logo text
Thêm vào thư viện
logo
logo-text

Tải xuống cuốn sách này trong ứng dụng

Chapter 4

Lumabas na kami ng principal's office at si Kaylee ay umiiyak pa rin at nanginginig.
"You know naman I am dumb when it comes to academics and sports, hindi ako magaling. If she is really serious then I do not think makakalabas ako dito sa school nang buhay." She said still crying.
"Kawawa naman kayo" napalingon kami sa direksyon kung saan nanggaling ang boses na iyon, galing pala iyon sa babae na nakasalubong namin kanina, yung leader ng grupo.
"My name is Samantha" She evily smirked and approached us.
"Kung sasali kayo sa grupo namin then it will be easy for you na makalabas dito sa school." She said still smirking.
"Really?" saad ni Kaylee at tumigil na ang pag-iyak.
"Yes, but you will become my slave, it is not easy na makasali agad sa grupo namin. Ano kayo sineswerte?" then she evily chuckled.
Nagtinginan kaming tatlo, kung papayag kami sa kanya ay madali lang para sa amin na makalabas sa school na 'to, mas tanggap ko pa na makick out sa iba't ibang school wag lang mag-aral sa school na 'to.
"Sige, payag kami." saad ni Zoe na walang pag-aalinlangan.
Ngumisi si Samantha at binigyan kami ng parang calling card at tsaka siya umalis. Nakalagay pala doon yung room number nila.
Pumunta kami sa room namin at nagpalit na ng school uniforms, bago nga pala kami lumabas sa principal's office ay binigay ni Madam Dimitrescu ang schedule ng klase namin. Mabuti at magkaklase kaming tatlo, kung magkakahiwalay kami ay baka 'di ko na kayaning mabuhay.
Bukas pa kami magsstart ng klase at kinakabahan ako, bakit pumapayag ang mga estudyante sa ganitong rulea na school? eh buhay ang nakataya dito.
"The uniform looks good on me" We heard Kaylee said.
"Malamang maganda kasi korean style, adik ka pa naman pagdating sa korean." Zoe told her then kumuha siya ng sigarilyo mula sa bulsa niya.
She noticed me na tumitingin sa kanya at nagalok sakin ng sigarilyo.
"Gusto mo?" She offered but umiling ako, never ever pa sa buhay ko magtry manigarilyo.
"Nakadala ka pa talaga ng sigarilyo" saad ko at tumawa lang siya, hindi ko alam kung kakabahan ba ako, iiyak o maiinis dahil halo halo ang emosyon ko ngayon. Hindi alam ng mga magulang ko na hindi ako makakalabas hangga't 'di tapos ang school year na 'to lalo na at wala kaming gagamitin upang makipag-communicate sa kanila. si Zoe naman ay hindi nag-aalala dahil wala na ang mga magulang niya, only child lang din siya, at si Kaylee naman ay syempre nag-aalala yon lalo na sa mga magulsng niya, iyon pa. Siguro pagbutihin na lang namin yung mga gagawin namin at makalabas nang buhay dito sa school, sana nga lang hindi seryoso ying principal sa mga sinasabi niya.
***
It is already 6 pm, biglang may narinig kaming tunog na parang alarm, kagaya nung sa the purge. Sumilip kami sa bintana ng aming kwarto at nakita sa hallway na nagsisipasukan na ang lahat ng mga estudyante sa kani-kanilang dorm.
"Bawal na ba lumabas?" tanong ko sa kanila.
"I am not sure, wala naman sinabi yung principal na bawal?" Zoe said
"Yep, the principal did not mention that" Kaylee added.
"Bakit may balak ka?" tanong sakin ni Zoe habang nakangisi.
"Wala, nagtatanong lang" I told her, baka mamaya may balak 'tong bruha na to jusko.
"Ako kasi meron" Sabi niya habang nakangisi pa rin.
sinasabi ko na nga ba, imposibleng mawalan ng balak 'tong si Zoe, siya lagi nagpapasimuno pagdating sa mga ganito.
"Wala naman sinabi na bawal lumabas sa gabi diba? try kaya natin lumabas?" Sabi nya at hindi pa rin nawawala ang pagngisi niya.
"Oo nga no" pagagree naman ni Kaylee na siyang ikinagulat ko.
"Kailan pa kayo nagkasundong magdalawa?" Tanong ko sa kanila habang tinaas ko ang kilay ko.
"Ikaw ba ayaw mo?" tanong ni Kaylee sa akin.
Gusto ko sumama ngunit may part na ayaw ko, pero wala naman atang masamang magtry diba?
"Sige na nga, anong oras ba?" tanong ko
tumingin si Zoe sa kanyang relo at nagiisip ata kung anong oras pwedeng lumabas.
"siguro 8?" tanong nya
"hindi ba masyadong gabi yon?" tanong naman ni Kaylee.
"mas gabi naman siguro kung 9 or 10,, kaya 8 na lang." sabi ko.
Kumain muna kami ng dinner, nasabi nga pala ng principal na kumuha na kami ng pagkain bago maggabi para sa hapunan namin. Ewan ko ba, naweweirdan na talaga ako 'don.
Pagsapit ng 8 pm ay nagready na lumabas, pareho kami ni Kaylee na kinakabahan at syempre si Zoe hindi, malakas loob niyan eh.
Lumabas na kami at sobrang tahimik ng hallway, ni isang estudyante ay wala kang makikita, kahit bumulong pa ako ng mahina maririnig nina Zoe at Kaylee eh. Pumunta kami sa first floor at wala, ganon pa rin, walang ganap.
"Ano ba yan ang boring, balik na nga tayo sa room." Sabi ni Zoe.
"Ilabas nyo na yan" narinig naming sabi ng isang pamilyar na boses.
Dahan dahan kaming nagtago sa pwedeng pagtaguan, samantalang si Kaylee ay nandoon pa rin nakatayo at natulala dahil sa gulat.
"Anong ginagawa mo?!" pasigaw na bulong ni Zoe.
Bigla akong tumayo at tinakpan ang bibig ni Kaylee, baka mapasigaw pa at malaman na nasa labas kami, bumalik kami doon sa pinagtataguan namin.
Nakita namin si Madam Dimitrescu at ang kanyang mga staff na may bitbit na malaking bag na kahit ang tao ay magkakasya.
"Itapon niyo na yan sa dagat, siguraduhin niyong walang makakakita sa inyo. Bagsak lahat ng subjects, tsk walang patutunguhan sa buhay iyan." rinig naming sabi ni Madam Dimitrescu.
Biglang may humawak sa paa niya at sinipa iyon nung principal.
"Buhay pa 'to??" galit na tanong ni Dimitrescu.
Sinipa lang niya pabalik yung kamay sa bag at sinarado ito nang maigi at bumalik na sa kanyang office.
Nagtinginan kaming tatlo at nanlalaki ang kanilang mga mata, halatang naguguluhan at nagugulat sa mga nangyari.
"Do not tell me bangkay iyon??" Pasigaw na bulong ni Kaylee.
"Bakit andito kayo sa labas?"
rinig naming sabi ng babae sa likod namin.

Bình Luận Sách (51)

  • avatar
    Criscel Salvador

    thek

    17/07

      0
  • avatar
    Shane Hamili

    its soo good i love it

    29/06

      0
  • avatar
    Ayesha Anne Cao

    good

    23/06

      0
  • Xem tất cả

Các chương liên quan

Chương mới nhất