logo text
Thêm vào thư viện
logo
logo-text

Tải xuống cuốn sách này trong ứng dụng

Sammy

Sammy

yumiinkzz


Uno

Sammy's POV
Saktong alas sais ng gabi ako at ang aking mga kinakapatid ay kasalukuyang nakatulala sa harapan ng pintuan habang nag-aabang ng tira tirang pagkain mula sa mayayamang pamilya na dumadayo sa bahay na ito na syang magiging aming hapunan
Nakakaawa kung titingnan ang mga kasama ko sa loob ng bodega lahat kami ay gusto ng kumawala mula sa hindi magandang patakaran sa bahay ampunan na ito. Bakit pa nga ba ito tinawag na bahay ampunan kung saan puro pagpapahirap lang ang nararanasan naming mga kabataan para kaming mga utusan dito. Lahat kami ay gustong tumakas mula sa demonyong mayordoma ng bahay ngunit hindi namin magawa dahil sa napaka higpit na pagbabantay sa loob at labas ng bahay.
Lahat ng batang nagtatangkang tumakas rito ay hindi na nakikita pa. Hindi malinaw saamin kung ano nga ba ang nangyayari matapos nilang mahuli sabi-sabi pa nga ng iba ay binabaril na daw ng mga sekyu ang mga bata matapos nilang lumagpas sa gate ang iba naman ay naniniwala na kinukulong daw sa madilim na lugar ang mga ito at hindi na pakawalan hanggang sa mamatay hihintayin na lang sila na lamunin ng takot at lungkot na magiging dahilan ng pagkasira ng kanilang isip.
Ni minsan ay hindi ko sinubukang tumakas dahil na din sa takot pero hindi naman ibig-sabihin non ay wala na akong balak na tumakas, naghihintay lamang ako ng kakampi maaari kong makatulong yung malakas at may utak! Bilang minor de edad at pagiging babae dagdag mo pa ang pagiging tao hindi ko dapat nararanasan ang hagupit na ito.
Isipin mo araw araw nilang pinaglilinis ng palikuran ang mga bata mabuti sana kung linis lang ang tungkulin nila ngunit hindi. Maging ang mga bisita ay tungkulin naming lahat! Kami-kami ang nahihirapan dito, pinaglilinis kami ng palikuran kasama pa roon ang mga baradong kubeta na kung hindi namin maipapalubog ay doon ingungodngod ang mga mukha namin. Pati mga iniwan na dumi at kung ano-anong bagay na hindi kanais-nais ay aming nililinis. Likas talaga sa mga taong dumadayo dito ang pagiging burara.
Ang ibang bata pa nga rito ay uuwi sa bodegang balot ng dugo matapos hatawin ng latigo sa likod sa tuwing nakakabasag sila ng plato at mga mamahaling bagay sa loob ng Casa, hindi ko naranasan ang mga iyon pero hindi na makatao at sobra na.
Nagtangka narin kaming magsumbong sa kapulisan nung may pagkakataon ngunit magaling mag-inarte itong mayordoma ng bahay kung ano-anong alibay ang sinasabi nya sa pulis at ito namang pulis paniwalang paniwala at silaw na silaw sa pera. Iba talaga pag pera na ang usapan maraming nabubunyag sa tunay na katauhan.
Karamihan nga sa amin dito sa loob ay may kung ano-anong sakit na nagiging dahilan ng maagang kamatay paunti-unti man kaming nababawasan ay araw araw namang nadaragdagan ang mga batang pahihirapan.
Sa loob kase nang isang araw ay halos humigit kumulang limampung bata ang nadadagdag sa loob ng maliit at masikip na bodega at ganoon din ako noong unang salta ko sa loob, walang naghatid sa akin noon dito kusa akong pumunta para sa payapang buhay na lubos kong inaasahan lumaki kase akong may takot sa magulang dahil bata pa lamang ako ay kung ano anong pagpapasakit at paggulpi na ang nararamdaman ko.
Sa tuwing lalabas ako ng bahay namin noon ay nakaabang na kaagad ang sinturon ni papa kahit na hanggang sa pintuan lang naman ako napaka laking sulsulera kase ng kapitbahay namin konting kilos ko lang ay sasabihan nya agad kay papa at ito namang si papa palo agad ang salubong sakin, alam naman ni mama kung gaano kalupit si papa pagdating sa akin pero wala syang pake tinitigan nya lang ako at si papa sa tuwing may bugbugang nagaganap. Naging sobrang gulo ng utak ko non at puno ng inggit mayroon kase akong kapatid na halatang mas mahal nila kumpara sa akin at sya si Shaira. Hindi ko naman masasabi ang mga ito kung hindi ko nararamdaman.
Si Shaira yung laging mabait laging tama laging masunurin dapat tinutularan at mas dapat na minamahal. Sa aming dalawa ay sya lamang ang nakaramdam ng pagmamahal ng magulang, lagi syang may matinong damit,pagkain at laruan ngunit hindi lang naman ang mga materyal na bagay ang kinaiinggitan kong mayroon sya isa na dito ang edukasyon na meron sya.
Sa tuwing uuwi kase sya bahay ay lagi syang may dalang libro laging may ribon sa uniporme at tatak nga bituin sa kamay na dapat ay para sa akin. Lagi syang pinupuri nila inay kase daw napaka talino nyang bata hindi katulad ko na saksakan ng kabobohan.
Ngunit para sakin ay hindi ako bobo. May alam ako, alam ko kung paano sagutan ang bawat asignatura ng kapatid ko, alam ko kung paano sagutan lahat ng gawain ng kapatid ko patungkol sa matematika sa pamamagitan ng pagbabasa kaya paano ako magiging bobo? May alam ako ngunit hindi nyo alam yon hindi ako matalino at mas lalong hindi rin ako bobo siguro'y mahina ang utak sa iilang bagay.
Gustong gusto kong ipakikilala ang sarili ko at kung ano ako kila inay at itay ngunit hindi ko magawa dahil hindi sila handang pakinggan ang boses ko. Kaya sa simpleng pagbati nila sa kapatid ko ay kaunting saya ang nararamdaman ko dahil iyon ay ang pinaghirapan ko.
"Eto na ang pagkain" sigaw ng tagapagbantay.
Agad kong pinunasan ang luha sa aking mga mata sabay lapit sa pintuan dahil ako ang itinalagang lider ng bodega, binuksan ko ng mabilis ang pinto.
Binato ng tagapagbantay ang kaserola na puno ng pagkain sinarado ko na ang pintuan matapos kong marinig ang sigaw ng mayordoma. Kinakatakutan sya ng lahat ng bata sa loob kaya upang hindi na madagdagan ang takot nila mas mabuti kung hindi na nila ito makikita pa.
Agad silang nag silapitan sa akin at umupo nakapabilog silang lahat sa gitna ng kaserola.
Isa...
Dalawa...
Tatlo...
Dalawampu't apat...
Dalawampu't apat tayong naririto sa loob, wala ba talagang gustong magsindi manlang ng kandila? Liwanag lang mula sa bintanang maliit ang nagsisilbi namang ang ilaw.
"Baka gusto nyong sindihan yung kandila?" bulong ko pa.
Nagtinginan lamang sa akin ang mga bata habang naluluha ang mga mata nila. Mukhang malaki nga ang trauma ng bawat isa sa kanila.
Bilang nakakaintindi sa sitwasyon at ang nakakatanda sa kanila ako na lamang ang gumawa ng bagay na dapat iuutos ko.
Sinindihan ko ito at nilagay sa gitnang parte ng silid para lumiwanag ang paligid. Napansin ko naman sa mga bata na halos mangatal sila dahil sa kandilang sinindihan ko.
Nilapitan ko sya at hinawakan sa ulo "Ayos lang ang lahat" masyado kong bati sa kanya sabay senyas ng ngiti sa labi.
Sinimulan kong hatiin nag pagkain parang hindi naman sasakto sa aming lahat ang pagkain ito dahil puro buto nalamang ang natira paniguradong matakaw ang bisita ngayon sa Casa dahil halos pati buto ay kainin na daig pa nito ang pusa.
"Pa'no ikaw?" Saad sakin ng bata matapos kong ibigay sakanya ang huling bahagi na nasa kaserola.
"Busog pa ako, mas kailangan mong kumain tingnan mo yang katawan mo para kang kawayan" biro ko pa kahit na halatang gutom na rin ako na parang kakain na din ng tao.

Bình Luận Sách (55)

  • avatar
    VincentMark

    👌👌

    28d

      0
  • avatar
    LinaLevi

    ang ganda nang kuwento hehe

    09/07

      0
  • avatar
    VivasJerico

    i need money right now

    05/07

      0
  • Xem tất cả

Các chương liên quan

Chương mới nhất