logo text
Thêm vào thư viện
logo
logo-text

Tải xuống cuốn sách này trong ứng dụng

Rewrite Our Stars

Rewrite Our Stars

syaleullein31


PROLOGUE

I woke up this morning that I felt different which I can’t fathom. Though it was just an ordinary day for me, I can't understand why I feel this way at the moment.
Pinakiramdaman ko ang sarili ko, para akong kinakabahan sa hindi ko malamang dahilan, o sadyang hindi lang talaga maganda ang gising ko ngayon.
Night shift kasi ang duty ko kagabi but still I have an early round to my patients so, I woke up early today to be able to exercise even for a while…
Perhaps I'm just lacking in sleep…
Nasasanay na rin ako sa propesyon ‘kong ito, kahit hindi naman talaga ito ang gusto kong propesyon noon pa man. Pero dahil we are a family of doctors wala akong magagawa kundi sumunod sa mga yapak ng pamilya ko.
Of course, I can’t let them down and diasapoint them, nasanay na rin naman ako… maybe I was born to save lives… ayos lang kahit paano ay na-eenjoy ko na rin ito, kahit sa’kin naipasa ang obligasyong sa kaniya dapat…siya dapat ang namamahala sa ospital at hindi ako.
I remember him again…
Inis ‘kong tinapos ang pagtakbo ko sa treadmill at kinuha ang towel ko para punasan ang pawis kong katawan at uminom ng warm water with lemon sa thumbler ko, at inubos ang laman ‘non. Wala na sira na naman ang araw ko! Bakit pa kasi naalala ko na naman ang taong iyon?
Damn you, jerk!
I also took a shower, quickly got dressed and left my condo then, drove to the hospital. Sana lang ay walang traffic at ayokong ma-late sa pag-rounds ko, ang bagay na ayaw na ayaw ko, ang ma-late sa trabaho. Kaya lang masyadong mapaglaro ang tadhana, hindi lang ngayong araw ang pinaglaruan niya, kundi pati buhay ko ay pinaglaruan niya rin…
Sobrang traffic kainis!
Habang naka-stop ang sasakyan ay nagtingin ako ng mga post sa Instagram account ko, nakakainip kasi at wala rin naman na ako masyadong time para sa social media. Kaya pasulyap-sulyap lang ang nagagawa ko pag may free time ako. Biglang nag vibrate ang phone ko at ang notification ay galling kay Doc. Josh, nag-message siya at hinahanap na ako.
Phew! Maghintay ka diyan!
Muli pang nag-vibrate ang phone ko at may notifications akong natanggap, someone started following me pero hindi ko na nakuhang tingnan dahil nag-go na ang traffic light at umandar na ang sasakyang nasa harap ko kaya pinaandar ko na rin ang sasakyan ko.
“Good morning po, Doktora!” bati sa’kin ng guard.
“Good morning ho, Mang Nelson!” nakangiti kong bati.
Nagpatuloy ako sa pagpasok sa loob ng ospital na kasalukuyan nang maraming tao ang naghihintay sa waiting area at mga nakapila for check-ups nila. Ganito ang araw-araw na sumasalubong sa akin sa tuwing darating ako rito sa ospital.
“Good morning po, Doktora!” sabay-sabay na bati sa’kin ng mga nurse. Tinanguan ko lang sila at nginitian at dumeretso na muna ako sa office ko para ilagay ang gamit ko at isuot ang medical white coat ko.
“Omg! Ang gwapo niya!”
“Ang bango niya sobra!”
“Shocks! Is it true? Nagbalik na siya?! Mag-stay na ba siya rito for good?” kinikilig na sambit ng mga nurse na nakatalikod sa’kin habang nakasilip sa sa pintuan ng ward room.
I scoffed. “Ehem, is gossiping is part of your job?!” seryoso kong tanong sa kanila. Gulat silang napalingon sa akin at umayos ng tayo.
“Sorry po, Doktora!” sabay nilang sambit na bahagya pang yumuko.
I shook my head in annoyance. “Let’s start our rounds with the patients,” pormal kong sagot at agad naman nila akong inalalayan na makapasok sa loob ng ward room.
Nakangiti kong binati ang mga pasyente at bantay na nasa loob ng kwarto. I checked them one by one to see how they were doing, if they were getting better, and also told them what not to do and what they could do and eat. After I checked the three patients it was the one on the far left that I next need to check with the curtain blocking. The good thing is there are only four patients per ward here, I heard gossip and soft laughter in that spot.
“Nandiyan po yata sila Doc,” mahinang sambit ni nurse Joan na tila kinikilig pa
Agad na nangunot ang noo ko sa kaniya at hinawi ang kurtina sa kamang iyon at bumungad sa akin ang matandang babaeng pasyente na nakangiting nakikipag-usap sa isang lalaking nakatalikod sa kin. At napansin ko rin na nandito si Doc Josh.
“Ay! Nay, nariyan na pala si Doktora. Good morning po, Doktora!” nakangiting bati sa’kin ng bantay ng pasyente.
“Good morning ho! Nay, kumusta ho kayo? Mukhang may bisita po kayo, ah!” nakangiti kong sambit at sinuot na muli ang stethoscope ko. “E, nandito pala si Doc Josh, nay,” sumulyap ako sa kaniya at tinuro siya.
“Masigla na ‘yan si nanay, Doc dahil sa gwapong bisita niya!” nakangiting sagot ni Doc Josh.
Lumapit akong bahagya. “I see… nay, check ko lang po kayo, ha?” nakangiti kong saad, gulat akong nang masulyapan ang taong itong nakatalikod sa akin.
Muntik ko nang mabitawan ang hawak kong stethoscope nang mapagtanto ko kung sino siya…ilang beses pa akong kumurap. At hindi ako nagkakamali… siya nga si Cielo! Nagbalik na siya! I instantly averted my eyes to the patient and forcely gave her a smile.
“Good morning, Doktora…it’s been a while,” mahinang sambit niya ngunit hindi ko siya sinagot at patuloy lang sa pag-check sa pasyente ko.
Mabilis kong tinapos ang pag-rounds sa mga pasyente at hinabilin na sila sa mga nurse roon at mabilis kong nilisan ang ward room na iyon. Para akong na-suffocate roon, hindi ako makahinga…bakit? Bakit siya nandito? Anong ginagawa niya rito? Bakit siya nagbalik?!
Agad kong pinindot ang button ng elevator nang marating ko ito at hindi pinansin ang sino mang makasalubong ko, parang nandidilim ang paningin ko sa inis at sa galit. Papasok na ako nang biglang naramdaman kong may humila sa kamay ko.
“Wait, Ella!” he said in a husky voice that pierced my heart when I heard him.
I stared at him. “What?!” I said irritated and pull my wrist to him. Then, I instantly go inside the elevator but then, he followed me.
“Let’s talk.”
“We have nothing to talk about…”
“Please?” he said softly.
“Look, I’m busy! What are you doing here?!”
Lumapit siya sa akin kaya naman napaatras ako at pilit na iniiwasan siya. “Ella, I’m back and I’m here for you.”
“I don’t care…you already left me! It’s too late, Cielo!” galit kong sagot sa kaniya na nakatingin sa mga mata niyang nangungusap.
Hinawakan niya ang dalawang kamay ko. “Ella, please…give me a chance—I’m ready to fight for our love…for us. Ella, let’s rewrite our stars…” he sincerely said. Our eyes were locked on each other, his eyes seemed to melt me.
I was once more mesmerized by him…

Bình Luận Sách (24)

  • avatar
    CarabidoAiza

    good

    28/06

      0
  • avatar
    Michael Jay

    bohol

    18/04

      0
  • avatar
    ManRg Trigger

    this app is amazing

    01/04

      0
  • Xem tất cả

Các chương liên quan

Chương mới nhất