logo text
Thêm vào thư viện
logo
logo-text

Tải xuống cuốn sách này trong ứng dụng

Run 7

"Can I taste it?"
"Aaaaaaaaahhhhhhhhhh!"
Napatili ako ng wala sa oras. Aatakihin ata ako sa puso. Lumingon ako sa pinanggalingan ng boses. Ang Senyor pala. Nakaupo ito at nilalaro sila Princess. Naghugas ako ng kamay saka sila nilapitan.
Umupo rin ako sa harap nila. Hindi siya tumitingin, nilalaro niya parin ang mga aso.
"Hindi pa po pwedeng kainin iyon Senyor. Kailangan patigasin muna para masarap." Saad ko.
Napansin ko ang pagtaas ng gilid ng labi niya. Bakit? May nasabi ba akong mali?
"I see. What did you cook?"
Cook? I didn't cook it, I made it.
"Ice cream po Senyor. Siguro mga tatlong oras pa bago niyo kainin."
Tumango-tango naman siya. Tumayo at binuhat si Prince, saka umalis. Naiwan si Princess, nakahiga parin. Kinuha ko siya at niyakap. Tumayo ako at lumapit sa lababo.
"Ahh, I want pinakbet for dinner." Lumingon ako. "Princess come with me."
Weird. Nakatingin siya sa pwesto ko kanina pero nandito na ako sa lababo. Napailing na lang ako, binaba ko na si Princess para makasunod sa amo. Tsaka pinagpatuloy ang paghuhugas.
Alas-otso na nang nakauwi si Ate Senya. Marami siyang bitbit, puro gamit sa school.
"Buti naman Ate dumating ka na, kakain na tayo." Aya ko. Pinasok muna niya sa kwarto ang pinamili saka sumunod sa kusina.
Ang ulam ay pinakbet, request ni Senyor Jake. Umupo na ako, nakaupo na rin si Ate Senya at Manang. Huling dumating ang si Kuya Felipe at si Senyor. Naka white shirt at short, nakasuot parin ng salamin.
Rectangle shape ang lamesa, walang nakaupo sa magkabilang gitna, pinagigitnaan ako ni Manang at Ate Senya, sa tapat ko naman ay si Senyor Jake at nasa kaliwa niya si Kuya Felipe na katapat ni Manang. Bumulong ulit si Kuya Felipe kay Senyor at nagsimula na sila, nagsimula na rin ako. Nagkaroon muli ng katahimikan.
"Kamusta ang lakad mo, Senya?" Basag ni Manang sa katahimikan.
"Ayos naman po. Nakipagkita rin po ako sa mga kaibigan ko kaya natagal din ako."
Tumango-tango naman si Manang. Sabado ngayon, dalawang araw na lang at pasukan na, ganun din sa school ko. Nakakamiss mag-aral, ang mga kaibigan ko kahit di kami gaano close.
"Bumili rin po pala ako ng mga libro para kay Aia, makapagbasabasa naman siya kahit papaano." Napatingin ako kay Ate Senya dahil sa sinabi niya.
Hindi ko alam pero napangiti na lang ako.
"Thanks Ate Senya. I'll read it everyday!" Tuwang-tuwa pa ako. Mahilig ako magbasa ng books kaya naman masayang-masaya ako. Nakakabored din kasi dito, minsan nakatanga lang, nag babantay ng aso.
Yayakapin ko sana siya ng napatulala siya sa akin. Napansin ko rin na nakatingin narin sila sa akin. May nagawa ba akong mali? Binaba ko na lang ang kamay ko. Kinakabahan ako, ayoko ng mga ganyang tingin.
"Ang husay mo palang mag ingles, Aia." Saad ni Manang.
Hindi ako kumikibo. Sumubo ako ng kanin at ulam, umiiwas sa pagsasalita.
"Siguro ay dahil sa pagbabasa niya ng mga libro." Sabi ni Kuya Felipe, napaangat ako ng tingin kaya napalingon ako sa katabi niya. Nakatingin ito sa akin pero parang may kakaiba sa tingin niya. Naliit ang mata ko.
"You like reading?" He asks.
"Opo, Senyor." Nakatingin parin kami sa isa't-isa.
"I see. You can read at the library."
May kakaiba talaga. Ba't ganon yung mata niya? Parang may something. Hindi ko gaano makita dahil sa salamin.
"Aia."
Itanong ko kaya kay Sky? Baka sakaling alam niya. Parang nakita ko na ito sa ibang tao. Hindi kay---
"Aiana?"
Mataas na boses ang nakapagpaahon sa akin mula sa malalim na pag-iisip.
"Ipagpatuloy ang pagkain, baka lumamig. Hindi na masarap kapag ganon." Sabi ni Manang sa akin.
Nilingon ko ang pagkain ko. Marami pa, sumubo na lang ako.
"It's okay. We need to tell her. I think she'll gonna stay here longer." Lumingon muli ako sa Senyor.
Ano kamo? Ano yun?
"Ikaw bahala. Ikaw na magsabi." Saad ni Manang kaya sa kaniya naman ako tumingin.
Ano ba iyon? Sabihin niyo na.
"Aia..." Sa pagbanggit niya sa aking pangalan ay may kakaiba akong naramdaman. Ngayon ko lang ito naramdaman. "I'm blind."
"Huh?"
Tama ba ako ng narinig? O mali? Ano raw? Seryoso? Nilibot ko ang paningin ko para sana may nagpaliwanag pa. Puro mga nakayuko lang sila.
I know that situation is sensitive but he said it so smoothly, na para bang ayos na ayos lang sabihin.
Hindi ko alam pero naluluha ako. Seryoso ba? May parte sa puso ko na masakit. Napayuko na rin ako, hindi ko na napigilan ang pagtulo ng luha ko. Isa lang ang nararamdaman ko ngayon. Awa.
////////////
Hindi ko alam kung paano namin nalagpasan ang pangyayari kanina. Hindi ko parin makalimutan. Kung hindi mo alam na may kapansanan siya ay hindi mo papansin iyon. Ang kilos niya parang nakakakita siya. Normal, normal na normal.
Kaya ba hinahatid nila lagi ang pagkain? Para hindi ko mapansin? Para hindi ko malaman? Dahil sa tingin nila ay aalis din ako? O kung anoman?Kung ganon, wala talaga akong malalaman ng walang nagsasabi sa akin.
Kaya rin ba bumubulong si Kuya Felipe tuwing bago kumain? Para sabihin ang ulam? Para makakain siya?
Natatakot ba sila na kapag nalaman ko ay kukutyain ko siya?
Napakusot ako sa mata sa antok. Antok na antok ako pero hindi ako makatulog. Binuksan ko ang phone para makita ang oras. Ala-una na nang madaling araw. Tulog na tulog na rin sila Manang. Lumabas na lang ako, baka sakaling matahimik ang isipan at makatulog.
Nagpunta ako sa garden at naupo sa swing. Gusto kong laruin ang swing kaso tatama naman ang katawan ko sa lamesa, ang upuan lang kasi ang pwedeng i-duyan.
Ahh, naalala ko. May ice cream pala akong ginawa. Muli akong pumasok ng bahay para kunin ang ice cream. Kaya lang hindi ako natuloy nang makita kong kumakain ng ice cream si Senyor Jake.
Napahinto naman siya sa pagkain, siguro naramdaman ako. Bakit ang lakas ng pakiramdam nito?
"I like it." He said.
How did he know na ako iyong dumating? Napangiti na lang ako. The best talaga ice cream ko!
Lumapit ako sa kaniya. Ang nakalabas ay ang malaking galon. Kaya kumuha ako ng mangkok at dun na lang kukuha ng ice cream. Umupo ako sa tapat niya.
"Pahingi po Senyor." Sabay kuha.
Gusto kong palakpakan ang sarili ko. Nakausap ko siya ng casual, at wala lang sa kaniya iyon. Nakakaproud ka, Aia.
Nakatitig ako ngayon sa kaniya habang kumakain. Wala siyang suot na salamin. Kitang-kita ko ngayon ang medyo maputi niyang mata. Curious ako. Nawala paningin niya o since birth? Naaksidente kaya siya? Ano nangyari?
"Car accident. Three years ago." Saad niya na parang nabasa ang iniisip ko.
Tumango-tango ako. Car accident, nakakatakot. Ganyan pala pwedeng mangyari sa akin kung sakali.
Para akong binuhusan ng malamig na tubig sa naisip. Si Sky, ang Kuya Ion. Ang parents ko. May mga kotse sila, sana hindi sila mapahamak.
Napasubo na lang ako ng ice cream. Binalot kami ng katahimikan, kahit ang pagtama ng kutsara sa babasaging mangkok ay hindi maririnig.
"By the way, I heard from Manang that you stop studying?"
Madaldal si Manang o nagtanong si Senyor?
"Ahh, opo. Kailangan po kasi."
Tumango siya.
"But, you still want to study?"
"Syempre naman po." Sumubo muli ng ice cream.
Nilahad niya sa akin ang kamay niya.
"Tissue."
Tumayo ako at kinuha ang mga tissue at nilipat sa harap namin, nag-abot din ako sa kaniya.
"Thanks."
Nakakatuwang isipin, sa mga pelikula o palabas. Ang mga taong may kapansanan ay laging galit, laging mainit ang ulo at masungit, pero siya iba. Mabait, hindi man ngumingiti pero maayos makipagusap, mahinahon din.
"Are you done?" Napaayos ako ng upo.
"Ahm, hindi pa po." Mabilis ko nang kinain ang ice cream.
"Slowly. take your time." Napalingon ako sa kaniya. Sinabi niya iyon na parang nakikita niya ako.
Binagalan ko na lang ang pagkain.
"Can I ask something?" Nagtatanong ka na po Senyor Jake. Hehehe, sowi.
"Ano po iyon?" Tinignan niya ako ng diretso sa mata.
"Can I touch your face?"
"Po...?"
Nag-iinit ang pisngi ko. Pakiramdam ko namumula na ako. Naninikip ang dibdib ko, hindi ako makahinga. Ang bilis ng tibok ng puso ko.
"But, you can decline if you don't want."
"H-hindi naman p-po sa ayaw ko, hindi lang po ako sanay na may lalakeng humahawak sa mukha ko."
Si Kuya Ion at Daddy pa lang nakakahawak sa mukha ko na lalake, at isa pa ngayon lang may nagtanong sa akin ng ganito. Ayos lang siguro sa kaniya since may kapansanan siya.

Bình Luận Sách (32)

  • avatar
    YviMontenegro

    Thank you po and keep writing. ♥️

    17/04/2022

      0
  • avatar
    Xian Carl Capistrano

    plss

    07/11/2024

      0
  • avatar
    Dela peñaAbanie

    maganda story

    11/09/2024

      0
  • Xem tất cả

Các chương liên quan

Chương mới nhất