logo text
Thêm vào thư viện
logo
logo-text

Tải xuống cuốn sách này trong ứng dụng

Paubaya

Paubaya

Grenity Writes


CHAPTER 1

"PAUBAYA"
Bumukas ang pintuan ng kwarto at pumasok ang lalaking kanina ko pa hinihintay.
Binuksan niya ang ilaw at agad na dumako ang tingin niya sa'kin. "Why are you still awake?" tanong niya nang makita akong nakaupo sa kama at may hawak na libro.
"Ahm, hinihintay kasi kita."
"It's already late, past eleven na. Dapat natutulog ka na. I always remind you that avoid sleeping late at night. That's not good for the baby," panenermon niya sa'kin habang tinatanggal ang pagkakabutones ng kanyang polo.
Bigla na lang akong nakaramdam ng kirot sa dibdib. I thought he really cared for me. Para na lang pala sa baby namin ang kanyang pag-aalala. Hindi na pala katulad nang dati ang sitwasyon namin.
Von is my ex-boyfriend. Walang nangyaring comeback sa'min. Para lang sa baby kaya kami magkasama. Pinanagutan niya lang kami ng anak ko, pero hindi kami ang totoong mahal niya. O mas tamang sabihin...
Masakit sabihin na hindi na ako ang mahal niya.
Nakakasama nga namin siya, pero parang wala rin ang presensya niya.
He gives all my needs, for the baby. But what we really want is the love. Real love from him.
Napabuntong-hininga na lamang ako. Sinara ko ang librong binabasa ko kanina bago humiga at nagkumot.
"Oh hello, love... Yup! Kararating ko pa lang... Okay, good night, I love you."
Ang huling tatlong salita niyang palaging sinasabi sa'kin noon, ngayon sa iba niya na 'yon sinasabi.
Ang kausap ni Von ay ang girlfriend niya. Ang sakit lang marinig. Kasabay ng pagpikit ng mga mata ko ay ang pagtulo ng luha ko. Pero ang pinakamasakit ay ang katotohananang wala na akong karapatan sa kanya dahil wala na kami. Hindi na katulad nang dati na may karapatan akong magalit at magselos dahil may iba siyang babae. Ngayon kasi ang babaeng kausap niya ay ang taong mahal niya. Hindi na ako. Ako na ang iba. Parang ako na at ang batang nasa sinapupunan ko ang kontrabida sa relasyon nila.
*****
"Von, we need to talk." Salubong ko sa kanya pagkarating niya galing school.
Pareho sana kaming nag-aaral pero dahil sa sitwasyon ko ngayon ay natigil ako sa pag-aaral.
"YES, WE NEED!" bigla siyang sumigaw na parang naging kulog sa pandinig ko.
Napaigtad naman ako dahil sa gulat nang pabalibag niyang tinapon sa kung saang banda ang kanyang backpack at ang sunod na ginawa niya ay ang paghagis sa harapan ko ng mga litratong kanina ay hawak niya.
"Ano ang mga 'to?" Naluluha ako habang pinupulot at sinusuri ang mga pictures.
Ako ang nasa pictures at may katabing lalaki sa iisang kama. At ang tanging tumatakip lang sa katawan namin ay isang puting makapal na kumot.
"Ako dapat ang nagtatanong sa'yo n'yan, Eliza?!" the way he called my name, wala nang lambing.
Walang ibang lumabas sa bibig ko kundi mahinang hikbi.
Nang makatayo na ulit ako sa harapan ni Von, tinuro niya ang tiyan ko. "Tell me the truth! I am really the father of that child you're carrying?!"
Nagtuloy-tuloy nang magsipatakan ang mga luha ko. "G-gano'n na ba ang pagkakakilala mo sa'kin? Ang tingin mo sa'kin? Alam kong alam mo sa sarili mo na ikaw ang nakauna sa'kin. At ikaw rin ang huli."
"Huwag kang magpaawa, Eliza! Don't fool me again with your lies! Sa tingin mo maniniwala pa ako sa'yo, ha?! No! Never again! You cheated once kaya tayo nag-break, niloko mo na ako no'ng una! At ngayon, gagawin mo na naman akong tanga!"
Ang hirap 'pag may nagawang kasalanan sa una pa lang. Dahil porket nakagawa ka ng mali, lagi na lang nilang iisipin na paulit-ulit mong gagawin ang pagkakamaling 'yon.
"OO NA!" hindi ko na napigilan ang sarili ko at nasigawan ko na rin siya. "Kasalanan ko na lahat! Aaminin ko na rin na hindi ikaw ang ama ng batang dinadala ko. No'ng gabing nag-break tayo, nagpakalasing ako, may nakilala akong lalaki at may nangyari sa'min. Nang malaman kong buntis ako ay ipinaako ko sa'yo dahil gusto kong magkabalikan tayo." Pinahiran ko ang mukha ko at umiwas nang tingin sa kanya.
Tama ka, Von. Napakasinungaling ko nga.
"D*mn you!" Napasabunot siya sa sariling buhok dahil sa sobrang galit.
"N-nagawa ko lang naman 'yon dahil sobra kitang mahal, Von. I-- I'm really sorry." Inabot ko ang braso niya pero tinaboy niya lang ang kamay ko.
"You're so unreasonable! At dahil diyan sa rason mong walang kwenta ay muntik pa kaming maghiwalay ni Aya!" tukoy niya sa kanyang girlfriend na mas lalong dumurog sa puso ko.
Hindi ko inaasahan ang bigla niyang paghablot sa braso ko at kinaladkad niya ako patungo sa kwarto.
Binitawan niya lang ako nang nasa loob na kami ng kwarto. "Pack all your things! Then the next thing you should do is to get the hell out of here! Siguraduhin mong pagbalik ko ay wala ka na rito!" Lumabas siya ng kwarto at pabalibag na isinara ang pinto.
Walang tigil sa pagbuhos ang mga luha ko habang nag-iimpake ako ng mga gamit.
"Sana tama ang naging desisyon ko. Sana tuluyan kang maging masaya sa taong mahal mo, Von," bulong ko na lamang sa sarili.
****
(After 6 years)
Naalimpungatan ako dahil sa mabigat na nakadagan sa'kin.
"Mama, punta tayo sa Jollibee ngayon, sabi mo po." Alam kong nakanguso ngayon ang anak ko kahit hindi pa ako tuluyang nagmumulat ng mga mata.
She's Isay, my five-year-old daughter.
Tuluyan na akong nagising nang maalala ko ang ipinangako ko kay Isay.
Nag-inat muna ako ng katawan bago ko niyakap ang pinakamamahal kong anak. "Opo, baby. Hindi ko 'yon nakakalimutan dahil pangako 'yon ni Mama sa'yo."
"Yehey! Thank you po, Mama!" Pinatakan niya ng mga halik ang buong mukha ko.
Hayyy! Ang sarap lang sa feeling kapag ganito ang simula ng araw ko.
*****
"Tapos na, anak?"
"Done po, Mama!" Nag-burp pa siya kaya sabay kaming natawa. "Excuse po, busog na ako, Ma."
"Sarap na sarap ang baby ko sa chiken joy." I pinched her both cheeks. "So, tara na?" Isinukbit ko na ang sling bag na dala ko at inabot ko ang maliit na kamay ng aking anak.
"Wait po, Ma!" Pigil sa'kin ni Isay. "Nawi-wiwi po ako."
Napatawa ako dahil lukot na ang mukha ng anak ko at magkadikit ang mga paa, siguro ay pinipigilan ang mapaihi. Kinarga ko na siya para mabilis kaming makaabot sa CR.
Hindi muna kami umuwi, naglibot-libot muna kami sa mall.
"Mama, punta po tayo do'n sa may mga toys!" Turo niya sa may bandang toy section at tumatalon-talon pa.
"Sige, nak. Pero magtitingin-tingin lang tayo. Wala ng pambili si Mama ng toy. Tama lang yung kinita ko sa paglalaba."
Wala naman akong makuhang maganda at stable na trabaho dahil hindi ako nakapagtapos ng pag-aaral. Nawalan kasi ako ng scholarship nang nagbuntis ako kay Isay. Wala rin akong malalapitan na pamilya dahil pinalayas ako noon sa bahay namin.
"Okay lang po, Mama. I understand naman po."
Napakaswerte ko talaga sa anak ko. Dahil sa mura niya pa lang na edad ay nauunawaan na niya kung ano'ng buhay na mayroon kami at matalino rin siya.
Pagpasok pa lang namin sa toy section ay tumakbo agad si Isay papunta sa estante ng mga manika.
Kinuha niya ang kulay pink na malaking manika. Nilapitan ko ang anak ko at kitang-kita ko sa mukha niya kung gaano niya kagusto ang laruan na 'yon.
"Dada, I want that doll!"
Dinig ko ang munting boses at ang yabag ng mga paa na papalapit sa'min.
"Sure, baby, heto ba?"
Biglang binundol ng kaba ang dibdib ko dahil sa pamilyar ang boses ng lalaking nagsalita. Na-curious ako sa boses na 'yon kaya tiningan ko kung kanino nga ba nanggaling ang boses at tama nga ang hinala ko.
"Not that, Dada!" halata ang inip sa boses ng bata.
"What do you want? Just pick it, baby."
"That one, Dada!" Turo ng bata sa direksyon namin.
Ang gusto niya kasi ay ang manikang hawak ng anak ko. Nag-iisa na lang kasi 'yon at wala nang kapareho.
Bigla kong iniwas ang tingin ko nang napunta na pareho ang atensyon nila sa'min ng anak ko. Nakita ko sa gilid ng mata ko na papalapit na sila sa'min.
"Tara na, anak, ibalik mo na 'yang manika," pabulong kong saad kay Isay.
"Wait lang po, Mama." Pagmamakaawa niya at humaba na naman ang nguso.
"Huwag nang makulit, ta--"
"Miss, kukunin niyo ba? Kung hindi--" 
Naputol din ang dapat na sasabihin niya dahil nagtagpo ang tingin namin.
"Ah, h-hindi namin kukunin," hindi ko mapigilang mautal dahil nasa harap ko na siya.
Nasa harap ko si Von...
Pinilit kong kunin ang manikang nasa kamay ni Isay pero ayaw niya pa itong bitawan. "Anak..."
"Ma..."
Nanunubig na ang mga mata ng anak ko.
Pigil ang luha kong inaalis ang mga kamay ng anak ko na mahigpit ang pagkakahawak sa manika. Gustong-gusto kong maiyak dahil sa nakikita kong naiiyak na rin ang anak ko.
"Baby naman, 'diba sinabi ko sa'yo na wala tayong pambili?" paliwanag ko kay Isay.
Kaya walang nagawa ang anak ko at binitawan niya na ang manika. Nang nasa kamay ko na ang manika ay agad ko itong binigay sa batang kasama ni Von.
"Halika na, anak." Kinarga ko na si Isay dahil parang ayaw niya pang umalis sa kinatatayuan niya.
"Where's the father of your child?" Napatigil ako sa pag-alis. Gusto kong matawa sa tanong niya. "Mukhang wala man lang trabaho. See, hindi mo tuloy mapagbigyan ang gusto ng anak mo."
Talk to yourself, Von. Gusto kong sabihin na tanungin niya ang sarili niya kung bakit ganito ang sitwasyon namin.
At talaga palang pinanindigan niyang paniwalaan ang mga sinabi ko noon.
"Hindi kami pinanagutan, eh!" sinabayan ko ng pilit na tawa ang sagot ko sa kanya. "Hindi kasi ako pinaniwalaan na siya talaga ang ama ng batang dinadala ko noon at inakusanan niya pa ako ng kung anu-ano. Hindi ko na rin pinilit ang sarili ko at ang anak ko sa kanya. Tinanggap ko na lang na mas magiging masaya siya sa iba. Sa totoong mahal niya."
I faked a smile habang tinitingnan ang batang kasama niya, anak niya siguro. Bakas ang saya sa mukha ng bata habang pinaglalaruan ang manika. Habang may isang bata rin na malungkot dahil hindi niya nakuha ang kanyang gusto, nawalan kasi ng karapatan ang isang bata at 'yon ang anak ko.
Nang makalabas na kami sa toy section ay sumiksik sa leeg ko si Isay. Doon na bumuhos ang luha ko nang maramdaman kong sumisinghot-singhot na siya, senyales na umiiyak na ang anak ko.
This is the worst feeling of being a mother, ang makitang umiiyak ang sariling anak dahil kung ano man ang sakit na nararamdaman ng isang anak, doble ang sakit na mararamdaman ng magulang.
"Sshhh, bibili tayo 'pag may pera na si Mama. Okay?" Pag-aalo ko kay Isay habang hinahaplos ang likod niya.
Nanginginig ang kamay na pinunasan ko ang mga luhang nagkalat sa mukha ko.
Ngayon ko pinagsisihan na pinaubaya ko si Von sa taong totoong mahal niya.
Dapat hindi ako nagsinungaling nang araw na iyon.
Hindi sana umiiyak ang anak ko ngayon, ang anak namin.
Kanina habang nakikita ko ang mukha ng anak ko, gustong-gusto kong isigaw kay Von na anak niya rin si Isay. At ang manikang 'yon ay gusto rin ng anak namin. Pero huli na, may anak na rin siya at sigurado ay mayroon na siyang masayang pamilya ngayon.
Ayoko nang manggulo pa, pero gulong-gulo rin ang isip ko. May karapatan din kasi ang anak ko pero mukhang wala na talaga kaming laban.

Bình Luận Sách (316)

  • avatar
    Owen Daño

    wow

    14d

      0
  • avatar
    Mangongalanticse

    thanks

    17d

      0
  • avatar
    Anizza Leish Itlanas Ambita

    ok ok

    20d

      0
  • Xem tất cả

Các chương liên quan

Chương mới nhất