logo text
Thêm vào thư viện
logo
logo-text

Tải xuống cuốn sách này trong ứng dụng

Chapter 4

"Magbihis ka na Sierra aalis na tayo,"
Inilapag sa mesa ni mama ang mga sexy outfit sa sofa. I almost forget this thing.
Tinignan ko si Drake pati siya ay may masamang kutob rin sa binabalak ng ina namin.
"Ma? Saan mo dadalhin si Sierra?" Tinaasan lang ng kilay ni mama si Drake.
"Wala ka ng pakialam Drake, ito oh pera gumala ka na lang doon," inabot ni mama ang pera kay Drake.
"Hindi ko kailangan yan, sagutin mo ako ng maayos ma!"
Slap!
Mom has short temper, kaya hindi na ako nagulat ng sampalin nya si Drake. Walang araw na hindi sinasaktan ni mama si Drake. The worst thing is... sya ang sumasalo sa kasalanan ko kaya palagi s'yang sinasaktan.
"Drake! Wag na wag mo akong pagtaasan ng boses mga sampid lang kayo dito!" natahimik si Drake, habang dinuro-duro sya.
I can't take this anymore.
"Ina ka ba talaga namin?" I asked her anxiously.
Nawindang yata sya sa tanong ko. Sana sabihin nya na hindi kami nanggaling sa sinapupunan nya.
I'm tired of being her daughter.
"Oo," mahina na sagot nya.
"Wag kang magsinungaling!" Damn! Finally na sumbatan ko na rin sya.
"Ano ba gusto mong malaman Sierra? Binuhay kita ng eighteen years kaya magkaroon ka naman ng silbi ngayon!" bulyaw nya sakin.
I didn't move any muscle, Pinulot na lang nya yung mga damit at kinaladkad ako palabas ng bahay.
Di naglaon dumating yung kotse ng kalaguyo ni Mama.
"Sumakay ka na---"
"Hindi sya sasama," Drake pull my arms off her.
Hindi na maipinta ang galit ni Mama. Ano bang kasalanan ko at ganito nya ako tratuhin? Is she mad that i'd exist?
"Wag mo kami pigilan Drake! Pumasok ka na doon!"
Subali't nagmatigas si Drake at hinawakan ang kamay ko. Kaya lang naman ako nakakatagal sa pamamahay na ito dahil sa kapatid ko.
Bumaba na yung lalake ni Mama. Sa pagitan ko nagsusumbatan sina Mama at Drake.
"Paul, patahimikin mo nga yang si Drake!"
Nagtagis ang mga ngipin ko ng sikmuraan ng walang hiyang lalake ang kapatid ko.
"Gago ka!" Sinabunutan ko si Paul, hanggang sa mabunot ko yung hibla ng buhok nya.
Slap! Mabilis agad ako nakatanggap ng sampal galing kay Mama.
"Wala ka talagang binigay ko kundi kamalasan, sana hindi nalang kita INAMPON! Edi sana hindi nagka letsi-letsi ang buhay ko,"
Then she spill out that damn truth... Sa loob ng maraming taon nabuhay pala ako sa kasinungalingan.
I don't know why? Bigla na lang ako tumawa ng mapakla, oh come on?! from that shocking revelation.
"Ang saya ko... Sobra... Ng malaman ko hindi ikaw ang totoo kong ina alam mo ba kung bakit?... Kinahihiya kita." may pagdiin na bitaw ko sa huling sinabi ko.
Once more she slap me. Nagkaroon na rin ako ng lakas na loob ilabas ang galit ko sa kanya. I always respected her because of the fact that she's my mother.
"Wala ka'ng utang na loob! Kundi hindi dahil sayo sana may maayos na trabaho ako at sana hindi kami nag hiwalay ng asawa ko! Bakit pa ba kasi iniwan ka ng magulang mo sa harap ng bahay ko... Ah! Dahil alam nilang salot ka! Salot!" Napaatras ako sa malakas na pagduro nya sakin.
Minsan iniisip ko rin talagang nakakabit na sakin ang malas sa katauhan ko.
"Ma! Hindi totoo yan," awat ni Drake sa kanya.
Bumuntong hininga sya habang minamasahe ang sentido.
"Pwedi ba? Pumasok ka na lang sa kotse," turo nya doon. Pero hindi ko sya sinunod.
Hindi ko na rin kasi alam anong gagawin ko ng malaman ko ang katotohanan. Nang hawakan nya ang braso ko pumiglas ako at saka tumakbo palayo.
Ang malas umuulan pa! Ano pa ba'ng halaga ng buhay ko kung pati tunay na magulang ko pinamigay lang ako ng basta-basta.
"Sierra, bumalik ka!"
Naman oh! Bakit hinahabol pa ako ng babaeng ito! Sampid lang naman ako diba? Dapat mawala na ako sa paningin nya.
"Sierra!" She called me once again pero hindi ko sya nilingon kahit saglit.
Tumawid na ako sa crossing muntikan nga ako mahagip ng isang motor pero ang malas hindi nya tinuloy.
"Magpapakamatay ka ba?!" singhal ng driver sakin. Matamlay ko lang sya tinignan.
"Wag mo ako idamay!" at saka umalis na sya, dahan-dahan lang ako tumawid hanggang sa kabila.
Beep! Beep! Nakita ko sa peripheral vision ko ang nakakasilaw na liwanag na patungo.
And the next thing happened knocked the life out of me.
---
"I'm really sorry but she's dead on arrival," Iyon ang unang binungad ng doctor sa'amin ng lumabas sya sa emergency room.
I think i'm going insane. This is my fault, dahil sakin nabangga ng van ang mama ni Drake.
He's infront of me leaning against the wall. He's eyes were gloomy. He's in total distress at this moment and i don't know how to comfort him.
I wanted to hugged him but i'm afraid he'll push me away. I wanted to apologize but sorry is not enough for what i've done.
"It's not your fault Sierra... Don't blame yourself," Wala ganang sabi nya sakin.
"But---"
"I'm the one to say sorry..." lumapit sya sakin at mahigpit ako niyakap.
"Matagal ko ng alam na kinupkop ka lang ni Mama... Hindi ko sinasabi sayo kasi... Ayaw kong umalis ka sa bahay ayaw kong lumayo ang loob mo sa'akin... I'm sorry Sierra... Patawad talaga,"
"Don't feel sorry, hindi ko rin pinagsisihan na naging kapatid kita..." bulong ko sa pagitan ng mga bisig nya.
Tapos bigla na lamang sumagi sa isipan ko ang katanungan na ito.
Is there any chance he will love me? Not as a sister but as girl.
---
One week later...
Matapos ang libing ng tinuring kung ina pumasok na kami ni Drake sa school. Nagluluksa rin ako sa pagkawala nya kahit ganun ang trato nya sakin nagpapasalamat pa rin ako pinalaki nya ako kahit labag sa loob nya.
"Sierra," tawag sakin ni Rita ng pumasok na ako sa classroom.
Napalibutan agad ako ng mapanuring tingin, nagsimula rin sila mag bulong-bulongan. And i bet they're glad for my misery. Nagpapasalamat sila sa kamalasan sa buhay ko.
What would i expect from them? Instead na bigyan sila ng pansin dumiretso lang ako sa seat ko. Next week susunduin kami ni lola galing sa probinsya at doon na rin daw kami mag-aaral.
Kahit hindi ko totoo'ng kadugo ang lola ni Drake bukal sa loob pa rin nya ako tinanggap at matagal na rin nyang alam na ampon lang ako.
"Condolence Sierra," Matipid na tango naman ang tinugon ko kay Rita.
"Nakakain ka ba ng maayos? Ito oh kainin mo na lang itong lunch ko---"
She's making me sick...
"Wag mo nga ako kaawaan!" I shouted then slam the table. Good! Nasa sa'akin ulit ang atensyon nila. F-vck!
Napikon ako kaya tinulak ko palayo yung desk at padabog na lumabas sa room. Bakit ba ang hilig makialam ng babaeng iyon?
Habang naglalakad sa hallway sumalubong sa'akin ang isang lalakeng nasa mid 40's naka-butler suit sya hmm? Anong tinitingin nya sakin?
"Ms. Sierra Master Cielo wants to talk to you,"
Him?
Kasi nga curios ako sa gustong sabihin ni Mr. Devonshire, sumama na lang ako hanggang nga sa dumating kami sa pavilion sa may garden.
Andoon pa rin yung star struck feeling pag titignan ko sya. He's so delicate to look at, pero pag nakausap muna sus! Pumapangit yung magandang image nya.
"Have a seat," hinila nung butler yung katapat na seat.
Padabog naman ako umupo. I crossed my arms and legs just to show him how disrespectful i am.
Then he smirk natuwa pa talaga sya? Wtf? Yun lang hindi nya ba ako sisitahin sa kabastusan ko?
Ibang klase ka talaga Mr. Cielo Devonshire. Sinalinan na nung butler ang tea cup ko ng tea.
Wew! First time ko sa isang tea meeting and i'm gonna ruin this.
"Thank you---" Palihim ako ngumisi ng sinadya ko mabuhusan ang mamahaling mantle na nakapatong sa table.
"Ah sorry," I apologies sarcastically.
"Don't mind, just drink," Sabi nya habang abala sa pagsimsim ng tsaa nya.
Ganito ba talaga kumilos ang mga classy? Yung wala lang pakialam sa nangyayari wag lang masira yung eleganteng atmosphere na pumapalibot sa kanila.
"Tsk," Napako naman yung tingin ko sa tray ng cakes.
Gusto ko talaga makita syang mapikon hanggang sa sabihin nyang expelled na ako.
"Masarap ba ito?" kinuha ko yung strawberry shortcake, tapos yung cholate moist cake... And so on nilagay ko lahat sa plate ang mga cakes.
Tignan lang natin kung hindi tatalab ito sayo.
"Are you trying to dismay me Ms. Sierra?" He asked calmly.
"Kanina pa," I replied with my famous poker face. "Ano PO ba sadya nyo?" I emphasize the po para ma feel nyang hindi ako interesado makipag date sa matanda sakin.
"Nothing, i just wanna see you," kalmado na tugon nya.
Huh? Nothing as in wala? Pinagloloko talaga ako ng tarantado na ito.
"Nakita mo na ako sige bye po," naka puntos ulit sya bad trip, ako yung unang nainis.
He heaved a heavy sigh, which makes my knees shiver... To be honest nakakatakot talaga sya pag serious ang expression nya.
"I need your ideas and suggestion for the upcoming school festival..."
School festival? Malapit na yun huh? Pero wala na kami ni Drake dito sa araw na iyon.
"Why do you need my suggestion? Anong silbi ng mga student council?" bulaslas ko. Hindi ko talaga gets ang iniisip ng tao na ito.
"Why are you rude to me?"
"Don't dodge my question,"
Napa-pitlag ako sa gulat ng ibagsak nya ang tea cup na hawak.
"I'm trying to be nice with you brat!"
Napa-irap ako ng tinawag nya akong brat.
"And what's your reason? May gusto ka ba sakin?! Sabihin mo lang,"
From what i said i saw a glint of surprise in his icy blue eyes.
"Kung sabihin kung Oo, anong gagawin mo?" mapanghamon na ani nya.
Woah! What straight forward answer, halata pa sa sikat ng araw na niloloko nya lang ako.
Nakakapagod na rin makipag argue sa kanya. So i must lowered my pride to end this discussion.
"Sorry you're not my type baka mapagkamalan ka pang ate ko pag mag d-date tayo, aaminin ko maganda ka kaya ayaw ko sayo nasasapawan mo yung ganda ko!" binelatan ko sya, tumayo na ako ready na para umalis.
"Wait a sec... Ate? Maganda, how foolish... Am i look gay---"
"Nope, actually you act manly... Pero nakaka confuse yang mukha at style ng buhok mo,"
Mhh? Kahit bagay talaga sa kanya yung pag tali nya ng tail sa buhok nya.
Hindi ko ma-picture out yung expression nya. Namumula na kasi yung tenga nya tapos may pakagat labi pa... Pfft did i get pissed him?
"And by the way lilipat na rin PO ako ng school kaya hindi na ako aabot sa school festival,"
"At sinong may sabing papayag akong lilipat ka?"
Ano ba talagang gusto ng lalakeng ito sakin?! Sa totoo lang sarap na nyang kalbohin.
"I want you..."
Out of nowhere yun ang lumabas sa bibig nya ng tumalikod na ako.
"Whether you like it or not you must remain in my school, got it?"
I don't get it! Kahit saan angulo ko tignan ang labo pa rin.
"What's your reason?" I asked once more just to make sure he answer me honestly.
Umiwas sya ng tingin sakin na parang nag-iisip pa ng tamang isasagot.
Thirty seconds hindi pa rin sya umiimik. I'm done here, wala na akong kailangan dito.
Akmang aalis na ako ng bigla syang sumulpot sa likod ko.
Everything goes in slow motion when he forcely grab me to his chest as in sumalampak ang mukha ko sa malapad na dibdib nya.
Napupuno na talaga ako sa kanya.
"I want you to become my bride... Is that enough reason, Sierra?"
WHAT?!

Bình Luận Sách (71)

  • avatar
    Ej Endino

    Call of duty

    7d

      0
  • avatar
    BotioKimbert

    interesting story, must read

    25d

      0
  • avatar
    Niezon Briz

    hhh

    12/07

      0
  • Xem tất cả

Các chương liên quan

Chương mới nhất