logo text
Thêm vào thư viện
logo
logo-text

Tải xuống cuốn sách này trong ứng dụng

CHAPTER 2

Hanggang sa makarating kami sa apartment na inuupuhan namin ay pansin ko pa rin ang pagiging tahimik ng anak ko.
Umupo ako sa upuang kahoy na nasa sala. "Baby, halika rito kay Mama."
Lumapit naman agad siya at kumandong sa'kin.
"Akala ko ba naiintindihan mo si Mama?"
Tumango si Isay. "Yes po, Mama. Wala po tayong pera," inosenteng sagot niya sa'kin.
"Oh, gano'n na nga kaya huwag nang malungkot, anak. 'Pag nagkapera naman tayo, pangako ibibili kita ng doll."
"Opo. Thank you po, Mama. Thank you po nang paulit-ulit." Kumapit siya sa leeg ko at hinalikan ako sa magkabilang pisngi saka siya humilig sa dibdib ko.
"Always welcome po, basta para sa baby Isay ko." Hinalikan ko naman ang tuktok ng ulo niya.
"Ma, super swerte po yung bata, 'no?" maya-maya'y saad niya.
"Sino, anak?"
"Yung bata po sa mall. Ang yaman po siguro nila kaya may pambili siya ng doll tapos po swerte niya ulit kasi may papa siya."
Nakaramdam ako ng guilt dahil sa sinabi ng anak ko kaya natahimik ako.
"Mama, mayroon po ba akong papa?"
Bigla akong pinagpawisan sa tanong na 'yon.
Buong buhay niya ay hindi siya naghanap ng tatay, pero hindi nga talaga mawawala sa isang anak na hanapin ang kulang sa pamilya.
"Isay, anak." Iniharap ko siya sa'kin, paharap na inupo sa kandungan ko. "A-anak--"
Hindi ko matuloy-tuloy ang sasabihin ko dahil hindi ko alam kung paano ko sisimulan.
"Kasi po, Mama, ang mga kalaro ko po may papa sila. Tinatanong din po nila kung nasaan ang papa ko," nakangusong saad ng anak ko.
"Oo, anak, m-may p-papa ka. Lahat tayo mayroong papa," sa wakas ay nasagot ko ang tanong na iyon, pero hindi ko naiwasang mautal.
"Eh, nasaan po ang papa ko?" tanong ulit ni Isay na hinihiling kong sana ay wala nang kasunod.
Hindi pa ako handang sabihin ang totoo sa kanya. Oo, matalinong bata ang anak ko pero sa murang edad niya ay hindi niya pa maiintindihan ang rason kung bakit hindi namin kasama ang papa niya.
"Baby, kasi." Huminga muna ako nang malalim. "Hindi mo pa maiintindihan. Pero, promise ni Mama na kapag nasa tamang edad ka na ay sasabihin ko sa'yo ang lahat. Okay po ba 'yon?"
Tumango naman siya. Niyakap ko na lamang si Isay at hindi ko na mapigilan ang mapaiyak kaya hinayaan ko na lamang na lumandas sa mukha ko ang mga luhang pumatak galing sa mga mata kong pagod na pagod na sa pag-iyak.
*****
Hatinggabi ay nagising ako dahil sa naramdaman kong mainit ang anak ko. At nakumpirma ko nga na nilalagnat si Isay kaya dali-dali akong tumayo at binuksan ang ilaw para hanapin ang gamot niya sa lagnat. Mabuti na lamang at may natira pa. Pumunta muna ako sa kusina para ipagtimpla ng gatas ang anak ko at kumuha rin ako ng biscuit. Mabuting may laman ang tiyan bago siya uminom ng gamot.
"Isay, anak." Marahan ko siyang tinapik-tapik. "Baby, gising ka na muna."
"Hmmm, Mama?" halata sa boses niya ang antok.
"Bangon ka muna, baby, inom ka ng gamot para mawala ang fever mo."
Dahan-dahan naman siyang nagmulat ng mga mata. Tinulungan kong bumangon ang anak ko at pinaupo ko siya saka nilagyan ang likod niya ng unan para iyon ang maging sandalan niya at maging komportable siya.
Sinawsaw ko sa gatas ang biscuit, 'yon kasi ang gusto ni Isay.
Hinipan ko muna ito bago sinubo sa kanya. "Say ah, baby."
Hanggang sa maubos niya ang biscuits at nang lumamig na ang gatas ay pinainom ko ito sa kanya, saka ko siya pinainom ng gamot.
Kinarga ko si Isay pagkatapos at pinatulog siya ulit.
*****
Kinabukasan, pagkagising na pagkagising ko ay kinapa ko agad ang anak ko kung mainit pa. Mabuti na lang at pinagpawisan na siya.
Inalis ko ang pagkakayakap sa'kin ni Isay para makabangon na ako't makapaghanda ng almusal.
Bago ako pumunta ng kusina ay binihisan ko muna si Isay para hindi matuyuan ng pawis.
Pagkatapos kong maghanda ng almusal ay siya namang pagbukas ng kwarto at lumabas ang anak kong bagong gising.
"Good morning po, Mama!" humihikab na bati niya sa'kin.
"Good morning din, baby ko!" Nilapitan ko si Isay at hinalikan sa pisngi.
Kinarga ko siya patungo sa kusina. "Kagabi nilagnat ka, anak. Dapat 'di ka na muna bumangon. Hahatiran na lang kita ng breakfast mo do'n sa kwarto."
"Okay na po ako, Ma." Ngumiti siya sa'kin, gan'yan 'yan para hindi ako mag-alala sa kanya.
"Sure?"
"Sure na sure po!" Sabay thumbs up niya pa.
Kumuha ako ng tubig at lumapit sa may lababo habang karga-karga pa rin si Isay. "Mumog ka na muna, anak."
Pagkatapos naming mag-almusal ay pinagpahinga ko muna si Isay sa kwarto. At ako naman ay sinimulan na ang paglalaba. Nakikilaba ako rito sa mga kapitbahay namin. Kung minsan naman ay inuutusan ako ng kakilala kong online seller na mag-deliver ng orders, sa gano'ng paraan ay kumikita ako at sa awa ng Diyos ay nairaraos ko naman ang buhay namin ng anak ko sa araw-araw.
*****
Kinahapuhan, hahatiran ko na sana si Isay ng meryenda sa kwarto nang sumigaw ito at umiiyak na tinatawag ako.
"Mamaaa! Mamaaa!"
Kaya agad akong tumakbo patungong kwarto namin.
"Bakit, baby?" Naabutan ko siyang panay ang kamot sa katawan. "Anak, ba't ang dami mong rashes?"
"Makati po," umiiyak na sumbong niya sa'kin.
"Huwag mong kamutin, anak. Baka kasi lumala." Hinaplos-haplos ko ang braso niya. "Teka at kukunin ni Mama ang wipes at pulbos mo."
Nang makuha ko na ang wipes at pulbos ay binalik ko na ang atensyon ko kay Isay. At sobra na akong nataranta nang makita kong may lumalabas na dugo mula sa ilong niya.
*****
"Mrs.?"
Hindi ko na pinansin ang tawag sakin ng doktor, ang mahalaga ay malaman ko kung ano'ng kalagayan ng anak ko.
"Doc, ano pong naging findings niyo sa anak ko?"
"As you've said to me, your daughter had a symptoms of fever, nose bleeding and rashes. And sad to say the bad news, that your daughter has a dengue fever. Kailangan niyang ma-confine para mabantayan siya rito. Base sa result ng blood test, bumaba po ang platelets niya kaya dumaranas ang inyong anak ng pagdurugo ng ilong."
Tahimik lang ako na nakikinig sa doktor at nagtanong ako kung ano pa ang mga magiging epekto ng dengue sa katawan ng anak ko.
"If the number of platelets is too low, excessive bleeding can occur. Kaya mahirap na po kapag bumaba pa ang platelets niya. Dahil kakailanganin po natin ng blood transfusion para sa anak niyo," pagpapaliwanag ng doktor.
****
Dalawang araw na kami sa hospital ngunit hindi pa rin bumubuti ang kalagayan ng anak ko. Pababa nang pababa ang bilang ng platelets sa katawan niya. Halos oras-oras nagdarasal ako na sana ay gumaling na ang anak ko.
"Hi, mars," bati sa'kin ng kaibigan kong nurse, si Anne. Palagi siyang dumadaan sa'min dito para kamustahin ang anak ko. "Magana na ba kumain si Isay?"
"Hindi pa rin, pero okay na rin kahit paunti-unti. Nagrereklamo siya na wala naman daw kasing lasa ang pagkain."
"Naku! Gano'n talaga 'pag may sakit. Sana gumaling na agad 'tong baby girl na 'to." Hinaplos niya ang buhok ng anak kong natutulog. "Nakaka-miss ang kakulitan nitong inaanak ko."
"'Yon nga rin ang ipinagdarasal ko... Mars, nga pala, pwedeng pakibantayan muna si Isay? Sasaglit lang ako sa bahay."
"Sure, mars."
"Maraming salamat, mars."
****
Kumuha lang ako saglit ng mga gamit na kakailanganin ni Isay pero pagbalik ko ay sinalubong ako ng humahangos na si Anne.
"M-mars, s-si Isay," habol-habol pa ang kanyang hininga.
"Ano?" naiiyak na ako.
"Nag ano... Nagdugo na naman ang ilong ni baby girl. Nag-undergo ulit siya sa blood test, bumaba nang bumaba ang bilang ng platelets niya. Kaya ang sabi ng doktor ay kailangan na raw talaga na mag-undergo sa blood transfusion si baby Isay."
Nanghina ang mga tuhod ko dahil sa mga narinig. Pinilit kong humakbang at inalalayan naman ako ni Anne para puntahan ang anak ko.
Nang makita ko ang kalagayan ni Isay na naka-oxygen ay doon na bumuhos ang luha ko.
"Mars, nga pala." Si Anne habang inaalo ako. "Ahm, bad news ulit dahil walang stock ng dugo na kapareho ng blood type ni baby Isay. Nagkaubusan kasi dahil marami rin ang nangangailangan. Kaya kailangan nating humanap ng donor."
*****
Tinanaw ko ang napakataas na building bago ako pumasok sa loob.
Sana lang nandito siya. Ang alam ko kasi ay dito siya magtatrabaho sa kompanya ng pamilya nila after niyang maka-graduate.
Sana lang nandito ka, Von, (taimtim kong hiling).
I need to do this and I should do this.
Kailangan na kailangan siya ng anak ko ngayon. Ng anak namin.

Bình Luận Sách (316)

  • avatar
    Owen Daño

    wow

    14d

      0
  • avatar
    Mangongalanticse

    thanks

    17d

      0
  • avatar
    Anizza Leish Itlanas Ambita

    ok ok

    20d

      0
  • Xem tất cả

Các chương liên quan

Chương mới nhất