logo text
Thêm vào thư viện
logo
logo-text

Tải xuống cuốn sách này trong ứng dụng

CHAPTER 7

"Man is by nature a lover. Only he has yet to discover the real thing to love. This quest awakens him to the fulfillment of his real Self."
- Sri Chinmoy
A deafening silence filled our atmosphere. No one dares to speak or say something. Awkward? Super!
"We're here" napatingin ako sakaniya nang magsalita siya that's when I noticed that we stopped. Inilibot ko ang paningin ko sa buong lugar. Halos dikit-dikit ang mga bahay at sa isang tabi naman, may nakita akong nag-iinuman at nagkakantahan. A typical baranggay scenario.
This is what I like about samar. They are fond of hanging outs and bondings. Hindi nila masyado iniisip ang mga bagay-bagay. Puro kasiyahan lang sila, kung hindi nag-iinoman, nagsasayawan naman ang mga tao.
Naghanap ako ng pwede kong tanungin at hindi naman ako nagkamali nang makita ang isang babaeng naglalakad papalapit sa direksiyon namin. Sa tingin ko nasa late 30's lang siya at medyo chubby na sa palagay ko ay nasa 5 foot at 2 inches ang height.
"Hi ate, Good afternoon po" bati ko sa kaniya. Tumigil siya sa paglalakad at saka binigyan ako ng ngiti bago bumati din sakin pabalik.
"Good afternoon din miss, ano'ng atin?" tanong niya. Sasagot na sana ako ng maramdaman ko na may tumabi sa akin and I know exactly the person whose beside me. Tinapunan ko siya ng tingin saka ibinalik ang atensiyon sa babae.
"Ate itatanong lang po namin kung may kakilala kayo na batang lenlen ang pangalan" tanong ko rito. Nakita ko namang bahagya siyang natigilan na parang nag-iisip.
"Lenlen? Ah, yung anak ni Richard at Rina. Pero, wala na ang batang 'yon dito, matagal-tagal na din" aniya saka tumingin sa katabi ko. Nakita kong bahagyang umawang ang labi niya pero agad naman niya iyong itinikom nang maramdaman na tinitignan ko siya.
"Ate pwede ko bang malaman kung saan ang bahay nila? " patuloy na tanong ko rito.
"Ayon, pumasok ka sa eskinita na 'yon atsaka kumaliwa ka. May makikita ka na asul na bahay na may tindahan, iyon na 'yon." sagot niya sabay turo sa direksiyon sa bahay ng pakay namin.
"Okay po, salamat ate" pasasalamat ko rito saka nag-paalam na rin at nag-umpisa nang maglakad sa itinurong direksiyon no'ng babae. Naramdaman ko naman na sumunod si Matt at tahimik lang na naglalakad sa likod ko.
Walang may nagsasalita sa amin hanggang sa makarating kami sa itinurong bahay.
Napahinto ako nang makita ang itsura ng bahay. It's a two storey house painted with a blue and white paint.
Pinagmasdan ko ng mabuti ang bahay mula sa labas. Napataas ang kilay ko sa nakita. Napadako naman ang tingin ko sa tindahan at nakitang puno ito ng paninda.
"Aleck" rinig kong tawag ni Matt sa akin saka ko naramdaman ang bahagyang paghawak niya sa palad ko upang kuhanin ng buo ang atensiyon ko. Deretsong napatingin ako sa asul niyang mga mata.
"Aleck, I know what's going on with your pretty little mind but I want you to calm down" marahang saad niya sa akin. Napatango naman agad ako at saka inayos ang composure ko.
Nang medyo nawala ang inis na nararamdaman ko sa naiisip kanina, tumungo ako sa may pintuan. Akmang kakatok na ako nang hinila ako ni Matt at iginiya sa likod niya.
"Ako na" aniya saka siya lumapit sa pinto at kumatok ng tatlong beses. Walang may nagbukas ng pinto. Kakatok sana ulit si Matt nang may marinig kaming sigawan mula sa loob na wari'y nagka-kasiyahan.
Agad nagtama ang tingin namin. Parehong seryoso ang mga mukha namin at parang iisa lamang ang aming naiisip. Agad na tumalikod si Matt at pinihit ang door knob. Good thing that it wasn't locked at agad binuksan ni Matt ang pintuan.
Natahimik ang kaninang nagsasayang mga tao. Agad na uminit ang ulo ko nang bumungad sa amin ang kumpol ng mga tao. Sa tingin ko mga nasa bente katao iyon. May tatlong lamesa na nakahilera sa gitna. Napadako ang tingin sa bagay na nasa ibabaw ng lamesa at sa mga hawak ng mga nakaupong kalalakihan.
Gambling, pasugalan ang bahay na ito. Hindi pa man nakakabawi ang mga sa harapan namin ng magsalita si Matt sa malamig na boses.
"Who is that Richard and Rina?" aniya saka iginiya ang tingin paisa-isa sa mga taong hanggang ngayon ay gulat sa biglang pagpasok namin.
Napadako ang tingin ko sa lalaki at babae na sa tingin ko ay nasa kuwarenta na ang edad na nasa gitnang lamesa. Nakayapos ang mga braso ng babae sa lalaki na animo'y takot maagawan ng iba pang mga kababaihan sa loob. Nagkatotoo ang hinala ko nang magsalita ant babae.
"A-anong kailangan niyo? B-bakit kayo pumasok sa pamamahay ko?" nauutal na tanong ng babae. Halatang kinakabahan ito dahil namumutla na ang labi nito na nakatingin sa taong nasa tabi ko.
Napatingin ako kay Matt at nakita ko ang mapanganib na aura na bumabalot dito para sa mga taong nasa harapan namin. Ramdam ko ang malamig na tingin na ibinibigay niya sa mga ito pero sinasabayan lang ito ng nakakatakot na aura na bumabalot dito.
"PRESIDENTIAL DECREE No. 1602. PRESCRIBING STIFFER PENALTIES ON ILLEGAL GAMBLING. WHEREAS, Philippine Gambling Laws such as Articles 195-199 of the Revised Penal Code" Nagtatagis na bagang na saad ni Matt. Nagulat naman ako sa sinabi niya pero pinagsa-walang bahala ko iyon.
Narinig ko ang pagsinghap ng mga taong nasa harapan namin. Nakikita ko sa mga mata nila ang kaba. Matt is wearing his military uniform at alam kong nakadagdag iyon sa lakas ng dating niya sa mga ito.
"S-sir, huwag po, k-katuwaan lang po namin ito" pagma-makaawa ng isang babae na sinusubukang abutin ang mga kamay ni Matt pero, nakita kong nakakuyom lamang iyon.
"Any games involving money and is not permitted by the government is illegal. Huwag na kayo magsabi pa ng kung anu-ano, hindi iyan gagana sa akin" malamig na boses pa rin na saad ni Matt.
Ang kaninang galit na naramdaman ko nang makita ang mga magulang ni lenlen ay nawala nang makita kong mas galit pa si Matt sa nasaksihan namin. Hindi ko siya masisisi dahil sa batas siya nagta-trabaho at alam kong illegal iyon.
Mataman kong tinignan ang mga magulang ni lenlen na ngayon ay nakatingin na rin sa akin bago ko ibinaling ang tingin kay Matt. Agad kong hinawakan ang kamay niya para kunin ang atensiyon niya.
"I will talk to lenlen's parents, ikaw na muna ang bahala sa iba pa, pwede ba iyon?" tanong ko sa kaniya sa mababang boses, agad naman niya akong tinanguan bilang pagsang-ayon. Binalik ko ang tingin ko sa mag-asawa at tinitigan sila bago ako nagsalita.
"Mang Richard, aling Rina, gusto ko kayo makausap" ani ko sa kanila saka naunang lumabas ng bahay. Ilang sandali pa lumabas na rin sila. Agad ko silang hinarap at tinitigan ng mabuti bago nagsalita.
"Ano ba talaga ang rason niyo sa pag-iwan ninyo kay lenlen sa institution?" diretsang tanong ko sa kanila habang nakatingin ng diretso sa mga mata nila. The eyes knows the truth and I'll figured it out.
Kita sa mga mukha nila ang pagkagulat sa tanong ko. Nakita ko naman na nag-iwas agad ng tingin si mang richard nang magtama ang tingin namin.
"Tell me, and don't you ever lie to me" malamig na boses na saad ko sa kanila. Naaalala ko na naman ang malungkot na mukha ni lenlen at di ko mapigilang makaramdam ng inis sa mga taong nasa harapan ko ngayon.
"Bakit mo ba ito ginagawa? Hayaan mo na lang si lenlen sa institution" matapang na sagot sakin ni aling Rina kaya binigyan ko siya ng matalim na tingin.
"You're really asking me that? Eh kayo, bakit gano'n ang ginawa niyo? Bakit iniwan niyo yung bata doon eh alam niyo naman na may sakit na siya. Anong klaseng mga magulang kayo?!" Napataas na ang boses ko sa sobrang inis na nararamdaman sa kanila. Something's off, nakikita ko na ayaw talaga nila sa responsibilidad.
"Wala kang karapatan na kuwestyonin ang pagiging magulang namin kay lenlen, wala kang alam!" sigaw niya sa akin but I'm not bothered. Naiinis ako sa kanila.
"Then why? Tell me, why did you left lenlen at the institution? Hindi niyo man lang ba naisip 'yong mararamdaman niya? Andito lang kayo nagsusugal habang ang anak niyo do'n nahihirapan sa sitwasyon niya. May sakit si lenlen baka nakakalimutan ninyo" ani ko sa kanila.
Nakita ko na lang na naluluha na si aling Rina habang si mang Richard hindi makatingin sa akin ng deretso at walang sinasabi na kahit ano. Kanina pa siya tahimik.
Napabuntong-hininga na lang ako sa naging reaksiyon nila.
"Bukas, pumunta kayo sa institution, bisitahin niyo siya. Puwede niyo naman kasi siyang alagaan sa institution eh. Gawin niyo iyon para sa bata. Iyong sakit niya, hindi lang iyon basta-basta. Samahan niyo siya sa mga paghihirap niya, hindi iyong andito kayo na tuwang-tuwa lang sa pagsusugal. Gawin niyo ang responsibilidad niyo bilang mga magulang. " mahabang litaniya ko sa kanila.
Nakita ko na lang ang paghagulgol ng iyak ni Aling Rina, agad naman siyang niyakap ni Mang Richard.
"Aleck" napatingin ako sa may pintuan nang marinig ko ang boses ni Matt. Bumaling muna ang tingin niya sa mag-asawa bago naglakad papalapit sa akin.
"I'll be expecting you tomorrow at the institution. Also, stop gambling or else we'll be the one to report you to the police, hindi ako nagbibiro" saad ko dito saka tinignan si Matt ng makahulugan.
Hinawakan niya ako sa siko saka kami nagpaalam at naglakad na pabalik sa sasakyan.
We're just silently walking hanggang sa makarating kami sasakyan. Agad ko binuksan ang pintuan at pumasok na, gano'n din ang ginawa ni Matt.
I thought he will start the engine already but I just saw him looking at the front.
"Matt" Tawag pansin ko sa kaniya. Tinignan niya naman ako saka napabuntong-hininga.
"What's wrong?" tanong ko sa kaniya sa malumanay na boses.
"I'm pissed" tipid na sagot niya.
"Tell me about it" saad ko sa kaniya. I don't know how to comfort someone and that's the only way I can help him. Ako man din ay naiinis sa nangyari kanina but I just calmed myself dahil alam ko sa sarili ko na iba ako pag nagalit.
"My goal and mission as a soldier is not just to protect my countrymen. I told myself when I graduated at the PMA that I will remove all the shits in my every assignment and, gambling is one of those. " napaupo ako ng maayos dahil sa tinuran niya.
"I don't want just to be a typical soldier who only work in the field. Ayokong sa mga NPA lang matapos ang pagiging sundalo ko. Gusto ko ng pagbabago, hindi lang para sa pagbabalik loob ng mga NPA sa gobyerno kundi pati ng mga mamamayan na piniling magkubli sa karahasan at gumawa ng mga masasama. Hindi lang kapayapaan ang gusto ko, kundi pagbabago tungo sa kabutihan." aniya saka tumungo at inilagay ang ulo sa may manibela.
Hindi ko alam kung ano ang sasabihin ko sa kaniya. Alam ko na hindi lamang isang sundalo si Matt na puno ng paninindigan at prinsipyo pero hindi ko alam na ganito pala kalalim ang pagpapa-kahulugan niya sa kaniyang sinabi tungkol sa kalinisan sa lipunan.
"Matt" tawag ko rito. Napalingon siya sa akin at sinalubong ko naman ang kaniyang tingin.
"Matt, you can still do that.Marami ka pang pagkakataon para itama ang mga baluktot na nangyayari sa lipunan" tanging nasambit ko na lang sa kaniya. Hindi ko alam kung tama ba ang mga salita na isinaad ko sa kaniya.
"Yeah, you're right." tipid na sagot niya sabay tango. He started the engine at saka nag-drive na paalis.
"Aleck, would you mind if we go to our camp first before I drive you home? May kukunin lang ako" aniya habang nasa harapan pa rin ang tingin.
"Oh sure, maaga pa naman" sagot ko rito. Naisip kong matulog na muna nang may matandaan ako.
"Ano ang ginawa mo sa mga tao sa loob kanina?" tanong ko sa kaniya ng maalala ang nangyari kanina.
"I just warned them, pag-inulit pa nila iyon hindi ko na sila pagbibigyan" Nagtatagis na bagang na saad niya. Agad ko namang hinawakan ang braso niya dahil doon.
"Calm down, let's not just talk about it" saad ko sa kaniya. I don't know what's with me pero ayokong makita siyang muli na nagagalit. Hindi sa takot ako o ano pero ayoko lang talagang makita siyang gano'n.
Tumango naman agad siya sa sinabi ko at hindi na nagsalita pa.
Lumipas ang ilang minuto nang makita ko na papasok na pala kami sa kampo nila. Ilang sandali pa tumigil na ang kotse at agad namang humarap sa akin si Matt.
"Do you want to come with me?" tanong niya habang tinatanggal ang pagka-kabit ng seatbelt niya.
"Magtatagal ka ba?" tanong ko rito.
"Hindi naman, may kukunin lang ako saka magbibihis na rin. Pupunta akong Tacloban ngayon may bibilhin lang na supplies para dito." paliwanag niya sa akin.
Pupunta siya ng Tacloban, doon na lang kaya ako bumili ng mga lulutuin para dalhin bukas sa institution?
"Hintayin na lang kita dito. By the way puwede ba akong sumama sa Tacloban? May bibilhin lang rin ako" paalam ko rito. Siguro mas maganda na doon na lang ako bumili para bukas makapag-luto agad ako. Sayang din ang oras na ipupunta ko sa palengke, para na din iyon sa pagluluto.
"Sure, sige hintayin mo lang ako, saglit lang ako sa loob" paalam niya saka lumabas na ng kotse.

Bình Luận Sách (91)

  • avatar
    Edgar Villanueva

    allowed in Scrabble online lagi Akong inuutusan you want me

    8d

      0
  • avatar
    Jessie

    very good

    11d

      0
  • avatar
    Aiben Alcantara

    Romeo, S. R.

    23d

      0
  • Xem tất cả

Các chương liên quan

Chương mới nhất