logo text
Thêm vào thư viện
logo
logo-text

Tải xuống cuốn sách này trong ứng dụng

Syete

Sammy's POV
Balita mula sa labas,
Annaliese! Patay na raw si Berting nasagasaan daw ng tren! Naku! Sabi ko nman sayo Anna masasagasaan yung lasinggero na yun eh matagal ko ng napanaginipan yun!
Agad akong napasilip sa bintana pupunta sana ako sa kubeta para umihi ngunit agad namang nakuha ng chismis ang atensyon ko.
Nakita ko kung paano nagmamadaling lumabas si Aling Annaliese kitang kita ko kung paano ito naaligaga.
Naputol pa ang sampayan sa loob sa sobrang lakas ng paghatak nya sa balabal na pinantakip nya sa mukha.
Naingganyo akong makita ang katawan ng lalaki kaya nakilabas rin ako at sinundan si Annaliese.
Mabilis itong tumakbo kaya binilisan ko rin ang bawat hakbang ko maingat naman akong naglalakad kahit na mabilis masyadong malambot ang lupa at madamo na medyo mamasamasa pa maari akong madapa sa maling tapak ko lamang.
Ilang sandali ang lumipas at tumigil na rin sya
Nakita ko ang mga tao na nagkukumpulan, maingay sila at iba iba ang pinaguusapan gusto ko sanang makinig kaso wala naman akong maintindihan sa kaliwa't kanan usapan tungkol sa katawan ng lalaki.
Napaatras ako matapos silang nagtulakan sa unahan. "Parang hindi naman yun nasagasaan ng tren masyadong kahinahinala yung katawan" bulong pa ng mga tao sa likuran ko.
Sa kagustohan kong makita ang katawan tinulak ko ang taong nasa unahan ko upang makasilip kahit sandali.
Wakwak ang leeg nito at ang tyan maging ang puso nito ay nawawala imposibleng nasagasaan ito ng tren ibang iba nag itsura ng katawan nito eh dapat ay piyaot ang bawat bahagi ng katawan nya.
"Hindi yan nasagasaan panigurado kinuha ang mga laman loob nan" bulong ko pa sa sarili ko.
Isang lalaki naman ang lumapit saakin at bumulong. "Pareho tayo ng haka ineng sa palagay ko rin ay hindi sya nasagasaan ng tren kundi sinadya syang patayin at iwan ang katawan nya para palabasing nasagasaan ito ng tren,"
Napangiti ako nang bahagya. "Manong balita ko laganap ang kagutuman sa buong baryo kaya hindi na malabong mangyari yan! Mga sakim kase ang nasa itaas,"
"Tama ka dyan ineng! Mga sakim ang Alfaro kaya napipilitan ang mga mamayan rito na kumain ng laman ng tao. Matagal na ring kumakalat ang balita na maraming aswang sa baryo" sabi pa nya habang nakapamewang.
"Oo nga po eh kagabi naramdaman kong may malakas na pagaspas na umaaligid saamin kakaiba ito kumpara sa ordinaryong ibon mas malakas ang pagaspas nito," kwento ko pa.
Napakamot sa ulo si manong. "Nako magingat kayo mahirap na bata ka pa pate ingat kayo palagi huwag na huwag kayong magtitiwala sa kung sino-sino mahirap mag tiwala dito kase karamihan sa mga tao dito makasarili at sakim!"
Tuluyan ng umalis si manong nagmamadali pa itong naglakad kahit na nanginginig ang mga tuhod nya.
"Ano ka bang bata ka kung sino-sino nalamang ang mga kinakausap mo! Hindi ka manlang nagpaalam saakin at sumama ka pa hanggang dito! Nakikita mo ba yang bangkay na yan? Ganyan ang mangyayari sayo kung pagpatuloy mo pa yang tigas ng ulo mo!" sermon sa akin ni Annaliese sabay hatak sa kamay ko.
Binuwag ko ang kamay nya sa braso ko dahil naiirita ko sa panginginig na nararamdaman ko, "Kung mamatay ako edi mamatay!"
Sinampiga ni Annaliese ang mukha ko lumagapak ang palad nya sa pisngi ko ng husto napahawak ako sa pisngi kong namumula.
Tintigan ko lamang sya habang nangingiyak ang mga mata nya hindi ko maintindihan kung bakit parang sya pa ang apektado kumpara sa akin, hinawakan nya ang ulo ko sabay lapit sa dibdib nya hinaplos-haplos nang nanginginig nyang kamay ang buhok ko. Bumulong bulong pa ito sa akin na pawang nanghihingi ng tawad.
Umurong ako nang bahagya sabay yakap sakanya, "Sanay na ho ang pisngi ko sa lahat ng sampal na natanggap ko mula sa mga magulang ko, hindi mo na po kailangang humingi ng tawad. May sapat kang dahilan para gawin kaya anong mali doon? Ok lang po,"
Hinawakan nyang muli ang kamay ko at sinumulan na naming muling maglakad sinusundan ko lamang sya sa bawat hakbang nya habang kinakabisado ang bawat daang aming nilalakaran.
Hanggang sa umabot na kami sa makating lugar at liblib na parte ng baryo dumilim na ang paligid dahil mas lalong nagiging masukal ang gubat kaya hinigpitan ko ang hawak kay Annaliese.
"Pahinga muna tayo anak" bigla itong tumigil at dahan dahang umupo sa malaking ugat ng puno ng balete.
Umupo na rin ako sa kabilang parte ng ugat hindi ko gustong tumabi sakanya dahil hindi talaga magaan ang pakiramdam ko sa tuwing kasama ko sya. Ewan ko ba pero bumibilis na lang ng kusa ang tibok ng puso ko sa tuwing nakikita ko ang matandang mukha nya.
Hindi naman malaswa ang mukha nya mas lalong hindi rin naman mukhang nakakailang hindi ko naman ito nararamdaman sa ibang taong nakakasalamuha ko at tanging sakanya lamang para bang hindi nga mukha ang pinapakita nya saakin yung tipong unang tingin mo palang alam mo ng hindi mo dapat tabihan kase parang laging may gagawing masama sa inyo.
"Bakit Annaliese ang pangalan mo? Sinungaling ka ba?" Tanong ko habang gumuguhit sa lupa.
Himalakhak ito nang wagas naiirita nanaman ako bakit nga ba ganon lahat nalang ng bagay na meron at ginagawa nya ay nagiging sanhi ng pagkairita ko ayoko ba syang kumilos? Bakit ko pinapakialaman ang buhay ng iba katawan nya yun kaya nyang gawin ang gusto nya ng walang hinihinging opinyon at pagpipintas ko!
"Nakakatuwa kang bata ka sobra, ikaw bakit Sammy ang pangalan mo at Alfaro naman ang apelyido mo? Alam mo naman dito sa baryo na kapag sinabing Alfaro ay mula sa mayamang pamilya bakit sinundo kita galing sa Casa? Pinalayas ka ba doon o tinakwil ka na ni Primada Safira?" tanong naman nito.
"Ipalit natin apelyido nyo ayaw mo yatang maging Alfaro ako eh, baket pag Alfaro ba ang apelyido dapat mula na agad sa mayamang pamilya? Diba pwedeng sampid lang? Kahit nga sila ang pinaka mayamang pamilya dito hinding hindi ko gugustuhing maging kamaganak yung mga yun eh" dagdag ko pa habang paunti unting napipikon.
Ngumiti ito saakin, "Parehas tayo anak maging ako hinding hindi ko gugustuhing maging Alfaro kase puro pera at kayamanan lang basehan nila ng pagmamahal at pamilya tingnan mo na lang yung mga taong nakatira sa Casa, diba lahat sila mayaman mapera at may masasaganang buhay? Pero aanhin mo ang lahat ng yon kung wala ka namang pamilyang maaasahan mo sa hirap at ginhawa?"

Bình Luận Sách (55)

  • avatar
    VincentMark

    👌👌

    28d

      0
  • avatar
    LinaLevi

    ang ganda nang kuwento hehe

    09/07

      0
  • avatar
    VivasJerico

    i need money right now

    05/07

      0
  • Xem tất cả

Các chương liên quan

Chương mới nhất