logo text
Thêm vào thư viện
logo
logo-text

Tải xuống cuốn sách này trong ứng dụng

The Contract Slave

The Contract Slave

MissBangs


TCS 01:

•Third Person•
Tirik na tirik ang araw sa palayan halos masunog na ang balat ng dalaga dahil dito, ngunit wala pa rin itong tigil sa kakatanim kahit nananakit na ang kanyang likuran at umiinit na ang kanyang mukha at batok.
Nasa kalagitnaan siya ng palayan nang marinig ang boses ng kanyang nakakabatang kapatid. Sinusundo siya nito tuwing kainan na dahil minsan sa sobrang pokus niya sa trabaho ay nakakalimutan niya iyon. Nagpa-sweldo siya para magtanim ng mga palay, dahil wala na silang pangkain ngayong gabi.
"Ate Ibyang! Si nanay... Nawalan nang malay si nanay!" Nanginginig ang boses na hiyaw ng kanyang kapatid.
Napalingon siya sa may dinaanan niya kanina. Nakatayo roon ang kapatid niyang kinse anyos.
Alam niyang may sakit ang kanyang ina, ngunit hindi nila ito napatingnan sa doktor dahil wala naman silang pera. Hindi nga sila makakain nang maayos dahil kulang pa ang pera na kanyang nakukuha sa kanyang paninilbihan para sa gatas ng kanyang kapatid at gastusin nila sa paaralan.
Nanlalaki ang mata niya na tumayo at tiningnan si Nanay Iska na nakatingin din sa kanya. Malungkot ang mata nito habang tumatango sa kanya. Palagi naman itong nangyayari kaya sa tingin niya ay naiintindihan naman ng matanda ang kanyang sitwasyon.
"Maraming salamat po, Nanay Iska. Babawi po ako sa inyo sa susunod, nay," wika niya sabay takbo patungo sa kinaroroonan ng kapatid. Hinawakan niya ang dibdib nang makaramdam nang pagkauhaw at hingal. "Bakit anong nangyari sa kay inay, Otoy? Okay naman siya kanina 'di ba?"
Napahikbi naman ang kapatid at yumakap sa kanya. Niyakap niya rin ito at hinaplos ang likuran nito para kahit papaano ay kumalma ito, kahit siya mismo sa kanyang sarili ay alam niyang kinakabahan siya.
"Huwag kang umiyak, gagaling din si nanay," paninigurado niya rito. Ayaw niyang panghinaan ng loob ang mga kapatid.
"Dinala na po nila Tatay Narcisso si nanay sa hospital, ate. Pero 'di ba, ate, wala tayong perang pambayad?" nag-aallaang tanong nito sa kanya.
Naikamot ng dalaga ang maduming kamay sa kanyang noo dahil sa sinabi ng kapatid. Tama naman ito, wala talaga silang perang pambayad sa hospital. Pero hindi naman niya pwedeng pabayaan ang kanilang ina.
"Pupuntahan ko si Antonya. Hintayin mo lang ako sa bahay, Otoy, bantayan mo ang mga kapatid natin."
Lalakad na sana siya nang hinila ng kapatid ang kanyang suot na t-shirt. Napatingin siya rito at tinaasan ng dalawang kilay.
"May problema ba, Otoy?" mahinahong tanong niya rito.
"Huwag mo nang puntahan si Antonya, Ate Ibyang. Sabi nila masama raw ang trabaho niya—" Tinakpan niya ang bibig ng kapatid at lumuhod sa harapan nito.
"Gusto mo bang gumaling si nanay?" Tumango naman ito. Tipid siyang ngumiti sa kapatid at ginulo ang buhok nito. "Gagawin ni ate ang lahat para gumaling si nanay. Huwag kang mag-alala walang mangyayaring masama sa akin."
Tumayo na siya at nagpaalam na rito. Matagal na siyang inaaya ni Antonya—bakla niyang kakilala, na pumunta sa underground auction, ngunit di niya ito pinapansin.
Kaya pa naman niyang pakainin ang mga kapatid sa mga sideline niya, ngunit magkaibang usapin na ito ngayon. Wala siyang pakialam sa mangyayari sa kanya, basta gumaling lang ang kanyang ina, dahil ito na lang ang magulang na natitira sa kanila.
Ayaw niyang maulit ang nangyari sa kanyang ama. Namatay rin ito sa sakit na diabetes, at dahil sa murang edad ay wala siyang ibang magawa kundi ang tingnan lamang ito habang hinuhugot ang huling hininga.

"Miss Rabiya Sanchez?" Napatingin siya sa doktor na kausap niya. Ngumiti at tumango siya rito, naghihintay sa sasabihin nito. "Ilang taon ka na, Miss Rabiya? Wala na ba kayong ibang kasama sa bahay na mas matanda sa iyo?"
"Wala na po, doc. I'm already eighteen years old, doc, kaya ko na pong intindihin ang mga sasabihin ninyo," pagbibigay-alam niya rito. Kahit na gipit sa pera ay pinilit niya pa ring makapag-aral, at hindi naman niya pinagsisihan iyon. Scholar din naman siya sa bayan kaya hindi masyadong malaki ang gastos. "Ano po ang sakit ng nanay?"
Inaya ng doctor ang dalaga sa opisina nito, at may ipinakitang mga litrato ng mga test sa kanyang ina.
"May cancer ang iyong ina, hija. Kailangan mo siyang maipagamot kaagad para mapigilan ang pagdami ng mga cancer cells." Napalunok ang dalaga at ibinaling ang tingin sa mga litratong hindi niya maintindihan.
"Kung ipapagamot ko po si nanay, magkano po ang gagastusin ko?" Malungkot na tumingin ang doktor sa kanya, tiyak niyang malaki-laki ang gagamiting pera sa pagpapagamot. "Sabihin niyo lang po sa akin, doc," nanghihina niyang sambit.
"Mababa na ang five hundred thousand, hija." Humugot siya nang malalim na hininga bago tumango rito.

"Our Miss Rabiya Sanchez here is beautiful and also a virgin!" masayang sambit ng host. Mapait siyang napangiti, naiinsulto siya sa ginagawang pagtingin ng mga taong naroroon ngunit wala siyang magagawa. Kailangan niya ng pera at ito lamang ang magbibigay sa kanya nang agarang pera. "Let's start the bidding! Five hundred thousand from team A!"
Puro mukhang mayayaman ang mga tao rito kaya kahit isa ay wala akong kilala. Gusto ko nang umupo sa panghihina ng aking tuhod pero hindi ko magawa.
"Seven hundred thousand going up?" Nanlalaki ang mata ng dalaga sa narinig. Ganito pala ang mga mayayaman, walang problema sa kanila ang pera. Kahit buhay ng tao ay mabibili nila, ang sarap pala mabuhay  kapag mayaman ka. "One million pesos going up?"
Wala ng ibang nagtaas ng kamay pagkatapos ng bidding na iyon. Tuwang-tuwa naman ang host dahil sa nagawa nitong deal.
Inalalayan ako ni Antonya pabalik sa loob. Kaagad akong umupo sa may silya na kaharap ng salamin. Sa itsura ko ngayon ay dapat na matuwa ako, dahil lutang na lutang ang ganda ko ngayong gabi ngunit mas lalo akong nalungkot sa isiping iyon.
"Girl, ang mahal mo naman pala! Mababayaran mo na rin ang pang-ospital ng mama mo!" Hindi ako umimik nanatili lang akong nakatingin sa salamin. Pinagmamasdan ang mukha kong puno ng kolorete. "Susunduin ka mamaya rito ni Mr. De Silva. Mababait iyon, playboy nga lang pero huwag kang mag-alala, isang gabi lang ginagamit ni Mr. De Silva ang mga nabibili niya, lalo na kapag birhen."
Nasaktan ako sa sinabi nito ngunit hindi ako nagpahalata. Masakit naman talaga na makarinig ng mga salitang gagamitin ka lang.
Pumapasok sa isip ng dalaga ang mga salitang 'Ano ako isang bagay? Pero wala akong karapatang mag-reklamo, dahil sa pera nila ay may tsansang mabuhay si nanay nang mas matagal.'
"Miss Sanchez? Secretary po ako ni Mr. De Silva at pinapasundo niya na po kayo." Napatingin siya sa lalaking hindi nalalayo sa kanya ang edad. Sa tingin ko ay nasa twenties niya pa lang ito. "Sumunod na lang po kayo sa akin. Sana po ay walang mangyaring pagpipilit dito."
Ngumiti ako nang tipid at tumayo na sa aking kinauupuan. Wala akong balak na pahirapan sila ng husto, at sabi ni Antonya ay isang gabi lang naman na mangyayari ito.
"Ilang taon na ba si Mr. De Silva?" tanong niya rito nang makalapit na sila sa magarang sasakyan. Hindi siya sumagot sa tanong ng dalaga at itinuro na lamang ang pintuan ng sasakyan.
Nakakaintindi naman na tumango ang dalaga at sumakay na.
"Mr. De Silva?" Nanlalaki ang mata ng dalaga na tumingin sa gwapong lalaking nakaupo sa loob ng sasakyan.
"Be careful at baka mabunggo ka." Inabot nito ang kamay ng huli at marahang hinila papasok sa loob. Hinapit nito ang bewang ng dalaga at idinikit sa katawan nito. "You're mine tonight, honey."

Bình Luận Sách (14)

  • avatar
    LeriaRiza Rodriguez

    nice

    20/04

      0
  • avatar
    Joyce Gajar

    wala na po bang part 2?

    25/02

      0
  • avatar
    Prais Lady Jane Bendong

    maghanda po yong novela

    14/01

      0
  • Xem tất cả

Các chương liên quan

Chương mới nhất