logo text
Thêm vào thư viện
logo
logo-text

Tải xuống cuốn sách này trong ứng dụng

Chương 2 TWO

AGAD bumaba si Teslyn sa Kabayong may pakpak ng makita ang gusto niyang puntahan.
Isa iyong maliit na Tahanan na dinadalaw siya sa Panaginip niya. Kaya napagpasyahan niyang puntahan iyon mismo.
"Prinsesa! Dumating ka!"
Maliit na boses iyon kaya naiisip na niya kung ano. "Duwende? Asaan ka?"
"Andito ako!" Tiningnan niya agad ang Puno kung saan niya naririnig ang Boses. Andoon nga ito at nakasabit!
Pinutol niya ang sanga saka kinuha ito. "Okay kalang?"
Tumango ito. "O-okay na ako. Grabe! Tatlong araw na akong nakabitay riyan pero ngayon molang ako binisita!"
Napangiti naman siya. "Diko kasi alam kung anong ibig sabihin nun. Teka, kailangan ko ng bumalik sa Palasyo. Tiyak nag-aalala na si Kuya."
"Sige. Ako nga pala si Aloysius." Anito na inabot pa ang maliit na kamay. Napakamot naman siya sa Ulo.
"Sa liit mona iyan. Isang daliri kolang yan eh."
"Ay. Pasensya na." Natatawang anito at isang iglap lang ay naging malaki ito sa harap niya.
Nanlaki ang mga mata niya. "Wow, guwapo mo naman!"
Natawa ito lalo. "Salamat sa tulong ah."
"Okay lang. Teka, bakit dika nagpalaki nung masabit ka? Paniguradong mababali ang sanga!"
Umiling ito. "Diko magagamit ang Kapangyarihan ko kapag nakabaliktad ako."
"Ows. Sino bang nagsabit sa'yo diyan? May ginawa kang kasalanan noh?"
Umiling ulit ito saka tumawa. "Wala ah. Tsaka diko kilala ang may gawa. Parang normal na Diwata lang."
Napatango nalang siya. "Mauuna na ako, Aloysius. Kailangan ko ng bumalik sa Palasyo."
Pero napasigaw siya ng paglingon niya'y naging bato na ang May pakpak na Kabayo!
Agad siyang hinila ni Aloysius. "Takbo na! Ang mga Mangkukulam!"
Sinunod naman niya. Kailangan nilang makalayo roon para iligtas ang mga sarili nila.
Naririnig pa nila ang malakas na halakhak ng mga Mangkukulam na nakaupo sa Walis Tingting.
Mas mabilis tumakbo si Aloysius kaya nagpapahila lang siya. Pero nang matisod ito'y pareho silang nakahalik sa Lupa.
Pinalibutan agad sila ng Mangkukulam. Yumakap naman siya sa Leeg ni Aloysius.
Natatakot siya.
Palagi niyang naririnig ang tungkol sa mga nawawalang Diwata na ang mga Mangkukulam ang may kagagawan.
Di niya kayang isipin na matutulad siya sa mga iyon. Nang umangat ang mga kamay ng mga ito'y ipinikit nalang niya ang mga mata.
Napasigaw pa sila ni Aloysius ng gumuho ang Lupa at magsara ulit.
"Sumunod kayo sakin!" Nang tingnan niya ang sumigaw ay walang iba kundi si Donovan.
"Ate!" Agad niya itong niyakap. Natatawa naman itong kumalas. "Salamat sa pagliligtas ah."
Umiling ito. "Diba bawal ka Lumabas? Bakit dika sumunod? Mapanganib rito."
Siniko naman niya si Aloysius. "Dahil dito, Ate oh. Dinamay pa ako."
Nahihiya namang ngumiti si Aloysius na inilingan lang ni Donovan. "Mag-ingat kayo sa Susunod. Ginagambala na talaga tayo ng mga Mangkukulam."
"Pero bakit? Nasaan ba sina Ina-"
"Diko iyan masasagot. Pero posibleng may di magandang nangyari. Di naman sila mawawala ng ganun-ganun lang."
"Nawala? Akala koba'y umalis lang?"
"Ganun nadin iyon." Singit ni Aloysius.
Umirap lang siya. "Saan na tayo pupunta ngayon, Ate?"
"Pumunta muna tayo sa Mahiwagang Punong binabantayan ko. Saka tayo bumalik sa Palasyo."
Napatango nalang sila. Sinundan nila ang Daan. May Daan palang ganun sa ilalim ng Lupa?
Siguro'y Oo kasi iyon ang dinadaanan nila.
Nakarating nga sila sa Puno nito. Pumasok na ito sa loob at sumunod naman si Aloysius.
Napasigaw siya ng isang Taong Uwak ang humarang at dagitin siya.
Napalingon naman sina Aloysius at Donovan sa kanya. Parehong nag-aalala.
UNANG Pinuntahan nina Tiberius si Donovan. Tiyak kasing makakatulong ito sa kanila. Ang Mahiwagang Puno ng Ubas na Binabantayan nito ngayon ay may Kapangyarihang iligtas sa anomang kapahamakan ang sarili. Iyon ang dapat makagat ni Teslyn para dina ito mapahamak.
Naabutan niya si Donovan na nakatingin sa Puno nito. Nangangamba ang Hitsura. Agad silang lumipad ni Josue palapit dito.
"Anong nangyari?"
Lumingon naman ito saka umiling. "Nawala lahat ng Bunga!"
Napatingin rin siya sa Puno at wala na ngang Bunga roon. "Paano?"
Tumayo ang nasa likod nito. "Nauna na samin ang mga Uwak rito. Paniguradong sila ang kumuha sa mga iyon."
"At hawak rin nila si Teslyn." Ani Donovan. Nanlaki ang mga mata niya.
"Ano? Paano?"
"Dina mahalaga. Ang mas kailangan nating gawin ngayon ay hanapin ang mga Uwak na iyon." Ani Donovan. Napatango naman siya.
Nilapitan naman ni Josue si Donovan. "Paano ang mga Bunga? Mahahanap pa kaya natin?"
Umiling ang huli. "Diko sigurado. Pero kailangan nating bumalik sa Palasyo niyo ngayon. Mas kailangan natin ang tulong ni Avadis."
Napatango naman sila.
Naging maliit ang kasama ni Donovan kaya kinuha na niya ito at inilagay sa Balikat niya. Saka siya naunang lumipad. Sumunod naman sina Josue at Donovan.
Nakarating agad sila sa Palasyo. Pero sinalubong sila ng di magandang balita. "Sinugod tayo ng mga Uwak at Mangkukulam!" Agad tumalon ang Duwende at umakyat sa balikat ni Josue.
Nilapitan niya ang Alalay. May sugat ito sa Tagiliran at mahihirapang tumayo. "Kaya mo paba?"
Tumango ito. "Pero diko na alam kung makakalaban paba ako. Ang mga Uwak... nasa silid sila ng Mahal na Hari!"
Agad siyang tumakbo patungo doon. Patay na nga ang mga Bantay. Pagpasok niya'y nanghihina na si Avadis.
May kutsilyong nakatarak sa Balikat nito. "Avadis!" Dinaluhan niya ito.
Tiningnan naman nito ang Ama niya. "Iligtas mo ang iyong Ama. Mas marami sila kumpara satin. Kapag nagtagal pa kayo dito. Mamamatay tayong lahat."
"P-paano ka?"
"Kailangan ko silang harapin. Lalabanan ko sila para payapa kayong makaalis."
Napatango nalang siya saka nilapitan ang Ama niyang wala pading malay. Inakay niya ito saka lumabas. Hinarap nga ni Avadis ang mga kalaban kahit nahihirapan na ito.
Nakarating naman sila kung nasaan sina Donovan. "Umalis na tayo dito."
Napatango naman ito. "Iiwan natin sila?"
"Iyon ang nararapat gawin." Ani Avadis. Napatango nalang sila.
Pero bago paman sila makalipad ay pinigilan sila ni Avadis. Inabot nito ang Tungkod nito. "Iligtas mo ang Kaharian sa inyong pagbabalik. Tandaan niyo, wag kayong padalos dalos. Pagkat iyon ang gagamitin ng mga Mangkukulam."
"Sino ang Mangkukulam, Avadis?"
"Diko kilala. Pamilyar siya sa akin pero parang binura sa isip ko ang alaala ko sa kanya. Na Paniguradong gawa ng masamang Kapangyarihan."
Napatango naman sila. "Pangako, Avadis. Tayo ang mananalo. Kabutihan ang mananaig."

Bình Luận Sách (160)

  • avatar
    Zachary Aviles Prado

    super good

    17d

      0
  • avatar
    Xander Cortez

    this is cool story

    18d

      0
  • avatar
    Carlos Albino

    carlos albino

    26/07

      0
  • Xem tất cả

Các chương liên quan

Chương mới nhất