logo
logo-text

Tải xuống cuốn sách này trong ứng dụng

Chapter 7

NANG makarating si Amber sa parking lot ng eskwelahan nila kung saan nakaparada ang kanyang kotse ay pinindot niya ang unlock button ng hawak niyang remote key. Narinig niyang tumunog iyon tanda ng pagkabukas. Humakbang siya palapit roon at ng akmang bubuksan niya ang pinto ng driver seat ng matigilan siya nang makita ang nakaparadang pamilyar na kotse, katabi ng kotse niya.
Binitawan ni Amber ang pagkakahawak niya sa handle ng pinto ng kotse at naglakad palapit sa kotseng iyon upang tingnan ang plate number kung tama ba ang nasa isip niya kung kanino ang may-ari niyon.
Lihim na napangiti si Amber nang makita at mabasa niya ang plate number ng kotse.
Sabi na nga eh...
Kilala kasi ni Amber kung kanino kotseng iyon. At may-ari niyon ay walang iba kundi si Archer De luna.
Ngingiti siya na bumalik sa tabi ng kotse niya. Hindi niya maipaliwanag sa sarili kung bakit kinikilig siya sa kaalamang katabi ng kanyang sasakyan ang sasakyan ni Archer.
Akmang bubuksan ulit niya ang pinto ng kotse ng mapatigil siya ng may magandang ideya na pumasok sa isip. And a sinister smile curves on her lips. Binuksan ni Amber ang pinto ng kotse niya, hindi para sumakay roon, kung hindi para kunin ang screw driver na naroon sa loob ng tool box niya. Nang makuha na niya iyon ay muli niyang sinarado ang pinto ng kotse.
Tumingin-tingin si Amber sa buong paligid ng parking lot. Nang wala siyanang makitang ibang tao ay sumilay ang ngiti sa labi niya.
“I’m sorry, baby. But I need to do this.” Sabi niya bago niya isinagawa ang balak. Buong pwersa niyang tinusok ang gulong ng kanyang sasakyan. Nahirapan pa siyang butasin iyon pero nagtagumpay naman siya. Isinunod din niya ang isang pang gulong. Nanang makita niyang flat na ang dalawa niyang gulong ay ibinalik na niya ang screw sa loob ng kotse.
“Mission accomplished.” Pinagpag niya ang dalawang kamay niya. Pagkatapos niyon ay lumapit siya sa tabi ng kotse ni Archer. Tiningnan niya ang suot na relong pambisig at nang makitang mag-a-alas-cinco na ay napangiti siya. Ibig sabihin ay darating na si Archer. Alam niya iyon kasi alam niya ang schedule nito.
Umupo si Amber sa ibabaw ng hood ng kotse habang hinihintay niya ang pagdating ni Archer. Halos limang minuto din siyang naghintay bago niya namataan ang pigura ng binata. Inihanda na naman ni Amber ang matamis na ngiti sa kanyang labi.
“What are you doing here?” salubong ang mga kilay na tanong ni Archer ng tuluyan na itong nakalapit sa kanya.
“I’m waiting for you.” Nakangiti pa rin niyang sabi.
“And why?”
Nginuso ni Amber ang flat na gulong dahil sa kagagawan niya. Sinundan naman ni Archer ng tingin ang nginuso niya. “May baliw na nag-trip sa mga gulong ko.” Sabi niya.
Hindi ako baliw, ah. Baliw lang yata sa`yo…
Nakagat ni Amber ang pang-ibabang labi ng mapansin niya ang lalong pagkakasalubong ng mga kilay ng binata.
“Nagtawag ka ba ng security para ipaalam ang nangyari diyan sa gulong mo?”
Umiling siya. “Nope. Tinatamad ako eh.”
Archer stared at her disbelief. Mukhang hindi ito makapaniwala na parang wala lang siyang pakialam sa nangyari sa gulong ng kotse niya. Nginitian lang naman niya ang binata ng pagkatamis-tamis.
“Do you have a spare tire?” tanong nito mayamaya.
Tumango siya. “Yeah. Pero isa lang iyong spare tires ko.” Itinaas din ni Amber ang isang hinlalaki para i-emphasize ang sinabi. Saka niya ulit itinaas ang isa pang daliri sa kamay. “Dalawang gulong iyong flat. Hindi mo din maayos.”
Pagkatapos niyon ay bumaba siya mula sa pagkakaupo niya sa hood ng kotse nito. “Pwede bang humingi ng pabor sa`yo? Pwede bang ihatid mo ako sa`min? Ayoko kasing mag-taxi eh. Alam mo namang delikadong sumakay sa Taxi sa panahon ngayon. Tapos tinawagan ko na iyong family driver namin para magpasundo sana kaso umuwi pala siya sa probinsiya. So, walang susundo sa`kin.” Nanalangin si Amber na sana ay pumayag itong ihatid siya. At kahit naman na hindi ito papayag ay hindi din niya ito titigilan hanggang hindi niya nakukuha ang gusto at kailangan.
“At kung dadalhin ko pa sa talyer itong kotse para ipaayos ay matatagalan pa. Anong oras iyon matatapos? Gusto ko ng umuwi eh. Pagod na pagod ako sa maghapong klase and right now I want to go home and rest.” Sabi niya. “Please?” pilit na pinapaamo ni Amber ang mga mata sa kaharap na alam niyang hindi matatanggihan ng kahit sino.
Napabuntong-hininga si Archer. “Okay.”
Yes! “Thank you.”
Pinindot ni Archer ang unlock button ng remote key ng kotse nito.
“Sumakay ka na.” ani ni Archer ng tumunog ang kotse nito tanda ng pagbukas.
Tumaas ang isang kilay niya. “Hindi mo ako pagbubuksan?”
“Wala kang kamay?”
She snorted. “Hindi ka magpapaka-gentleman?”
Kinunutan siya nito ng noo. Kinindatan naman niya ang binata. “Hindi ako gentleman.” Sabi ni Archer bago ito sumakay sa loob ng driver seat.
Nakasimangot naman si Amber na sumakay sa passenger seat ng kotse ni Archer.

Bình Luận Sách (97)

  • avatar
    Angie Dodge Cruzado

    hmm nice story

    19d

      0
  • avatar
    Precious Joerelyn Espejo

    wow

    29d

      0
  • avatar
    lovejera

    beautiful story

    12/08

      0
  • Xem tất cả

Các chương liên quan

Chương mới nhất