logo text
Thêm vào thư viện
logo
logo-text

Tải xuống cuốn sách này trong ứng dụng

CHAPTER 7

"Mapapatawad nga ba kita, Von?"
Huminga muna ako nang malalim bago nagpatuloy, "Kung babalikan ko kasi ang nakaraan, masyado akong nasaktan noon. At yung sakit na 'yon ay aaminin kong may kasamang galit... galit sa'yo. Yung sakit at galit nawala na sana nitong mga nakalipas na taon pero bumalik 'yon pareho nang magkita tayo ulit. Pinangako ko nang araw na magtagpo ulit ang landas natin na huli nang pagkikita 'yon. Pero kailangan na kailangan ng tulong mo ni Isay, kaya binabaan ko na ang pride ko para lumapit sa'yo, at 'yon ay dahil kay Isay kaya ko nagawa ang bagay na 'yon. Isa pa, may karapatan ka kay Isay kahit pinaghinalaan mo noon na hindi ikaw ang ama. At para sagutin ang tanong mo... Oo, Von, pinapatawad na kita. Pero, kagaya ng sinabi ko, para na lamang ito kay Isay. Ginagawa ko na lang ang lahat ng 'to para sa anak natin."
Hindi siya umimik.
"Sige, matutulog na ako. Good night," malamig kong saad sa kanya sa huli. Hinalikan ko muna sa noo si Isay bago ako humiga at pumikit para makatulog na.
*****
"Ahm, uuwi na po kami ngayon," basag ko sa katahimikan.
Magkakasalo kaming lahat na kumakain ng almusal dito sa kusina.
"Iha?" mommy ni Von. "Hindi ba pwedeng dumito na lang kayo ni Isay?"
"Pamilya na kayo, dapat nakatira na kayo sa iisang bubong," dugtong naman ng daddy ni Von. "Wala namang ibang magmamana nitong bahay kundi si Von. He's our only child kaya sa kanya na 'tong bahay. Palagi rin naman kaming mag-asawa na wala rito dahil sa edad namin ay ine-enjoy na lang namin ang buhay sa pagbabakasyon. Napag-usapan na rin namin ng mommy ninyo na rito na lang kayo."
"Then, iha, mapapabuti rin dito ang buhay ninyong mag-ina. Hindi namin hahayaan na pabayaan kayo. Responsibilidad kayo ng anak naming si Von at responsibilidad na rin namin kayong mag-ina. Pamilya na tayo. Right, apo, gusto mong tumira dito?"
"Opo, Lola!" masiglang sagot ni Isay habang kumakain ng pancake na nilagyan niya ng chocolate syrup.
Binalingan ko naman si Von na tahimik lang habang kumakain.
Naramdaman ko ang paghawak ng ina ni Von sa kamay ko. "Iha, alam kong may hindi kayo pagkakaunawaan ni Von. Pero sana isipin ninyo ang apo namin. Ayusin ninyo kung ano man ang gusot ninyong dalawa. Bigyan ninyo ng buo at magandang pamilya si Isay."
Sa huli...
Pumayag din ako sa suhestiyon ng mga magulang ni Von.
Gagawin ko ang lahat 'pag ikabubuti ni Isay ang pinag-uusapan.
*****
Pinagmaneho kami ni Von pauwi sa bahay para kuhanin ang mga gamit namin ni Isay. Kailangan ko ring magbayad sa isang buwan na upa namin, ang pang last na upa. Ipapaalam ko na rin kay Anne ang paglipat ng bahay.
Si Anne kasi ay naging kaibigan ko dahil nang umalis ako sa condo noon ay wala na akong mapupuntahan pa. Para ako noong isang pulubi na naglibot-libot sa park dahil wala naman akong matitir'han. Hangang sa nagising na lamang ako na nasa isang hospital at si Anne pala ang nagdala sa'kin sa hospital na 'yon dahil nakita niya raw ako na nahimatay, tamang-tama rin na nurse siya kaya alam niya ang gagawin nang araw na iyon. Simula noon ay naging magkaibigan na kami at siya rin ang tumulong sa'kin na makapaghanap ng uupahan. Mabuti na lamang at may naipon pa akong pera noon.
"Papa! Sila po ang mga playmates ko."
Excited na saad ni Isay nang ihinto ni Von ang sasakyan sa bakuran ng bahay namin. Nasa labas naglalaro ang mga kalaro niya. At ang mga kapitbahay namin ay naroon din sa labas, nag-uusap-usap sila sa labas ng tindahan ni Nay Mila kagaya ng nakagawian nila kapag hapon na. Nagtinginan sila lahat sa kotseng kinasasakyan namin.
Unang lumabas si Von at pinagbuksan kaming dalawa ni Isay. Pagkababa namin ay agad na tumakbo si Isay patungo sa mga kalaro niya.
"Jenjen, Kyla, Micka, Kiko, sabi ko sainyo may papa ako!" pagbalita niya kaagad sa mga kalaro niya. Kinuha niya ang kamay ni Von at hinila ito. "Siya si papa ko, pogi ng papa ko, 'no? Ang ganda pa at ang laki ng house ni Papa. May lolo at lola rin ako."
Napahawak na lang ako sa noo ko dahil sa kadaldalan na naman ni Isay.
"Marsieeeee!" tili ni Anne na kalalabas pa lang ng bahay nila na kapitbahay lang namin dito. Niyakap niya agad ako. "Akala ko hindi na kayo babalik dito!"
"Gaga ka talaga! H'wag ka ngang magdrama," natatawang saad ko sa kanya.
Pero ang totoo nga naman ay aalis na kami rito.
"Eliz? Ikaw nga! Grabe, na-miss kita!" Napansin kong nakasunod pala kay Anne ang kapatid niya, si Gab. Niyakap din ako ni Gab.
Grabe sila! Kala mo talaga ilang taon kaming nawala.
Habang yakap ako ni Gab ay nakita ko ang matalim na tingin sa'kin ni Von. Hinawakan niya sa balikat si Gab at inalis ang pagkakayakap sa'kin. Saka niya ako hinawakan sa baywang at inilayo kay Gab.
"Problema mo?" Tiningnan ko rin nang masama si Von at lumayo ng konti sa kanya.
"Napaka-possessive, mars ah!" parinig sa'kin ni Gab.
Si Anne naman ay natatawa na nilapitan si Isay na busy na  sa mga kalaro niya.
"Ay! Hello, baby Isaaaay!"matinis na tili ni Gab at nilapitan din si Isay.
Kita kong nanlaki ang mga mata ni Von. Kaya pasimple akong natawa.
Ang hindi niya kasi alam ay gay si Gab, at ngayon alam niya na. Lalaki kasi kumilos si Gab pero once na tumili ito ay magugulat ka talaga sa katotohanan na malalaman mo.

Bình Luận Sách (316)

  • avatar
    Owen Daño

    wow

    14d

      0
  • avatar
    Mangongalanticse

    thanks

    17d

      0
  • avatar
    Anizza Leish Itlanas Ambita

    ok ok

    20d

      0
  • Xem tất cả

Các chương liên quan

Chương mới nhất