logo text
Thêm vào thư viện
logo
logo-text

Tải xuống cuốn sách này trong ứng dụng

CHAPTER 4

Pagmulat ko ng mga mata ay mukha ni Von ang bumungad sa'kin, tulog pa siya. Dahan-dahan akong bumangon at nag-inat ng katawan. Bumaling ulit ako sa kanya at inayos ang kanyang ulo para maisandal sa upuan.
"Kawawa naman ang lalaking 'to, nakatulog nang naka-upo," bulong ko.
Tumayo ako at chineck si Isay, mahimbing pa rin ang tulog niya. Hinalikan ko muna ang anak ko bago pumasok ng CR. Naghilamos ako at nagmumog. Nagbihis din ako ng damit at inayos ang pagkakatali ng buhok ko.
Pagkalabas ko mula sa CR ay pinagmasdan ko ang mag-ama na parehong mahimbing ang tulog.
Maya-maya lang ay napaisip ako. Na may uuwian din palang pamilya si Von. Baka kagabi pa siya hinahanap. Baka yung kausap niya sa phone kagabi ay asawa niya 'yon.
Iwinaglit ko muna ang isiping iyon. Habang tulog pa ang mag-ama, lumabas muna ako para bumili ng pagkain pang-breakfast.
Pagkabalik ko ay naabutan kong gising na si Von.
"Good morning," bati niya sa'kin. "Kanina ka pa gising?"
"Good morning din. Ahmm, kani-kanina lang ako nagising. Lumabas ako para bumili ng breakfast natin." Pinakita ko sa kanya ang paper bag na hawak-hawak ko na naglalaman ng mga pagkain.
Lumapit ako sa mesa na katabi ng couch para ihanda ang mga binili ko.
"Kain ka na," kuha ko sa atensyon ni Von. At nga pala, kaya ko namang bantayan nang mag-isa si Isay... Pwede ka na munang umuwi. Baka kasi hinahanap ka na sainyo."
"Bakit parang pinapaalis mo na ako?" kunot-noong tanong niya.
"Ano... hindi naman sa gano'n. Baka kako hinahanap ka na sainyo, ng asawa at anak mo."
"What are you talking about, Eliza?"
"'Diba anak mo yung kasama mo sa mall?"
"Hmmm?" Kumunot ulit ang noo niya. "Oh! She's Yesha."
"Oo yung anak mo, baka hinahanap kana at pati ng asawa mo."
Lumapit siya sa'kin at pumunta sa may likuran ko. Hindi ako nakagalaw nang bigla siyang yumakap sa'kin mula sa likod. "You know what, Liz? Hanggang ngayon selosa ka pa rin."
Napaigtad ako dahil sa kiliti nang tumawa siya habang nakasiksik ang ulo sa leeg ko.
Nang mapagtanto ko na talaga kung ano ang posisyon namin ay agad kong inalis ang mga braso niya na nakayakap sa'kin at saka ko siya hinarap.
"H-hindi! Hindi ako nagseselos! Saka huwag ka ngang yayakap ng pabigla-bigla!"
Tumawa lang s'ya, akala siguro nakikipagbiruan ako.
"Ang sinasabi ko lang naman ay baka hinahanap ka na sainyo... Mag-almusal ka na nga lang d'yan!" Nilampasan ko siya at tumabi na lang sa anak ko para iwasan ang awkwardness sa pagitan naming dalawa.
*****
"Anak last na, say ah."
Pinapakain ko ng soup si Isay nang biglang bumukas ang pinto at pumasok si Anne.
"Marsie! Nandito pala kayo, pinuntahan ko kasi kayo sa dati pero wala na pala kayo ro'n. Kaya nagtanong ako at nandito nga raw kayo."
"Oo, mars. Pasensya na kung hindi na kita nasabihan. Nawala na kasi sa isip ko."
Bago kasi ilipat dito si Isay ay nakauwi na si Anne dahil tapos na ang duty niya.
"Okay lang 'yon, mars." Ibinaling niya ang atensyon kay Isay. "Hi, baby Isay! Are you okay na?"
"Hello po, ninang! Okay na po ako," nakangiti at masiglang sagot ni Isay.
"Ayun! Very good, magaling na ang inaanak ko. Pa-kiss nga si ninang!" Hinalikan niya ang pisngi ng anak ko saka bumaling ulit sa'kin." Mars, madi-discharge na rin siya sabi ni Doctor Padua at pwedeng sa bahay n'yo na lang magpahinga."
"Oo nga raw, mars. Kagagaling pa lang dito ni Doc at ibinalita niya ang good news."
"Buti na lang at pumayag yung pinuntahan mo kahapon, 'no?"
Sakto naman na bumukas ang pintuan ng CR at lumabas mula roon si Von.
"Uy, mars! Sino ang gwapong nilalang na 'yan?" Pasimple akong kinurot ni Anne.
"Siya yung pinuntahan ko kahapon," mahina ang boses na sagot ko sa kanya.
"Papa! Tapos na po ako mag-breakfast!"  magiliw na saad ni Isay nang mapansin ang papa niya.
"Very good talaga ang baby ko!" Tumabi si Von sa anak namin.
"Mars, tatay ni Isay?" tanong ulit ni Anne.
"Oo," Halata sa mukha niya ang gulat.  Bumaling naman si Von sa'min. "Von, si Anne nga pala kaibigan ko. Dito siya nagtatrabaho."
"Hi, Anne!" simpleng bati ni Von.
"Hellooo! Ampogi, kaya pala ang ganda ni Isay, hihi," pabebeng saad ni Anne.
Pasimple ko rin siyang kinurot saka ako tumayo para ilagay ang pinagkainan ni Isay sa mesa.
"Ninang ko po siya, Papa," rinig kong pagkukwento ni Isay sa kanyang ama.
Sumunod naman sa'kin si Anne at pabulong na kinausap ako, "Marsie, ang daya mo talaga. 'Di mo man lang sinabi sa'kin na siya pala ang tatay ni Isay."
"Mars, mahabang kwento kasi. Sasabihin ko sa'yo 'pag may oras na tayo mag-chikahan."
"Sinabi mo 'yan, ha! Chikahan tayo. Pogi pala niya talaga, 'no? At mukhang mayaman, haha."
"Bunganga mo talaga," tawa ko rin sa kanya.
"Totoo naman kasi. Tingnan mo, oh! Pangmayaman 'tong room. Naka-private room. Sana all, mars!" Ayan na naman siya sa pasimpleng pagkurot.
"Hindi naman sa pinapaalis kita, mars. Pero may duty ka ngayon 'diba?" Iniba ko na ang topic dahil alam kong mangungulit lang 'to.
"Ay oo nga pala, sige babush na! Basta chikahan tayo, ah!"
"Oo na!"
"Bye, baby Isay. Mauna na ako, Von, hehe." Tinanguan lang ni Von si Anne.
*****
"Excited ka na, anak?" tanong ko kay Isay habang binibihisan siya.
"Opo, Ma. Ayoko na rin po kasi rito, eh! Palagi nila akong niaano, yung nitutusukan, Ma," nakangusong sagot niya.
"Kinukuhanan ka kasi ng dugo, anak. Para i-check no'n ang platelets mo. Kaya sa susunod huwag ka na dapat magkakasakit para 'di na tayo bumalik dito."
"Opo, Ma!" Yumakap siya sa'kin at humalik sa pisngi ko. "Excited na rin po ako makita ang house ni Papa. Sabi niya po maganda po ro'n."
Hindi sa inuupahang bahay namin kami uuwi ngayon kundi sa bahay nina Von. Ayoko pa nga sanang pumayag. Kasi pa'no na lang kung nandoon din ang pamilya niya sa sinasabi niyang bahay? Ayoko pa naman ng gulo. Okay na sa'kin na magiging ama siya kay Isay at susuportahan niya ang anak namin.
Pero sa huli ay wala rin akong nagawa kaya pumayag na rin ako. Gustong-gusto rin kasi ni Isay. At sinabi rin sa'kin ni Von na darating daw ang mga magulang niya galing bakasyon, ipinaalam niya na kasi ang tungkol kay Isay at gusto raw na makita na ng mga ito ang apo nila.
Bumukas ang pinto at pumasok si Von, lumabas siya kanina para bayaran ang bills. "Are you two ready?"
"Yes po, Papa!" si Isay na kanina pa excited.
"Okay, let's go!" Kinuha sa'kin ni Von si Isay at kinarga. Pati yung mga gamit namin na nakalagay na sa bag ay binitbit niya rin.
"Ako na, Von. Kaya ko naman 'yan. At saka mabigat si Isay, ako nang bahala magbitbit sa mga gamit namin." Presinta ko.
"I can manage, Liz. Let's go!"
Wala na akong nagawa kundi sumunod na lang sa kanila.
*****
Nagsimula nang mag-drive si Von, nasa passenger seat ako at kandong ko si Isay na walang tigil na naman sa pagkukwento pero mabuti na rin 'yon para hindi awkward sa'min ni Von.
Pero maya-maya lang din ay nakatulog na si Isay kaya naging tahimik hanggang sa makarating kami sa bahay nina Von.
May kasambahay na nagbukas ng gate. Unang bumaba si Von at pinagbuksan niya kami. Kinuha niya sa'kin si Isay at sunod naman akong bumaba.
"Yaya Perla, pakikuha na lang po ng mga gamit sa loob ng kotse," utos niya sa kasambahay na kanina ay nagbukas ng gate.
"Sige po, Sir."
"Let's go inside, Liz."
Pumasok kami sa loob at umakyat pataas. Pumasok si Von sa isang kwarto at sumunod din ako papasok. Inihiga niya si Isay sa malaking kama.
"Magpahinga ka na rin muna. I will go to the kitchen, magpapahanda ako ng pagkain. Padating na rin kasi sina Mom and Dad."
Tinanguan ko naman siya. Pagkalabas na pagkalabas ni Von ay inilibot ko ang tingin sa kwarto. Malaki ang kwarto, at mukhang lahat ng gamit dito ay sa kanya. Panlalaki rin ang disenyo ng kwarto.
Eh, saan kaya ang mag-ina niya?
Darating pa ang mga magulang niya na ngayon ko lang personal na makikilala kaya kabado ako. Bigla tuloy akong nauhaw sa isiping iyon. Mahimbing naman ang tulog ni Isay kaya lumabas muna ako para makainom. Pababa pa lang sana ako nang biglang may pumasok sa main door. Kita kasi mula rito sa taas ng hagdanan ang pintuan papasok sa sala. Sila na ata ang mga magulang ni Von, may kasama rin silang bata at namukhaan ko ito. Siya yung bata na kasama ni Von sa mall.
"Dada!" sigaw ng bata kay Von na kagagaling pa lang mula kusina. Agad namang kinarga ni Von ang bata.
At biglang dumoble ang kaba ko nang may pumasok pang isang magandang babae na kamukhang-kamukha ng bata.
Pabalik na sana ulit ako sa kwarto nang biglang dumako ang tingin ni Von sa puwesto ko.
"Liz?" tawag sa'kin ni Von kaya lahat sila ay napatingin sa'kin.

Bình Luận Sách (316)

  • avatar
    Owen Daño

    wow

    14d

      0
  • avatar
    Mangongalanticse

    thanks

    17d

      0
  • avatar
    Anizza Leish Itlanas Ambita

    ok ok

    20d

      0
  • Xem tất cả

Các chương liên quan

Chương mới nhất