero baka hindi lang masarap ang luto ko. Kanina pa pala ako nakatitig sa pagkain ko at halos wala pa itong bawas.
I sighed.
May narinig pa akong kwento galing sa Dad ko.
Dati daw ay patagong pumapasok sa gusali si Akiro, lagi daw itong pumupunta para tumambay doon kaya kalaunan, hinayaan na lang din siya na tumambay doon dahil wala naman daw na ginagawang kakaiba si Akiro, iyon ang testimonya ng gwardya. He even described Akiro as a bright child who always greets him and has a smile on his face whenever Akiro went there. Malayong-malayo sa pagkakakilala ng iilan... pati ako. That was the reason they easily report that it was suicide and no more further investigation was needed.
Case closed.
I got irritated thinking about that; I felt like he deserved justice. I know in this world, Akiro wasn't the only one. There might be a hundred people who are suffering silently. We don't have any rights to judge them. And I stand in my opinion that they indeed deserve justice.
Pero hindi ko alam kung paano. Hindi ko nga alam ang rason eh.
Since it was already late, I decided to wear my black long sleeve dress na hindi aabot sa tuhod and paired it with beige flat sandals.
Papunta ako ngayon sa bahay nila. Tulad ng sabi ko, hindi kami close pero dahil sa magkaklase kami at kakilala ni Papa ang pamilya nila, inutusan akong pumunta ngayon sa kanila. Gusto ko din namang pumunta pero hindi ko alam kung paanong haharap sa pamilya niya.
Anong sasabihin ko? Anong magiging reaksyon ko? Naisapan kong magpasama kay sa best friend ko na si Kate pero takot siyang makakita ng bangkay dahil napapanaginipan niya ang itsura kaya hindi ko na siya pinilit.
I'm not scared of dead people or death. I'm scared how I would live my life and eventually, how I would die and that I would be satisfied with my life.
Inalis ko muna ang nga iniisip ko at kaagad na rin akong umalis at tumungo doon.
Sa bahay lang din nila ang burol. Walang mga nagsusugal sa labas, hindi tulad ng nakasanay na burol. Tahimik lang ang bahay at wala na ding mga tao dahil siguro gabi na rin naman. Pagkapasok ko sa loob naabutan ko ang isang ginang na may suot na itim na damit at yakap-yakap ang isang picture habang umiiyak. Malamang larawan 'yon ni Akiro.
Nangilid ang luha ko habang pinagmamasdan ko ang ganoong senaryo pero pinigilan ko lang. Sumakit din ng kaunti ang lalamunan ko kakapigil sa umaapaw na emosyon.
I clears throat. "Excuse po," naiilang kong sabi.
I don't know what kind of word to say to console his mother. Yayakapin ko na lang ba bigla? Aaluin ko ba ang likod? Anong mga salita ang magpapagaan sa loob ng isang taong nawalan ng mahal sa buhay? Sa tingin ko wala naman. Walang salita na makakapag-alis ng sakit lalo pa't hindi mo gustong mawala ang tao na 'yon. You just watch the person disappear and try to let it go. Muli akong nagsalita at sa tingin ko hindi niya ako narinig. She didn't even move or say anything for a response.
Nilapag ko ang bulaklak sa ilalim ng kabaong. May dalawang malaking bulaklak na din sa magkabilang gilid at may malaking picture niya na sasalubong sa'yo pagpasok mo ng bahay nila. Nakasarado ang kabaong niya dahil sa malalang tinano ng ulo niya nung nahulog siya mula sa building. Hindi ko rin gustong makita ang mukha niya dahil natatakot ako baka hindi ako makatulog dahil lagi kong maaalala ang itsura niya. At ang kinakatakot ko din baka biglang dumilat ang mata niya. Alam kong dapat hindi ako nag-iisip ng mga gano'ng kalokohan pero nadadala ako ng takot. Alam kong sinabi kong hindi ako takot sa patay, pero iba siya.
Lalo na't siya ang nandoon!
I took a seat on a couch, watching his mom weeping while staring at the closed casket. She wiped her tears and sobbed with a bit of a sad smile form on her face then looked around on her place. When her eyes met mine, she got shocked like she didn't even really notice my presence. Kahit na lumapit ako kanina sa gilid nung naglagay ako ng bulaklak. Her tears blinded her vision. I understood her tears.
Napatayo ako at magalang na yumuko sa kanya. "Condolences po," I said and then she forced a smile in reply. Hindi niya alam kung anong sasabihin sa akin. Kung ano ang gagawin.
I understand all of her actions though. Hindi ko nga alam kung kayang ko bang ngumiti sa ganitong sitwasyon. Ayoko ng pangarapin pa. Wala namang may gusto nito.
Namamaga ang mga mata nito at namumula na alam mo nang wala itong tigil sa pag-iyak.
"Ikaw ba 'yong anak ni Gen. Cantinar?" tanong niya.
"Opo." I weakly smiled to her. "Nauna lang po ako pero papunta na din sila."
She just smiled again as she examined me. It makes me feel guilty that I couldn't move my mouth to speak. I don't know what to tell her. I am not good at consoling people.
"Close ba kayo ng anak ko?"
Natitilan ako at mariing pinaghawakan ang kamay ko para hindi mapansin kaba ko. Ang hirap naman ng tanong niya.
Napalingon ako sa masayang larawan ni Akiro bago binalik ang tingin sa Mama niya. I just notice na ang nakuha lang ni Akiro sa Mama niya ay ang ilong nito. Her nose is narrowed and pointed. Nakakainggit. Hindi gaanong pointed ang ilong ko pero bagay naman sa akin. Wala na akong reklamo doon pero nakakaingit ang ilong ng Mama niya.
I fidget my fingers. "Hindi po gaano kahit na magkaklase kami," nahihiya kong sabi.
Sa totoo lang hindi nga gaano e. Hindi talaga kami close o kahit magkausap man lang kahit na magkaklase kami sa lahat ng subjects plus magkalapit bahay pa. Iyong tipong kahit sana magbabatian man lang o kaya magngingitiian kapag nagkasalubong pero walang gano'ng ganap. No interaction at all. It indeed supports my theory that I didn't exist in his life. He doesn't know about me nor I am to him. Lahat ng iyon walang masyadong halaga sa akin maliban ngayong gabi.
My heart clenched as the guilt raged on me.
Aminado akong ngayon lang ako naging curious sa pagkatao niya.
"Gan'on ba. Masyado kasing tahimik 'tong si Akiro e," she said then her eyes got watery again. "Hindi ko alam na aabot sa ganito..." hindi niya naituloy ang sasabihin niya nang muli na naman siyang umiyak.
Nataranta ako at napalapit para tapikin ang kanyang likod. Is this right? Sana dumating na ang parents ko.
Walang nag-aasam na aabot sa ganito ang lahat.
Napatingin ulit ako sa larawan ni Akiro habang inaalo ang Mommy niya. Iniisip ko kung kailan kinuhanan ang picture na 'yon dahil halata sa kanya na masaya siya. Hindi tulad ng pagkakakilala namin. Parang isang bagong Akiro tulad ng pagkakakilala ng gwardya doon sa lumang warehouse.
He seemed to be a quiet and serious person. I guess it was his personality. But now, I was thinking that he has a reason for being like that. Unfortunately, we won't have a chance to know his reason anymore. Alam kong hindi naman dapat ako manghimasok pero concern lang naman ako. Sobrang sakit lang na kailangang maging ganito ang lahat.
Huli na ang lahat.
Ang tanging magagawa na lang namin ay ang alalahanin ang mga ala-alang iniwan ni Akiro. Wala ako masyadong maaalala sa kanya dahil hindi naman kami close.
Kumirot ang puso ko nang mapagtanto na hindi ko man lang nabigyan ng pagkakataon ang aking sarili na makilala siya.
Muling sumagi sa aking isipan ang journal ko na hindi ko na masyadong nasusulatan. I've been writing for almost half years of my existence. Kaya lang tumigil na rin ako. Ayokong maalala pa ang ilan sa mga nangyari. Naubusan ako ng lakas para isulat ang buhay ko.
Aug 07
It was sunny day but not too hot. Sabay kaming pumasok ni Kate, iyon naman lagi ang ganap namin lalo na kapag unang araw ng klase namin. Lagi pa niyang sinasabi na dapat daw pa-mysterious ang character namin para maging interesado ang mga kaklase namin. Iyong tipong tahimik at walang emosyon. I laughed at her idea. It was ridiculous as if magagampanan talaga namin lalo na siya dahil sa madaldal siya. Kaya hindi ko alam kung sasang-ayon ba ako sa kanya dahil puro kalokohan lang ang kukuha ko kay Kate. But I love her though. She's my best friend and we swore to ourselves that we will remain best of friends until we grow old.
Until forever.
Nung araw na ring iyon, nilibre din kami ni Kiefer ng japanese cake sa labas ng school bago tuluyang pumasok sa loob.
May napansin akong isang lalaki. Sa pagkakaalam ko kaklase namin siya at medyo weird daw dahil laging wala ang atensyon niya sa klase at sobrang tahimik na ayaw talagang makihalubilo. Naabutan pa siyang laging natutulog sa klase o kaya may earphone. Not sure kung sinasadya niya ba o pagod siya. Pasok sa description ni Kate ang balak niyang gawin sa first day of school. Well, baka ganun lang din ang trip nung lalaki kaya hindi ko na pinansin. Pero ayon sa mga nakakakilala, ganun daw talaga 'yon.
I think his name was Akiro. Ang hirap makalapit sa kanya kasi ramdam mo na may wall sa pagitan niyo. He wasn't invisible but he was trying to be invisible and as much as possible, unnoticed. Iyon kaagad ang napansin ko dahil hindi ni isa hindi ko siya nakitang makipag-usap. Pinanagutan ang pagiging misteryoso. Hindi ko rin naman inisip na maging kaibigan siya pero sinubukan kong lumapit pero wala rin. Dedma at hindi man lang ako tiningnan. Lagi rin naman siyang umaalis kaagad at hindi interesadong makipag-usap kahit kanino.
First day and I was elected as class president. Hindi ko alam kung trip lang ba ng mga kaklase ko since ako naman din nung junior high school kami. Wala na rin akong reklamo dahil sa tingin ko iyon ang paraan para mapalapit ako sa lahat ng kaklase ko lalo na sa mga bago. Isa pa, paraan ko rin iyon para may magawa naman at tumagal sa school kaysa sa bahay na lagi akong mag-isa.
Niyaya ako ni Kiefer na lumabas kaninang hapon pagkatapos ng klase. Sumama ako pati na rin si Kate pero hindi rin siya nagtagal dahil may pinuntahan siya. Kami lang ni Kiefer ang magkasama at nanood pa ako ng practice niya. Hindi ko alam kung bakit gusto niya akong manood, wala naman akong alam sa basketball.
And as usual, nilibre niya ulit ako ng pagkain. My favorite japanese cake. Hindi ako nagsasawa doon. Iyon ang pang-uto niya sa akin at hirap akong tumanggi.
Pauwi na akong mag-isa nang makita ko si Akiro. He's wearing a black shirt, khaki short, and a black cap. May buhat siyang karton at wala akong ideya kung saan niya ito dadalhin. Sinundan ko lang siya ng tingin hanggang sa mawala na siya ulit.
I actually want to talk to him. Kaya lang kahit isang sulyap lang mula sa kanya, hindi man lang niya ginagawa. Wala pa nga akong nakitang kinausap niya sa klase. Tingin ko wala siyang kaibigan. I don't know. There's no pity in me but I was curious about him. But I know curiosity could kill a cat. So, I stop for now and maybe I got a chance tomorrow.
Nagpatuloy na ako sa paglalakad hanggang sa makauwi ako sa amin.
Wala namang espesyal sa araw ko. And I'm not be able to active writing my daily life. I'm sorry journal at baka mag-isa ka na lang muna. Medyo abala kasi ako sa pag-aaksaya ng oras ko at tinatamad na rin akong magsulat but don't worry, babalik ako kung kailan feeling ko dapat isulat ang nangyari.
Wala kasing bago hehehe.
I still don't know what my purpose in life is.
But I take a step away to know it. I won't stop. I promise it.

Bình Luận Sách (36)

  • avatar
    MJ Abad

    so cutee 🥺

    4d

      0
  • avatar
    Lanie Peratir

    sobrang Ganda nice

    18/08

      0
  • avatar
    Jonna Molinos Verzosa

    oo hhh

    15/07

      0
  • Xem tất cả

Các chương liên quan

Chương mới nhất