logo text
Thêm vào thư viện
logo
logo-text

Tải xuống cuốn sách này trong ứng dụng

TCS 05:

•Rabiya•
Sinalubong ako ni Otoy nang makarating ako sa may daan papasok sa aming bahay. Kinuha nito ang maleta kong dala kaya nawala ang bigat. "Ningning, Lili, nandito na si Ate Ibyang," sigaw nito bago pa kami makapasok sa loob.
Alas dose na ng hapon ako nakauwi dahil matagal-tagal din ang byahe. Pagod na pagod ang katawan ko ngunit nang makita ko ang ngiti sa mga labi ng kapatid ko ay nawala rin iyon kaagad.
Napangiti ako nang magsilapitan ang tatlo kong kapatid at niyakap ako nang mahigpit. Na-miss ko sila kahit ilang araw lang kaming hindi nagkita.
"Ate Ibyang, saan ka po galing? Mapapagamot na po ba natin si nanay?" puno ng pag-asa na tanong sa akin ni Ningning—siya ang pinakabata sa aming magkakapatid, limang taong gulang pa lang ito pero kahit ganoon ay alam na niya ang nangyayari sa paligid niya. "Uuwi na po ba sa atin si nanay?"
Lumuhod ako sa kanilang harapan para mapantayan silang dalawa ni Lili. Hinaplos ko ang kanilang pisngi sabay tango.
Nilingon ko si Otoy na may tipid na ngiti rin sa kanyang labi.
"Otoy, pumunta ba rito si Antonya?" tanong ko sa kanya. Tumango naman ito at naglakad patungo sa kahoy naming aparador.
"Ito ang papel na ito po ang ibinigay niya sa akin, Ate Ibyang. Hindi ko po alam kung ano iyan, kaya itinago ko na lang po, dahil sabi ni Ate Antonya ay importante raw po iyan," mahabang saad ni Otoy.
Inilahad ko ang aking kamay sa kanya para makuha ang tseke. Kaagad naman nitong inilagay iyon sa aking palad.
Kumunot ang aking noo nang makita ang perang nakalagay doon. Bakit two hundred thousand lang ito? Ang usapan namin ay six hundred thousand ang ibibigay nila sa akin.
"Wala na bang ibang papel na ibinigay sa'yo?" Umiling si Otoy kaya galit na kinagat ko ang aking labi. Isinilid ko sa aking bulsa ang tseke, bago naglakad patungo sa pintuan.
"Ate Ibyang, saan ka pupunta? Hindi ka ba kakain muna?" Nagugutom ako, pero mas importante sa akin ang perang itinakbo ni Antonya.
Ibinigay ko ang puri ko para makuha lang ang perang iyon. Kailangan ko ang perang iyon para sa nanay namin. Nilingon ko silang tatlo at napabuntong-hininga, kung malalaman ni nanay ang ginawa ko tiyak na magagalit iyon.
Ang gusto pa naman nito na ibigay lang namin ang aming katawan sa taong pakakasalan namin. Baka kapag nalaman niya iyon ay itakwil na niya ako bilang isang anak.
"Kailangan kong puntahan si nanay, Otoy. Ikaw muna magbantay sa kanilang dalawa, ah?" Tumango naman ito kaagad kaya umalis na ako.
Kailangan ko pang mag-sinungaling sa mga kapatid ko, dahil kay Antonya. Kapag nakita ko talaga iyon, makakatikim talaga siya sa akin.

"Antonya! Antonya!" sigaw ko, habang kumakatok sa kanyang pintuan na gawa sa pinagtagpi-tagping plywood. "Antonya, lumabas ka d'yan. Ibigay mo sa akin ang pera ko—"
Napalingon ako sa matandang babae na kumalabit sa akin. "Anong ginagawa mo d'yan, anak?" mahinang usal nito.
"Nanay, nasaan po si Antonya? Iyong nakatira po rito na bakla." Kumunot ang noo nito, nag-iisip yata kung sino ang binabanggit ko.
"Iyong kulay dilaw ba ang buhok at may katangkaran? Anton iyong tawag namin sa kanya, pero, anak, umalis na iyon kahapon." Nagdikit ang kilay ko sa narinig. Saan naman pupunta ang baklang iyon? Eh, wala naman iyong ibang pamilya. "Nagmamadali nga iyon kasama iyong lalaki niya na umalis. Narinig kong sinabi niya na mayaman na raw siya at kaya na nilang mabuhay na hindi pino-problema ang pera."
Para akong nalalantang gulay na bumaba sa kinapapatungan ko. Ginulo ko ang aking buhok at inis na inis na pinatid ang may kalakihang bato sa aking harapan.
Anong ginawa ni Antonya sa pera ko? Alam naman niyang kailangan ko iyon para sa nanay ko. Anong gagawin ko ngayon? Saan ako kukuha ng kulang nito? Ayaw ko nang bumalik pa sa lugar na iyon. Hindi ko na ulit kayang baboyin ang sarili ko para lang sa pera.
"Ayos ka lang ba, anak? Namumutla ka, kailangan mo ba ng tubig?" Mapait akong ngumiti sa matanda sabay iling. "Pwede kang pumunta muna sa bahay para makainom. Nasa likuran lang naman nito ang bahay ko."
"Hindi na po, nay. Salamat po sa pagbibigay impormasyon sa akin. Aalis na po ako," paalam ko rito.
Mabilis akong pumara ng trysikel para pumunta sa hospital. Hinanap ko kaagad ang opisina ng doctor ni nanay pagkarating na pagkarating ko roon.
Baka pwedeng unahan ko muna iyon ng pera para masimulan nila ang paggamot dito. Maghahanap na lang ako ng ibang paraan para makahanap ako ng pera na hindi ginagamit ang katawan ko.

"Doc, pwede po ba iyon?" tanong ko rito. Bumuntong-hininga ito sabay iling sa akin. "Bakit po? Babayaran ko naman po kaagad kapag nakahanap ako ng pera—"
Itinaas nito ang dalawang kamay kaya napatigil ako sa pagsasalita. Anong gagawin ko kapag hindi kaagad nagamot si nanay? Kasalanan ko kung hindi ko siya maiuwi ng buhay sa mga kapatid kong umaasa.
Pinahid ko ang luhang gumapang na sa aking pisngi, bago nag-iwas ng tingin sa doktor. Hindi ako mahinang babae, ayaw kong ipakita sa ibang tao na mahina ako.
"Hija, kailangan mong dalhin sa isang private hospital ang nanay mo. Iyong pwede nilang masubaybayan ang gamutan, iyong hospital na kumpleto sa kagamitan," naaawang saad nito.
Nakagat ko ang aking ibabang labi dahil sa narinig sa kanya. Private hospital? Hindi ko na nga kayang bayaran ang gamutan dito, tapos kailangan ko pa na ilipat sa private hospital? Saan naman ako maghahanap ng pera? Paano ang gagamitin namin sa bahay? May mga kapatid pa akong umaasa sa akin.
"Hindi niyo po ba siya kayang gamutin dito, doc?"
Nakita ko ang mabilis na pag-iling nito kaya napabuga ako sa sobrang inis. Sino naman ang lalapitan ko ngayon? Saan na naman ako pupunta?
Nagpaalam na muna ako sa doktor at pumunta sa kwarto ni nanay. Hindi pa rin ito nagigising kaya mas lalo akong pinanghinaan ng loob.
"Nay, tulungan niyo naman po ako. Hindi ko na po alam ang gagawin. Ayaw ko pong mawala kayo, pero wala na po akong ibang maisip."
Inilagay ko ang aking ulo sa kamay ni nanay at umiyak doon. Ang bigat-bigat na ng aking dibdib, gusto ko na lang matulog at kalimutan ang lahat ng problema.
"Nay, I'm sorry. May nagawa po akong mali habang natutulog kayo. Ginamit ko po ang katawan ko para makakuha ng pera," garalgal ang boses na usal ko. "Alam ko na naririnig niyo po ako, pero huwag po kayong magalit. Kailangan ko po kayo, kailangan ka po namin ng kapatid ko, kaya ko nagawa ito."
Tumayo na ako at hinalikan ang pisngi ni mama. "Gagawin ko po ang lahat para maipagamot kayo, nay. Uuwi po tayo, hinihintay po tayo ng tatlo."
Binitawan ko na ang kamay ni nanay at tinalikuran na ito. Baka may masabi akong magpapalala sa kondisyon nito.

Dinala ako ng aking mga paa sa isang parke. Hapon na iyon kaya maraming bata ang naglalaro, pero wala naman akong pakialam. Nanatili lang akong nakatitig sa kawalan.
"Pwede ko bang malaman ang problema mo?" Napaigtad ako nang marinig ang pamilyar na boses na iyon. "Nagulat ba kita? I'm sorry."
Hindi ako makapaniwala na nakatingin kay Caleb. Bakit siya rito? Namamalikmata lang ba ako? Kaagad kong kinusot ang aking mata ngunit hindi pa rin naman ito nawala.
"Bakit ka nandito? Wala naman siguro akong problema na naiwan hindi ba?" naguguluhang tanong ko sa kanya.
"Hindi mo ba alam na tatlong buwan kang maninilbihan sa akin?" Nanlalaki ang mata ko, hindi makapaniwala sa sinabi niya. Paano? Ang sabi sa akin ni Antonya ay isang araw. "Hindi mo ba binasa ang kontrata, Miss Sanchez?"
Napalunok ako nang lumapit ito sa akin at hinapit ang aking bewang. May kontrata ba akong pinirmahan? Wala akong maalala na may pinirmahan akong kontrata. Anong sasabihin ko sa kanya? Paano ko sasabihin dito na ayaw ko nang maging parausan niya?
"Oops, nakalimutan ko pumirma ka lang pala no'n kahit inaantok ka na," natatawa niyang saad. "Well, sa akin ka na sa loob ng tatlong buwan at hindi na iyon mababago. Pero bibigyan naman kita ng other one milyon, para sa paninilbihan mo sa akin."
Itinulak ko siya palayo sa aking katawan. Narinig ko ang sinabi niya sa akin noon na kapag napasaya ko siya ay hahayaan niya na akong makalaya.
"Sabi mo na palalayain mo na ako kapag ibinigay ko sa'yo ang gusto mo—" Nanlalaki ang mata ko nang bigla niya akong hinalikan.
"Sorry, pero napasaya mo ako ng husto kaya ito ang parusa mo. Sa akin ka na ulit, Rabiya. Hihiramin na muna kita ulit, isasauli naman kita nang maayos."
Siguro nga... Siguro nga kailangan ko rin ito ngayon para sa magulang ko. Titiisin ko na lang muna ang tatlong buwan para kay inay.

Bình Luận Sách (14)

  • avatar
    LeriaRiza Rodriguez

    nice

    20/04

      0
  • avatar
    Joyce Gajar

    wala na po bang part 2?

    25/02

      0
  • avatar
    Prais Lady Jane Bendong

    maghanda po yong novela

    14/01

      0
  • Xem tất cả

Các chương liên quan

Chương mới nhất