logo text
Thêm vào thư viện
logo
logo-text

Tải xuống cuốn sách này trong ứng dụng

CHAPTER 3

VON'S POV
"Sir, did you get it? Clear po ba lahat, Sir?"
My secretary caught my attention, na nagpabalik sa'kin sa katinuan.
"Oh! Sorry, what is it again?" I asked him patiently.
"Ang meetings n'yo po with the investors, ipinapaalala ko po kung anong oras. Ahm, Sir, mukhang wala po kayo sa sarili." Napakamot siya sa ulo.
"Oh, I'm sorry! I'm just tired. Paki notes na lang. Titingnan ko na lang mamaya." Sumandal ako sa swivel chair na kinauupuan ko.
Sinunod niya naman ang utos ko bago lumabas sa opisina ko.
I opened my laptop and start my works to be done. Pero nawawala talaga ako sa huwisyo kaya sinara ko na lang ulit ang laptop. I closed my eyes and gently massage my temple. At sa pagpikit ng mga mata ko ay naalala ko na naman ang naging tagpo namin ni Eliza sa mall.
I can't focused on my works and I had sleepless nights after that encounter.
May kakaibang saya akong naramdaman nang araw na 'yon. But I also felt hatred, bigla akong nagalit dahil hindi niya mapagbigyan ang sariling anak. Parang may mabigat sa dibdib akong naramdaman lalo na nang pagtalikod nila, I saw the sadness in her daughter's eyes, na mas lalong nagparamdam sa'kin ng kalungkutan.
I felt an strange feeling when I saw the sadness of that kid before she leaned on the shoulder of her mother.
I really wanted to follow them that time, may kung ano kasing humihila sa'kin papunta sa kanila. But, Yesha wants to buy that doll, natagalan pa kami dahil binayaran pa namin 'yon at mahaba ang pila sa counter kaya gustuhin ko man na habulin sila ay nawala na sila sa paningin ko.
I opened my eyes when the telephone on my table rings.
"Hello, Sir!" My secretary is on the other line.
"What is it?"
"The receptionist called awhile ago to informed me that there's someone wants to talk with you. Importante raw po."
"Please ask the name of that someone."
"Tinanong ko na po kanina. She's Eliza Rodriguez. She has no appointment with you, Sir. But she badly needs to talk to you. Is it okay with you, Sir?"
I paused a second because of the name I heard.
"Sir?"
"Okay, okay! Please let her in, papuntahin mo rito sa office ko."
I should talk to her, para na rin malinawan ang isip ko.
A few minutes passed when someone knocked on my office door. I'm sure that it was her.
"Come in!"
I loosened my tie and adjusted it, to look presentable.
Pagkapasok niya pa lang ay nagsalubong agad ang tingin namin. I noticed that her eyes were swollen. Huwag niyang sabihin na umiiyak siya dahil sinasaktan siya ng asawa niya?
"Have a seat!" I pointed the chair infront of my office table.
"T-thank you," she said as she seated.
"What brings you here?" I calmly asked her.
"V-Von, kailangan kita ngayon." Yumuko siya at pinahiran ang luhang tumulo. "Kakapalan ko na ang mukha ko, kailangan na kailangan ko kasi talaga ang tulong mo."
"What kind of help?"
"Tulong para sa anak ko."
"Again! Where's the father of your child?"
"N-nasa harapan ko," she said directed to my eyes.
"I'm not joking here, Eliza!"
"Hindi rin naman ako nakikipag--"
"Stop it!"
Tumayo siya. "Please... please hear me out!" umiiyak na pakiusap niya. "Von, hindi ko sinasabi 'to para perahan ka o ano man."
"Then what?" Nahampas ko ang table at napatayo na rin.
"K-kailangan na kailangan ka ng anak natin ngayon. She needs a blood, ikaw lang ang alam kong kapareho ng blood type ni Isay. Pareho kayo ng blood type, Von. Hindi man 'yon malakas na ebidensya para paniwalaan mo dahil may nagkakapareho naman talaga na blood type. Pero please lang, maniwala ka, please--"
"What? She needs a blood for what and where is she now?!"
"N-naka-confine sa hospital."
"Fix yourself! And please stop crying, hindi 'yan makakatulong. Namumugto lang ang mga mata mo sa kaiiyak!" I said to her as if I'm her father.
Pero tinutudyo ako ng utak ko, that I'm concerned to her.
I immediately get my car keys in the drawer.
"Let's go!" Lumabas agad ako ng opisina at sumunod naman siya sa'kin.
Dinaanan ko muna ang table ng secretary ko. "Lloyd, cancell all my meetings and appointments. Inform them that there's a sudden emergency."
*****
Sinalubong agad ako ni Eliza sa hallway ng hospital. "Kumusta?"
Inayos ko muna ang coat ko na hinubad ko kanina dahil kinuhanan ako ng dugo.
"Successful."
"Hay, salamat sa Diyos! Maraming salamat din, Von."
I saw her genuine smile.
I just nodded. "By the way, ipinalipat ko siya sa isang private room."
Nakita kong nag iba ang emosyon sa mukha niya. "Ha?"
"Kung nag-aalala ka sa bills, ako na ang bahala sa lahat."
"M-maraming salamat talaga."
"No need to thank me, I just want what is good for my daughter."
Bakas sa mukha niya ang gulat. "Naniniwala ka--"
"There's a lot of things we should to talk about. But for now, mas kailangan tayo ng anak natin. Let's go to the room where she is."
*****
When we entered one of the private rooms, I saw her peacefully sleeping. Smile crept on my lips as I saw how beautiful she is. Lumapit ako sa hospital bed na kinahihigaan niya at umupo sa upuang katabi nito.
"Hi, baby." I started talking her as if she's awake. "I want to apologize for all the bad things and decisions I've done, sa mga panahon na naging sarado ang isip ko at naging bulag sa katotohanan. Promise, I'll make it up to you, anak. I love you so much." I kissed her forehead.
Lumapit sa'min si Eliza habang nagpupunas ng luha, umupo siya sa space ng hospital bed sa may paanan ng anak namin. "I named her, Liza Venice," panimula niya. "Inisip ko kasi no'n na kahit wala ka sa tabi niya ay may alaala pa rin siya mula sa'yo. Kasi 'yon ang gusto mong pangalan kapag babae ang magiging, ahm... magiging anak n-natin. Isay ang nickname niya kagaya rin ng gusto mo kasi sabi mo ang cute pakinggan," she chuckled before she continues.
"Bago nagkasakit si Isay, nagtanong siya sa'kin kung may papa raw ba siya. Ang araw na 'yon ang kinatatakutan kong dumating dahil hindi ko alam kung ano ba ang isasagot ko sa oras na maghanap na siya ng tatay."
I moved close to her. I cupped her face to wipe her tears. "I'm so sorry, Liz, sorry for being such a jerk. Sorry if I doubted you."
She smiled at me but I knew she's still in pain. "Nakalipas na 'yon, ang importante nandito ka--"
"M-mama..."
Sabay kaming napaharap sa anak namin.
Napatayo ako at si Eliza naman ay agad na nilapitan ang anak namin. "Baby, okay ka na? Wala na bang masakit sa'yo? Sabihin mo kay Mama 'pag may hindi ka magandang nararamdaman."
"I'm okay na po, Ma," she answered with a low voice. Her eyes met mine and she stares at me for a second, bago ibinalik ang tingin kay Eliza. "Sino po siya, Mama?"
Napaharap sa'kin si Eliza at ngumiti. She sat on the chair infront of our daughter. "Anak, natatandaan mo ba no'ng araw na hinahanap mo ang papa mo? At yung lalaking nakita natin sa mall, siya 'yon, baby."
"Opo, Ma." Ibinalik niya ulit ang tingin sa'kin.
"Dahil mabait ang baby Isay ko, sabi ni Papa Jesus bibigyan niya na ng papa ang baby ko."
"Siya po ba ang papa ko na binigay ni Papa Jesus?"
Eliza nodded. "Opo, baby."
"Papa ko!" she said those words as she stares at me with her eyes full of delight.
Tears forms in my eyes as I heard my daughter calling me, "Papa".
"A-anak," that's the first word came out from my mouth as I slowly moving close to her.
"Gusto po kitang ma-hug, Papa." She spreads her arms.
Tears started streaming down on my face. Tinulungan ko ang anak kong dahan-dahang makabangon at saka ko siya niyakap nang mahigpit. I hugged her as if I was filling those days I was not by her side.
After that, I released her from the hug we shared and kissed her forehead many times.
"Happy po ako ngayon dahil magaling na po ako, at may papa na rin ako. Kaya mas super duper happy po ako!" I smiled because I see that she's genuinely happy.
"Pero ba't po kayo nagka-cry ni Mama po? 'Di po kayo happy?" curiosity was in her face.
Tiningnan ko si Eliza na ngayon ay nagpupunas na ng luha.
"Baby, happy rin kami ni mama mo, like you. Tears of joy ang tawag kapag umiiyak ang tao sa sobrang tuwa."
"Ay, gano'n po pala 'yon?" she chuckled kaya napatawa rin kami ni Eliza.
Tumingin siya sa kanyang mama. "Gusto ko na po umuwi, Ma. Para sasabihin ko na po sa mga kalaro ko na may papa na ako!" Bumalik ang tingin niya sa'kin. "Ipapakilala po kita, Papa, sa playmates ko po."
"Sure, baby." I kissed her again.
Marahang hinaplos ni Eliza ang buhok ng anak namin. "Kaya, anak, magpagaling ka na agad para makauwi na tayo."
"Mama, okay na nga po ako, eh!" she's pouting.
"Sure na ba talaga 'yan baby? Wala ka nang nararamdamang masakit?"
"Wala na po. Ay! Ano po pala, Ma, nagugutom na po ako, hihi."
"Oo nga pala, hindi pa kumakain ang baby ko. Sige, bibili ako ng pagkain sa labas."
Eliza was about to stand kaya pinigilan ko siya. "Ako na ang bibili."
"Ayos lang, ako na."
I held her hand. "No, I insist! Ikaw na ang maiwan dito sa anak natin."
"O-okay."
*****
It's already nine o'clock in the evening nang mapatulog ko si Isay after ko siyang pakainin. Gusto niya kanina na ako ang sumubo sa kanya ng pagkain. She's a very sweet daughter. She said "I love you" to me many times and I also said to her those three words with full of love. After niyang kumain ay marami pa siyang kinuwento sa'kin na tungkol sa mga kalaro niya. Hindi pa nga sana matutulog kung hindi sinaway ni Eliza. Late na rin kasi at kailangan pang magpahinga ng anak namin. She needs a full recovery for her to discharge.
"Please move the schedule... Okay, thank you, Lloyd."
Tinawagan ko ang secretary ko para ipa-move ang schedule ng appointments and meetings ko sa kompanya.
When I ended the call, tiningan ko si Eliza na ngayon ay humihikab na. May couch na nasa gilid nitong private room at doon siya ngayon nakaupo.
I sat beside her. "Liz?"
"Hmm?"
"Lie down here." I tapped my lap. "Use my lap as your pillow."
"Ah, h-huwag na. Okay lang ako, pwede rin naman akong tumabi kay Isay."
Hindi ko pinansin ang sinabi niya. "Please, alam kong puyat ka na sa ilang gabing pagbabantay sa anak natin. Come here." I tapped my lap again.
She changed her position to lie down and laid her head on my lap. "Thank you."
I started to caress her hair. Minutes passed but she's still awake. So, I open a topic. "Liz, I know that my apology was too late, pero hindi ako magsasawang mag-sorry sa mga nagawa ko sa'yo at sa anak natin."
I looked at our daughter peacefully sleeping.
"Can you answer me now, Liz? Why did you lie to me that day?"
Naghintay ako ng sagot mula kay Eliza pero nang tingnan ko siya ay mahimbing na ang kanyang tulog.

Bình Luận Sách (316)

  • avatar
    Owen Daño

    wow

    14d

      0
  • avatar
    Mangongalanticse

    thanks

    17d

      0
  • avatar
    Anizza Leish Itlanas Ambita

    ok ok

    20d

      0
  • Xem tất cả

Các chương liên quan

Chương mới nhất