logo text
Thêm vào thư viện
logo
logo-text

Tải xuống cuốn sách này trong ứng dụng

CHAPTER 3

"Arki! Arki wake up!" nagising ako mula sa pagkaka-alog sa akin.
Bigla akong tumayo at hingal na hingal, naglalandas ang luha ko sa magkabilang pisngi. Napalingon ako kay Gen na hinahagod ang likod ko. Napauklo ako sa tuhod ko at umiyak lang ng umiyak.
I can still feel it, it feels surreal...
Si Cleo ay lumapit habang inaabutan ako ng tubig, "Arki uminom ka muna, you're having a nightmare," nag-aalalang wika niya.
"Did you dream about it again?" tanong ni Gen, bakas rin ang pag-aalala sa mata niya.
Niyakap ko lang siya at muling humagulgol, "I can't forget it Gen, it's haunting me in my sleep..." humigpit ang pagkakayakap ko sa kanya, pakiramdam ko ay lalabas ang lalaking iyon anumang oras at gagawin sa akin ang masamang plano niya.
"He's not coming Arki, walang mangyayari sa'yo dito. You're safe..." hinahagod ni Gen ang likod ko, nagkatinginan lang sila ni Cleo at muli akong inalo.
"Please don't tell my family about this..."
"But they need to know! That a**h*le is walking freely habang ikaw na-trauma dahil sa kagag*han niya," asik ni Cleo.
"Arki bakit hindi mo sabihin sa kanila ang totoo?" tanong ni Gen.
"Makikinig ba sila? They won't believe me because there is evidence! They are planning the wedding in two months time dahil baka mabuntis ako and they can't let our family's name be tainted again!" hindi sila naka-imik dahil alam nila ang nangyari sa akin.
"Believe me, nothing happened between us, the video is staged! Alam ko 'yun sa sarili ko dahil mararamdaman ko 'yun!" I said hysterically while crying.
Napaiyak na rin silang pareho, pinahid ni Cleo ang mga luha ko, "But the video said otherwise Arki at 'yon ang pinaniwalaan nila. Oo alam namin na walang nangyari pero hindi rin sila nakinig, you need to tell this to your family," patuloy niyang wika.
"Hindi sila naniniwala sa'kin Cleo, wala nang kopya na buong video sa cellphone niya at natatakot ako! Takot na takot ako! Hindi ako 'yon, hindi!" niyakap nila ako ng mahigpit at pinatahan.
Inilabas ni Cleo ang sleeping pills ko sa pouch at ipinainom sa akin, "You rest first Arki, we're here for you, hindi ka namin iiwan. Best friends forever tayo right? We'll help you," pang-aalo sa akin ni Gen.
Inihiga nila ako at tinabihan sa kama. Para raw maramdaman ko na safe ako. Bukas ng tanghali ay babalik na kami ng Maynila, pero mukhang hindi na ako makakasama pa sa kanila.
***
Marahan akong kumilos habang malalim pa ang tulog ng dalawang kaibigan ko. Tumingin ako sa relos pambisig at nakitang alas-kuwatro pa lang ng madaling araw.
Inilapag ko ang liham sa lamesa na madali nilang makikita pagkagising nila, "I'm sorry girls, I need to do this. I can't marry that monster."
Maingat akong lumabas ng transient house bitbit ang backpack ko na tanging dala ko. Mababa pa ang hamog sa labas kaya halos wala akong makita. Isinuot ko ang baseball cap ko at facemask.
Mabuti na lang at jogging pants na may ternong jacket ang suot ko dahil kung hindi ay mangangaligkig ako sa lamig.
Wala akong alam na pupuntahan pero may baon naman akong cellphone kaya sinubukan kong mag-search ng lugar kung saan may mambabatok o tattoo artist kung tawagin sa siyudad.
Iniwan ko na ang tripod ko at ang camera na lang mismo ang dinala ko kasama ang ilang pirasong damit.
Sumakay ako sa isang jeep na ang biyahe ay papuntang Kalinga, hindi man ako sanay mag-commute ay marunong naman ako. Dahil nga pasaway ako ay marami akong nasubukang gawin habang nag-aaral pa ako.
Maraming pasahero ang napapatingin sa akin, malamang ay naiintriga sila dahil mukha akong masamang loob. Pulos itim ang suot ko maging ang face mask ko, kaya hindi ako nagtataka na isipin nilang isa akong kawatan.
Nasa kalagitnaan na kami ng biyahe nang biglang huminto ang sinasakyan kong jeep. Nag-uusap usap sila sa lengguwaheng hindi ko maintindihan, kinalabit ko ang matandang babaeng katabi ko ngunit umiling lang siya at nagsalita sa kanilang dayalekto.
Bumaba ako ng jeep kasabay ang ibang pasahero at doon namin nakita na na-flattan ng gulong ang jeep.
I groaned in frustration, "Lucky me..." I heaved a deep sigh. Napapalatak na tumingin ako sa paligid, mukhang madalang ang mga dumadaang sasakyan dito base na rin sa napapailing na mga pasahero.
Nagulat ako nang may humatak sa jacket ko, pagtingin ko ay may batang babae na nakatingin sa akin habang salubong ang kilay.
Inalis ko ang face mask at agad naman akong napangiti at umupo para magpantay kami, "Hi! Anong pangalan mo?" nakangiti kong tanong na ginantihan niya rin ng ngiti.
"Anissa po..." nahihiyang sagot nito.
"Ang ganda naman ng pangalan mo, nasaan ang Mama mo?" muli kong tanong. Nakita ko ang batang ito kanina sa may bandang dulo malapit sa driver.
Lalong nagsalubong ang makapal niyang kilay, "Ano pong Mama?"
Napaisip ako sandali, "Mama... Mommy, Nanay, gano'n?" nakangiwi kong sagot, baka kasi hindi siya pamilyar sa tagalog, hindi pa naman ako marunong ng ibang dayalekto, kung spanish, greek, at english ay maaasahan mo ako.
"Ahh si Ina po?" tanong niyang muli sa'kin na ikinatango ko.
Itinuro niya ang isang babae na mukhang matanda lang sa akin ng ilang taon. Muli siyang humarap sa akin at may kinuha sa bulsa niya.
"Nakita po kasi kita kanina na malungkot, eto po oh," inilahad niya ang kamay niya at iniaabot sa akin ang lollipop.
Napakunot-noo naman ako sa ginawi niya, pero tinanggap ko pa rin ang inaalok niya, "Wow salamat, eh paano ka?"
Bumungisngis siya at nakita ko ang mapuputing ngipin niya, "Marami po ako niyan, palagi po ako binibigyan ni Dok Aki kasi po madalas malungkot daw po ako. Dapat daw po salubungin ang umaga nang nakangiti."
Mas lalong lumalim ang gatla sa noo ko sa sinabi niya, pamilyar kasi, parang kakarinig ko lang. Ngumiti akong muli at hinagod ang buhok niya, mukha siyang mabait at ang gaan ng loob ko sa kanya.

Bình Luận Sách (19)

  • avatar
    RO NA

    nice

    25/07

      0
  • avatar
    MalabananJonas Montes

    Jonas

    23/07

      0
  • avatar
    Aslee Son

    lovely

    05/07

      0
  • Xem tất cả

Các chương liên quan

Chương mới nhất