logo text
Thêm vào thư viện
logo
logo-text

Tải xuống cuốn sách này trong ứng dụng

Ikalimang Kabanata

“ARE you done, Quinn?” tanong ni Mama nang pumasok siya sa loob ng kwarto ko.
Pinagmasdan niya ang kabuoan ko at pinaharap ako sa kaniya. Nang masigurong nakaayos na ako ay saka siya ngumiti at kumapit sa braso ko.
“Let’s go,” yaya niya.
Nang makababa kami ay naabutan namin si Papa na nakaabang na at naghihintay sa amin sa sala. Pare-pareho kaming nakaputi ngayon. Ang pinagkaiba nga lang ay ako lang ang nakasuot ng shades para takpan ang namamaga kong mga mata dahil sa kakaiyak.
Ngayong araw na ang libing ni Alora. Isang araw lang ang lamay niya dahil ‘yon ang gusto ng mga magulang niya.
“Aalis na tayo,” sabi ni Papa. “Baka tayo na lang ang hinihintay doon.”
Nauna silang lumabas ng bahay habang ako ay hindi pa rin gumagalaw sa kinatatayuan ko. Napalingon ako sa picture frame na nakalagay sa ibabaw ng piano sa sala. Nilapitan ko iyon at kinuha.
Mabilis na nangilid ang luha sa mga mata ko nang makita ang litrato naming tatlo nina Pracy at Alora. Madalas kaming tumambay dito sa bahay noon at mag-piano dahil pareho kaming mahihilig sa music. ‘Yon ang bonding namin.
Napakasaya pa namin sa larawan na ‘to. Ang sakit lang isipin na kami na lang dalawa ni Pracy ang maaaring gumawa ng mga bagay na madalas naming gawin tatlo noon.
“Quinn Emerald, let’s go!” sigaw ni Mama mula sa labas na nagpabalik sa akin sa wisyo.
Ibinaba ko ang hawak at ibinalik iyon sa pwesto saka ako tuluyang lumabas. Nasa loob na ng kotse sina Mama at Papa kaya sumakay na rin ako.
Halos isa’t-kalahating oras ang tinagal byahe namin dahil sa rush hour. Nang makarating kami sa bahay nila Alora ay saktong paalis na sila.
Nandoon din ang lahat ng mga kaklase ko pati na si Pracy. Hindi kami pumasok dahil lahat kami ay gustong makadalo sa libing ni Alora. Ipinagpaalam naman kami ng Professor namin na i-excuse muna kami sa klase. Mabuti na lang at pumayag ang Principal.
“Puntahan mo muna ang mga kaklase mo,” biglang sabi ni Mama sa tabi ko.
Siguro ay napansin niyang nakatanaw ako sa pwesto ng mga kaklase ko.
Umiling ako. “Hindi na po, Ma. Ayos lang po. Dito na lang po ako.”
“Ayos lang din naman sa amin ng Papa mo kung sasamahan mo sila. Kaya puntahan mo na sila,” pamimilit niya pa.
Wala na akong nagawa kundi tumango na lang at pumunta sa mga kaklase ko. Binati nila ako nang makalapit ako sa kanila pero si Pracy ay nakatingin lang sa akin at walang imik.
Nagsimula na kaming lahat na maglakad habang umaandar ang sasakyan kung saan nakaratay si Alora. Ang bigat sa pakiramdam na hinahatid na namin siya sa huling hantungan niya.
Ang ingay mula sa malakas at nakakaiyak na tugtog ay sinabayan pa ng mga paghikbi at hagulgol ng mga taong nandoon.
Tahimik lang akong umiiyak sa gilid, ganoon din si Pracy sa tabi ko. Gusto ko man siyang aluin ay hindi ko magawa dahil hindi pa kami nagkakaayos. Ayaw niya pa rin akong pansinin.
Nang makarating na kami sa sementeryo kung saan ililibing si Alora ay mas lalong lumakas ang pag-iyak ng mga magulang niya.
Naaawa akong napatingin kay Tita Rafaela at Tito Rick. Alam kong sobrang sakit para sa kanila na mawalan ng anak. Dahil pagkatapos nito ay babalik na sila sa dati nilang buhay kung saan sarili na lang nila ang tanging iintindihin nila.
Naupo kaming lahat habang naghahanda ang pari. Kagaya ko ay namamaga na rin ang mga mata at namumula nang sobra ang ilong ni Pracy. Hindi na siya matigil sa pagtangis.
Tumayo kami nang magsimula na ang seremonya ng pari. Ang mga dasal, speech ng mga malalapit kay Rika, at ang paghahagis ng bulaklak.
Ang mga kamag-anak at kakilala ng pamilya nila ang unang naghagis ng bulaklak. Sumunod ang mga kaklase ko pati na sina Mama at Papa. Pagkatapos ay kami namang dalawa ni Pracy ang lumapit sa kabaong ni Alora na ngayon ay ibinababa na.
Napaiwas ako ng tingin nang maihagis ko na ang bulaklak sa kabaong niya. Ang hirap. Hindi ko matanggap na ito na talaga ang huli.
Nang makabalik na kami sa upuan namin ay ang mga magulang naman ni Alora ang pumunta sa harapan. Halos manghina na si Tita sa kakaiyak habang si Tito ay nakaalalay sa kaniya at tahimik na lumuluha.
Napuno ng iyakan ang paligid nang tuluyang mailibing si Alora. Napaangat ako ng tingin sa bughaw na kalangitan kasabay ng pagbitaw ko sa lobong hawak.
Paalam…
***
“Go to your room. Get some rest,” baling ni Mama sa akin nang makauwi na kami sa bahay.
Pagod akong tumango at yumakap sa kanilang dalawa bago ako umakyat sa kwarto ko.
Nang makapasok sa loob ay kaagad akong nahiga sa kama. Ilang oras pa akong tumulala sa kisame bago ako nakaramdam ng antok at tuluyang nakatulog.
Kinabukasan ay mas maaga akong nagising kaysa sa natural na oras ng paggising ko. Hindi ko alam kung nakatulog ba ako nang maayos dahil halos kada oras yata ay naaalimpungatan ako.
“Papasok ka na?” tanong ni Papa nang makasabay ko siyang bumaba.
“Opo, Pa.”
“Ang aga mo namang pumasok ngayon,” puna niya dahil nakabihis na kaagad ako ng uniform. “Sumabay ka muna sa aking mag-almusal. Ako na ang maghahatid sa ‘yo.”
Mabilis akong nag-angat ng tingin sa kaniya nang sabihin niya ‘yon. Matagal na noong huli siyang nag-presenta siyang maghatid at magsundo sa akin sa school. Bata pa yata ako no’n.
Nang mag-highschool ako ay palagi na siyang busy sa trabaho. Halos wala na siyang oras sa akin. Ni hindi na nga kami nakakapag-bonding na mag-ama. Kaya naninibago ako ngayon dahil parang nag-iba bigla ang ihip ng hangin.
“Sigurado ka po, Pa?” hindi makapaniwalang pagkukumpirma ko. “Wala po ba kayong meeting ngayong araw?”
“Mamayang hapon pa naman ‘yon, anak,” sagot niya.
Napatango na lang ako at sumabay nang kumain sa kaniya. Sakto namang pagkatapos kong kumain ay nagising na rin si Mama. Inayos ko lang ang mga gamit ko at nagpaalam na ako sa kaniya dahil nag-aaya na si Papa.
“Papasok na po ako, Ma,” paalam ko at humalik sa pisngi niya.
“Mag-iingat ka, anak,” bilin niya. “Bumabawi sa ‘yo ang Papa mo.”
Ngumiti na lang ako nang tipid at tumango sa kaniya. Hinatid niya pa kami sa labas ng bahay bago kami tuluyang umalis ni Papa.
Nang makarating kami sa school ay kaagad akong bumaba sa kotse. Kumaway ako kay Papa at tinanaw siya hanggang sa mawala na siya sa paningin ko.
Pagkapasok ko sa loob ng room ay naabutan kong maingay ang mga kaklase ko at naghaharutan na parang hindi sila umiyak kahapon. Hindi ko na lang sila pinansin at naupo na lang ako sa upuan ko.
Nagsimula ang klase na para bang walang nangyari. Na para bang walang namatay at nalagas sa amin. Na para bang hindi kami nawalan ng kaklase.
Binalingan ko si Pracy na nakatingin pala sa akin. Ngumiti siya na senyales ay ayos na kaming dalawa. Hindi ko napigilang mapayakap sa kaniya.
“Sorry, Pracy…”
Hanggang ngayon ay hindi ko pa rin maintindihan ang sunod-sunod na nagaganap sa akin nitong nakaraan. Una, nang bigla na lang akong napunta sa comfort room ng school. Pangalawa, nang nakita ko ang hinaharap ni Alora. Pero hindi ko na ‘to sasabihin pa kay Pracy dahil alam kong kahit kailan ay hindi rin naman siya maniniwala.
Ililihim ko na lang sa kaniya ang mga nalalaman ko at ang mga nangyayari sa akin.
***
“Kayo na ang magdala nito sa office…” Rinig kong utos ng class president namin.
“Ayoko. Tinatamad ako,” humihikab na tugon ni John, ang kaklase naming walang ibang ginawa sa room kundi ang matulog. “Ikaw na lang, Kori.”
“Ako pa inutusan mo, alam mo namang ang dami ko nang atraso kay Principal. Pag-iinitan na naman ako no’n,” tanggi ni Kori.
Kaagad akong lumapit sa banda nila nang marinig ko ang pinag-uusapan nila. Napalingon naman sila sa akin dahil sa biglang pagsulpot ko sa harapan nila.
“Saan ‘yan dadalhin?” tanong ko sabay turo sa mga papel na hawak ni Rika.
“Sa office ng Principal,” sagot niya. “Mga project natin ang laman nito kaya kailangan nang maipasa.”
“Ako na ang magdadala,” presenta ko.
“Oh, ayon naman pala! Si Quinn na lang daw,” hirit ni John.
Hinampas siya ni Rika bago ako muling binalingan. “Are you sure, Quinn? Medyo mabigat ‘to.”
Ngumiti ako. “Kaya ko ‘yan.”
Kinuha ko na mula sa kaniya ang mga papel. May kabigatan nga ito pero tutal ay nasabi ko na sa kanila na ako ang magdadala sa office kaya pinandigan ko na lang.
Aalis na sana ako nang may biglang sumagi sa isipan ko. Nilingon kong muli si Rika.
“Nandoon ba ang Principal?” tanong ko pa sa kaniya.
“Wala yata,” hindi siguradong sagot niya.
Tinanguan ko siya at tuluyan na akong lumabas ng room. Mabilis ang lakad ko papunta sa office ng Principal. Nang makarating ako roon ay kaagad akong kumatok.
“Ma’am?”
Nakakailang katok na ako sa office niya pero wala pa ring sumasagot sa akin. Dahan-dahan kong binuksan ang pinto at inikot ang paningin sa paligid. Pumasok ako sa loob nang mapansing wala nga siya.
Ibinaba ko ang mga hawak kong papel sa desk niya hanggang sa napako ang paningin ko sa nakaawang na maliit na cabinet malapit sa lagayan ng mga papersheets sa tabi ng table ng Principal.
Wala na sana akong balak magtagal pa pero inatake ako ng kuryosidad at dahil gusto kong mabigyan ng kasagutan ang ilan sa mga tanong ko tungkol sa Principal, kay Varri at sa school na ‘to kaya nilapitan ko iyon at tinignan kung ano ang nasa loob. Isang lumang notebook ang laman no’n. Kinuha ko ito at binasa.
“Étudiants aux pouvoirs magiques…” pagbasa ko sa nakasulat sa harapang bahagi.
Napakunot ang noo ko sa pagtataka. Hindi ko maintindihan kung ano ang ibig sabihin no’n dahil iba ang lenggwahe.
“Ano ‘to?” mahinang tanong ko sa sarili.
Inilipat ko iyon sa sunod na pahina. Nakita ko ang limang pangalang nakasulat. Hindi ko kilala kung sino ang mga taong iyon pero napukaw ang atensyon ko sa ibabang bahagi nang mabasa ko ang pamilyar na pangalan na may markang tsek. Ang pangalawa sa huli.
✓ Varri Cuevas.
Babasahin ko pa sana ang huling pangalan na nakasulat nang mapalingon ako sa pintuan. Mabilis na kumabog ang puso ko sa kaba kaya dali-dali kong ibinalik ang notebook na hawak ko sa cabinet at isinara iyon. Nahigit ko ang sariling hininga nang biglang bumukas ang pinto ng office.
“What are you doing here, Ms. Naveen?”

Bình Luận Sách (39)

  • avatar
    Dandan Dela Cruz

    that was so awesome

    20/07

      0
  • avatar
    Hanna Winx

    high school life. probably the happiest times in our lives many considers their collage life to be the best,but for me high school is better

    20/07

      1
  • avatar
    Misha Yuri

    ganda ng story

    30/05

      0
  • Xem tất cả

Các chương liên quan

Chương mới nhất