logo text
Thêm vào thư viện
logo
logo-text

Tải xuống cuốn sách này trong ứng dụng

Chapter 3 || Punishment • Plan

꧁THIRD PERSON’S POV꧂
KASALUKUYANG Nasa study room parin si Eri at nanatili sakanyang High Landscape Stroller nito. Punung-puno ng negatibo ang kaniyang isipan at hindi malaman kung ano ang dapat niyang gawin. Hinihintay na lamang niya ang nalalabing oras niya.
Dito na nga ba magtatapos ang buhay niya?
Sakabilang banda nakaupo sa sofa at matiim nakatitig si Lord Erden sa anak nito. Walang mababasang emosyon at hindi malaman kung ano ang nasa isip nito.
Kinakabahan si Eri dahil sa katahimikan ng kaniyang ama at tatlumpung minuto na itong nakatitig sakanya.
Ano ba itong abnormal na ito, kanina pa siya nakatitig sa akin. Iniisip ba nito kung sa paanong paraan niya ko papatayin?
Pagkausap sa sarili ni Eri sakaniyang isip.
Kung ano ano ang naiisip tuloy ni Eri dahil sa nangyari kaninang pagsampal niya sakanyang ama.
At ang mga iniisip niya na susunod na mangyayari…
•Imagination•
“Why did you fucking slap me!? You fucking kitten!”
*Naglabas ng baril*
Bang!
•End of Imagination•
Pero hindi lamang iyon ang nasa isip niya.
•Imagination•
“What the fuck!? You fucking really want to die!?”
*Binalibag*
•End of Imagination•
At kung ano ano pang negatibong nasa isip ni Eri na baka sakaling mangyari sakanya ang isa sa mga naisip niya.
“You.” Biglang sambit ng kaniyang ama na ikinabigla ni Eri.
Biglang bumuntung-hininga si Erden at saka napahilot sakanyang ilong atsaka muling tiningnan ang bata.
“You are just a baby but you know how to hurt someone.” Usal nito. “You are really my child, Likes to hurt other people.” Dagdag pa nito.
Aba itutulad pa ko sa demonyong ito. Excuse me! Masyado akong mabait na nilalang para matulad ako sayong demonyo ka! Anong mahilig manakit!? Eh isang beses pa lang naman kitang sinampal. Dapat pala isinampal ko sayo yung dos por dos eh.
Sumalubong ang mga kilay ni Eri at masamang tiningnan ang kaniyang ama na ikinataka naman ni Erden.
She’s just a baby but she knew how to glare at someone. Interesting.
“For your punishment.”
-------------------------------
꧁ERI’S POV꧂
-------------------------------
“FOR your punishment.”
Bigla akong nanlamig sa sinabi niya, what!? Punishment? Sabi na nga ba eh. Katapusan ko na. Hanggang dito na lang talaga ang istorya ng buhay ko.
Pangalawang araw ko palang dito ay hindi ko aakalaing dito matatapos ang lahat. Bakit ba kasi bigla ko siyang sinampal? Eh mahina lang naman iyon dahil sa napakaliit at napaka-cute kong kamay, nasaktan na siya roon?
Ang arte naman ng lalaking ito, kung alam ko lang na katapusan ko na ngayon edi sana sinapak na lang kita sa mukha demonyo ka.
Bakit sa dinami-rami ng pwede kong ma-reincarnate bakit sa taong hindi ko alam na may taning na ang buhay dahil ang ama nito mismo ang magdedsisyon ng kamatayan nito!
Kamamatay ko lang kahapon tapos mamamatay pa ulit ako kinabukasan, ang galing! Ang galing-galing! Takte! Naiiyak ako.
“You will sleep in my room as your punishment.”
Sabi ko na nga ba papatay…
Teka ano daw?
Pakiulit nga, nabingi na ata ako.
Teka seryoso ba ito? Seryoso siya?
Oh my ghad! Sabi na eh kapag natulog ako sa tabi niya at di ko namalayang nakatulog na pala ako, tatakpan niya ng unan ang mukha ko hanggang sa di na ako makahinga hanggang sa mamatay na ako!
Hell no! No way in hell!
Gusto kong magreklamo! Gusto kong sumigaw! Gusto ko siyang sumbatan! Pero hindi ko magawa dahil sa napakaliit kong dila!
May nagawa ba akong mali para eto ang maging karma ko? Ano bang ginawa ko para mangyari sakin ang bagay na ito?
Siguro dahil sa ninakaw ko yung PH Care ng kapatid ko at nagsinungaling na kabibili ko lang nun kahit hindi naman talaga. Eh sa tinatamad akong bumili ng sarili kong feminine wash eh!
Kung alam ko lang sana na eto ang karma ko, edi sana binigyan ko ng isang box ng bote ng PH Care ang kapatid kong babae noong nabubuhay pa ako saka ipalaklak sakanya lahat ng boteng yun leche siya, magsawa siya roon. Naiiyak na talaga ako.
Nagulantang ako nang biglang tumayo ang demonyo kong ama at nilapitan ako.
“Why are you suddenly silent? Where is the aura of your courage my child?” Wika nito na para bang nanghahamon. Malapit ang mukha nito sa mukha ko. Gusto kong duraan ang pagmumukha niya pero pinigilan ko ang sarili ko.
Ayokong ma-double dead, mas yari ako nito.
MATAPOS ng dalawang oras na pagtambay sa mala-impyernong study room ng ama kong demonyo ay buti na lamang ay dumating si Butler Forger! At iyon ang ikinapasasalamat ko! Nakalabas ako ng buhay!
Pero hindi dapat ako magsaya ngayong araw dahil mamayang gabi ang kamatayan ko. Kailangan kong mag isip ng plano! Kailangan kong mabuhay!
Dinala na ako ni Butler Forger sa kwarto ko para patulugin. Nawala sa loob ko na baby parin pala ako hutek. Nakita ko si Prescia ang personal maid ko na naghahanda ng Gatas ko.
“You’re here, Miss Eri.” Nakangiting bati sakin ni Prescia.
“You’ll take care of Lady Eri, make sure she sleeps well.” Usal ng Butler kay Prescia. Tumango naman si Spokening dollar my Nanny a.k.a Prescia. Ang sosyal talaga ng mga maids dito. Spokening dollar sila mga sis.
“Here’s your milk, Milady.” Malambing na wika ni Prescia nang kunin niya na ako kay Butler na ngayo’y buhat-buhat na niya ako habang hinehele.
Hindi ko alam kung bakit natatakam ako sa gatas kahit ayaw ko naman talaga ng gatas. Ang katawan ko mismo ang nagrereact kapag nakakakita ng gatas. Siguro dahil nga sanggol ang katawan ko kaya adik ang katawang sanggol ko sa gatas.
Hindi ko namalayan na nakaalis na pala si Butler Forger. Napagtanto ko na lamang ang sarili ko na iniinom ko na ang gatas na isinubo sa akin na Bottler milk ni Prescia.
Ininom ko ang gatas pero hindi ko hinayaan ang sarili ko na makatulog. Neknek niyo! Plano niyo sigurong patulugin ako para mapatay niyo na ako. No way!
Hinehele ako ni Prescia habang kinakantahan niya ako ng Lullabye. Hindi ko alam kung anong lullabye iyon pero ang ganda. At hindi ko na alam ang sumunod na nangyari dahil nakatulog na ako.
-------------------------------
꧁FORGER’S POV꧂
-------------------------------
I AM HERE again inside the office in Lord Erden’s room,I am waiting for him again to finish signing the papers that his secretary just delivered.
Earlier when I took Lady Eri to Lord Erden, I saw him smile which surprised me. This is the first time I have seen him smile. Did something happen to them with Lady Eri when I left them?
“News?” Suddenly he said.
“Our spy paid 5 billion to the ‘Onyx Orcus’ organization to become legally part of their Organization, according to your plan Lord Erden. “
“ ‘The Marcellus’ and the ‘Inferno Corson’ Organization are united to be top of the List of Powerful Mafias…”
“Wait what? They’re united? Tss, what a losers.”
“As for the ‘Casted Shadows’ and ‘Night Raid’ Assassination Organization, there is still no news from them.”
The last thing I said, Lord Erden was stunned by what he was doing and seemed to be deep in thought. He still thinks about what happened to his family, and it is certain that one of those two organizations killed his whole family.
“You may leave now.” Ayun lamang ang sinabi nito. Kaya agad na akong lumabas ng opisina.
Dumeretso ako sa kwarto ni Lady Eri para kumustahin ang lagay niya. Hindi ko alam kung bakit pero natutuwa ako sa batang iyon.
It looks like she will be the sun or the star of Castellos.
I was about to knock when it suddenly opened the door.
“Butler Forger, What are you doing here? Do you need anything? Milady Eri is asleep now.” Usal ng dalagang si Prescia.
Prescia was the youngest daughter of one of the members of ‘The Marcellus’ Organization but she run away the day his father sold her.That day the location of Lord Erden’s meeting happened to be in that place and there we met Prescia and asked for our help to escape from her father’s hand. Since the girl had nowhere to go, she offered to be the maid in the mansion even though Lord Erden still had doubts about this girl, especially since she was the daughter of our enemy.
“I came here to see Lady Eri’s condition.”
“Lady Eri is still the same, she’s still weird.” Ngiting wika ng dalaga. Hindi ko din maiwasan na mapangiti. Kakaiba talaga ang sanggol na iyon.
I wish you would stay here longer Lady Eri. I hope you live longer here.
Hindi na ko nagtagal pa sa kwarto ni Lady Eri nang hayaan na ko ni Prescia na tingan saglit ang sanggol na mahimbing na natutulog. Kahit tulog ang bata ay di ko maiwasang mamangha sa mga reaksiyon nito kahit tulog. Nakakunot ang noo, minsan sasalubong ang mga kilay, o di kaya biglang ngingiti.
Kahit ganoong kaliit na bagay ay nakapagbibigay ito sa akin ng saya, at siguradong ganoon din si Lord Erden.
Mukhang ang batang iyon ang makakapagpatibag sa pader na iniharang ng kaniyang ama sa pagitan ng kaniyang nasasakupan nito.
Dumeretso ako sa kwarto ni Young master Eleazar para sabihan na ngayong oras ang pagsasanay niya ngayong hapon.
He was too young to hold a gun, he was only eleven years old and he was the second elder of all the Castellos brothers. I remember with him his father’s youth.
I was here in front of the door of his room then I knocked three times.
“Young master, now is the time of your training, so please go now to the Training field and Sir Nyx is already waiting for you.” Usal ko.
Ilang segundo ang nakalipas ay bumukas ang pinto.
Bumungad sakin ang nababagot na mukha ni Young master Eleazar.
I can see in his amber eyes that he is tired of what is happening to him now. His training is not only about holding a gun but also for practicing physical defense and offense or should I say, he’s going to practice some karate and marshal arts.
I know at his age that he should be free to do what he wanted, but their father ordered it so they could do nothing but obey their father’s order. I feel sorry for him.
Matapos sabihan ay sinunod ko namang puntahan sina Young master Emir a 10-year old boy, at Young master Eros and Eren.
Apat silang magsasanay na humawak ng baril at kung ano pa ang kanilang dapat matutuhan.
The rules here in their training when you can’t kill one of the castellos men, you will be punished in the punishment room and this is the most difficult for their age. I am worried for the four of them.
If they can’t kill, they will die.
-------------------------------
꧁ERI’S POV꧂
-------------------------------
NAALIMPUNGATAN ako kaya nagising ako, pakiramdam ko kasi may papatay sakin ngayon kaya biglang gumalaw ang katawan ko hangang sa nagising ang diwa ko. Mabuti na lamang ay nagising na ako.
Hindi ko alam kung anong oras na,hindi ko alam kung hapon na ba o gabi na. Gusto kong bumangon sa pagkakahiga, gusto kong tumayo. Gusto kong tumakas sa impyernong ito.
Para magawa ko iyon ay kailangan ko munang makontrol ang katawang ito. Hindi man ako makatayo ay kaya ko namang dumapa.
Tama! Kailangan ko munang umpisahan sa madaling paraan!
Sinubukan kong itagilid ng katawan ko pero parating bumabagsak ang likod ko sa higaan. Ang bigat ng katawan ko! Pero kahit ganoon pa man ay pilit ko paring itinatagilid ang katawan ko. Kailangan kong makadapa!
Habang pilit kong itinatagilid ang  katawan ko ay bigla kong narinig ang boses ni Prescia.
“Milady!” Sambit nito. Hindi ko siya pinansin dahil abala ako sa ginagawa ko.
Akala ko tutulungan niya akong makadapa dahil nakikita niya kong nahihirapan na ipilit ang katawan kong itagilid hanggang sa makadapa pero hindi niya ginawa iyon at ipinagpapasalamat ko yun.
Kailangan ako lang mismo ang makagagawa, sa mismong kakayahan ko.
“You can do it milady! “ Pagchi-cheer sakin ni Prescia. Syempre masaya ako, mas lalo akong ginaganahan.
“Wow, balak ba niyang dumapa?” Dinig kong boses ng di ko kilalang nilalang dahil di pamilyar sakin ang boses niya pero alam kong bata pa ito.
“I think so too Young lord Estevan.” Usal ni Prescia. So Estevan pala pangalan niya? Gusto ko siyang makita kaso abala ako sa ginagawa ko kaya mamaya nalang.
“She looked like a pig playing in the mud.” Dinig kong boses na nasisiguro kong si Rude green-eyed boy. Nilagyan ko ng rude sa unahan kasi noong kaninang umaga sa Dining hall ay nakita ko yung katabi niya na kamukha niya na nasisiguro kong kakambal niya iyon. Kanina pang umaga ako nabubuwisit sa batang iyan.
“No she’s not, Brother Efraim. She’s cute.” Usal naman ng batang si Ermin.
Kung ganun Efraim pala ang pangalan ng batang lapastangan na yan. Humanda yan sa akin.
Hindi ko sila makita dahil pilit kong itinatagilid ang katawan ko sakabilang side.
“This is interesting, should I get a camera?” Wika naman ng isa pang pamilyar na boses, ang kakambal ni Rude green-eyed boy na di ko alam ang pangalan.
“Good idea, lil bro Efrain!” Masayang ani Estevan.
“Never mind, I’ve changed my mind.”
Aba’t loko din pala itong Efrain na ito, pareho lang sila ng kambal niya.
Hindi ko na lamang sila pinansin pa at pinokus ko na lamang sa ginagawa ko.
Konti nalang ay magagawa ko na kahit ilang ulit pa bumagsak ang likod ko.
Makalipas ng ilang minutong paghihirap ay nagawa ko ng maidapa ang sarili ko!
“Great!”-Estevan.
“You did it Milady!/Eri.” Prescia & Ermin.
“How nice.” -Efrain.
“Is that it? How boring.” Bagot na sabi ni Efraim. Salamat sa effort mo sa pagpunta dito at mang asar hinayupak kang bata ka.
Nagawa ko ngang makadapa pero kapalit naman iyon ng sakit sa katawan. Nananakit ang kanang braso ko dahil nga itinatagilid ko ang sarili ko.
Pero kahit ganun pa man ay nagawa ko namang makadapa! Task completed!
Ngayon kailangan kong makaisip ng plano para hindi maituloy ang planong pagpatay sakin ng ama kong demonyo mamayang gabi.
Ano kaya ang dapat kong gawin? Hmmmm.
Ang kailangan ko lang ay bihagin siya sa kakyutan ko.
Tama! Tama! Ang cute kong nilalang kaya di niya matitiis ang cuteness ko.
Hanggang sa dumating ang hapunan ay umalis na ang mga bata sa kwarto ko. Kahit na sabihan ko silang mga bata at kahit ganoon din ako, matured naman akong mag isip amp.
Kasalukuyang nakadapa parin ako at isinusubsob ang mukha ko sa malambot na unan. Nag iisip parin ako kung ano pang dapat kong gawin para mabihag ang ama kong demonyo sa kakyutan ko. Mukhang walang katapusang ngitian ang gagawin ko ah. Kinikilabutan tuloy ako sa tuwing iniisip ko na ngingitian ko siya buong magdamag huwag niya lang ituloy ang balak na patayin ako.
Habang abala ako sa pag iisip ng iba kong plano ay bigla akong lumutang sa ere.
Ayy hindi pala,may bumuhat sa’kin. Pagtingin ko isa lang naman at walang katangi-tanging nilalang na abnormal na nga, demonyo pa.
“It’s time for you to sleep next to me, little kitten.”

Bình Luận Sách (201)

  • avatar
    Paul Henrich Untayao

    I like your story please followup the next story

    08/09/2023

      0
  • avatar
    AliceMiraflor

    Highly recommend!

    29/03/2022

      1
  • avatar
    paglasomairah

    lover

    1d

      0
  • Xem tất cả

Các chương liên quan

Chương mới nhất