logo text
Thêm vào thư viện
logo
logo-text

Tải xuống cuốn sách này trong ứng dụng

Chapter Three

Reese
Hindi ako maaaring magkamali, iyong lalaking nakita ko sa mga billboards ay ito 'yong lalaking anak ni Mr. Vergel.Diyos ko para akong hihimatayin kanina ng masilayan ng personal ang lalaking iyon.Sobrang guwapo niya pala sa personal.Ang makakapal at maiitim nitong mga kilay, ang napakatangos nitong ilong, namumungay ang deep-set nitong gray eyes na may malalantik na pilik, ang napakaganda at perpektong hugis nitong mga labing pinkish, at perfect Jew line lalaking-lalaki talaga itong tingnan idagdag pa ang makisig nitong pangangatawan,hindi ko inaakalang sa kabila ng perfectness ng physical nitong appearance ay may masisilip akong imperfections sa mga inasta nito kanina.
Nakanganga pa rin ako habang pinagmamasdan ang papalayong pinakaguwapong nilalang na nakita ko sa balat ng lupa.Ang boung akala ko ay si Rigor na ang pinakaguwapong lalaking nakita ko pero nagkakamali pala ako.Dahil para itong isang anghel na bumaba sa lupa.
"Anghel? no way!"
Ramdam ko ang palihim nitong panlalait sa akin kanina sa paraan pa lang ng paghagod nito ng tingin sa kabuuan ko idagdag pa ang biglang paghagalpak nito ng tawa habang pinagmamasdan ako.Para tuloy akong matutunaw dahil sa sobrang hiya pero hindi lang ako nagpahalata.
"Pasensiya ka na sa anak kong iyon, masyado lang kasing daming iniisip.Pagod sa trabaho.Alam mo bang nagmamay-ari siya ng malalaki at mamahaling Restaurant Bar here in the philippines at the age of 25?" proud na wika ni Mr.Vergel.
Siya nga talaga ang nakita ko mula sa naglalakihang billboards.Hindi ko tuloy maiwasang manliit sa sarili ko.Ang layo-layo ng estado ng buhay ko kumpara sa mga taong kaharap ngayon.
"Wow!" iyon lang ang tanging nasambit ko.
"Oo dahil sa sobrang busy niyan, nakalimutan nang mag-love life!" natatawang saad ni Dana.
Imposible naman yatang walang love life ang ganoon kagandang lalaki.
"Nandito na ang meryenda!"
Napabaling kaming tatlo sa paparating na si Nanay bitbit nito ang meryenda at maingat na inilapag iyon sa mesa.
"Thanks." wika ni Mr.Vergel.
"Oh nasaan si Drake?" anito ng mapansing wala si Drake sa salang kinaroroonan namin.
Buntong hininga lang ang narinig ko mula kay Mr.Vergel.
"Hayaan na po muna natin, Tita." Ani Dana.
"Nandito tayo para kilalanin itong si Reese,Reese right?" dugtong ni Dana.Tumango lang ako.
"Masaya kami at pinagbigyan mo ang iyong Ina Reese.Alam mo bang miss na miss ka na ng nanay mo?" Ani Mr.Vergel.
"Miss ko na rin po si nanay, ang tagal naming hindi nagkita simula po ng lumuwas siya ng maynila kaya hindi ko na po pinalampas ang pagkakataong ito." Mangiyak-ngiyak kong tugon.Nilapitan ako ni nanay at niyakap.
"At ngayon na nandito ka na, hindi na ako papayag na mawalay ka pa sa akin."
Bigla akong napaangat ng tingin dito dahil sa narinig.Ang usapan lang namin ay dalawang araw lang ako dito pagkatapos ng kasal nito pero bakit iba ang nahihimigan ko.
Nakita kong nagkangiting nagkatinginan si Mr.Vergel at si Nanay.
"Pasensiya ka na, napag-kasunduan na namin ng nanay mo na dito ka na titira."
Nagulat ako sa sinabi ni Mr.Vergel.
"Naku pasensiya na po pero hindi po puwede!" mariin kong tanggi na ikinagulat naman ng tatlo.
"Why?" si Dana.
"Paano si ante Fe? paano ang pag-aaral ko? malapit na ang enrollment sa paaralang gusto kong pasukang sa probinsiya kaya hindi po puwede." mariin ko pa rin na pagtanggi.
"Ako na ang bahala sa pag-aaral mo." seryosong saad ni Mr.Vergel.
"Kung gusto mo, tatawagan ko si Fe para sabihing dito na rin tumira." wika naman ni nanay. Naguluhan tuloy ako at hindi alam ang gagawin.
"Pumayag ka na,Reese.Anong course ba ang kukunin mo?" tanong ni Dana sa akin.
"HRM, first year."
"Wow! Really? oh my goodness! ang mabuti pa Dad, doon na rin natin ipasok si Reese sa papasukan kong eskwelahan," masayang wika ni Dana. "First year din ako.Magka-edad lang din ba tayo?" tanong ni Dana.
"Nineteen years old na ako." tugon ko.
"Pareho pala tayo!" natutuwang saad ni Dana. "Sige na pumayag ka na." pangungulit nito.
"Naku! natitiyak kong mamahalin iyan kaya hindi po ako papayag.Uuwi na lang po ako sa probinsiya."
Biglang nalungkot ang tatlo dahil sa sinabi ko.
"Ayaw mo ba akong makasama,anak?" himig nagtatampong tanong ni Nanay.Naawa naman ako dahil sa ekspresyon ng mukha nito.
"Hindi naman po sa ganoon,nahihiya lang po ako kasi mamahalin po ang eskwelahang iyon natitiyak ko po." marahan kong wika.
"Huwag kang mahiya,Reese.Magiging pamilya mo na rin kami.Mapapangasawa ko ang nanay mo at bilang ka na sa angkan namin." seryosong saad ni Mr.Vergel.
Hindi kapani-paniwalang may mabubuti pa palang puso na natitira sa mga katulad ng mga itong hindi pinagkaitan ng yaman.Karamihan kasi sa mga nakikita ko,kapag mayaman, matapobre mapangmata.Hindi ko inaasahang may mabubuti pa pala sa kanila.
"As what I've said lately, were going to be sisters soon.Magka-edad lang tayo at pareho tayo ng passion.I also want to build my own business katulad ni Kuya Drake." Ani Dana.
So Drake pala pangalan ng guwapong lalaking iyon.
"Ewan ko ba dito sa mga anak ko, may sarili naman akong kumpanya na maaari nilang pagtrabahuhan.Hindi ko alam kung bakit ibang kurso ang kinuha nila.Lalo na itong si Drake.I always encourage him to take business administration para na rin alam niya kung paano patakbuhin ang kumpanya ko pagdating ng panahon." dismayadong saad ni Mr.Vergel.
"Dad, ito po ang gusto namin.Look at Kuya Drake very successful na siya kahit hindi niya sinunod ang gusto mo.Infact, its still related to business." Ani Dana. "Kuya Drake is now popular restaurateur here in the philippines at his young age." dugtong pa nito.
"Yeah, you're right pero gusto kong sa kumpanya kayo magla.."
"Let them be,what they want to be." Putol ni Nanay sa sasabihin ni Mr.Vergel.
" 'Nay umi-english speaking na rin po kayo?" natatawa kong bulong kay Nanay.
"Kailangan anak," anito at bahagyang humalakhak. "Vergel is powerful and sucessfull businessman at kadalasan ang nakakaharap ko ay malalaking tao bilang kaniyang mapapangasawa.Nakakahiya naman kung wala akong alam kahit kaunti," natatawang balik-bulong ni Nanay sa akin.Kahit paano naman ay nakapagtapos si nanay ng highschool.
"Ano ba ang ipinagbubulong-bulungan ninyong dalawa diyan?" natatawang tanong ni Mr.Vergel.
"Wala." tugon ni Nanay.
Pagsapit ng dinner time ay halos malula ako sa dami ng nakahain na pagkain sa hapagkainan.Ito na yata ang sinasabi nilang The Last Suffer.Ang mga pagkaing nakahain ay sa wari ko'y mga mamahalin at higit sa lahat ay masasarap kahit hindi ko pa natitikman.Amoy pa lang nakakabusog na.Hindi ko pa nararanasan ang ganito ever.Madalas kasing ulam namin ni ante Fe noon ay tuyo o 'di kaya ay isda.Mas madalas din kaming nakakapag-ulam ng sardinas, at sariwang gulay.
"Let's pray,"
Sabay-sabay kaming pumikit at umusal ng panalanging-pasasalamat.
"Kain." narinig kong bulong ni Nanay.
Bigla akong kinabahan ng mapansin ang mga kubyertos.Wala akong alam sa paggamit ng mga iyan.Madalas kasi akong nagkakamay para mabilis at mabusog ako.Isa sa mga dahilan kung bakit ko gustong kumuha ng kursong HRM upang matutunan na rin ang mga table settings at table manners.
"Eat." Ani Dana.
Ngumisi ako at mabilis na nagkamay na alam kong ikinagulat ng mag-ama.Nagkatinginan ang mga ito ngunit sa bandang huli ay nagkatawanan na rin.
"We understands you, Reese." nakangiting saad ni Dana. "Matutunan mo rin ang paggamit ng mga kubyertos.Gawin mo kung saan ka komportable."
Nahihiya akong nagyuko ng paningin.
"Tama si Dana,Reese." pagsang-ayon ni Mr.Vergel.
Panay ang pagkukuwentuhan ni Nanay at sa mag-ama habang kumakain.Tahimik lang akong nakikinig habang nilalantakan ang napakasarap na chicken curry na natikman ko sa boung buhay ko.
Naagaw ko ang atensiyon ng mga ito ng hindi ko sinasadya ang bigla kong pagdighay.
Nagkatawanan ang mga ito.
"Busog na busog ka." Ani Dana.
Nahihiya lang akong tumango.Pagkatapos ng dinner ay niyaya ako ni Dana na magpahangin.Iginiya ako nito sa gilid ng swimming pool.
"Alam mo, excited talaga ako noong malaman ko na pupunta ka dito.Kahit ngayon lang kita nakita ramdam ko kaagad na magaan ang loob ko sa'yo." narinig kong wika ni Dana habang nilalaro ng mga paa nito ang kulay asul na tubig.
"Talaga? may ganoon pala? ako rin naman.Ramdam kong ang bait-bait ninyong mag-aama.Pakiramdam ko walang mayaman at mahirap para sa inyo." nakangiti kong tugon.
"We are all even.Pare-pareho tayong anak ng diyos.Pare-pareho tayong makasalanan na nilalang sa mundo kaya walang rason para maging mapag-mataas.Ang pera, panandalian lang iyan dito sa mundong ibabaw.Pero ang pagiging mabuti ay ang kapalit nito ay ang buhay na walang hanggan."
Namangha ako sa sinabi nito.Sigurado din akong maka-diyos ang pamilya nito.
"Simba tayo sa linggo." narinig kong yaya nito.
Napakamot ako sa ulo.Hindi kasi ako palasimbang tao.
"Why? alam mo ba, linggo-linggo kaming nagsisimba.Ako, si Tita Regina, si Daddy,"
Natigilan ako.Bakit hindi nito nabanggit ang kapatid nitong si Drake.Siguro katulad ko ay hindi rin iyon pala-simba.
"Si Kuya, matigas ang ulo.We are all encouraging him to always attend the mass every sunday pero, inuuna pa ang kaniyang negosyo.Hindi niya alam na ang mga bagay na tinatamasa niya ngayon ay nanggaling sa diyos." malungkot nitong wika.
Hindi na ako kumibo.Bahagya naman kasi akong tinamaan.Hindi ko sinusuklian ang kabaitang ipinagkakaloob sa akin ng diyos.Tanda ko pa na ang huli kong pasok sa simbahan ay noong first communion ko noong grade six ako.
"Baka inaantok ka na, pumanhik ka na sa kwarto mo.Welcome nga pala sa family namin,"
Hindi ko talaga alam kung paano ito pasasalamatan.Ang bait niya.Ang bait ng pamilya niya.Itinuturing nila akong kapamilya na rin.
"Alam mo,makikilala mo pa ang mga relatives ko mismo sa araw ng kasal ng nanay mo at ni Daddy.Hindi ko lang din maiwasang malungkot, hindi nakasama si Kuya sa dinner natin.Family is a must.Importante ang pamilya."
"Eh baka pagod lang siya,"
Umiling ito."Simula noong maghiwalay si Mommy at Daddy, nagbago na siya.Kung noon, mahalaga para sa kaniya ang pamilya, ngayon ay hindi ko na makita iyon sa kaniya." malungkot nitong kwento. "I know that he didn't like your Mom as our new Mom."
Bigla akong napatingin kay Dana.
Kaya ba malamig ang pakikitungo nito sa harap namin kanina.Siguro katulad ni nanay ay hindi niya rin ako gusto bilang bagong miyembro ng kanilang pamilya.
"Siguro hindi niya lang matanggap na magkakaroon na ng iba ang Daddy mo."
"You're right.Pero wala naman siyang magagawa diba? palibhasa hindi niya pa nararanasang umibig."
"Bata pa ang kuya mo.Makakatagpo pa'yan ng babaeng iibigin." nakangiti kong saad.
" I don't know, nakikita ko kasi na puro trabaho na lang ang inaatupag niya.Maraming lumalapit at nagpapansin na mga babae sa kaniya pero siya na mismo ang kusang umiiwas.Ewan ko ba doon," natatawang wika ni Dana.
"The right time will come, siguro bukas,ngayon at magpakailanman,"
Kumunot ang noo ni Dana dahil sa sinabi ko.
"Sounds familiar.Kaninong linya 'yan?" natatawa nitong tanong.
"Secret!" tugon ko sabay halakhak.
"You're funny!" anito. "I like you.Magkakasundo tayo nasisiguro ko iyan,"
"Siya nga pala, ikaw may bf na ba?"
Natigilan at napangiti ako dahil sa tanong nito.Lumitaw bigla sa paningin ko si Rigor.Ngunit sa huli ay nalungkot ako.Hindi ko na nga ba makikita si Rigor? paano ang pangako ko sa kaniya na babalik ako kaaagad?
"Yes."
"Same here." anito. "I'm sure na nasa province ang bf mo.So paano ba iyan, dito ka na maninirahan sa maynila.Kaya mo ba ang LDR?" nag-aalala nitong tanong.
"Hindi ko alam.May promise ako sa kaniya na babalik Ako kaagad.Sabay kaming mag-e-enroll." malungkot kong wika.
"Talk to him first.Explain to him.Siguro maiintindihan ka naman.Diba nga mahal ka niya?"
Naguluhan ako.Hindi ko pa naman masasabing nagmamahalan kami.Ako ang unang nag-confess ng feelings at ang salitang mahal kita ay hindi ko pa naririnig mula sa kaniya.
"Susubukan kong kausapin siya," saad ko.
"Ako naman, ay isang doktor ang bf ko.Malayo ang agwat ng edad namin sa isa't-isa pero we loved each other."
"Sana all may bf na doktor,"
Hindi naman nakakapagtaka iyon.Maganda si Dana at pang super-model ang dating.Imposibleng walang magkagusto dito na mga guwapong lalaking may propesyon sa buhay.Eh ako? mahirap lang at sa magsasaka lang nararapat.
"Pero bakit si nanay nakabingwit ng malaking isda? sa tingin ko puwede ko ring gawin iyon.Maganda naman ako katulad ni nanay pero malayong-malayo ang ganda ko kay Dana.Fashionista kasi ito.Sa tingin ko mas bagay pa nga dito ang maging isang ramp model.Samantalang ako,laking probinsiya at manang pa kung manamit. "Ayan nanaman ang insecurities mo,Reese!" saway ko sa aking sarili.
"Let's get inside?" kapagkuwan ay saad ni Dana.Malamig na rin ang hangin at nakaramdam na rin ako ng ginaw.
"Anyways, may pupuntahan tayo tomorrow."
"Ha? saan?" kunot-noo kong tanong.
"Ipapasyal kita sa restaurant ni kuya Drake.Magpapalibre tayo ng foods,"
Hindi ko alam pero parang hindi ko gusto ang ideyang iyon.

Bình Luận Sách (234)

  • avatar
    BagonzaKyla

    sa dami kunang nabasang story dito lang ako mangiyak ngiyak.nakarelate sa bawat story na mababada mo. kahit pa basahin mo ng isa, dalawang o higit pa di ka magsasawang basahin sa Ganda na story na to.Salamat author/writer na gumawa ng story nato. sana naman po may kasunod pa ganda kasi ng pagkakasulat haggang dulo nakakaexcite. may book2 po ba? Kong Meron man sana ma publish na...

    07/09/2023

      0
  • avatar
    Mary Jane Mamii

    bitiinnnnnnnnnn😥😥😥😥 drake wer na u. next next next po.. thankyou. Godblessyou alwayssss po💖💖

    04/04/2022

      0
  • avatar
    Jared Grijalde

    Nga husay

    9d

      0
  • Xem tất cả

Các chương liên quan

Chương mới nhất