logo
logo-text

Tải xuống cuốn sách này trong ứng dụng

Chapter 7

I know I’m on the brink of death now, but I’d better have a full stomach so I can get out of here alive. I ignored their strange looks and just continued eating.
“How was the transaction, Napoleon?” Tanong ng isang lalaki na may edad na, masungit at nakakatakot ang mukha niya at makikita mong sumisigaw ang pagkatao niya ng kapangyarihan.
“Someone ruined it.” Sabi ng katabi ko na sa palagay ko ay siya ang tinawag na Napoleon.
“Who ruined your transaction?” Tanong ulit ng matanda.
“It’s none of your business.” madiin na sagot ng katabi ko bago tumayo at hilahin nanaman ako. Mabuti nalang ay tapos na ako kumain.
Umakyat kami sa ikalawang palapag kung saan maraming pinto ang nakahirela na sa tingin ko ay mga kwarto. Malaki rin ang kabuuan ng mansion kaya hindi na nakapag tataka kung maraming nakatira rito. Mayroon ito hanggang ikatlong palapag.
Binuksan ni Napoleon ang pangalawang pinto sa dulo at tumambad sa akin ang napaka laking kwarto. Binitawan na niya ang kamay ko kaya napahawak ako dito.
“Hanggat wala ako ay itahimik mo yang bibig mo at huwag kang lalabas ng silid na ito hanggang hindi ko sinasabi,” iyon ang mga iniwan niyang kataga bago lumabas ng kwarto.
Sa halip na mahiga ay pumunta ako sa malaking bintana at binuksan ito. Agad na yumakap saakin ang malamig na simoy ng hangin.
Mula rito ay wala na akong natatanaw kundi ang mga nagtataasan na puno at ang bilog na bilog na buwan pati na rin ang mga makikinang na bituin.
Mommy, and Daddy mukhang nakatadhanang sumama na ako sa inyo dahil kahit saan ako magpunta ay bitbit ko ang kamatayan. Kamatayan hindi dahil lagi ako napapahamak. Kamatayan dahil binabalot ako ng kalungkutan kahit saan ako dalhin ng mga paa ko.
I’m not afraid to die, I’m afraid to be left alone. Pinunasan ko ang tumulong luha sa mata ko. Kahit saan kasi ako tumingin I have no reason to live. Gusto ko man kayo ipaghiganti pero hindi ko na magagawa dahil ang mga taong pumatay sa inyo ay matagal na ring patay.
“Are you afraid to die?” Nagulat ako nang may mag-salita sa likuran ko kaya napatingin ako dito. Si Napoleon. Umiling ako sa kanya
“Mas nakakatakot pa ang mabuhay kaysa mamatay” tumango naman ito saakin.
“Let’s go” naguluhan naman ako dito. Saan nanaman kami pupunta. Nang makita niyang hindi ako gumalaw sa kinatatayuan ko ay hinila niya ang palapulsuhan ko.
Wala na akong nagawa kaya nagpahila nalang ako sa kanya. Nakita kong sa ikatlong palapag kami pupunta. Bawat hakbang ay nakikita ko ang iba’t ibang uri ng paintings na sa tingin ko ay mahal ang mga iyon.
Nang makarating kami sa ikatlong palapag ay may dalawang pinto lang ito na naglalakihan, hindi katulad sa ikalawang palapag na maraming pinto. Binuksan niya ang unang pinto at tumambad saamin ang apat na lalaking umiinom ng alak habang nagkukwentuhan at may mga hawak na baraha. Sa tingin ko ay mga business man base sa kanilang kasuotan. May nakita rin akong tatlong babae na ang iikli ng suot. Nakatabi sila sa apat na lalaki.
“The three of you. Get out!” Ma-autoridad na utos ni Napoleon. Mukhang natakot naman ang tatlong babae kaya nag sipag-unahan ito sa pag labas ng pinto. Nang makalabas ang tatlong babae ay nagsalita ang isa sa mga lalaki.
“Long time no see, Napoleon.” bati ng isa kay Napoleon bago tumingin saakin
“May magandang binibini ka palang kasama,” dugtong nito sabay ngisi sa akin at pinasadahan ako ng tingin mula ulo hanggang paa. Kung may baril lang ako ay malamang naipukpok ko na ito sa ulo niya.
“I have a present to the four of you,” sabi ni Napoleon. Sabay-sabay na tumingin sa akin ang apat . I frowned
Don’t tell me na ako ang present na sinasabi ni Napoleon? Nakita ko ang apat na parang sabik na sabik sa regalo na sinabi ni Napoleon mga naglalaway pa ang mga ito. Adik!
Tumingin sa akin si Napoleon.
“Close your eyes” utos niya. Naguluhan naman ako
“What?”
“I said, close your eyes”
“Huh? Why?” nagtataka kong tanong. Bigla na lang niya tinakpan ang mga mata ko.
Tatanggalin ko na sana ang kamay ni Napoleon pero bigla akong napatigil nang makarinig ng apat na sunod-sunod na putok ng baril.
“That’s my present for being a traitors.” sabi niya at hinila ako paalis. Hanggang ngayon ay pigil pa rin ang hininga ko sa bilis nang pangyayari.
“What did you do?” I asked. Hindi niya ako pinansin.
“Did I witness a crime?” tanong ko ulit.
“No you didn’t” sumimangot naman ako
“But I heard gunshots,” I said
“You do?” he asked, pretending like he doesn’t know. Pinaglalaruan niya ako.
“You killed them, don’t you?” I asked him again
“Yes I did.” Nanlaki naman ang mata ko sa pag-amin niya.
“But why?”
“They are traitors.”
“You shouldn’t kill people,” I murmured
“Why not?”
“You shouldn’t take what you’ve never given.” I said
“Whatever you say doesn’t matter.” sagot niya at patuloy akong kinaladkad papunta sa kabilang pinto para buksan ito.
“Wait! Don’t tell me papatayin mo nanaman ang makita mong tao sa loob niyan,” nag hehesterical kong sabi sa kanya. Hindi pa nga ako nakaka move-on sa bilis ng pangyayari tapos heto nanaman kami.
Pag bukas ng pinto ay pumikit ako.
“It’s just an empty room,” sabi niya. Nanatili pa rin akong nakapikit.
Patuloy niya ako kinaladkad papasok. Unti unti kong binuksan ang mga mata ko at luminga sa paligid. Walang tao kundi kami lang.
“Well, it’s not anymore.” I replied
Saglit niyang binitawan ang kamay ko at bahagyang itinulak ang malaking painting. Maya maya lang ay may lumabas na fingerprint sensor at idinikit niya rito ang kanyang hinlalaki. Biglang nahati ang painting kasabay nito ang paglabas ng isang elevator. Pumasok kami sa loob nito at kusa kami nitong idinala pababa. Nang bumukas ang pinto ng elevator ay hinawakan nanaman niya ang palapulsuhan ko at kinaladkad sa tapat ng isang lamesa. Wow. Secret passage.
May nakapatong dito na computer, makakapal na libro at sandamakmak na papel. Sa tapat ng lamesa ay mayroong kulay itim na swivel chair na sa palagay ko ay may taong nakaupo at kasalukuyan siyang nakatalikod sa amin.
“What brought you here? My favorite Napoleon” sabi ng isang lalaking may malalim na boses at humarap sa amin. Katulad ni Napoleon ay nakakatakot din ang presensya niya kahit medyo may edad na. Ang pagkatao niya ay humihiyaw ng karangyaan.
“She ruined my transactions,” sabi ni Napoleon at binitawan ako. Naupo siya sa bakanteng sofa at hinubad ang kanyang coat.
“Who are you?” mahinahon niyang tanong ngunit nababakas pa rin ang autoridad sa boses niya.
“Snow Mayhen Polkerson” sagot ko sa kanya. Napaangat ang tingin niya saakin na para bang may interesadong bagay siyang narinig.

Bình Luận Sách (8)

  • avatar
    San JoseLiza

    nice story keep writing more

    18/03/2023

      0
  • avatar
    Lester Allen Alcantara

    Wow

    01/03/2023

      0
  • avatar

    Ang ganda ng story sana po may update na🤞 salamat author

    22/06/2022

      0
  • Xem tất cả

Các chương liên quan

Chương mới nhất