NAPAHAWAK sa sintido si Cassandra nang kumirot iyon. Agad pa niyang tinakpan ang palad nang magbadya ang kanyang ubo. Ngunit walang nagawa ang palad niya para mapigilan ang pasaway na ubo. Malakas at sunod-sunod siyang napaubo. Halos mapaluha na siya ng manakit ang lalamunan. Para bang may matatalas na kuko ang kumakamot doon. "Da. . . Damon!" sigaw niya nang makaramdam ng hilo. Napasandal siya sa dingding ng silid na kanyang tinutulugan. Ilang araw na din siyang nanlalambot. Isama pa ang ulo niyang pumipintig sa sakit. Buhay reyna na nga siya simula nang dumating siya dito. Pero, ito siya ngayon. Nanlalambot at mukhang magkakasakit pa. "Wala ka ba talagang balak na umuwi?" nakangiwing wika niya. Napilitang ihakbang ang paa para makatungo sa pang-unang palapag ng bahay. Kailangan niyang humingi ng gamot kay Felicidad. Mahigpit niyang idinidiin ang dalawang palad sa bawat dingding na madadaanan. Doon siya kumuha ng suporta para hindi matumba. Dinaig niya pa kasi ang nagpakalango sa nakakalasing na alak kung umikot ang paningin niya. "Aray!" Napahiyaw siya sakit nang masalugsog sa dingding na kanyang hinawakan. Naiinis na tinitigan niya ang daliring nasalugsog. Ngunit maging iyon ay nagdadalawa sa kanyang paningin. Napasinghot nalang siya nang makaramdam ng awa sa sarili. Sumasakit na nga ang ulo niya tapos nasugatan pa siya. Hindi lang sa daliri. Mukhang maging ang puso niya ay sugatan din. "N-Nasaan kana ba kasi Damon?" Naluluhang wika niya nang maalala na halos isang linggo na nga palang hindi nagpapakita sa kanya ang lalaki. Kapag tinatanong naman niya si Felicidad ay tikom lang ang bibig nito. Minsan pa nga ay ngingitian lang siya. "Asawa kita pero iniiwan mo ako nang walang pasabi." Napahagulgol nalang siya nang nagsabay-sabay ang nararamdaman niya. Nanlalambot na napasandal siya sa dingding. Pakiramdam niya ay wala siyang kuwenta bilang asawa ni Damon. Ni wala siyang alam pagdating sa gawaing bahay. Isama pa na pakiramdam niya ay wala din siyang halaga para kay Damon. Hindi niya kalapit sa pagtulog ang lalaki at parang tinakasan din ito ng sweetness sa katawan. Madalas nag-iisa siya, tulala at pinipilit na isipin ang mga alaalang kanyang nalimutan. Gustong-gusto niyang balikan ang panahon kung saan at paano niya nakilala si Damon. Ngunit wala siyang mahagilap. Blangko ang isipan niya pagdating sa kanila ni Damon. Para bang wala silang pinagsamahan. "Bakit ka umiiyak? Buhay pa naman ako, ah." Nanlalabo ang paningin na tiningnan niya ang nagsalita. Napangiti nang mapait si Cassandra nang makilala ito. "Nakakainis ka," singhal niya rito kahit pa hindi niya ito matitigan nang tuwid. Nagsalubong ang kilay ni Damon nang marinig ang sinabi ni Cassandra. "Anong problema mo ba—" Napatigil siya sa pagsasalita nang walang pasabing yumakap si Cassandra sa kanya. Para bang ang buong bigat ng babae ay ipinabuhat sa kanya. "Hoy, tumayo ka nga!" singhal niya rito. Inis na inis si Damon nang hindi manlang gumalaw ang babae. Bugnot niyang hinawakan ang baba ni Cassandra pero napatigil siya ng masalat ang pisngi nito. Sobrang init nun. Para bang napapaso siya sa init. "Cassandra. Nilalagnat ka," tarantang wika niya. Nang tuluyan niyang makita ang mukha ng babae ay saka niya lang napagtanto na nawalan ito ng malay. Mabilis niyang binuhat ang babae pabalik sa kanyang silid. Maingat niya itong inilapag sa banig na nakalatag na doon. Salo-salo ang ulo na inihiga niya si Cassandra. Napalunok pa siya nang halos gahibla nalang ng sinulid ang layo ng mukha niya sa babae. Bumigat ang kanyang paghinga nang bumaba ang kanyang tingin sa labi nito. Napailing-iling siya. "Kailan kapa naging manyakis, Damon?" singhal niya sa sarili. Bago pa kung ano ang pumasok sa kanyang isipan ay agad na niyang inayos ang pagkakahiga ni Cassandra. Parang napapasong napalayo siya rito. "Babalik ako." Paalam niya kay Cassandra kahit pa alam niyang hindi ito makakatugon. Humahangos na hinanap niya si Felicidad. Natagpuan naman niya ang ginang na kakapasok lang sa loob ng bahay. May buhat-buhat itong bayong na tiyak niyang naglalaman ng mga pinamili sa palengke. Nagsalubong ang kilay ng ginang nang makita siya. "Saan ka galing, Damon? Ni hindi ka manlang nagpaalam sa akin o kahit manlang kay—" "Ma! Mamaya niyo na po ako sermonan," bahagya pang napataas ang boses ni Damon nang pigilan niya ito. Nanlaki naman ang mata ng ginang nang mabigla sa inasal niya. "May sakit po si Sarah. Kailangan ko siyang bilihan ng gamot," tipid niyang wika. Tahimik naman na inilapag ng ginang ang bayong. Malamlam ang mata na sinalubong ang tingin niya. "Ibalik mo na siya. Huwag mo nang antayin na bumalik na ang alaala niya at isumpa ka dahil sa kasinungalingan mo." Hindi nalang pinansin ni Damon ang sinabi nito. "Babalik din po ako agad." Mabilis niyang nilampasan ang ginang na hindi na nagawang umimik. Napasapo nalang sa noo si Felicidad habang tinatanaw ang papalayong bulto ni Damon. "Kay tigas talaga ng ulo mo, Damon. Hindi ka naman ganito noon." Bakas ang kalungkutan sa mukha ng ginang habang sinasabi iyon. Hindi niya maiwasan ang maawa para kay Sarah ngunit ganoon din pagdating kay Damon. Naisin man niyang ibalik ang babae sa tunay nitong pamilya pero hindi niya gustong pangunahan ang lalaki. Masasaktan ito kapag nanguna siya sa mga plano nito. Hindi niya gusto na maging si Damon ay mapalayo pa sa kanya. Sapat na ang kalungkutan na kanyang naranasan nang mawala ang anak niya at ang apo. *** HIRAP na hirap na iminulat ni Cassandra ang dalawang mata. Unang sumalubong sa kanya ang ilang agiw at sapot ng gagamba na namumuo sa iba't ibang bahagi sa bubong ng bahay. "Anong nangyari?" naitanong nalang niya sa sarili nang napagtantong nakahiga siya ngayon. Naipikit niya nang mariin ang mata ng isipin kung ano ang nangyari. Parang isang pelikulang nagsilabasan sa kanyang isipan ang nangyari bago siya mapunta dito. "Si Damon. . ." naiwika niya nang maalala na nawalan nga pala siya ng malay habang tinitungo niya ang unang palapag ng bahay at sa mismong kay Damon pa siya nahimatay. Bumangon siya sa pagkakahiga. Agad na inilibot ang paningin sa kabuoan ng silid habang hinahanap ang lalaki. Ngunit bigo siyang makita ito. "Akala ko pa mandin ay umuwi na siya," malungkot na wika niya. Itinuon niya ang dalawang palad sa banig para makatayo. Tagumpay naman siyang nakatayo. Ngunit nang ihakbang na niya ang mga paa ay pakiramdam niya nakasakay siya sa rollercoaster. Naitakip pa niya ang palad sa bibig ng makaramdam nang pagduwal. Habang pinipigilan ang sarili na masuka ay siyang pagbukas ng pinto ng silid. Iniluwa nito ang lalaking halos isang linggo nang laman ng isipan niya. Ang lalaking laman ng panaginip niya. "Damon," naluluhang tawag niya rito. "Bakit ka naman bumangon? Dapat nagpapahinga kalang." Sunod-sunod na wika nito. Mabilis namang lumapit sa kanya ang lalaki. Pumulupot ang isang braso sa baywang niya para alalayan siyang makapunta sa higaan. "Sorry kung nagkasakit ka pa." Palihim na napangiti si Cassandra habang pinagmamasdan ang mukha ng lalaking ngayon ay alalang-alala sa kanya. Iniangat ni Cassandra ang dalawang palad at sinapo ang pisngi ng lalaki. Natigilan si Damon sa ginawa niya pero pinagpatuloy niya lang ang balak na haplusin ang mukha nito. Nais niyang maramdaman kung ano ang pakiramdam na nakadikit ang balat niya sa balat ni Damon. Gustong-gusto niya ang init na taglay ng katawan nito. Gusto niya ang lahat tungkol sa lalaki. Hindi man niya batid kung nasa puso niya ba ang lalaki o wala. Basta, isa lang ang gusto niyang mangyari. Iyon ay ang mapalapit pa siya nang husto kay Damon. Gusto niyang makilala niya ito nang lubusan. Kung nabura nga ang alaala niya pagdating sa kanilang dalawa ay gusto niyang magsimulang muli. Susubukan niyang gumawa ng panibagong alaala kasama si Damon. "Kahit pa araw-araw akong magkasakit ay nanaisin ko." Kumunot ang noo ni Damon sa iwinika niya. "Nahihiba—" Idinikit niya ang hintururo sa labi ng lalaki kaya napatigil ito sa pagsasalita. Nakangiti niyang pinagpatuloy ang sasabihin. "Kung ang kasakitan ko ang dahilan para makama kita ay mas nanaisin ko pa iyon. Basta, ikaw ang kasama ko." Hindi nakaligtas sa kanyang paningin ang lihim na paglunok ng lalaki. Napangiti siyang muli nang kumurba ang labi ni Damon. "Ngumiti ka. Napangiti kita!" manghang wika ni Cassandra. Nawaglit na nga sa isipan ang sakit na nararamdaman. Naiiling na tiningnan siya ni Damon. Pilit na kunukubli ang ngiti sa labi. "May sakit kaba talaga, mahal ko?" may ngisi sa labi na wika nito. Mabilis na tinanggal ni Cassandra ang palad sa pisngi ni Damon. Tinakpan ang sariling mukha ng palad para hindi makita ng lalaki ang pamumula niya. Nasisigurado niyang namumula siya hindi dahil may nararamdaman siya kung 'di, kinikilig siya. "Magpahinga kana." Hindi na siya umalma nang ihiga na siya ni Damon. Kinumutan din siya nito hanggang sa kanyang leeg. Nang talikuran siya ng lalaki ay mabilis niyang hinawakan ang kamay nito. May pagtataka na tiningnan siya ni Damon. "Bakit?" "Iiwanan mo akong muli?" malungkot na wika niya. Pinisil niya ang palad ng lalaki para iparamdam dito ang pagtutol niya. Nagbuga ng hangin si Damon. Bahagyang ibinaba ang sarili para magpantay sila. Sinakop ang palad niyang nakahawak sa kamay nito gamit ang malayang palad ng lalaki. "Hindi kita iiwan. Aalis lang ako sandali. Pagbalik ko dala ko na ang gamot at pagkain mo," paliwanag nito. Nakahinga naman nang maluwag si Cassandra. Nakangiti niyang binitiwan ang kamay ng lalaki. "Hindi mo ako iiwanan, 'di ba?" pag-uulit niya. Gusto niyang marinig ulit sa labi ng lalaki ang salitang iyon. Napakasarap sa pandinig. "Hindi. Lagi lang akong nasa tabi mo, simula ngayon." Napapikit nalang si Cassandra nang halikan siya ni Damon sa noo. "Itatama ko na ang lahat," bulong nito. Nang lumisan na sa silid si Damon ay hindi mapuknat ang ngiti niya sa labi. May oras pa na tumitili siya. Pero napapatigil kapag nararamdaman ang pagkirot ng ulo at ang paghadpi ng lalamunan. Inilubog ni Cassandra ang mukha sa unan at doon pumalirit na halos ikapatid na ng litid niya. 'Walang sakit-sakit sa taong kinikilig.' Katagang naiwika niya sa isipan. Makita at makasama niya lang si Damon ay ayos na. Kung kailan niya naramdaman ang ganito? Hindi niya rin alam. Wala naman sigurong masama kung kiligin parin siya kahit pa kasal na sila ni Damon. Napaangat lang siya ng tingin nang lumangitngit ang pinto ng silid. "Bumalik ka," nangingislap ang mata na wika niya. Tinanguan lang siya ni Damon at sinenyasan na umupo. Mabilis niya naman na sinunod ito. Inilapag ni Damon sa lamesita ang tray na hawak nito. Nasulyapan niya roon ang umuusok na mangkok ng sopas, isang basong tubig at tabletas na gamot. "Maayos na ba pakiramdam mo?" tanong nito habang hinahalo ang sopas sa mangkok. "Oo," nakangiting tugon ni Cassandra kahit ang totoo nun ay hindi. Kumikirot parin ang ulo niya sa sakit. Isama pa ang baradong ilong at mahapding lalamunan kakaubo niya. Tahimik na sinipat ni Damon ang noo niya. Nagsalubong ang kilay nang maapa ang temperatura niya. "Niloloko mo ba ako, Cassandra?" nakasimangot na tanong nito. Sunod-sunod na umiling si Cassandra. "Hin. . . Hindi, ah. Magaling na ako kasi nandiyan ang gamot ko. Ikaw." Tinaas-taasan pa niya ng kaliwang kilay ang lalaki. Nagbuga ng hangin si Damon at walang pasabing tinalikuran siya. Dinungaw naman ito ni Cassandra at halos mapatili na naman siya nang makita ang nakakurbang labi ng lalaki. Nakangiti na naman ito. Ilang beses na ba niyang pinangiti ang lalaki? Ganito pala kiligin ang isang Damon Suarez. Ang asawa niyang ubod ng sungit at inalisan ng sweetness sa katawan. "Tama na ang biruan, Cassandra. Kumain kana at uminom ng gamot. Bukas, gusto kong magaling kana. Naiintindihan mo?" Sinaluduhan naman niya ang lalaki. "Yes, sir." Iyon na ata ang gabing dinadalangin ni Cassandra na huwag ng matapos. Magdamag siyang binantayan ni Damon. Hanggang sa makatulog na nga ito sa kalapit niya. "Thank you, Damon," bulong niya sa tainga ng lalaking tulog na tulog na. *** AGAD na napangiti si Cassandra nang maramdaman ang bisig ng lalaki na bumabalot sa kanyang katawan. Naiangat niya ang ulo para maalis ang pagkakadikit ng noo niya sa dibdib ni Damon. Pagkaangat, nasilayan niya si Damon na mahimbing pang natutulog. Ingat na ingat niyang inialis sa pagkakaipit ang braso niya sa bisig ni Damon para mahaplos ang mukha ng lalaki. Iginala niya ang kanyang kamay sa mukha nito. Sa malalago at mahabang pilikmata ni Damon. Sa kilay nitong may kakapalan at maitim. Ang kilay na laging salubong. Sa ilong ng lalaking nagmamalaki dahil sa tangos at ganda nun. Lalo na sa labi nitong kulay pula kahit pa sabihing may bisyo itong paninigarilyo. "Tuwang-tuwa ako ngayon Damon. Hindi ko alam kung bakit. Pero natutuwa ako dahil pakiramdam ko nakikilala na kita unti-unti. Sana magpatuloy na ito," mahinang wika niya bago muling yakapin ang lalaki at nagpasakop sa bisig nito.
Cảm ơn
Ủng hộ tác giả để mang đến cho bạn những câu truyện hay
good it's great
25/11/2024
0nice story I think I will like it
22/08/2024
0it's good
15/05/2024
1Xem tất cả