logo text
Thêm vào thư viện
logo
logo-text

Tải xuống cuốn sách này trong ứng dụng

Chapter 6

Nakahiga ako at nakatingin sa kisame habang iniisip ang mga sinabi sa akin ni Laarni. Nandito ako ngayon sa aking kuwarto at nagpapahinga. Pagkatapos kasi ng pag-uusap namin ni Laarni, nag-aya siya na mag-Mall.

Dahil ginabi kami kaka-shopping ay nagpasiya si Laarni na mag-sleepover na lang sa amin. Nasa baba siya ngayon at tinutulungan si Mom na maghanda ng dinner. At heto ako, nakahiga lang pagkatapos kong mag-shower at magpalit ng damit, iniisip ang mga bagay-bagay.

I sighed. Hindi ko talaga alam kung ano ang dapat kong gagawin. Ilang araw ko na ring iniiwisan si Frat pero, ‘di ko alam kung napapansin niya iyon kasi nasa tabi niya naman lagi si Wina at masyado siyang busy sa practice nila sa tennis.

“Faith? Kain na tayo sa baba,” bungad na sabi ni Laarni pagkapasok sa kuwarto. Nginitan ko naman siya at tumayo na sa kama.

“Ano palang ulam?”

“Menudo, adobo, tapos pinakbet.”

“Ah.”

Tumango ako at sumabay na sa kanya sa paglalakad. Pagkababa ko naman ay bumungad sa akin sina Mom at Dad na nakaupo na sa hapag.

“Kumusta ang school, Faith?” tanong ni Dad.

Ngumiti ako kay Dad at nagmano. “Ayos lang po, Dad. Wala po kayong work ngayon?” tanong ko at umupo sa harap ni Dad habang si Laarni naman ay umupo sa tabi ko.

My Dad, Lucas Santillan is a doctor from Lorenzo’s Hospital, pagmamay-ari ng Dad ni Frat. Isa siya roong surgeon. Habang ang Mom ko naman na si Samantha Santillan ay isang scriptwriter sa kilalang TV station dito sa bansa.

“Umuwi lang ako saglit pero, babalik din ako kaagad. Naiwan ko kasi ang phone ko, itong Mom mo naman, hindi man lang ch-in-eck,” reklamo ni Dad sa Mom ko.

“Kasalanan ko, Lucas? Alam mo namang busy ako sa trabaho ko,” pagtatanggol ni Mom sa sarili.

Heto na naman sila. Nagbuntong-hininga ako. Minsan, hindi ko talaga ma-gets kung paano name-maintain ng parents ko relationship nila kahit pa busy sila sa work at kung may time naman, madalas ko silang naabutang magtalo.

Ganoon ba talaga kapag mag-asawa? O sadyang, weird lang ang parents ko at walang magpapatalo kahit maliit na bagay ang pinag-aawayan?

“Huwag na po kayong magtalo, Mom, Dad. Nakakahiya kay Laarni,” pag-aawat ko.
Ngumiti naman sa akin si Mom at tumango, ganoon din ang ginawa ni Dad.

“Pasensya na, Laarni. Kumusta na pala ang parents mo?” tanong ni Dad.

“Ayos lang naman po,” magalang na tugon ni Laarni. Kung nasa ibang sitwasyon siguro kami ngayon ay baka mapangiti ako at tumawa dahil hindi ako sanay na magalang si Laarni.

“Kumusta ang business n’yo—

Tiningnan ko si Dad at hindi na siya pinatapos sa sasabihin niya. “Dad, p’wedeng kumain na lang po muna tayo? Mamaya na lang natin pag-usapan iyang ganyan?”

Tumikhim naman si Dad at tumawa nang pilit. “All right! Kumain na lang nga tayo.”

“Kain kayo nang marami. Kung kulang ka pa ng kanin, Laarni. Sabihin mo lang, mayroon pa roon,” ani Mom.

“Sige po, Tita.”

***

Nang matapos kami kumain ay tinulungan ako ni Laarni sa paghugas ng pinggan sa kusina. Si Mom naman ay bumalik na sa study room niya para tapusin ang script na sinusulat niya habang si Dad naman ay umalis na rin para pumunta sa trabaho.

“Ang busy ng parents mo ‘no?” sabi sa akin ni Laarni habang nagbabanlaw ng plato.

Kinuha ko naman ang mga natapos niyang hugasin at pinunasan ito at inilagay sa lalagyan. “Ah, oo. “

“Faith, curious lang ako, anong nagustuhan mo kay Frat?”

Saglit akong napahinto sa ginagawa ko—pagpupunas sa mga hinugasan ni Laarni—at nang makabawi ay ngumiti ako at ipinagpatuloy ang ginagawa.

“Kailangan ba may dahilan para masabing gusto mo ang isang tao?” pag-uulit ko sa sinabi ni Frat noong nasa lobby kami.

Natawa naman nang mahina si Laarni at napailing. “Ang corny ng tao ‘pag in love, ‘no?”

“Na-in love ka na naman a? Kaya for sure, naranasan mo na ring maging corny,” panunudyo ko sa kanya pero biglang nawala ang ngiti niya sa sinabi ko at yumuko siya. Kinabahan ako bigla dahil doon.

“Hey, Faith, gustong-gusto mo ba talaga si Frat?” seryosong tanong niya.

Napalunok ako. Ba’t parang ang weird yata ngayon ni Laarni? O baka guni-guni ko lang iyon? “Ah, oo? Alam mo naman iyon a?” nakangiting wika ko.

Tumingin naman siya sa akin at nagulat ako nang may makitang tumutulong luha mula sa mga mata nya.

“Ayos ka lang, Laarni?” nag-aalalang tanong ko. Lumapit ako sa kanya at tinapik-tapik nang marahan ang kanyang likod.

May mali ba akong sinabi?

Sa puntong iyon, hindi ko alam kung ano ang dapat kong gawin o sabihin kaya sinunod ko na lang ang instinct ko; niyakap ko siya.

Naramdaman ko naman na niyakap niya ako pabalik. “Faith, gusto mo bang malaman ang sagot kung paano natin malalaman na mahal natin ang isang tao?” tanong niya sa akin sa pagitan nang paghikbi.

Habang naririnig ko ang hikbi niya, parang may dumadagan na mabigat na bagay sa puso ko.

Ba’t pakiramdam ko, ang walang kuwenta kong kaibigan?

Lagi siyang nandiyan para sa akin. Lagi akong sini-save sa tuwing naiipit ako sa isang sitwasyon pero, hindi ko man lang masuklian ang ginagawang iyon.

Alam niya ang problema ko, pero siya, kahit minsan, hindi siya nagsabi ng problema niya sa akin.

Kahit noon pang nag-break sila ni Alfie. Wala akong narinig na kahit ano sa kanya. Hindi siya umiyak sa akin. Kailanman, hindi niya kinuwento kung anong dahilan ng paghihiwalay nila, ganoon din naman si Alfie.

Mapait akong napangiti.

Kaibigan ko ba talaga si Laarni? Ba’t feeling ko, ang layo-layo ko sa kanya? Pakiramdam ko, ang dami ko pang hindi alam tungkol sa kanya.

Marahan akong tumango. “Oo, gusto kong malaman,” aniko, sagot sa tanong ni Laarni.

“Kapag nakita mo siyang nasasaktan, nasasaktan ka nang triple.”

Hindi ko alam kung sino ang tinutukoy ni Laarni pero, alam ko ang ibig sabihin ng sinabi niyang iyon. Alam ko pero, may nagugustuhan ba ngayon Laarni?

Si Alfie kaya ang tinutukoy niya?

Gusto ko sanang magtanong pero, hindi ko na lang ginawa. Hinayaan ko siyang umiyak sa balikat.

Hihintayin ko na lang siguro na mag-open siya sa akin. Ayaw ko naman kasing maghimasok kung alam kong hindi pa siya handa sabihin kung anomang pinagdaraanan niya.

“Shh . . . everything will be fine, Laarni. Kung may problem ka, nandito lang ako. P’wede mo akong pagkuwentuhan,” nasabi ko na lang habang hinahaplos-haplos nang marahan ang kanyang likod.

Sa ngayon kasi, ganoong comfort lang ang kaya kong gawin.

Nang tumigil siya sa pag-iyak ay kumalas na rin siya sa pagkakayakap. “Ah, sorry, ang weird ko ba ngayon?” tanong niya sa akin.

Ngumiti ako at tumango. “Yeah, hindi nga ako sanay. Pero, may problem ka ba?”

Tumawa siya sa sinabi ko at hinampas ako nang mahina sa balikat. “Tange! Wala akong problema. Nadadala lang ako sa ‘yo. Alam mo namang may pagka-empath ako. Kung hindi mo kayang umiyak, ako na lang ang iiyak para sa ‘yo,” natatawang sabi ni Laarni.

Tumawa ako nang mahina at umiling-iling sa sabi niya. “Ikaw nga pala ang iyakin sa ating dalawa, muntik ko nang makalimutan. Akala ko pa naman may mabigat kang problema na ‘di mo sinasabi sa akin! Feeling ko kanina, ang wala kong kuwentang kaibigan kasi hindi ko man lang alam kung may problems ka ba or wala,” mahabang pahayag ko.

“Yieee, ang sweet naman po pala ni Faith,” pang-aasar niya sa akin at sinundot ang tagiliran ko.

Napatawa ako dahil sa ginawa niya. “Baliw, tuloy na nga natin ang ginagawa natin. Ang drama e. Hindi ako sanay.”

Tumango-tango naman si Laarni. “Right, mag-drama na lang tayo kapag sina Frat at Wina na.”

Napasimangot ako sa sinabi ni Laarni na ikinatuwa naman niya.

“Syempre, kung mangyayari iyon, ‘di ba, Faith?”

Hindi ko pinansin ang sinabi niya at bumalik na sa ginagawa ko. “Ewan ko sa ‘yo. Tapusin na natin ito, naantok na ako.”



***

Bình Luận Sách (71)

  • avatar
    GamboaRonaldo

    J o hindi w

    19/04

      0
  • avatar
    Boss Mike Corpuz Valdez

    bossmike

    07/11

      0
  • avatar
    Jake Oliva

    thank you po

    15/10

      0
  • Xem tất cả

Các chương liên quan

Chương mới nhất