logo text
Thêm vào thư viện
logo
logo-text

Tải xuống cuốn sách này trong ứng dụng

TCS 02:

•Rabiya•
Wala akong imik hanggang sa makapasok kami sa isang magarang bahay. Malaki iyon hindi nga nangangalahati ang bahay namin dito. Siguro kong gusto kong magpatayo ng bahay na katulad nito ay kailangan kong mag-trabaho ng 24 oras hanggang sa tumanda ako.
Napakibit-balikat ako dahil sa isiping iyon, ngayon lang naman kasi sumagi sa isipan ko ang pagpapatayo ng bahay lalo na at sapat na sa akin ang bahay namin ngayon basta magkakasama kami.
"Rabiya, right?" mahinang tanong sa akin ni Caleb. Umiwas ako ng tingin sabay sagot nang mahinang 'oo'. "That's a beautiful name just like you."
Ayaw kong ipakita rito ang emosyon na lumulukob sa akin ngayon. Takot ako pero wala namang magagawa ang takot na'to dahil kagustuhan ko naman ang pumasok sa sitwasyon na ito.
Atsaka wala rin naman siyang pakialam sa nararamdaman ko ngayon. Ang relasyon lang namin sa pagkakataon na'to ay isang employer-employee. Kung ano man ang nararamdaman ko ngayon ay baliwala iyon sa kanya.
"Lizzy, bihisan mo ang bisita ko may pupuntahan kaming party mamaya," seryoso nitong utos sa babaeng nakatayo di kalayuan sa amin. "Dapat hindi ako mapahiya sa mga kakilala ko, okay?"
Nanlalaki ang mata ko na tumingin kay Caleb dahil sa sinabi niya. Saan kami pupunta? Napalunok ako, magtatanong na sana ako rito nang tinalikuran na ako nito at pumasok sa isang kwarto.
Lumapit naman kaagad sa akin ang babaeng tinatawag niyang Lizzy. Nakangiti ito at hinawakan ang aking siko, habang inaalalayan niya ako patungo sa may hagdan.
"Lizzy, may alam ka ba kung saan dinadala ng amo mo ang mga babae niya?" kinakabahan kong tanong dito. "Hindi ko kasi alam ang mga gagawin ko at baka may magawa akong hindi kaaya-aya roon at baka mapahiya pa siya sa mga kakilala niya."
Nakarating muna kami sa itaas bago niya ako nilingon. Tipid itong ngumiti at binuksan ang pinto. Nauna akong pumasok sa kanya kaya napagmasdan ko pa nang maayos ang magandang view ng buong kwarto bago ko muling ipinokus ang mga mata sa kanya.
"Sa pagkakaalam ko ay dinadala niya ito sa mga party. Hindi ko lang alam kung anong klaseng party dahil hindi pa naman ako nakakasama at hindi na rin kami muling nagkakausap ng mga babaeng dinadala niya roon," kibit-balikat niyang sagot sa akin. Sinuri nito ang kabuuan ko at tumango. "Morena ka, kaya sa tingin ko ay bagay sa iyo ang kulay puting damit. Okay lang ba sa iyo ang kulay ng damit na iyon?"
Tumango lang naman ako sa sinasabi niya, dahil wala naman akong alam tungkol sa mga gan'yan. Kahit ano lang naman ang sinusuot ko sa bahay man o mamamasyal sa bayan.
"Ang ganda mo, Miss Rabiya—"
"Ibyang na lang, Lizzy. Huwag mo na akong tawaging miss hindi bagay sa akin iyon," saad ko na may kasamang utos. Tumango naman ito at inayos ang aking buhok.
"Alam mo sa mga dinala rito ni sir Caleb, ikaw lang iyong kaugali ni Miss Sunshine." Kumunot ang aking noo sa sinabi niya. Tiningnan ko siya sa salamin dahil hindi ko maintindihan ang ibig niyang sabihin. "Girlfriend iyon ni sir ngunit may asawa na ngayon. Mabait si Miss Sunshine pero hindi sila nagtagal ni Sir Caleb dahil ayaw pa nitong magpakasal sa kabila nang pamimilit ng una."
Napanganga ako sa narinig sabay tango. Hindi ko alam kung ano ang aking isasagot sa mga sinabi nito. Wala naman akong balak na alamin ang buhay ni Caleb, dahil panandaliang pagkikita lang naman ang relasyon naming dalawa.
"Mabait ba si Caleb, Lizzy? Wala pa naman siguro siyang sinasaktan na babae 'di ba? Hindi naman siguro ako mamamatay pagkatapos ng araw na ito?"
"Mabait si Sir Caleb katulad din siya ng mga pinsan niya. Iyon nga lang mahilig sa babae, paiba-iba ito ng babae bawat linggo minsan nga araw-araw pa niyang pinapalitan ang kanyang mga babae basta hindi patok sa kanyang panlasa."
Tumango ako at hindi na nagtanong pa. Pagkatapos nang araw na ito ay babalik na rin sa dati ang buhay ko. Uuwi ako probinsya at mabubuhay ng katulad nang payapa at tanging ang pagkain na lamang ang pino-problema.
"Iyan tapos na ang buhok mo. Pumunta ka sa may closet, Ibyang. Ay! Ako na lang magdadala sa iyo." Hinila ako nito patungo sa malaking kwarto na puno ng mga damit at sapatos.
Halos lahat ng iyon ay para sa babae, hindi na ako nagtaka dahil mahilig naman si Caleb sa babae. Normal na siguro sa mayayaman ang magkaroon ng ganito kalaking kwarto para sa mga babae niya.
"Pwede bang t-shirt atsaka jeans na lang ang susuotin ko?" nagsusumamo kong tanong kay Lizzy nang makita ang mga mae-eksing damit na naroroon. "Hindi ba at pangit tingnan sa babae kapag hindi babagay sa kanya ang damit na isusuot niya?"
"Bawal iyon, Ibyang. Alam mo naman siguro na may mangyayari sa inyo ni Sir Caleb pagkatapos ng party 'di ba?" Napalunok ako sa sinabi nito, ngunit tama rin naman ito. "Pasensya ka na kung nasaktan kita—"
Hinawakan ko ang dalawa niyang kamay para patigilin siya sa pagsasalita. Katotohan lamang ang sinasabi niya masaktan man ako o hindi ay dapat kong tanggapin iyon, atsaka wala rin naman siyang kasalanan dahil trabaho lang naman niyang sundin ang sinasabi ng amo niya.
"Okay lang, Lizzy. Mamimili muna ako, ah?" Naglakad ako patungo sa may mga nakahilerang mapuputing damit. Nakuha ng isang dirty white sleeveless ang atensyon ko. Bukod sa maganda ang desinyo nito ay ito lang rin ang mahaba-haba sa mga damit na naroroon. "Ito na lang ang gagamitin ko, Lizzy."
Tumango ito at lumapit sa aking tabi. Kinuha nito sa hanger ang damit at ibinigay iyon sa akin.
"Sa pintuan na iyon, pwede kang magbihis d'yan, Ibyang."
Nagpasamalat ako sa kanya at tinungo na ang pintuang sinasabi niya sa akin kanina.

"Beautiful," bulong ni Caleb sa akin. Kanina pa ito naghihintay sa akin sa baba at nang makita ako nito ay halata sa kanyang reaksyon ang pagkamangha. "Marami na namang maiinggit sa date ko ngayon."
Tumawa pa ito tila ba may nakakatawa sa kanyang sinasabi. Tiningnan ko lang siya naghihintay sa kanyang mga paalala mamaya sa party.
Tumigil naman ito sa kakatawa at tumingin sa aking mga mata, nang makita niyang hindi ako natutuwa sa kanyang sinasabi.
"May nais ka bang sabihin, Rabiya? Kung may kailangan ka pang gawin o may itatanong ka sa akin tungkol sa akin ay gawin o sabihin mo na kaagad."
"Pwede bang magtanong kung anong gagawin ko sa pupuntahan natin?" Wala akong kaalam-alam sa mga pinupuntahan ng mga mayayaman at mas lalong wala akong alam sa ugali na pwede kong ipakita sa kanila. "May mga dapat ba akong iwasan? May kailangan ba akong ayusin sa kilos at pananalita ko ngayon?"
Hinaplos nito ang aking mukha sabay iling. Napatigil ako sa ginawa niya, na naging dahilan nang pagtitig ko nang maigi sa kanyang magagandang pares ng mga mata.
"Be yourself, honey. I got your back." Napalunok ako sa sinagot niya. Ganito rin ba siya sa mga babae niya? Ganito ba talaga lahat ng mga lalaki?
Nakakapanibago lalo na at hindi ako mahilig lumapit sa mga lalaki. Bukod sa mga kapatid ko ay si Lance lang ang nakakausap ko, at matagal na siyang pumunta sa America kasama ang mga magulang niya.
"Okay po," magalang kong sambit, dahil sa kabang aking nararamdaman.

Hindi pa kami nakakaabot sa loob ng hotel nang biglang may humarang sa amin na mga kababaihan. Nanlalaki ang mga mata ko na tumingin sa kanilang naglalakihang dibdib na halos lumuha na sa kanilang mga suot.
Napahawak ako sa sarili kong dibdib dahil sa aking nakita. Nalalakihan na nga ako sa sarili kong dibdib kaya hindi ako makapaniwala na may mas ilalaki pa pala kaysa rito.
"Calm down, ladies! May kasama akong magandang binibini," natatawang usal ni Caleb. Natigil naman ang mga babae sa paghagikhikan at tiningnan ako na puno nang panunuri. "Excuse us, please. Isa-isa lang ang kaya kong asikasuhin."
Hinapit nito ang aking bewang at idinikit nang mabuti sa kanyang katawan. Nakakatakot, nakakatakot ang mga ganitong lalaki. Iyong mga lalaking walang balak mag-seryoso sa buhay. Kapag nahulog ka rito siguradong wala kang tsansa na masalo.
Malayong-malayo ito sa lalaking gusto kong makasamang tumanda dahil alam ko na puro sakit ng ulo lamang ang aabutin ko rito.
"Rabiya, are you okay? You look pale," malambing na tanong nito. Inilagay pa nito ang kanyang kaliwang kamay sa aking noo, para salatin iyon. "Pwede naman na umuwi na tayo—"
"I'm sorry to interrupt you, sir, but I'm fine," walang gatol na putol ko sa kanyang sasabihin. Wala na akong balak na patagalin pa ang pagkikita naming dalawa. "Huwag niyo po akong alalahanin dahil kaya ko pong gampanan ang trabaho ko ngayong araw."
Ayaw kong mas makilala pa ito dahil dalawa lang ang pwedeng kahahantungan nang pagtatagpo namin na ito. Ang mahulog ako sa kanya o ang kamuhian ko siya, kaya hanggang mas maaga ay matapos na ang namumuong relasyon sa amin, para kapag naghiwalay ang landas namin ay estranghero pa rin ang turing ko rito.
"That's good then." Lumapit ito sa akin hanggang sa maramdaman ko ang kanyang mainit na hininga at malambot na labi na minsanang dumampi sa aking tainga. "I hope we can have fun tonight, sweetheart."

Bình Luận Sách (14)

  • avatar
    LeriaRiza Rodriguez

    nice

    20/04

      0
  • avatar
    Joyce Gajar

    wala na po bang part 2?

    25/02

      0
  • avatar
    Prais Lady Jane Bendong

    maghanda po yong novela

    14/01

      0
  • Xem tất cả

Các chương liên quan

Chương mới nhất