logo text
Thêm vào thư viện
logo
logo-text

Tải xuống cuốn sách này trong ứng dụng

2

I slept in the guest room since sigurado akong ayaw ni Tyler na makasama akong matulog. And I understand that. He married me kaya hindi na siya pwedeng ikasal sa babaeng nag ngangalang Everin. The girl that he loves.
I get up from the bed before fixing it. Nag hilamos din ako at toothbrush bago bumaba.
When I went down, I saw manang and another maid putting the food at the table.
"Valentina, Kain na." Aniya ni Manang. Ngumiti naman ako bago umupo Doon.
"Asan si Tyler? Tulog pa ba siya?" She asked me.
Mukang hindi ata alam ni Manang na sa guest room ako natulog kagabi.
"Uhmm Hindi ko po alam." Sagot ko.
"Ha? Hindi ka ba natulog sa kwarto ninyo kagabi?" Tanong nito pero di na ako sumagot.
Huminga siya ng malalim.
"Sige tatawagin ko lang muna si Tyler- Oh! Ayan na pala siya. Tyler hijo. Mag agahan ka na, Ako ang nagluto." Aniya ni Manang.
Tumingin ako sa likod ko at nakita ko doon si Tyler. He's wearing a black and white striped pajama and white sando. He looked at the food and glanced at me.
"Halika na iho... Masarap ako mag luto." Pag aaya ulit ni manang. I saw him sighed before walking to the table.
And honestly, Nakaramdam ako ng tuwa. I'm happy that he will eat breakfast with me for the first time.
Ng nakaupo siya at kinuha ko ang fried rice sa mesa.
"Here..." I said bago siya lagyan ng kanin.
He didn't talk. I smiled at that. Masaya ako kasi hindi niya ako pinigilan.
"What do you want? Bacon? Tocino? Hotdog? Or Egg?" I asked while smiling.
"I'll just get on my own." Aniya nito. I just nod before standing.
Kumuha ako ng gamot sa hangover since I'm pretty sure masakit ulo niya.
"Drink that. I know you have a hangover. Here, water." I said.
He looked at it bago walang imik na ininom iyon.
"I'll make you some coffee." I said.
Hindi parin siya sumagot at nag subo ng lang ng pagkain. Tumayo ulit ako bago siya itimpla ng black coffee and then giving it to him.
"Here." I said.
He didn't thank me. And it's fine.
"Valentina, Tumawag pala kahapon sila ma'am at sir. Balak daw kayong bisitahin ngayon." Pag imporma sa akin ni Manang.
"Oh ok po! Uhmm Tyler, Pupunta ka ba sa opisina?" I asked him. He sipped at the coffee I made.
"I won't." He said at nagpatuloy sa pagkain.
"What time daw po sila mommy pupunta dito manang?" I asked.
"Mamayang hapon daw." Aniya nito.
Tumango nalang ako bago kumain. Nang matapos kaming kumain ay tumayo si Tyler at tumaas na. Habang tinulungan ko naman sila manang mag ayos. I volunteered to wash the dishes but they declined kaya hinayaan ko nalang sila.
Pumunta ako sa master bedroom and there I saw Tyler busy with his phone. Pumasok nalang ako sa bathroom bago maligo. I want to visit Isa and ask her if she's fine. Nang matapos akong maligo ay nag tapis ako ng tuwalya.
I forgot, nasa labas pala si Tyler. Nakakahiya kung makita niya akong ganito lang ang suot. Naghahanap ako ng robe but there's nothing. Kaya sa huli ay mapag desisyunan kong lumabas nalang.
Ng makalabas ako ay napatingin sa akin si Tyler. Agad namang kumunot ang noo niya ng makitang naka tapis lang ako ng tuwalya. He surveyed my body before looking away and looking at his phone.
"Sorry." I said before going inside the walk in closet.
Nagsuot lang ako ng simpleng damit. I just wear a white comfy dress and tied my hair into a bun. Nag suot rin ako ng flat shoes bago lumabas with my bag.
Ng lumabas ako ay nakita kong Wala na doon si Tyler. Pumunta ako sa CR para I check kung andoon siya and the bathroom is locked so I'm sure na nandoon siya. Narinig ko rin ang pag buhos ng tubig so maybe naliligo siya.
"Tyler?" I called him.
Pero walang sumasagot. Ayoko namang umalis ng walang paalam sa kanya. I don't want to look or sound rude.
Ng walang sumagot ay umupo na muna ako sa kama and scrolling through my phone when the bathroom's door opened. Napakunot ang noo ko ng makitang pawis siya at hindi naman siya naligo.
"Hey, Are you fine? Medyo pawis ka?" I asked him.
"I'm fine." Yan lang ang sagot niya sa akin.
Tumango tango nalang ako doon.
"Uhm, I'm going to Isabella lang." I said. Hindi siya sumagot at pumunta na lang sa may sofa pagkatapos ay binuksan ang tv.
I just sighed before going out.
Nang makababa ako ay naabutan ko si Manang na busy sa pag aayos ng buong bahay.
"Sige, doon naman sa may kusina." Aniya nito sa isang kasambahay.
"Manang, maayos naman po tong bahay ah?" Takang tanong ko sa kanya.
"Oo kaso kasama daw yung nanay at tatay nila Tyler eh." Sambit nito.
"Po?" Tanong ko.
"Oo kaya nakakahiya naman kung makalat tong bahay."
Tumango tango nalang ako.
"Aalis na muna po ako. Babalik rin po ako agad. Kailangan kong kamustahin si Isa." Tumango nalang ito.
I drove to the mall to buy some toys for her daughter before driving to Isa's condo but to my surprise she's not there. Saan naman kaya pumunta yung babaeng yun? I dialed Isa's phone and after a few rings she picked it up.
"Where are you? You're not here in your condo. I came to visit sana." I said.
"Ha?" Parang gulat na tanong niya.
"Ha?" I mocked her. I rolled my eyes before talking again.
"Asaan ka kako. I have toys for your daughter pa naman." I said
"A-ano.. Ahh... Ugh!" Namilog ang mata ko sa narinig.
What the hell! Did I hear her moan!?
"Where the hell are you, Isa?! What are you doing!? And did you just moan?!" I asked her.
"T-teka.. hmm... Ah! Stop!"
Oh please! My virgin ears!
Agad kong pinatay ang tawag. What the hell! Umiling iling nalang akong sumakay ng elevator pababa. I just gave the toys at the front desk at pinakiusapang ibigay nalang sa room nila pagdating.
Ng kalaunan ay nag drive nalang ako pabalik ng bahay. And when I arrive there ay nandoon na agad ang magulang ko with Mr and Mrs Laurent or should I say Tita and Tito.
"Mom? Dad? I thought later pa kayo dumating?" I asked them while smiling.
"Sweetiieee! Your finally home!" Pagkatapos ay tumakbo si mommy at niyakap ako.
"I missed you!" She said habang bumibitaw sa yakap.
"Valentina hija! Hello!" Bati naman sa akin ni Mrs. Laurent.
"Hello po Mrs Laurent." I said. Bigla namang umasim ang mukha nito.
"I already told you, Cut the Mr and Mrs na! Call me Tita Margaret and him, Tito Vincent. Ok?" She asked and I nodd.
Bumaling ako kay Tito Vincent at nag mano before going to dad.
"Hey dad!" Bati ko sa kanya.
"Dito na kami kakain ng lunch ah! We can't wait for mamayang hapon eh." My mom said and everyone laugh.
"Anyway, where is Tyler?" My mom asked.
"Uhm nasa taas po... tawagin ko lang." I said and they nodd.
I went upstairs and ng buksan ko ang pinto, there I saw Tyler, sleeping in the bed. I placed my bag at the table before sitting at the bed beside him. I looked at his face and he looked so peaceful.
Hinawakan ko ang pisngi niya at hinimas iyon. I touch his long eyelashes at napapangiti dahil mahaba iyon when suddenly, he opened his eyes making me look directly to his black charcoal pupils.
Ilang segundo akong nakatitig sa mga mata niya at agad akong umiwas ng tingin at tumayo. Tumikhim ako bago magsalita.
"Uhmm. Our parents is uh.. There... sa baba." I said.
Huminga siya ng malalim bago tumayo. Sinuot niya ang slippers pang loob bago lumabas ng kwarto. Agad naman akong sumunod sa kanya at nakabubtot lamang sa likod nya.
"Tyler! I miss my baby so much!" Aniya ni Margaret.
Umasim ang mukha ni Tyler sa salitang baby.
"Mom, I'm not a baby anymore. Stop calling me that." He said. Tumawa lang naman ang ginang.
"Hey son." Bati sa kanya ni Tito Vincent.
"Hey dad." Bati nito pabalik bago humarap kay daddy.
"Good afternoon sir." Aniya niya.
"Don't call me sir. Call me tito." Aniya ni daddy and Tyler just nodd.
"Everybody! Let's eat lunch now! The food is ready!" Anunsyo ni mommy.
Ng maka upo kaming lahat sa hapag kainan ay tahimik lang kaming dalawa ni Tyler na kumakain. Magkatabi kaming kumain. Habang nagkukwentuhan naman sila.
"So, how is your married life?" Tanong ni Tita Margaret sa amin.
"It's fine po tita." Sagot ko habang naka ngiti.
"That's nice. Hindi ka ba pinahihirapan nitong anak ko?" Tanong naman ni Tito Vincent.
"Uh no tito." simpleng sagot ko at tumango tango naman ito.
"Kailan kami magkakaapo? I want it fast!" Excited na aniya ni Tita Margaret habang tumitili.
Kita ko ring ngumiti si mommy na mukhang pabor din sa sinabi ni Tita Margaret.
"I like that idea! Bigyan niyo na kami ng apo! I want to have grandchildren!" Excited na sabi ni mommy.
Natawa naman sila pero seryoso lang na kumakain si Tyler habang ako ay tipid na nakangiti lang.
"Tyler my son, galingan mo dapat sa paggawa ng bata. Your dad won't get any younger. Gusto ko ng apo." Aniya ni Tito habang tumatawa pa.
"Ah yes. I like to have apo too." My dad said. Nag tawanan naman ulit sila. Ngumiti nalang ako sakanila.
It's a bit uncomfortable for me. Nakakahiya lang kasi I'm sure that Tyler doesn't want to have kids with me.
"Ilan ba ang balak ninyong anak hija?" Tanong ni Tita Margaret.
Napataas naman ang dalawang kilay ko ng biglang itanong iyon ni Tita.
"Uh, I don't know po eh." I shyly said.
"Let me help you with that! Hmm... How about 6? Para hindi lonely! The more the merrier!" Tita said.
Nabulunan ako dahil doon. Six!? That's too much naman! Hindi ko yun kaya and thinking of making it. No way! Nakakahiya!
"Uh-" magsasalita na sana ako when my mom talk.
"How about 4? Maganda naman yun diba?" Aniya ni mommy.
"Hon... Let them decide about that. Ilang ang gusto nyong anak?" Tanong sa akin ni daddy.
Napatingin ako kay Tyler na nakatingin na lang ngayon sa pagkain at mukhang hindi nagustuhan ang pinag uusapan.
I bit my lower lip before faking a smile and looking at them.
"I think 2 or 3? That's enough kids." I said habang nakangiti.
That's really is my plan. Gusto ko may kapatid ang anak ko. I know the feeling of being a solo child and masyadong boring. I wish meron akong siblings. Thankfully andyan si Isabella na para ko na ring kapatid.
"Great! Now gusto ko makagawa agad kayo ng anak! Made love-" Hindi pa natatapos ni Tita Margaret ang sasabihin niya ng biglang tumayo si Tyler.
Everyone looked at him with so much confusion. Huminga siya ng malalim bago magsalita.
"I'm sorry but I'm full. Please excuse me." He said formally.
"Pero hindi ka kumain ng marami iho." aniya ni mommy.
"Marami po akong nakain kaninang umaga tita that's why I'm full. Tataas na muna po ako. Excuse me." He said before leaving us.
I pursed my lips since I know the real reason why he left. Ayaw niyang pag usapan ang ganon. Of course. Arrange Married na nga kami tas ipipilit pang magkaroon ng anak.
Nag patuloy nalang kaming lahat sa pagkain at masayang nagkukwentuhan. After we eat, nag paalam na silang aalis dahil marami daw silang kailangang asikasuhin.
Tumaas ako sa kwarto namin at pagbukas ko ay nakita kong nakaupo si Tyler sa sofa sa dulo ng kama at may hawak na glass na may lamang alak.
His cold eyes suddenly pierced on mine. Kita ko ang pagkadisgusto sa mukha niya at galit. I gulped at that.
Did I do something wrong? I hope not.

Bình Luận Sách (146)

  • avatar
    Neth Casipong Palis

    ❤️❤️❤️❤️❤️❤️❤️❤️❤️❤️❤️❤️❤️❤️❤️❤️

    18d

      0
  • avatar
    Luis Mercurio Cellar

    thinks

    22/08

      0
  • avatar
    Arnel Rustia

    thanks

    19/08

      0
  • Xem tất cả

Các chương liên quan

Chương mới nhất