logo text
Thêm vào thư viện
logo
logo-text

Tải xuống cuốn sách này trong ứng dụng

Chương 4 Out Of The Blue

MAUDE VALERA.
“SEEMS like my best friend is busy dancing with her thoughts again.” Sarah slammed her hand softly onto the table causing Maude to slowly shift her gaze towards her with devastated looks. Kanina pa kasi hindi mawala sa isip niya ang nangyari kanina. Kung gaano niya katanga tanungin ang CEO ng walang kwentang tanong at kung ano ang sinabi niyon kung bakit hindi siya natatanggap sa mga interviews. 
Nasa isang restaurant sila, malapit sa RF Hotel. Kanina pa naroon si Maude. Pagkatapos kasi ng interview ay agad na siyang umalis at nagtungo sa restaurant pagkatapos siyang padalhan ng kaibigan ng mensahe na sabay silang manananghalian.
Alam naman na niya ang resulta kaya hindi na niya kinailangan pang patapusin ang interview at pakinggan ang announcement nila. Para saan pa? Hindi na nga siya pasado. Hindi na niya kailangan pang marinig ang kung anong sasabihin nila dahil wala rin naman siyang mapapala. 
Pero kahit na alam nitong hindi siya pasado ay hindi niya parin maiwasang maging problemado at manghinayang. Problemado dahil sa sinabi ng CEO kanina at isa pa, pangarap niya rin kasing magtrabaho sa kumpanyang iyon. She loves the idea of working into a well-known company. Siyempre, sino nga ba ang hindi? Mataas ang pasweldo nila sa kumpanya, isa pa alam niyang madami siyang matututunan doon kahit na ang kursong kinuha niya ay ang pagiging entrepreneur.
Halo-halong tanong ang gumugulo sa isipan niya habang nakatingin sa labas. Dumagdag pa ang kapatid niya na bigla niyang naalala kanina nang makita niya ang mga mata ng CEO. Hindi na tuloy nito alam kung ano ang uunahing isipin.
Due to the multitude of her thoughts that are bothering her, idinukmo niya saglit ang ulo. She almost wanted to cry. Mabuti na lang at biglang dumating ang kanyang kaibigan.
“Nandito ka na pala,” usal ni Maude. Tumingala saglit upang mawala ang namumuong luha bago inayos ang sarili sa pagkakaupo. Ayaw niya mang sabihin sa kaibigan ang totoo dahil ayaw nitong mag-alala si Sarah ay hindi parin nito maiwasan. Well, it is because Sarah is the type of friend that would force her to tell the truth because as long as she can help, she would do all to help Maude.
“Mm. May problema ba sa interview? You look frustrated,” kunot-noong tanong ni Sarah sabay upo sa bakanteng upuan sa tapat ni Maude.
“Hindi kasi ako pasado,” problemado na sagot ni Maude. Kanina lamang ay napakatapang nitong sumagot na expected na niyang hindi siya pasado pero ngayon ay kitang-kita na sa mukha niya ang pagiging problemado.
Nanlaki agad ang mga mata ng kaibigan. “Ano?! How true? They already tell you the result? I thought tatawagan na lang nila kayo?” nagtataka nitong pinaulanan ng tanong si Maude.
“Sa iba ay hindi pa, ‘yong sa akin lang,” sagot ni Maude saka nagkalumbaba. Kumunot ang noo ni Sarah sa narinig. Hindi maproseso ang isinagot ng kaibigan.
“What do you mean na ‘yong sa’yo lang?” she asked, extreme curiosity can be seen in her face.
“Kasi naman, kasalanan ko rin kung bakit hindi ako pasado,” Maude whined as she let out a deep sigh.
“Why? Bakit kasalanan mo?” Sarah is so confused that her voice became slightly louder. Nakatutok lang ang mga mata kay Maude na animo’y sabik na sabik marinig ang sagot ng kaibigan.
“Nang tanungin ako ng CEO kung may gusto ba akong tanungin sa kanya, nagtanong naman ako….” Napahinto si Maude, binibitin ang kaibigan.
“Kung nakapasa ka ba o hindi?” panghuhula ni Sarah. Marahang tumango si Maude. Sarah then snorted afterwards.
“I know right. You really are my best friend. I already know your level of curiosity,” she said. “But you’re not supposed to ask that,” she added, suppressing herself to laugh.
Sumimangot si Maude na animo’y bata na nakuhanan ng kendi. “Gusto ko lang namang malaman, e.”
Pero imbes na maawa si Sarah sa kaibigan sa lagay nito ay bigla nalang itong humalaklak dahilan kaya napabaling ang ibang atensyon sa kanila. Mas lalo lang tuloy napanguso si Maude dahil sa inasta ni Sarah. “Sige, pagtawanan mo pa ako,” reklamo ng dalaga. 
“Ikaw naman kasi, e. Kung bakit naman sa dami-dami ng pwedeng tanungin, ‘yon pa. Next time, don’t ask it to your future job interviewers. Especially when they are like Sir Raddix,” she reminded and afterwards finally stopped laughing. “Anyway, ayos lang ‘yan. Madami pa riyang pwede paghanapan ng trabaho. I’ll inform you as well, once na makakita ako ng ibang magpapa-job interview,” pagpapagaan nito sa loob ng kaibigan.
“Mm, salamat.” Tumango si Maude. “Ilibre mo na then ako ng lunch. Malungkot ako, e,” dagdag niya pa kaya napatawa saglit si Sarah.
“Tss. Oo na. Order lang ako,” paalam niya kaya tumango si Maude at sinabi nito kung anong gustong kainin, kapagkuwan ay tinahak na ni Sarah ang daan papuntang counter. Sinundan niya lamang ng tingin iyon.
As soon as Sarah reached the counter, Maude instantly lowered her head as she remembered her brother again. She bit her lower lip and then repeatedly writes her name and Rix on the table using her forefinger.
“Kung buhay ka pa sana ngayon, malamang may girlfriend ka na,” she whispered as she let out a weary sigh. “Baka magkagusto ka pa kay Sarah kung sakali. Sayang ang aga mo kasing nawala. Irereto ko pa sana siya sa’yo,” dagdag niya pa na animo’y may kausap talaga.
Maya-maya ay bumalik na naman ang mga alaala nilang dalawa. Kung paano sila maglaro at mag-asaran noong bata pa lamang sila. At kung paano rin sila nangako sa isa’t-isa na walang iwanan at iaahon nila ang kanilang mga magulang para magkasama-sama na sila. 
Bigla na namang namuo ang luha sa mga mata niya lalo na nang maalala niya ang pag-iwan niya sa kapatid noong nasusunog ang orphanage. The way Rix looked at her pathetically as he begged her to save him. She will never forget it. Tila kahit nasaan siya ay nakikita niya ang mga mata ng kapatid na nagmamakaawa sa kanya. 
God knows she didn’t do it on purpose. Umalis lang siya noon to ask for help outside. And God also knows how bad she wanted to save her brother that time but she got scared. Pero ngayon ay huli na ang lahat kaya sobra niyang pinagsisisihan ang pagiging duwag niya. Tuwing naalala niya ang nakaraan, hindi niya maiwasang paulanan ang utak ng napakadaming tanong.
Paano kung naging matapang lang siya noon at naghanap ng paraan para iligtas ang kapatid? 
Ilang minuto siyang nakatitig sa mesa habang hinihintay ang kaibigan. Paulit-ulit nitong sinusulat ang pangalan nila ng kapatid niya while hoping that the pain she has been carrying would vanish in instant and hoping that everything is just a nightmare. 
Bago pa man maluha si Maude ay dumating na ang kaibigan nito kaya napahinto ito sa ginagawa at mabilis na iginawadan ang kaibigan ng ngiti.
“Finally…” Sarah let out a sigh of relief before putting their foods onto the table. “Nangalay pa ang mga paa ko!” reklamo pa niya sabay upo na sa bakanteng upuan na inupuan niya kanina.
Pork ginger with rice and chicken karaege ang kinuha niyang main dishes nila and bakewell triffles naman ang kinuhang dessert.
“Worth it naman ang pagtitiis mo kaya ayos lang,” takam na usal ni Maude habang nakatingin sa pagkain.
“Yaz, mabuti na nga lang at pagkain ang dahilan. Let’s eat na nga lang.” Tinanggal na nito ang mga tissue na nakabalot sa kutsara at ibinigay ang kay Maude before they started digging in.
Habang kumakain sila ay hindi parin mawala sa isip ni Maude ang mga iniisip nito kanina kaya sunod-sunod ang pagsubo nito sa pagkain niya.
“Siguro kung buhay pa ang kapatid ko, magkaboses siguro sila ng mayabang na CEO ninyo ‘no?” pagbabasag ni Maude ng katahimikan sa pagitan nila ng kaibigan niya. Her mouth is full that’s why her voice wasn’t that clear. However, Sarah still understand it.
“Mm? Bakit naman?” tanong ng kaibigan, tumingin saglit kay Maude bago ipinagpatuloy ang pagkain.
“Iyon nga rin ang ipinagtataka ko, e. Nang magtama ang mga mata namin, si Rix agad ang pumasok sa isip ko. Parang nakikita ko ang mga mata ni Rix sa kanya,” kwento ni Maude, saka uminom sa ice tea niya.
Napasimangot si Sarah sa kwento ng kaibigan. Her eyes were filled with apathy for her best friend. “You really missed your brother.”
“Sana nga miss ko lang siya.” Bumuntong-hininga si Maude saka nagsubo ulit kahit puno pa ang bibig.
“Dahan-dahan naman, Monde. Baka mabulunan ka niyan.” Inabutan ni Sarah ang kaibigan ng tubig.
“Salamat.” Kinuha naman agad iyon ni Maude saka uminom.
Nakakabinging katahimikan na naman ang namuo sa pagitan nilang magkaibigan until they finished eating. Hindi na rin sila nagtagal na dalawa sa restaurant dahil may trabaho pa si Sarah.
“Stop frustrating yourself just because of that interview, Monde. Hindi lang naman iyon ang unang beses na hindi ka nakapasa. That is a challenge, for you not to give up kaya fighting lang, okay?” pagpapaalala sa kanya ng kaibigan. Tumango naman siya.
“And don’t sleep early, okay? Wait for me because as I promised, whether you passed the interview or not, we will celebrate,” dagdag pa ni Sarah kaya muling tumango si Maude saka ngumiti. She feels so lucky for having Sarah as her friend. Siguro kung wala ang kaibigan ay sumuko na ito sa lahat. Aside from her brother, she is one of the people who encourage her and of course, serves as her strength.
“Oo na, huwag kang mag-alala. Hihintayin kita,” paniniguradong turan ni Maude.
“Good. I need to go na then,” muling paalam ni Sarah. Tumango naman si Maude kaya umalis na iyon.
Pinanood niya muna ang paglakad ng kaibigan papuntang kumpanya. She cannot deny herself how jealous she is to her best friend when it comes to job. Unang trabaho niya ang pagiging finance assistant sa RF Hotel kaya naman ang unang interview niya pagkatapos niya sa college ay pasado na siya agad. She wished she can be as great as her best friend.
Nang makita ni Maude na nakapasok na ang kaibigan sa kumpanya ay nagsimula na rin itong humakbang paalis ng restaurant. She breathed out anxiously as she averted her gaze from the company. As usual, uuwi na naman ito at maghahanap sa social media ng mga posts ng iba’t-ibang kumpanya na naghahanap ng empleyado.
“Kahit permanenteng trabaho lang this year, Lord,” she whispered, hoping for miracle as she continues to walk.
Maya-maya ay biglang tumunog ang selpon nito kaya napahinto ito at mabilis na hinugot ang selpon sa kanyang itim na sling bag.
Nang kusang umilaw ang selpon niya pagka-angat niya ng kamay ay mabilis na bumungad ang message notification sa kanya ng isang unknown number, gayundin ang email ng RF Hotel sa kanya so she suddenly typed her password to instantly unlock her phone.
After reading the message as well as the email, she suddenly jumped in delight and squealed causing everyone who pass by her to shift their gazes at her.
Muli nitong iniangat ang selpon upang muling basahin ang mensahe sakaling namamalik-mata lang siya ngunit kung ano ang nabasa niya kanina ay iyon parin ang nabasa niya ngayon.
Tumingin ito sa langit at ikinuyom ang kamay bago nito ikinampay pababa. “Thank you, Lord! You’re the best!” sambit nito kapagkuwa’y nagpatuloy na sa paglalakad.

Bình Luận Sách (25)

  • avatar
    Princess Heidy Bernardino

    good

    6d

      0
  • avatar
    Reniel Basit

    thanks

    21/07

      0
  • avatar
    Radha Eleanora Uccello

    Do read this!! This is a great story! I'm so curious about what will happen. Waiting for your update, Author!💚

    18/07

      0
  • Xem tất cả

Các chương liên quan

Chương mới nhất