logo
logo-text

Tải xuống cuốn sách này trong ứng dụng

Chương 6 Bored

Kabanata 5
Bored
--
"Talaga?!" nanlalaki ang mga mata nina  Jade at Trina at pagkatapos ngumiti sila nang pagkalaki laki.
"Yup!" I smirked. "Gumagana ang plano natin, girls."
"Finally! Didn't he say anything? He didn't deny it?" si Jade.
"Wala. Obvious naman na."
"Nagseselos na siya! Dapat mas lalo pa nating pagbutihin. Sigurado akong anytime soon mawawasak na talaga ang puso ni Zairus!"
"Mas lalo akong ginaganahan rito. Ano kaya magiging reaksyon niya kapag siya naman ang sinaktan ni Johanna? Ang laki ng tiwala ko rito sa kaibigan natin dahil alam kong marami na 'tong napaiyak na lalaki," si Trina.
"And it's all just a game for her. Hindi nagseseryoso si Johanna."
"I'm so excited about what's going to happen!"
I grinned as I watched Jade and Trina. They are really happy that our plan worked right away. Akala nila magtatagal pa dahil suplado daw si Zairus.
Nilingon ko ang tahimik na si Allison sa tabi ko. Nandito ulit kami sa field, sa may bench. Nakaupo kaming dalawa habang nasa harapan namin sina Jade at Trina, still talking about how excited they were about the plan.
"Are you okay?" I asked Allison.
"Yup," ngumiti siya sa akin. "I just can't believe it..."
"Huh? Ang alin?" taka kong tanong.
"Na nahulog agad siya sayo. Samantalang sa akin... hindi manlang siya nagkagusto..." she looked down at her hands.
Natahimik ako. Hindi ko alam ang sasabihin ko roon.
"But it's okay. I still want to continue this. Sana lang maging successful tayo," she smiled at me.
"Allison, you know this is just a game for me, right?" I said.
She smiled and lowered her gaze to her hands again.
"You know I will never like Zairus. No matter how much he likes me."
"Alam ko. Malaki ang tiwala ko sayo. Nalulungkot lang ako dahil crush na crush ko siya. Feeling ko nga mahal ko na siya. He's so handsome, seryoso sa pag aaral, hindi rin mabarkada, walang bisyo. Lahat ng gugustuhin ko sa lalaki nasa kanya na. So it hurts me now that... he likes you. Habang ako... hindi niya manlang tinignan."
Nalungkot ako para sa kaibigan. Guilty as well. I feel like I don't want to go to Zairus anymore and don't continue this plan because I might hurt Allison more.
"May mas better pa na lalaki na magmamahal sayo. Hindi lang siya ang lalaki sa mundo, noh!" I tried to light the mood.
She smiled and looked at me. "Hindi ko alam na alam mo 'yan. Akala ko ba hate mo ang mga lalaki?"
"Hindi, ah. I don't hate my Dad. I just want to... you know... have fun."
"Masaya bang paglaruan ang feelings ng mga lalaki?" inosente niyang tanong.
Hindi naman sa masaya! I'm just enjoying it. But I don't want Allison to be like me. Mabait siya, matalino, malayo ang mararating. Ayokong magaya siya sa isang tulad ko na walang ibang ginawa kundi manakit ng mga lalaki.
"It's not fun. So don't you ever do it," I said.
"But why are you... doing it?"
"Coz I love doing it. Ikaw? Would you like to do that? Can you control your conscience like I do?" nagtaas ako ng kilay at ngumisi.
Ngumuso siya.
"Ayoko sa bahay niyo," masungit kong sinabi kay Lorie habang nagla-lunch kami.
"Bakit?" kunot noo niyang tanong.
Issa smirked. "You know why, Lorie."
"Oh!" si Lorie na mukhang nakuha na kung bakit ko sinabi 'yon.
"Bakit kasi nandoon na naman siya? Hindi ba may sarili naman siyang bahay? Bigay ng Mommy mo?" si Eli.
"Sumisipsip kina Mommy at Daddy. Hayaan na nga lang natin 'yon. Sa'n tayo sa susunod na Sabado?"
Hindi mawala sa isip ko ang nangyari kahapon. Pangisi ngisi ako habang nasa klase. Suplado si Zairus noong una pero madali lang rin naman pala siyang kunin gaya ng iba. Nairita agad kahapon noong binigay ko ang number ko kay Mark. Tumawa ako.
Speaking of Mark... Kahapon pa ako tinetext no'n. Hindi ko naman sinasagot. Minsan ko lang sinasagot at mabilis siyang magtetext ulit. Minsan sumasakit na ang ulo ko sa dami nang nagtetext sa akin kaya tinitigilan ko muna.
Ang hirap maging maganda.
"What the hell?!" sigaw ng boses ni Elara.
Napalingon ako sa field. Nasa may puno sila. Palabas na ako ng school ngayon. My head furrowed when I saw that Jade and Trina were also there. Natigil tuloy ako sa paglalakad at lumapit sa kanila.
"Oopps..." ngumisi si Jade. "My bad..."
"What the hell did you do?! Alam mo ba kung gaano kamahal ang sapatos na 'to?!" iritadong sigaw ni Elara.
Mabilis akong naglakad dahil mukhang nagkakainitan sila. Nang nakalapit ay nakita kong natapon ang kape na hawak ni Jade sa mamahaling sapatos ni Elara.
"At regalo pa sa akin 'to ng Papa ko! How dare you do that!"
"Hindi ko naman sinasadya. Ikaw naman kasi ang hindi tumitingin sa dinadaanan," si Jade.
Nagpupuyos sa galit si Elara habang nakatingin kina Jade at Trina. Humalukipkip si Trina at siya naman ang nagsalita.
"Come on, girl. Natapunan lang ang sapatos mo. At ikaw ang hindi tumitingin sa dinadaanan mo. Why are you blaming us now?"
"Can't you just say sorry for what you did?"
"Why should we be sorry? Eh, ikaw nga 'tong hindi tumitingin sa dinadaanan mo. Natapon tuloy ang kape ko," si Jade.
Alam ko kung gaano kahalaga kay Elara ang Papa niya. Bata palang siya naghiwalay na ang mga magulang niya ay kinuha siya ng kanyang Mama kahit pa sa Papa niya gustong sumama. Now her mother has no time for her while her Dad gives her everything she wants.  Pero... may pamilya nang iba ang Papa niya. But even so she still wanted to go with her Dad. Hindi lang siya hinahayaan ng Mama niya.
Nakita ko kung paano nagpigil si Elara para patulan sina Jade at Trina. Lumapit na ako para matigil na ang away.
"Hey..." bahagya kong tinulak palayo si Jade.
Tumingin siya sa akin at nagtaas ng kilay. "Johanna..."
"That's enough. Magsorry nalang kayo kay Elara," mahinahon kong utos.
"What? Siya ang hindi tumitingin sa--"
"Hindi na," putol ni Elara kay Jade.
Napatingin ako sa kanya.
"Hindi ko na kailangan ng sorry nila."
Hinarap ko siya at tumingin siya sa akin.
"I hate your friends, Johanna..." she said coldly then she walk away.
I sighed heavily. Noon pa man alam ko nang may gusto si Jade sa boyfriend ni Elara ngayon. At sigurado akong iyon ang dahilan kung bakit ginawa 'to nina Jade. I know Elara knows that too. Hindi niya lang pinapatulan dahil ayaw niyang makipag away sa school na 'to at ayaw rin niya ng gulo. Kahit sobrang nagagalit na siya, siya pa rin ang umiiwas.
"Bakit niyo ginawa 'yon?" mahinahon kong tanong sa dalawa at hinarap sila.
"Are you taking her side, Johanna?" Jade immediately asked.
"No. I'm just asking why did you do that to her shoes."
"Siya ang may kasalanan. And what's so big deal about her shoes? She's rich, she can buy another one," Trina said.
"Her Dad gave it to her. Palibhasa kasi hindi niyo alam kung gaano kahirap at kasakit mawalay sa isang ama," I said coldly before turning my back on them in irritation. Umalis ako roon.
Baka kung ano lang rin ang magawa ko sa kanila. Ayaw ko rin ng gulo, noh. Tinuturing kong kaibigan sina Jade at Trina pero hinding hindi nila mapapantayan si Elara sa akin. Elara is my bestfriend. The only one.
I got out of our car and saw Zairus sitting at their table outside. There's a notebook in front of him and he's seriously reading and writing.
Naglakad ako palapit. Agad siyang nag angat ng tingin sa akin nang siguro ay makita ako. Hindi na siya nagulat. Hindi naman siya kailanman nagulat sa presensya ko.
Ngumuso ako at umupo sa harap ng kanyang inuupuan.
"What are you doing?" tanong ko.
"Nag aaral, hindi ba obvious?"
Tss. Pasalamat ang lalaking 'to may problema ako ngayon. Hindi ko nakausap kanina si Elara dahil hindi ko siya nahanap pagkatapos nung nangyari. I'm worried for her. I'm sure she'll cry over her shoes.
Pumangalumbaba ako sa harapan ni Zairus at tumingin sa malayo. Alam kong nakatingin siya sa akin.
"Maaabala ba kita kung may ikukwento ako sayo?" tanong ko sa kanya.
"Oo."
"Tss. Can't you be nice to me even just for a moment?" I asked irritably.
Ngumisi siya. Hindi na siya nagsalita. He closed his notebook and leaned back in his chair. He crossed his arms and looked at me. Pinagmukha niya pang iritado ang kanyang mukha na para bang hindi gusto na inaabala ko siya.
"Ano ba 'yon?" suplado niyang tanong.
"May kaibigan kasi ako..."
"Lalaki?" tanong niya agad.
Iritado ko siyang tinignan. "Babae. Can you listen to me first?"
Nagkibit siya ng balikat at sinenyas na magpatuloy na ako.
Bumalik ako sa ayos ko kanina.
"May kaibigan ako na malungkot ngayon. Kahit kailan wala akong nasabing matino sa kanya para pagaanin ang loob niya. Pakiramdam ko tuloy hindi ko siya natutulungan sa mga problema niya..."
I can't believe I'm telling him these! Pero wala akong magawa. Wala akong mapag sabihan. Allison went home earlier and Mina also went to Luna again. This man is all that's left for me. Kaya aarte pa ba ako? Parang sasabog na ang utak ko sa kakaisip kay Elara, e.
"Puro kasi lalaki ang nasa isip mo," ani Zairus.
Iritado ko ulit siyang tinignan. Wala yatang kwenta kung sa kanya ko sabihin lahat lahat, e!
"Alam mo nakakainis ka. Sira na nga ang mood ko sisirain mo pa!"
"Biro lang naman. Ano pa?" tanong niya.
Inirapan ko siya at hindi nalang siya tinignan.
"I don't know what I'm going to do to make her feel better. Anytips? May alam ka ba sa mga ganito? Do you have a friend?" I asked and raised an eyebrow at him.
"Oo naman."
"Ah! Oo nga pala. Yung cute girl, noh?"
Sumama ang tingin niya sa akin. Umirap naman ako dahil totoo naman ang sinabi ko. Hindi ba? Sabi niya kaibigan niya 'yon, diba?
"Kung hindi mo alam ang sasabihin sa kanila, manahimik ka nalang. Yung alam nilang nakikinig ka, sapat na sa kanila."
Natigilan ako sa sinabi ni Zairus. Napatingin ako sa kanya.
"Sapat nang nakikinig ka sa kanila dahil kahit papaano nalalabas nila ang bigat sa puso nila, alam nilang may nakikinig sa kanila. Gumagaan na ang pakiramdam nila sa paraan lang na 'yon. Hindi mo na kailangan pang magbigay ng advice o pampalubag loob."
Ngumuso ako dahil... tama siya roon. I didn't know that this man could help me somehow! Palaging masungit pero mabait naman pala talaga.
"Sino ba 'yang kaibigan mo?" tanong ni Zairus.
"Secret," ngumisi ako.
"Tss," bumalik siya sa kanyang notebook. "Nagtext sayo si Mark?"
I smirked evily this time. Medyo nawala na sa isip ko si Elara. Gumaan na rin ang pakiramdam ko dahil sa sinabi niya. Na-realized ko rin kasi na tama naman talaga siya. Napapagaan ko ang loob ni Elara sa tuwing nakikinig lang ako sa kanya. Sapat na 'yon. Malaking bagay pa nga.
"Are you still jealous of him?" tanong ko.
Matalim niya akong tinignan. "Hindi ako nagseselos."
"Sus..." ngumisi ako.
"Tinatanong ko lang dahil baka maging delikado siya. Hindi ka naman nagseseryoso."
"Ah so you're just protecting him from me? Hindi ka nagseselos?"
"Hindi," mariin niyang sagot.
Ngumisi ako. Hindi ako naniniwala. I know when men are jealous. Kabisa ko na sila kaya walang bisa sa akin ang mga pagpapalusot nila. Tulad nalang ngayon dito kay Zairus. Tinatanggi pa e halata naman na. Expert na kaya ako sa mga ganito.
"Wag ka nang magselos kay Mark. Sabi ko hindi ko naman siya gusto, diba?" sabi ko.
"At sabi ko hindi nga ako nagseselos. Bakit ang kulit mo?" tinignan niya ako habang nakakunot pa ang noo.
Best actor!
"Okay. You're not jealous. But why didn't you deny that yesterday? Bakit natameme ka lang? Diba kasi totoo?" hamon ko.
He looked at me sharply again. "Hindi ako nagseselos," ulit niya.
"Sus. Kabisa ko na ang mga lalaki. Hindi ka dapat sa akin nagsisinungaling."
"Ah so inaamin mo ngang palygirl ka? Kabisa mo na ang mga lalaki, huh?" mukhang nairita na naman siya.
I smirked. "I played but now I'm serious. Seryoso na ako sayo."
"Wag mo akong dinadaan sa mga ganyan mo, pwede ba?"
"Bakit? Naaapektuhan ka? Don't worry, I'm really serious. Wag kang matakot mahulog."
Matalim niya akong tinitigan. Humalakhak ako. Nag iwas siya ng tingin at nagpatuloy sa ginagawa niya sa notebook.
"Ano ba 'yang ginagawa mo?" tanong ko.
"Wala ka nang pakialam do'n," bara niya sa akin.
Matalim ko siyang tinignan pero hindi siya nakatingin sa akin. Tanging sa notebook at libro lang siya naka focus. Ngumuso ako habang pinagmamasdan siya. Hindi ko alam kung bakit parang ayaw ko siyang abalahin ngayong seryoso siyang nag aaral.
"Ikaw wala ka bang ginagawa? Hindi ka mag aaral?" tanong ni Zairus.
"Nope. Sa bahay ako nag aaral."
Ngumisi siya. "Nag aaral pa rin pala ang isang tulad mo?"
"Of course! Anong tingin mo sa akin? Palagi kayang perfect ang scores ko!"
Sa itsura niya kulang nalang sabihin niya 'Wee?'. Nairita tuloy ako.
"Wanna bet?" taas kilay kong tanong.
"No thanks. Busy ako," anya.
Ngumuso ako at pinanood nalang siyang mag aral. Nang lumipat siya sa notebook para magsulat ay tumayo ako at dinungaw ang libro niya. Tinignan ko ang harap no'n at nanlaki ang mga mata ko nang nakitang pang Medicine iyon.
Napatingin ako kay Zairus. "Medicine ang course mo?"
"Oo. Wag mo ngang hawakan 'yan," he returned the book to his page.
Ngumuso ako at umupo na lamang. Selan! Gusto ko sanang sabihin kaya lang seryoso siya. Mukhang talagang nagre-review siya ngayon. Hindi ko tuloy alam ang gagawin. Ayokong abalahin ang pag aaral niya. Hindi ko alam kung bakit sa lahat ng oras ngayon ako dinalaw ng konsensya ko.
Kinunot ko ang aking noo habang nag iisip. Ano pa bang pwedeng gawin sa kanya? Paano 'to?
"Umuwi ka na kung nabo-bored ka lang rito," ani Zairus maya maya.
Ngumisi ako dahil may naisip agad sa sinabi niya.
"How can I be bored when I'm with you?"
He looked at me, his eyes sharp again.
"I will never be bored when I'm with you..." I smiled sweetly.
"Tss..."

Bình Luận Sách (47)

  • avatar
    VillagenReymalyn

    ang Ganda po story niu po nakakalig

    20/05

      0
  • avatar
    Sirch Enaj Pe

    Super Ganda ng story nyu po..

    03/05

      0
  • avatar
    Marilyn Cabalida Balic

    This is so romantic

    23/04

      0
  • Xem tất cả

Các chương liên quan

Chương mới nhất