logo
logo-text

Tải xuống cuốn sách này trong ứng dụng

The Heart Of A Magical World (Filipino)

The Heart Of A Magical World (Filipino)

Gooorgeous02


Unang Kabanata

“QUINN!”
Napalingon ako sa kaibigan kong si Pracy nang tawagin niya ako. Kumakaway siya habang nakatayo sa harap ng gate ng school at nag-aabang sa akin. Napangiti ako at tumakbo papunta sa direksyon niya.
“Saan ka nanggaling?” tanong niya nang tuluyan akong makalapit sa kaniya.
“Bumalik ako sa bahay. Naiwan ko pala ‘yong bag ko,” sagot ko sabay angat sa bag upang ipakita ‘yon sa kaniya.
“Hinahanap na tayo ni Professor kanina pa. Nasa stadium na ang lahat ng mga estudyante,” banggit niya.
Napakunot ang noo ko. “Bakit daw? Hindi man lang tayo na-inform?”
“Hindi ko alam. Mukhang may mahalagang announcement yata ang Principal.” Nagkibit-balikat siya. “Let’s go.”
Hinawakan niya ang braso ko at hinila papunta sa stadium ng Mystica Elementa High.
Pagkarating namin doon ay ang napakaraming estudyante na pakalat-kalat sa paligid ang sumalubong sa amin. Mabuti na lang at namataan kaagad namin ang pwesto ng mga kaklase namin kaya dali-dali kaming nakipag-unahan ni Pracy sa upuan at naupo sa tabi nila.
“Oh, Quinn! Saan ka nagpunta? Kanina ka pa namin hinahanap, ah?” bungad na tanong kaklase kong si Alora nang mapansin niya kami.
“Ah, naiwan ko kasi ‘yong bag ko sa bahay kaya binalikan ko,” sagot ko.
“Binalikan mo? Bakit mo pa binalikan? Hindi mo na dapat binabalikan pa ang mga bagay na iniwan mo na,” biglang hugot ng kaklase naming si Joco.
Napangiwi ako at hindi na lang siya pinansin. Kahit kailan talaga.
Muli ko na lang itinuon ang atensyon ko sa harapan. Hindi naman nagtagal at dumating na ang Principal kaya ang lahat ay nagsipagtayuan sa kani-kanilang upuan.
“Good morning, students,” bati ng Principal sa aming lahat.
Bumati pabalik sa kaniya ang mga estudyante samantalang kaming dalawa ni Pracy ay tahimik lang sa gilid. Napabaling kami kay Alora nang bigla niya kaming siniko. Ininguso niya ang pwesto ni Professor. Matalim ang tingin nito sa amin at nagbabanta. Napaayos na lang kami ng tayo at ibinalik ang paningin sa stage.
“Kung nagtataka kayong lahat kung bakit ko kayo pinatawag dito, I have an important announcement to discuss with you,” panimula ng Principal. “A lot of you may not know but today is the 10th death anniversary of Ms. Varri Cuevas, a former student of Mystica Elementa High. We will be having a celebration party tonight, here at the school’s grounds. The party will start at 9 PM in the evening until 12 AM at midnight. That’s all. You may now go back to your classes. See you all later.”
“Death anniversary pero may celebration party? Weird,” kunot-noong bulong ko sa sarili ko.
Mukhang ako lang yata ang nakapansin dito na parang hindi akmang magpa-party sa araw ng death anniversary ng isang tao.
Pagkatapos ng maikling speech ng Principal ay umalis din kaagad siya. Narinig ko pa ang pagsinghap at reklamo ng mga estudyante sa bandang likuran ko.
“Ano?! Ayon na ‘yong announcement? Bakit ang ikli naman? Wala nga akong naintindihan ni isang salita sa sinabi niya,” angal ng isa.
“Akala ko pa naman ay tatagal tayo rito sa court. Ayoko pa namang pasukan ang first subject natin.”
“Ano ba ang first subject ninyo?”
“Mathematics,” malamyang sagot ng isa pang estudyante. “Walang katapusang Math! Panay hanap sa x, p*nyeta! Hindi na lang mag-move on! Nandadamay pa!”
“Same. Awts gege. Sarili ko ngang problema hindi ko ma-solve, sa math pa kaya?”
“Chair up, bhie!”
Palihim akong natawa sa narinig bago ko binalingan ang mga kaklase kong nagrereklamo rin dahil nakakabagot ang first subject namin na History. Mahinhin pa naman kung mag-discuss ang Professor namin sa subject na ‘yon. Nakakaantok lang.
“I-ditch na lang natin ang first class,” pagyayaya ni Kori, ang kaklase naming napakahilig mag-cutting.
“Hoy, Kori, manahimik ka nga! May attendance tayo. Napaka-bad influence mo talaga,” saway ni Rika, ang class president namin, sa kaniya.
Napahilamos na lang siya sa mukha dahil alam niyang wala na siyang magagawa kundi pasukan ang klase namin. Natawa kaming lahat dahil sa tila ba bigong reaksyon niya.
Nang makabalik na kaming lahat sa room ay kaagad na nagkumpulan ang mga lalaking kaklase namin at nagplano na mag-cutting. Nangunguna si Kori sa mga pasimuno no’n palibhasa ay wala pa ang Professor at nakahanap siya ng kakampi. Napapailing na lang akong dinaanan sila bago ako nagtungo sa upuan ko.
“Sasama ka sa party mamayang gabi?” biglang tanong ni Pracy pagkaupo ko.
Kumibit-balikat ako. “Hindi ko pa masabi sa ngayon. Ikaw ba?”
“Oo, sasama na lang ako. Wala rin naman akong gagawin sa bahay,” desididong sagot niya.
Tinanguan ko lang siya at nagsimula na akong magsulat ng kung ano-ano sa likod ng notebook ko.
Napahinto lang ako nang may biglang sumagi sa isipan ko kaya muli ko siyang nilingon. Binalingan niya akong tingin habang nakataas ang isang kilay at naghihintay sa balak kong sabihin.
“Hindi ka ba nakaramdam ng kakaiba kanina?” mahinang tanong ko.
Nagsalubong ang mga kilay niya. “Ano ang ibig mong sabihin?”
“Kanina kasi sa announcement ng Principal…” panimula ko at umusog pa papalapit sa kaniya para walang ibang makarinig sa amin. “Ang sabi niya ay death anniversary ng former student dito 10 years ago, ‘di ba? Ang hindi ko lang maunawaan ay kung bakit pa tayo magkakaroon ng celebration party? Para saan? Hindi ba’t pang-iinsulto ‘yon sa namayapang student dahil parang natutuwa pa sila sa pagkamatay no’n kung magpapa-party sila? Ano sa tingin mo?”
“Ano ka ba naman, Quinn!” Natatawang hinampas niya ako sa balikat. “Malay mo nagpa-party lang sila para gunitain ang mga naging achievements o good deeds na nagawa ni Ms. Cuevas para sa school natin.”
“Para maalala at gunitain natin? Ni hindi nga natin kilala kung sino siya. Wala akong kaalam-alam tungkol sa kaniya. Isa pa, bakit kailangang mag-celebrate? Hindi ba dapat ay nagsisindi na lang tayo ng kandila bilang paggalang sa pagkamatay niya? At ano nga ba ang nagawa ni Ms. Cuevas noon para alalahanin siya ng mga estudyante sa school natin? Alam mo ba?” giit ko pa.
Umiling siya. “Hindi rin.”
Napasandal ako sa upuan at napa-krus ng braso. “Oh, ‘di ba.”
“Huwag ka ngang mag-isip ng kung ano-ano! Masyado kang nagdududa.”
“Pakiramdam ko kasi ay parang may mali. Parang may hindi sinasabi sa atin.”
“Gaya naman ng ano?”
Napailing ako. “Hindi ko maipaliwanag…”
“Tignan mo? Hindi mo rin maipaliwanag. Seryoso, huwag kang mag-overreact. Wala naman ‘yon. Kakapuyat mo ‘yan. Magtututulog ka kasi!”
Napabuntong hininga na lang ako nang bumalik siya sa pagce-cellphone at tinalikuran ako. Hindi siya naniniwala sa akin. Malakas ang kutob kong may kakaiba ngunit hindi ko matukoy kung ano ‘yon. Siguro nga ay kulang lang ako sa tulog kaya ang lawak ng imahinasyon ko.
***
“SEE YOU later at the party, Quinn!” paalam ni Pracy nang matapos ang lahat ng klase namin at nag-uwian na.
“See you!”
Nang makarating ako sa bahay ay naabutan ko si Mama na nagmamadaling umalis. Ibinaba ko ang bag ko at nilapitan siya.
“Ma!” sigaw ko habang hinahabol siya. “Saan ka po pupunta?”
“I still have a lot of business works to finish, hija. Kailangan kong bumalik ngayon sa office. See you later–”
“Uh, Ma, wait!” pagputol ko sa kaniya. “Iyon nga po sana ang ipagpapaalam ko. May celebration party po kasi sa school mamayang gabi. P’wede po ba akong sumama?”
“Oh, sure, sweetheart! Of course!” pagpayag niya. “I really have to go now. I’m sorry. Just take care, okay? Bye!”
Magsasalita pa sana ako nang bigla na siyang humalik sa pisngi ko at mabilis na sumakay sa kotse niya. Napasinghap na lang ako habang nakatanaw sa pag-alis niya hanggang sa tuluyan na siyang mawala sa paningin ko.
Dire-diretso akong pumasok sa loob ng bahay at umakyat sa taas kung nasaan ang kwarto ko. Nagsimula na akong maghanap ng damit na susuotin ko para sa party mamaya. Green sparkling cocktail dress ang napili ko.
Sandali muna akong nahiga sa kama ko para sana ay makapagpahinga pero hindi ko namalayang nakatulog na pala ako. Nagising na lang ako nang mag-alarm ang cellphone ko at ang sunod-sunod na missed calls sa akin ni Pracy. Naligo kaagad ako at nagbihis. Naglagay lang ako ng kaonting makeup sa mukha at bahagyang kinulot ang dulo ng buhok ko.
Nang masigurado kong ayos na ang lahat ay umalis na ako sa bahay at nagbyahe pabalik sa Mystica Elementa High. Nakangiti akong sinalubong ni Pracy at Alora nang makarating ako sa venue.
“You look extra pretty tonight, Naveen!” bati ni Alora.
Apelyido ko ang parati niyang tinatawag sa akin at hindi ako masanay-sanay doon.
Napangiti ako. “You, too.”
“Let’s go inside?” excited na yaya ni Pracy sa amin.
Naglakad na kaming tatlo papunta sa loob. Sakto lang pala ang dating namin dahil hindi pa nagsisimula ang party. Halos mabingi ako sa ingay ng mga tao. Sumabay pa ang malakas na tugtog ng music. Kulang na lang ay maging bar na ang school namin dahil pati ang mga drinks ay sine-serve. Lahat naman kaming nandito ay nasa legal age na kaya pinayagan kaming uminom.
“Are you all ready to party?” sigaw ng DJ na nakapukaw ng atensyon ng lahat.
“Yes!” hiyaw naman ng mga estudyanteng naroroon.
Nag-umpisa na ang party. Sumayaw kami sa gitna na tila ba nakawala kami sa koral. Hindi kami tumitigil hangga’t hindi kami nagsasawa.
Nakangiti kong iginala ang paningin ko sa paligid. Ramdam ko ang saya ng mga tao. Nakalimutan na yata nila kung ano ba ang mayroon ngayon.
“Are you having fun, Quinn?” tanong ni Pracy sa akin nang saglit kaming huminto sa pagsayaw para makakuha ng inumin.
“Of course, I am!” magiliw na sagot ko. “How about you?”
“You can tell!” pagtango niya at naghihihiyaw.
Natawa ako. “Mukha nga.”
Hindi ko na halos mabilang kung nakakailang baso na ako ng beer. Ang iba ay nagsisiuwian na habang ang iba naman ay nakatulog na sa mga lamesa at upuan dito, maski sa sahig dahil sa sobrang kalasingan.
Nananatili pa rin kaming matibay ni Pracy. Ayaw pa rin naming umuwi pareho. Sinulit namin ang gabi dahil sunod nito ay second semester na at wala na kaming panahon para libangin pa ang sarili namin no’n.
“Hey, this is my last shot,” lasing na sabi ni Pracy sabay tungga sa baso ng alak.
Mahina akong natawa nang bumagsak na ang ulo niya sa lamesa. Nilapitan ko siya at inangat para makatulog siya nang maayos. Hindi na ako nag-abalang gisingin pa siya dahil alam kong hindi rin naman siya babangon. Si Alora rin ay natutulog na nang mahimbing nang lingunin ko siya sa pwesto niya.
Ako na lang ang tanging gising. Maski ang DJ at mga Professor na nandoon ay nakatulog na. Hindi na nila kayang mag-drive pa pauwi sa kani-kanilang bahay kaya sa stadium na lang sila nagpalipas ng magdamag.
Napabaling ako sa oras sa cellphone ko. Alas tres na pala. Mabuti na lang at wala kaming pasok bukas.
Alam kong lasing na rin ako dahil sa dami ng nainom namin pero kahit nahihilo ay pinilit ko pa ring tumayo.
Pinagmasdan ko ang kabuoan ng stadium. Naningkit ang mga mata ko nang mapansin ang madilim na parte sa dulo nito. Hindi ko alam kung ilusyon ko lang ba iyon o hindi.
Wala na sana akong planong alamin pa kung ano ang nandoon pero sa huli ay hindi ko na napigilan pa ang pag-atake ng kuryosidad sa sistema ko.
Dahan-dahan kong nilapitan iyon at nakita ko ang isang nakasarang pintuan. Sa limang taon ko nang nag-aaral sa paaralang ito, ngayon ko lang nalamang may ganito pala rito.
Binuksan ko ang pinto at tumambad sa akin ang walang kagamit-gamit at mukhang pinaglumaan nang silid. Halos wala akong maaninag sa loob dahil sa dilim nito.
Napalingon ako sa nakabukas na malaking babasagin na bintana roon. Tanaw na tanaw ko ang buwan at mga bituin na nagsisilbing liwanag ko ngayon.
Pagdaka ay napaatras na lang ako sa gulat nang kumidlat at kumulog nang malakas. Hindi ko maintindihan ang sobrang panghihinang nararamdaman ko na para bang kinukuha nito ang lahat ng lakas na mayroon ako sa loob ng katawan ko. Mas lalo akong nahilo at nagsimulang lumabo ang paningin ko.
Maya-maya pa ay napabagsak na lang ako bigla sa lupa at tuluyang nawalan ng malay…

Bình Luận Sách (39)

  • avatar
    Dandan Dela Cruz

    that was so awesome

    20/07

      0
  • avatar
    Hanna Winx

    high school life. probably the happiest times in our lives many considers their collage life to be the best,but for me high school is better

    20/07

      1
  • avatar
    Misha Yuri

    ganda ng story

    30/05

      0
  • Xem tất cả

Các chương liên quan

Chương mới nhất