logo text
Thêm vào thư viện
logo
logo-text

Tải xuống cuốn sách này trong ứng dụng

Kabanata 6

Hiah
"Kumusta Hiah? Nagulat ka ba dahil nagkita muli tayong dalawa?" Nakangisi niyang saad habang ako naman ay nakatayo lamang sa harapan niya at blankong tumitig sa kaniya.
"Anong ginagawa mo dito?" Malamig at walang galang na saad ko. Kaya natawa naman siya at tumingin sa tatlong bodyguard na nasa likuran niya na may bitbit na mga plastic bags.
At doon ay napangisi ako nang malaman kong kung ano ang laman ng mga ito. Mga pagkain na pinamili niya at alam ko na kung bakit merong ganito, dahil may gagawin na naman siyang kailangan kong sundin.
"Hindi mo man lamang ba papapasukin ang Ama mo?"
Gusto kong masuka dahil sa pinagdiinan niyang salita. Gusto ko siyang paalisin at 'wag ng pumunta dito, pero kailangan kong makipagplastikan sa kaniya, dahil kailangan. Wala akong Ama na katulad mo.
Gusto ko sanang sabihin sa kaniya ng harapan pero pinigilan ko ang sarili ko dahil baka may magandang 'di mangyari at may bata pa akong kasama. Kaya niluwagan ko ang pagkakabukas ng pinto at pekeng ngumiti sa kaniya. Nilahad ko pa ang kamay ko na akala mo ay isa siyang kagalang-galang na tao pero sa totoo ay hindi naman.
"Pasok ho kayo, nakakahiya naman kung bigla na lang kayong kagatin ng mga lamok diyan," sarkastiko kong saad at nahagip ng mata ko ang pagtalim ng tingin niya sa akin na nginisian ko lang.
Nang tuluyan na siyang pumasok ay nilibot niya ang kaniyang paningin sa kabuuan ng apartment ko. Akala ko ay uupo lang siya pero humarap siya sa akin, nakita ko pang tumitig siya sa bata na natutulog ngayon sa sofa.
"Hindi ko namang aakalaing nag-aampon ka pala ng isang bata. Bakit hindi mo na lang kunin ang mga batang wala nang magulang, tutal gano'n ka naman, diba Hiah?" Nang-uuyam niyang tanong kaya saglit ko siyang sinamaan ng tingin, pilit ko ring pinapakalma ang sarili ko dahil biglang nag-init ang ulo ko sa narinig.
"Bakit hindi mo gawin? 'Diba tinuringan kang Ama ng mga batang wala nang magulang dahil kinukupkop mo rin sila?" Tumigil ako saglit at nagkunwaring nag-isip. Peke akong tumawa sabay pumalakpak.
"Ayun! Nasaan na nga pala 'yung mga batang kinupkop mo? Pinag-aaral mo ba sila? O ginawa mo rin silang mga sindikato, katulad mo?"
At doon siya naman ang nawalan ng imik. Nakita ko ang pagdilim ng mukha niya dahil sa sinabi ko. Gusto kong pumalakpak sa saya dahil natamaan ang isang Dior Montenegro sa sinabi ko.
"Pa, ayos ka lang ba? Tila yata ay hindi mo nagustuhan ang sinabi ko. Pasensiya ka na, kilala mo naman ako, 'diba? Minsan nagsasabi ng totoo," paliwanag ko at malakas na tumawa. Narinig ko pang nakisabay siya sa pagtawa ko.
Pero ramdam na ramdam ko na ang tensiyon sa aming dalawa. Nakita kong umupo siya sa sofa at sumandal na akala mo siya ay isang hari na kagalang-galang at kailangang respetuhin. Pero kung ako ang tatanungin ay hindi ko gagalangin at rerespetuhin ang isang taong katulad niya. Matapos niyang gawin ang mga bagay na 'yon sa nakaraan ay hinding-hindi na siya makakatanggap ng paggalang sa akin.
"Tutal naandito ka na rin naman. Anong gusto mong sabihin sa akin ngayon? Kasi wala 'yang mga dala mo sa akin ngayon kung wala kang importanteng sasabihin."
"Matalino ka talaga, Hiah."
"Malamang may utak ako kaya nagkakapag-isip ako," pabalang kong sagot at narinig ko namang tumawa nang mahina ang isa sa mga bodyguard niya kaya bigla itong sinaway ni Dior..
"Manahimik ka o baka gusto mong bumaon ang isang bala diyan sa bungo mo. Mamili ka," pagbabanta niya kaya nawalan ng kulay ang mukha ng bodyguard niya at napayuko.
"Sorry po, boss."
Kaya napailing na lamang ako at sumandal na lamang sa nakasaradong pintuan ko. Hinihintay ko na lamang ang paliwanag ng taong nasa harapan ko kung bakit siya naandito.
"Iimbitahan kita para sa-"
"Kung iimbitatahan mo ako kung paano mangurakot at yumaman gamit ang mga droga ay hindi ako pupunta," matapang kong saad kaya tumayo siya nang marahas at nilapitan ako.
Kitang-kita ko tuloy ngayon ang mga ugat niya sa leeg dahil bumabakat ang mga ito dahil sa galit sa sinabi ko. Hinawakan niya ako ng mahigpit sa panga. Pero mas lalo kong pinatapang ang mukha ko at ngumisi para ipakita sa kaniya na hindi ako natatakot sa gagawin niya sa akin.
"Kapag hindi mo tinahimik 'yang bunganga mo, idadamay ko 'tong bata na kasama mo ngayon," banta niya at nakita kong tinutukan ng isa sa mga bodyguard ng baril sa ulo si Buknoy na ngayon ay mahimbing pa rin ang tulog.
Dahil sa ginawa niyang 'yon ay hindi ko na napagilan ang sarili ko na malakas siyang itinulak at minura.
"Demonyo ka talaga. Pati batang inosente ay idadamay mo sa away nating dalawa. Ganiyan ka na ba kawalang puso?!" Gigil kong tanong at mahigpit siyang hinawakan sa kwelyo.
Hindi ko inintindi ang mga baril na ngayon ay nakatutok sa'kin dahil sa biglaan kong pagtulak sa taong nasa harapan ko ngayon. Nanlilinsik ang mga mata kong nakatingin sa kaniya, habang siya naman ay nasisiyahan sa nakikita niya ngayon.
"Ilang beses pa bang pagbabanta ang gusto kong gawin sa'yo Hiah para manahimik at magtino ka lang? Ilang beses bang mga tao ang gusto mong mawala sa buhay mo para lang patahimikin ang buhay ko ang buhay mo? Ilang beses?" Natatawa niyang saad kaya mas lalo kong hinigpitan ang pagkakahawak sa kwelyo niya.
Dahil sa sobrang galit ko sa kaniya ay hindi ko na namalayang may tumutulo na pa lang luha sa mga mata ko. Pilit kong binuka ang bibig ko kahit nanginginig ito.
"Dadating ang araw na ikaw naman ang magmamakaawa sa akin. Dadating ang araw na malalaman ng lahat kung ano ang totoo mong kulay. Dadating ang araw kung sino ka nga ba Dior Montenegro."
Bawat salitang sinasambit ko ay mga diin para ramdam niyang totoo ang sinasabi ko. Dahil doon ay naramdaman ko na lamang na dumapo ang kamay niya sa pisngi ko. Napabaling ako sa kaliwa dahil sa sampal na ginawa niya.
Pinunasan ko ang dugong tumulo dahil pumutok ang labi ko sa lakas ng pagkakasampal niya. Susugod na sana ako nang tutukan niya ako ng baril. Sa puntong 'yon ay malakas na bumukas ang pinto at narinig ko ang mapanganib na boses ni Logan. Naramdaman ko lamang na niyakap niya ako at tinago sa likuran niya.
"Bakit ka na'ndito? Anong ginawa mo kay Hiah? Balak mo bang patayin?" Galit na tanong ni Logan kaya tumawa ang taong kaharap namin ngayon at muling bumalik sa pagkakaupo.
Gusto ko siyang sugurin at iparamdam sa kaniya kung gaano ako kagalit sa isang taong katulad niya. Pero bigla itong pinutol ni Logan na ngayon ay todo ang pagprotekta sa akin.
"Nagbibiruan lamang kami ng anak ko, Logan. Masiyado ka namang seryoso." Pagsisinungaling niya kaya nagsalita na ako dahil 'di na ako nakatiis.
"Gago ka talaga! Anong naglalaro, pinagbantaan mo at huwag mo akong gaguhin dahil mas gago ako sa'yo, Dior Montenegro," nanggagalaiti kong saad kaya tumawa nang malakas si Dior.
"Umalis ka na muna. Magpalamig muna kayo ng ulo ni Hiah. Mag-usap na lang kayo ng mahinahon para sa susunod ay maayos na, hindi 'yung ganito."
Tumayo siya at nakangiting naglakad palabas, pero bago pa siya tuluyang umalis ay nagsambit siya ng salitang mas nagpainit sa ulo ko.
"Inaasahan ko kayong dalawa para bukas sa party ko bilang pagtakbo ko ng pagiging Mayor. Kailangan ay makita ko kayo doon, kasi kung hindi may magandang hindi mangyayari na hindi niyo magugustuhan."
'Yun ang huli niyang pagbabanta at tuluyan na siyang nawala sa paningin naming dalawa ni Logan. Malakas akong kumawala sa pagkakahawak niya at marahas na umupo sa sofa.
"Sisiguraduhin kong makakabawi ako diyan kay Dior Montenegro. Sisiguraduhin ko na dadating ang araw na siya naman ang magmamakaawa sa akin," mahina ngunit mariin na saad ko kaya tumabi sa akin si Logan na humawak sa kamay ko.
"Pinagbantaan ka ba niya? Hiah, tumingin ka sa akin, magsabi ka ng totoo. Pinagbantaan ka ba niya?" Seryosong pagtatanong niya kaya direkta akong tumingin sa mga mata niya.
Nakita ko pa ang pagkagulat sa mukha niya nang makita ang kalagayan ko. Nakita ko ang pagkataranta sa mukha niya nang maramdaman kong may tumulong dugo na naman papunta sa pisngi ko.
"Saan galing 'yang sugat mo sa pisngi at sa ulo mo? Ginawa ba 'yan ng Dior Montenegro na 'yon?" Galit niyang saad at dali-daling kumuha ng medical kit.
Habang ginagamot niya ang sugat sa pisngi at ulo ko ay bigla na lamang akong nagsalita. "Pupunta pa ba tayo sa party ng matandang 'yon?"
Kaya nang matapos na siya sa ginagawa niya ay niligpit niya muna ang mga bulak at alcohol bago sumagot sa'kin. "Oo, kailangan nating pumunta. Bakit? Natatakot ka ba na baka may gawin siyang hindi maganda?"
Kaya umiling ako at napangiwi nang makaramdam ko ang sakit sa sugat sa ulo ko. Nakita ko pa ang matinding pag-aalala sa mata ni Hiah kaya pabiro ko siyang kinurot sa pisngi.
"'Wag kang mag-alala, malayo ito sa bituka. Bukas ay galing na'tong sugat ko."
"Tsk, sa susunod kasi isipin mo muna kung anong mangyayari sa'yo sa oras na makipaglaban ka. Paano kung matindi pala ang nangyari sa'yo, malamang mag-aalala talaga ako, at saka..." tumigil siya at hinawakan ang kamay ko.
"Ayokong mawala ka ulit sa'kin, Hiah. Ayoko na ulit."
Dahil sa sinabi niyang 'yon ay hindi ko napigilang murahin at suntukin siya sa braso. Hindi ko mapigilang manindig ang balahibo ko sa pinagsasabi niya.
"Tigil-tigilan mo nga ako sa ganiyang salita mo, Logan! Kinikilabutan ako sa'yo!"
Kaya tumawa siya nang pagkalakas-lakas at inakbayan ako. Kaya pilit ko siyang tinutulak palayo pero 'di ko magawa dahil sa bigat niyang tao.
"Basta pupunta tayo sa party ng matandang 'yon at sisiguraduhin kong magiging sulit at maganda ang mangyayari bukas," nakangising saad ni Devron kaya mas lalo pa akong kinilabutan.

Bình Luận Sách (161)

  • avatar
    Viojan Eva

    🥰❤️💕

    8d

      0
  • avatar
    BudayKaeden Clyde

    otoke otoke

    8d

      0
  • avatar
    Sheena

    nakakakilig na nakakaiyak ganda ng story

    19d

      0
  • Xem tất cả

Các chương liên quan

Chương mới nhất