logo text
Thêm vào thư viện
logo
logo-text

Tải xuống cuốn sách này trong ứng dụng

Chương 2 ONE

“Sissy, hindi nagte-text si Romeo simula noong isang araw pa.”
"Hala ka, Juliet. Baka mamaya may iba na yang jowa mo, ah!”
"H-hoy! H'wag ka naman ganyan. Naiiyak na nga ako, e.”
"Tinawagan mo na ba?"
"Oo naman. Mahigit isang daan na nga.”
"Puntahan mo na kaya sa kanila?"
"Ayoko! Alam mo naman ayaw sa 'kin ng mama niya.”
Inalis ni Louise ang tingin sa dalawang high school student na nasa tapat niya. 20 years old na siya pero hindi ganyang mga bagay ang pinoproblema niya. The only thing she was worry about, is if she'll live see tomorrow.
At the age of 15, nakikipagpatintero na siya kay kamatayan. At nagpapasalamat siya dahil hanggang ngayon, hindi siya nito maabot-abutan.
Mabilis dinampot ni Louise ang kanyang helmet nang makitang lumabas na sa building na binabantayan niya ang target. Tumingin ang target niya sa magkabilang gilid, bago naglakad papunta sa parking lot.
Tumayo na siya mula sa pagkakaupo at bumunot ng dalawang daan sa bulsa, at saka ito inilapag sa lamesa.
The current target name is Gustavo Peralejo; a 45 years old man and a Lawyer. Ipinanalo nito ang kasong dapat ay talo. Kaya naman, kung sino pa ang walang kasalanan ay siya pa ang nasa kulungan.
Nang pumasok na ang target niya sa loob ng kotse nito ay sumakay na siya sa motor niya at isinuot ang helmet. Pinatakbo niya ang motor kasunod ng sasakyan nang target niya.
"Mas gugustuhin ko pa ang mamatay sa gutom, kaysa ang mapahamak ka.” Her Mother's voice came into her mind.
Pinilit niya ito iwinaksi sa kanyang isipan at nag-focus siya sa pag-drive. Ilang sandali pa ay nakita niya ang pagpasok ng kotse sa isang exclusive subdivision. She was given his file by this afternoon and it was passed 9 o'clock in the evening.
Huminto siya malayo sa guard. Kasama rin sa impormasyon na ibinigay sa kanya kung paano siya makakapasok at makakalabas dito. At sauladong-saulado na niya iyon. Umikot siya sa likod bahagi ng subdivision. Pero bago iyon ay tiniyak niya muna na walang makakakita ng motor niya.
Gamit ang kadenang may hook ay bumuwelo siya at inihagis iyon sa itaas ng pader mula sa ibaba. Umakyat siya gamit ito ngunit mabilis din siyang bumitaw sa kadena nang makita ang isa pang guard na naglilibot-libot at patingin-tingin kung saan.
Nagsalubong ang magkabilang kilay ni Louise dahil mamaya pa dapat maglilibot ang guard na ito. Pinalipas niya ang sampung minuto bago sinubukan muling umakyat. Wala na ang guard kaya mabilis at marahan siyang tumalon pababa at nagtago sa likod ng isang puno. Dito niya rin itinago ang kadenang may hook na ginamit. Gagamitin niya pa iyon mamaya sa pagtakas.
Daglian siyang lumingon sa likuran niya. Nanlaki ang kanyang mga mata nang makita ang isang malaking aso. Nakatali ang aso sa kulungan. Pero kahit na. . .tiyak siya na gagawa ito ng ingay.
At hindi nga siya nagkamali. Tumahol ang aso nang tumahol pagkakita sa kanya. Bago pa may makakita sa kanya roon ay tumakbo na siya sa kabilang puno. Tumatahol pa rin ang aso kaya kailangan na niya bilisan.
Mula rito sa kinatatayuan niya ay kitang-kita niya ang bahay ng target. Bukas pa ang ilaw nito kaya hindi na siya nagdalawang isip pa at tumakbo na papunta roon. Marahan niyang itinulak ang pintuan at pumasok. For a man who is meant to be genius, his target is stupid when it comes to locking the door. Walang kahirap-hirap ay nakapasok siya.
Pinakiramdaman niya ang kabahayan. . .Masyadong tahimik ito. Ang sabi sa file ng target niya ay dito nito dinadala ang mga babae nito.
Inilibot niya ang paningin niya. Mula sa sahig at sa mga materyales na ginamit sa bahay, masasabi niyang mamahalin lahat ito. Naglakad siya sa hagdan at pinasadahan ng daliri. Napangiwi siya ng makitang wala man lang alikabok na dumikit. Napako ang mga mata niya sa mga picture frame na naka-display sa dingding. Litrato ito ng ibat-ibang mga babae.
Hindi alam ni Louise kung matatawa ba siya o ano. Nasisiguro niya na ito ang mga naging babae ng target niya.
She heard footsteps walking down the stairs. Naglakad siya papunta sa kusina at saka humila ng upuan at naupo roon. She leaned back in the chair and put her legs in the table to get comfortable.
From the corner of her eye, she saw a man walking into the kitchen and freezing at the spot as his eyes landed on her.
"Magandang gabi," bati niya sa abugado.
Tumayo siya at hinarap ito. "Mag-isa ka ata ngayon?" kunwari niyang tanong.
She saw his eyes glistened over in fear and his breath catched in his throat. "S-sino ka?" he stuttered, itching his body away from her.
"Mahalaga pa ba yun?" she asked him. She also noticed his eyes glanced at the knives, and she couldn't help but to laugh. She knew he wanted to grab one of the knives and attempted to fight her.
"W-what do you want? You want money? Take what you want but please don't hurt me!” he pleaded, his eyes never leaving her.
"Hindi ko kailangan ng pera mo,” wika niya't nginitian ito.
She walked around the table to get the same side as her target, trailing on the fingertips on the table as she walked.
"Then what do you want?!" Halos sumigaw na ang kanyang kaharap.
"World. . .peace," mabagal niyang sagot. The corner of her mouth tugged up. She walked closer to him until he is pressed up against the corner of the counter top. She was well aware of the fact the knives were few inches away from his hand.
"Alam mo bang saludo ako sa mga abogado na tulad mo? Tungkulin mo—niyo, na ipagtanggol ang mga taong walang kasalanan at naaapi.”
Nanlaki ang mga mata ng target dahil sa sinabi niya. Mukang nakuha nito ang nais niyang iparating. "L-look, napag-utusan lang ako. . .binayaran lang ako," he explained frantically. "H-hindi ko rin ginusto iyon."
Ang isang taong tapat sa tungkulin niya, kahit ilang sako pa ng ginto ang ilatag sa kanya ay tatanggihan niya ito. Iyon ang paniniwala ni Louise.
Tumango-tango si Louise na tila ba naiintindihan ang target. "Tinatanong mo kung sino ako, hindi ba?" She saw his hand move papunta sa mga kutsilyo. "Louise. . ." Her voice low and threatening.
"L-Louise?"
"Louise," pag-uulit niya pa. “Ako si Louise.”
Mabilis dumampot ng isang kutsilyo ang target niya. He swinged his arm back around with the blade in his hand attempting to cut her neck.
Her eyes widened. Muntik na siya roon. Mabuti na lamang at mabilis siyang nakayuko.
Hinila niya ang braso ng target at buong lakas na inihampas ito sa kanto ng counter top, dahilan para mahulog ang hawak nitong kutsilyo. The target rose his knee into her stomach, at aaminin niyang masakit iyon.
Hindi pa siya nakaka-recover sa sakit ng pagsipa nito sa kanya nang hilahin naman nito ang kanan niyang braso at pilipitin iyon. She almost cried in pain pero hindi siya nagpatalo sa sakit kahit napapasigaw na siya. Kailangan na niya matapos ang misyon na ito.
Louise took a deep breath, and quickly grabbed his by the throat and twisted his around, moving her face so it is about an inch away from him. Siguro'y mahigit limang minuto ang itinagal bago niya binitawan ang leeg nito at malakas na isinalampak sa sahig. She reached behind her back and pulled out her gun, that was tucked into the top of her jeans. She didn't need to bring anything other than this gun to complete her mission.
Masyado na siyang nagtatagal dito. Naghihintay ang kanyang ina sa kanyang pag-uwi.
Walang pagdadalawang-isip, she pressed the trigger. The bang muffled his scream. Blood was pouring out of the hole in his forehead. Ang mga mata nito ay nakadilat pa habang nakatingin sa itaas. Tiningnan niya ang kanyang relo na pang-bisig. 10: 22pm, Gustavo Peralejo. . .eliminated.
She put back her gun and tucked it back into the top of her jeans covering it with a white shirt she was wearing. She glanced at the counter next to her, and reached over to the fruit tin. She bit into it as she stepped over the body, making sure to avoid the blood that was rapidly spreading over the floor. This shit got on her shoes; it will be a mission in itself to get the stain out. She had plenty of experience in trying to wash blood out of clothes, it wasn't easy.
She looked the target again before made her way to the front door. Sumilip muna siya kung may tao sa labas at nang makitang wala ay tuluyan na siyang lumabas na parang walang nangyari. Kinuha niya ang kadenang may hook na tinago niya sa puno at dali-daling inihagis muli iyon sa itaas ng pader.
Maga-alas onse y media na ng makarating siya sa cluster hideout nila.
“Get the fuck of me!" Boses ni Yella ang bumungad sa kanya pagbukas niya ng pintuan.
Kailan pa ito nakabalik?
Si Yella ang isa sa pinaka malapit niyang kaibigan. Madalas itong tumatambay sa bahay nila kapag walang pinapatrabaho rito si Charlie, ang boss nila. Nasa 3rd year high school siya noong makilala niya ito. Hindi maganda ang una nilang pagkikita. She tried to snatched her wallet and she didn't know na magaling pala ito sa martial arts. Well, binalian lang naman siya nito ng buto sa balikat.
"Calm down, Yells, I'm not going to hurt you," giit ni Marco, isa rin sa kasamahan niya.
Napatingin ang dalawa pa niyang kasamahang sina Alec at Faith sa kanya pagpasok niya ng pintuan. Pero sina Marco at Yella ay hindi pa rin napapansin ang presensya niya.
"Wag ka lalapit, babarilin kita! Hindi ako nagbibiro!" Yella screamed while Marco managed to grab her wrist, at tumatawa-tawa pa. "Lumayo ka sabi, Marco! Hindi ako nagbibiro, babarilin kita!"
"Come on, hindi 'to masakit. I swear,” pamimilit talaga ni Marco rito.
"Muka ba akong bobo? Ikaw kaya ang kuryentehin ko, ano? Tingnan natin kung hindi ka masaktan!"
Naupo si Louise sa tabi ni Faith. "Kanina pa yan?" tanong niya.
Natawa naman si Alec. “Hindi naman. . .” Tumingala ito at inilagay ang kamay sa baba na tila ba parang nag-iisip. "Mga mag-iisang oras pa lang."
Natawa rin silang dalawa ni Faith dahil joke iyon. Kadalasan kasi ay inaabot ng tatlong oras sa pagtatalo ang dalawa ni Yella at Marco kapag hindi naaawat. Kaya para sa kanila, hindi pa matagal ang mag-iisang oras.
"Rapeeeee! Rapeeee!" Yella screamed again, trying to get an attention. Yakap yakap na ito nang mahigpit ngayon ni Marco.
"I am not going to rape you.” Marco let out a strained laugh. "Wag ka assuming!"
“Duh! If I know type mo—” Yella didn't finish her sentence. Bumukas ang pinto at iniluwa noon si Charlie, ang boss nila.
Naglakad si Charlie papunta sa swivel chair nito at naupo roon. “Welcome back, Mariella. How's work?" walang paligoy-ligoy na tanong nito kay Yella habang may hinahanap sa drawer nito.
"Target eliminated, boss!" si Yella.
Nahahati ang grupo nila sa labing apat na cluster. Bawat cluster ay may namumuno o leader. Sila naman ang cluster 1, at si Charlie ang leader nila. Tuwing katapusan naman ng buwan ay nagtitipun-tipon silang lahat sa main hideout, kung saan namamalagi ang pinaka-boss nila.
"How about the three of you?" Baling ni Charlie kina Faith, Alec, at Marco.
"Walang sabit, boss!" nakangiting tugon ni Alec at nag-okay sign pa.
"Totoo iyon, boss! Kailan ka ba namin binigo?" pagyayabang pa ni Marco rito.
"Noong kumidnap kayong dalawa ng maling tao," sarkastikong sabi ni Faith. “Kidnapin daw ba ang pulubi?”
Napuno ng tawanan ang buong silid dahil sa sinabi ni Faith. Maging si Louise ay hindi napigilan na hindi rin matawa.
“Hoy, faith! Ang tagal na no'n, ah!" Duro sa kanya ni Marco.
"E, ano? At least pumalpak kayo. Counted pa rin."
Sinulyapan ni Charlie si Louise. Hindi nito ugaling magtanong sa kanya kung kamusta ang pinagagawa niya dahil kilala siya nito. Alam nitong kapag sa kanya ibinigay ang trabaho ay tinatrabaho niya talaga at hindi nito binibigo ang boss nila.
"Dumaan lang talaga ako rito para tingnan kayo. . .at kunin ito." Itinaas nito ang isang folder na itim. “Mauna na ako. May kailangan pa ako ayusin." Paalam nito sa kanila at naglakad na palabas.
"Louiseeeeee!" Nagitla sila sa sigaw ni Yella. Nakatakip pa ang kamay nito sa bibig, na para bang gulat na gulat makita si Louise.
Mabilis na naupo si Yella sa pagitan nina Louise at Faith, at pilit na isiniksik ang sarili kahit hindi na kasya.
“Namiss kita! kanina ka pa ba? Bakit hindi ka man lang nagsasalita? Kamusta na?" sunod-sunod na tanong ni Yella kay Louise.
Mahigit isa't kalahating buwan din kasing na-assign sa Queensland si Yella at wala silang oras para magkamustahan o mag-usap man lang.
"Faith, isog ka konti!" utos ni Yella kay Faith at naniksik na naman.
"Oh, Louise, andito ka pala?" si Marco, sabay tawa.
Natawa siya nang bahagya. “Kanina pa."
"Busy kasi kayo sa isat-isa!" singhal ni Faith at lumipat na lang sa kabilang upuan para pagbigyan si Yella.
"Kamusta ka? Si Mama?" Ang tinutukoy ni Yella na ‘Mama’ ay ang ina ni Louise. Kulang na lang kasi ay sa bahay na nila ito tumira. Halos kapamilya na talaga ang turing nito sa kanila.
"Ayos lang naman," tipid niyang sagot.
"Dadalaw ako bukas na bukas, ah?” ani Yella. “Alam niyo ba—sobrang ganda sa Queensland! Grabeeee! Ang daming wufu!" biglang tili nito.
"Seryoso, Yells?!" excited na tanong ni Faith. "Nakuha mo ba mga pangalan nila? Number? Ano, single raw ba?"
Dito nagkakasundo sina Faith at Yella, sa mga ganitong mga bagay.
“Yes naman!” proud na sagot ni Yella at itinaas pa ang kamay para makipag-apir kay Faith.
"Oh, bakit bumalik ka pa rito?" pambabara rito ni Marco. “Marami pa lang gwapo roon, sana hindi ka na umuwi.”
Inis na nilingon ni Yella si Marco dahil sa tinuran nito. “Natural, nandito ang pamilya ko. . .”
Sumilay nang bahagya ang ngiti sa mga labi ni Louise nang mapahinto sa pagsasalita si Yella, na tila ba nag-iisip pa ng sasabihin. Wala na kasi ang pamilya nito rito sa Pilipinas dahil lumipad na papuntang Canada noong isang taon pa.
"Dahil ano. . .” Nangangapa si Yella ng sasabihin. “Dahil nandito si Louise! Tapos. . .Si Faith! Oo, tama! Tapos si Alec at si Boss! T-tama! Dahil nandito sila!” Irap nito kay Marco.
"Teka nga, bakit hindi ako kasama? Bakit sila kasama?” pagalit na tanong ni Marco kay Yella. Pati si Faith ay lihim na rin napangiti.
"A-anong bakky hindi ka kasama? Hindi ka naman talaga kasama!" Irap muli ni Yella.
"Ssshh!” Alec hissed, gesturing to his phone, obviously trying to tell he was on phone call. “Nagpapa-deliver ako ng pagkain." Nang marinig ang salitang pagkain ay tumahimik ang sina Yella at Marco. “Anong gusto niyo?"
"Pizza!" si Yella at Faith.
"Lasagna," si Marco.
"Ikaw Louise, ano sa 'yo?" Baling sa kanya ni Alec.
Umiling si Louise. "Hindi na, uuwi na rin naman ako," aniya at tumayo na. "Naghihintay si Mama.”

Bình Luận Sách (16)

  • avatar
    Camacho Ma Diezel

    unexpected plot twist, I like it🫶

    06/08

      0
  • avatar
    CalaroLaurel Jan

    goods

    25/07

      0
  • avatar
    RoldanLourince

    ang ganda

    19/06

      1
  • Xem tất cả

Các chương liên quan

Chương mới nhất