logo text
Thêm vào thư viện
logo
logo-text

Tải xuống cuốn sách này trong ứng dụng

Kabanata 5

❝Tambayan❞
It was been a peaceful night. Nasa ikalawanag palapag ng bahay ang kwarto ko the same with ate and Nanay na madadaanan lang. Maaga akong natulog pagkatapos tumawag ni Cairo sa 'kin. Siya nang tumawag dahil busy raw si Mom and Dad and guess what? Only to piss me, kaya raw 'di tumawag si Mom dahil 'di nila ako namimiss. Gumana naman dahil nainis agad ako.
Before I sleep, I arranged my things to its every respective places. Nanay insist to help but I didn't let her kase hindi na niya ako kailangang tulungan sa lahat ng oras at isa pa, rest niya nga 'di ba?
Inilibot ko ang paningin sa buong kwarto. Hindi man ganito kalake ang kwarto ko sa Manila, maganda pa rin naman. Isang kama, huge oak cabinet, a human size mirror and a study table on my bed side. May sarili rin akong banyo. Old rose ang kulay ng walls that makes it so womanly. May accent iyon ng white sa bawat corners niya kaya malinis at magandang tingnan.
Nang kumain naman kami sa hapag ay masarap ang mga pagkain. Adobo, Kaldereta and a dish na hindi ako masyadong pamilyar, basta may jackfruit na parang ginataan. Ginataang langka raw ang tawag du'n.
Malay ko ba? I usually eat meat and chicken in the house. Pero pag si Mommy ang nagluluto ay vegetables naman. Only Dad has the mercy to cook us fats.
Nagising ako sa sinag ng araw nang sumunod na umaga. Parang nakaka panibago lang dahil walang gumising sa 'kin, or atleast si Nanay. Sa bahay kase kung hindi si Mommy, si Daddy ang gumigising sa akin with a kiss on my cheeks. Pero ngayon, walang gumising, wala ring nagkiss.
Napabuntong hininga ako. I miss them.
Dali dali akong bumangon at hinanap ang cellphone ko. I suddenly feel so home sick. Parang gusto ko ng umuwi bigla sa realization.
"Hello mommy?" I exclaimed as she answered the call. I heard her chuckled on the other line kaya na inis lang ako. 
"Hmm, honey? How was the first day there?" she asked happily.
"It's okay naman po, but... Mommy! I really miss you. Si daddy rin. Umuwi na lang kaya kayo?" ani ko.
Sobrang miss ko na sila, I just realized it now. Tatlong araw pa lang.
Mommy chuckled. "Honey, magdadalawang araw palang kami rito, pauuwiin mo na kami? May 363 days pa ngang natira." Natatawang ani niya. 
Ngumuso ako. "But I badly miss you na, Mom. Sunduin n'yo na lang kaya ako rito." Pagmamaktol ko. I crossed my arms and waited for her reply.
"Ang prinsesa ko talaga, oh. Kaya mo 'yan! Lumabas ka kase para hindi ka mainip." Natatawang sambit niya. 
"Paano ako lalabas, wala naman akong kakilala rito." I said lowly. Bumuntong hininga ako at tumingala sa kisame.
Mom chuckled again. "You're seventeen now, makipaghalubilo ka naman sa iba ja'n." Naririnig ko ang paglakad niya na lumilikha ng tunog.
Nasa companya siya ngayon? Siguro.
"Apat na linggo nalang at magsisimula na ang klase kaya paniguradong hindi ka na maiinip diyan."
Suminghap ako sa hawalan. "That's also the reason why I am emoting right now. I miss you so much. You and dad. I think I can't bare living my life here for one year." Ani ko at naiiyak na pero nagawa pang magexaggerate sa huli.
Hindi naman talaga ako mamamatay. Hindi ko lang talaga maimagine sarili ko rito siguro dahil wala pa akong kaibigan at wala ring nagagawa.
"Oh my god! Are you crying right now? Hushh, kakausapin ko si Nanay para hindi kana ma-home sick at umiyak. Stop crying na, honey." Tahan niya sa akin. I know she cares a lot to me pero parang ayaw ko na rito.
Napakagat ako ng ibabang labi.
Tingnan mo ang ginagaw mo, Shaira. Pati sa ka artehan mo, dinadamay mo pa sila. You're so immature.
Mariin akong pumikit dahil nadala na naman ako ng bugso ng damdamin ko.
"Just think that this will be your challenge, honey. Darating din naman ang araw na mawawalay kayo sa 'min ng kakambal mo kaya mainam na bata ka palang ay maranasan mo na para himdi ka palaging nahohome sick. Fight your fear. Face it." My mother cheered me up.
Ito kase ang unang beses na nawalay ako sa tabi nila. Bigla ko tuloy pinagsisihan ang pagiging matigas ng ulo ko noon.
"Nag-aalala ako sa 'yong bata ka. Stop crying..." Mom said in a very soft voice that could make me calm. Unti-unting kumalma ang kalamnan ko.
I hate myself! Tama si mommy. Ang tanda ko na pero ang iyakin ko pa rin. Dagdag stress na naman nila ako nito.
"Stop na mahal ko. 'Pag nalaman ng Daddy mong umiiyak ka baka hindi maka focus 'yun sa ginagawa. I promise you, 'pag nakaya mo ang challenge namin sa 'yo, lahat ng gusto mo ibibigay namin namin." 
"Talaga?" tanong ko nalang at pinunasan ng lumuluhang mga mata. 
"S'yempre naman. Kailan ba kami pumalya sa pagbigay ng mga gusto mo? Alam mo namang gagawin namin lahat basta para sa 'yo hindi ba? Kaya do a good job there. Okay honey?" aniya. Nagdadalawang isip pa ako kung anong isasagot ko. Hanggang sa umawang lang 'yung at walang naibugang salita.
And I have no choice. Kaya susundin ko nalang siguro ang challenge ni Mommy at may prize pagdating nila. 
It will be a good diversion. Siguro magiging masaya rin ako rito.
"Okay, Mom,"
"That's my baby! namimiss ka na rin namin. By the way hindi mo ba namimiss ang kambal mo?" natatawang tanong niya. Parang alam ang sagot.
"Ofcourse, I did, mom. Huwag mo lang sabihin sa kaniya baka kase inisin na naman ako." Pangatwiran ko.
I miss that bulldog too! Siya lang kaya ang nagpapasaya sa 'kin although parati niya rin kong iniinis.
Mommy laughed. Sa kabilang linya ay may mga bumabating tao sa kaniya. She greeted them back. She's busy. Baka nakakadisturbo na ako sa kaniya.
"Princess... you need to go downstairs and eat. I know you haven't eat some. Tumawag ka ba dahil walang gumising sa 'yo?" mapanuya niyang tanong sa akin. She's really our Mother. Mapang-inis din, katulad ni Cairo.
So why bother self?
"Do we have a deal honey?"
"Of course, Mom. Oo na, kakain na ako at kakayanin ko ang isang taon dito... so please dalian n'yo riyan, I miss you three!"
"Aww, so sweet, me too, honey! I love you so much!" aniya. Mukhang naka pasok na siya sa opisina at magsisimula nang magtrabaho.
"Goodbye," matamlay na paalam ko. 
"Take care always, okay? Goodbye," wika niya sa kabilang linya at pinatay na ang tawag. 
Tamad akong bumababa at naabutang naghahanda na si Nanay ng pagkain sa hapag. Si Ate Abby naman ay galing sa labas na may kung anong ginawa. 
After our breakfast ay naligo na ako at bumaba rin ulit para malibang. Naka suot ako ng oversize Grey T-shirt at pinarisan ko ng denim shorts. Binunghay ko lang ang buhok ko. 
Pagkababa ko ay naabutan ko si nanay sa labas ng bahay. Nag didilig ng halaman. 
"Kumusta ang unang gabi?" tanong niya sa akin kahit na naka talikod. 
"Okay lang naman po, 'nay." Magalang kong sagot sa kaniya. Lumapit ako sa kan'ya para matingnan sa malapitan ang mga tanim niyang bulaklak. 
"Mabuti naman kung ganu'n," sumingkit ang mata niya sa pagngiti.
"Tulungan na po kita." Alok ko sa kaniya ngunit umiling s'ya.
"Ako na anak, mabuti pa at magpahangin kana muna para 'di ka mabagot. Bukas pa kayo gagala ni Ate mo 'di ba?" tanong niya sa 'kin. 
"Opo, pero saan naman ako pupunta?" tanong ko sa kaniya at napa tingin sa paligid. 
Pagkalabas mo ng gate ay kalsada na, sa harapan ng bahay ni nanay ay ang waiting shed, sa likuran nito ay ang mga palayan na puno ng mga nag-gigintuang palay. Maganda ang tanawin dahil makikita mo mula dito ang grupo ng mga bundok, ang mga windmills ay abot tanaw rin dito, pati 'yung daan kahapon.
"Nay, 'yan ba ang dinaanan natin kahapon?" tanong ko sa kaniya.
Tumango naman siya.
"Lumabas kana muna at wilihin ang sarili mo, umaga pa naman." Ani niya. 
"Try ko lang po." Sagot ko at lumabas ng gate. 
Pagkalabas ko ng gate ay bumungad sa 'kin ang linya-linyang kabahayan at ang magagandang tanawin na dinagdagan pa ng magagandang punong kahoy. 
Maaliwalas ang paligid, maririnig mo rin ang mga tilaok ng mga manok. Merong iilan na naglalakad sa daan, yung iba ay naka tambay sa upuan sa ilalim ng mga puno at 'yung iba rin ay nagkakape.
Nagsimula akong maglakad patungo sa kung saan. Habang naglalakad ay naagaw ko ang atensyon ng mga naka upo sa upuan sa gilid ng daan, yung mga bata na naglalaro sa sementong daan ay napatingin din. 
"Magandang umaga po." Nahihiyang bati ko sa kanila. Sa paraan ng tingin nila ay parang mangangain na kung ano. Kaya uunahan ko na sila para hindi masama ang isipin nila sa'kin. 
"Magandang umaga rin sa 'yo." Masayang bati ng isang ginang.
"Dayo ka ba rito, Ija?" tanong ng isang nasa mid 40's na lalake. Magalang akong tumango bilang sagot ko. 
"Ah, kaya pala bago ang mukha mo, saan ka tumutuloy?" tanong nito.
"Kay Nanay Taling po." Tugon ko. 
"Ah, kay Aling taling?" 
"Opo, alaga niya po ako," ani ko at ngumiti sa kanila. Pati ang iba ay nakikinig narin. Ganito ba talaga 'pag bago kang salta rito? Pero mukha naman silang mababait. 
"Saan ka patungo, ija?" tanong ng isang lola. 
"Gumagala lang po, sabi kase ni nanay lumabas labas din ako." Nahihiyang sagot ko. Marahanan akong yumuko dahil sa hiya. Kalauna'y umangat din ang tingin.
"Oh s'ya, malapit lang dito ang Plaza, kung gusto mo ng magandang tanawin, tumungo ka roon." Ani ng matanda. 
"Sige po," pasalamat ko at bago lumakad muli, nilingon ko si lola.
"Salamat po, lola," magalang na ani ko at nagpatuloy na sa paglalakad.
I silently walk beside the peaceful road. Wala kaseng masyadong dumadaang sasakyan.
"Oy! 'Di ba ikaw yung kahapon?" 
a girl voice suddenly appeared.
Sa gulat ko ay napa lingon ako at nakita 'yung Jeha ang pangalan, 'yung babae kahapon. Basa ang buhok nito, halatang bagong paligo. Nanggaling yata siya sa bagong bukas na restaurant.
I smiled at her.
"Gumagala?" tanong niya.
"Oo," nahihiyang sagot ko.
Pagak siyang lumapit sa akin habang nasa bulsa ng shorts ang kamay.
"Mabuti at nakita kita, boring talaga kapag sa bahay ka kaya mabuting lumabas ka." Pangatwiran niya. 
"Ako nga pala si Jeha, ikaw?" tanong niya at inilahad ang kamay. Hinintay niyang sumagot ako.
"Shaira," sagot ko at tinanggap ang kamay niya. 
"Hmm, Shaira. Ang cute naman ng pangalan mo." Ani niya. "Nice meeting you." Dugtong pa. 
"Halika rito, doon tayo sa tambayan namin." Ani niya at walang pasabing hinatak ang kamay ko. 
"Saan tayo pupunta?" tanong ko sa kaniya habang panay ang takbo naming dalawa. Ang ibang nasa labas ng mga bahay nila ay napapalingon na sa amin. 
"Sa Tambayan namin." Ulit niya at tumigil na. 
Sa palagay ko ay nasa hindi rin kalayuan lang ang plaza, akala ko ru'n kami hihinto pero 'di pa kami nakaka rating do'n ay tumigil na siya. 
Mula sa kaniya ay nalipat ang paningin ko sa paligid. Isang open space sa gitna ng kabahayan. May isang kahoy na nakalibing sa gitna ng open space na iyon at may basketball ring na bigla nalang may pumasok na bola. 
"Tadaa!" masayang gulat niya sa 'kin. 
'Yung magkaka grupo kahapon na nakita ko ay nagbabasketball ngayon, at dumami pa yata sila ngayon. Marami ring kababaihan na naka upo sa mga maliliit na tindahan at chini-cheer up ang mga naglalaro. 
Maraming tao ngayon kaya nahiya ako sa kadahilanang hindi pa ako sanay sa lugar.
"Go Gideon!" cheer ng isang babae. 
Automatikong napako ang tingin ko sa mga pares ng madidilim na mga mata, hubad na katawan at ang supladong mukha ng taong kinaiinisan ko mula kahapon. 
"Tabi!" 
Ngunit sa pagiisip kung 'yun ay hindi ko magalaw ang aking katawan sa sobrang gulat nang bigla nalang may rumaragasang bola patungo sa akin.

Bình Luận Sách (26)

  • avatar
    Felmar Ramos Cayasa

    good

    5d

      0
  • avatar
    OgrimanZenaida

    ok very nice

    16d

      0
  • avatar
    MijaresClaudine

    hhu

    21/07

      0
  • Xem tất cả

Các chương liên quan

Chương mới nhất