logo text
Thêm vào thư viện
logo
logo-text

Tải xuống cuốn sách này trong ứng dụng

Kabanata 5

Hiah
"Tarantado ka! Sino ang nagturo sa'yo na magnakaw?" Galit kong saad habang siya naman ay umiiyak na sa harapan ko.
"Ate Hiah, 'wag mo po muna akong saktan. Napag-utusan lang po ako." Mahabang paliwanag niya kaya dahan-dahan kong binitawan ang braso niya at hinablot ang wallet ko.
"Huwag mo akong iyakan diyan. Sinong nag-utos sa'yo?!"
Hanggang ngayon ay mas lalong lumala ang galit ko. Anong pumasok sa isip nila at hindi ba nila alam na maaaring masira ng maaga ang kinabukasan ng mga batang katulad ni Buknoy.
"Sino sabing nag-utos sa'yo ng gan'tong bagay?!" Hindi ko na muli napigilan ang sarili kong sumigaw dahil sa galit na nararamdaman ko.
Pagharap ko ay nasa harapan ko na si Alistair na hinahapo at napansin kong nawala ang mga pinamili kong pagkain sa 7/11.
"Nasaan 'yung mga pagkaing binili ko? At saka bakit sumunod ka pa dito?" Malamig kong saad at tuloy-tuloy na lumabas sa eskinita. Ramdam ko ang panginginig ni Buknoy dahil sa higpit ng hawak ko dito.
"Buknoy isang tanong ko pa at hindi mo talaga sinagot. Malilintikan ka sa akin," pagbabanta ko at tumigil kami sa paglalakad.
Katabi ko na si Alistair na ngayon ay pinipigilan ako pero hindi ko siya pinansin. Matiim kong tiningnan si Buknoy na nagsasalita ngayon.
"Si Tatay po ang nag-utos sa akin na magnakaw po. Ang sa-" Hindi ko na agad pinatapos ang sinasabi ng bata at dali-daling tumalikod.
Narinig ko pang sumigaw ang dalawa kong kasama. Napangisi na lamang ako ng makita ko ang Tatay ni Buknoy na ngayon ay nagpapakasasa sa alak. Pagkalapit ko ay hinawakan ko siya sa balikat. Kaya natigil siya at ang ilan niyang kasamahan na nag-iinom at napatingin sa akin.
"Oh, Hiah. Napadaan ka yata dito. Ito alak, mukha yatang badtrip ka. Malay mo mabawasan ng alak na 'yan ang init ng ulo mo." Nakangiting saad niya sabay bigay sa'kin ng isang baso ng alak.
Saglit ko lamang itong tinapunan ng tingin at gigil na tiningnan siya. Nakita ko naman ang pagtatakha sa mukha dahil sa bigay na tingin ang ginagawa ko sa kaniya ngayon.
"Iba ang gusto kong tikman ngayon. Alam mo kung ano? Ito." Malamig kong saad at malakas siyang binigyan ng isang suntok.
Dahil sa ginawa ko ay natumba siya at nahulog ang iilang bote ng alak at baso. Nagsitayuan din ang mga kasamahan niya at lumayo sa amin. Ang ilang napapadaan naman ay napatigil at napasinghap sa nasaksihan. Ni isa sa kanila ay walang gustong umawat o tumulong man lamang.
Habang ako naman ay dali-dali siyang nilapitan at hinawakan sa t-shirt niya at pinatayo. Kitang-kita ko tuloy na may dugo ang labi niya dahil sa suntok na ginawa ko.
"Tarantado ka, ikaw pala ang nagturo sa anak mo na maging isang magnanakaw sa murang edad!"
"Biruin mo! Pitong taon pa lamang anak mo pero ibang gawain na ang tinuturo mo sa kaniya! Nag-iisip ka ba? O nagtata-tangahan?! Anong klaseng tatay ka!" Gigil kong sigaw habang hawak pa rin ang t-shirt niya.
Mas lalo nag-init ang ulo ko ng tumawa ito at ngumisi. Binigyan niya pa ako ng malangising demonyo bago sumagot, "Aba, walang kwentang bata na nga tapos 'di pa makakatulong sa akin! Edi sana, kung hindi rin siya makakatulong ay pinatay ko na 'yan!" Galit niyang sigaw at nagulat ako sa sunod niyang ginawa sa akin.
Hindi ko namalayang may hawak pala siya ng isang bote ng alak at malakas itong hinampas sa ulo ko. Kaya nabitawan ko siya sabay hawak sa ulo ko na ngayon ay may dugo dahil sa ginawa niya.
Narinig ko pa ang iyak ni Buknoy at ang sigaw ni Santino na ngayon ay kararating lamang. Hindi ko sila tinapunan ng tingin at mabilis na sumugod sa lalaking nakangisi ngayon sa harapan ko. Mas lalo niya lamang dinagdagan ang galit ko sa kaniya.
Dahil sa pagtawa niya ay agad ko siyang naitulak kaya sabay kaming bumulagta sa sahig na dalawa at ay sunod-sunod ko siyang pinaulanan ng suntok. Habang binibigyan ko siya ng suntok ay muling bumalik sa alala ko ang isang nakaraang pilit ko nang kinakalimutan.
"Papa, ayoko po ng pinapagawa niyo. Masama po 'yan at saka bata pa po ako," dahilan ko habang humahagulgol. Nakita ko namang nagdilim ang mukha ni Papa at marahas akong binalibag sa malamig na sahig.
Napakagat labi na lamang ako dahil sa hitsura ni Papa ngayon. Akala mo ay papatay siya ng tao ngayon dahil sa kaniyang narinig. Mas lalo akong humagulgol ng mariin niya akong hinawakan sa panga.
"Hiah, idadaan mo lang 'tong marijuana sa kapitbahay nating pulis. Kapag may ibang tao na nakakita sa'yo, idahilan mong halaman ito. Ganoon lang kasimpleng bata ka! Bakit hindi mo magawa ang pinag-uutos ko sa'yo, bobo ka ba, ha?!" Malakas niyang sigaw sa mukha ko sabay sampal sa akin ng malakas.
At doon ay mas lalo akong nanginig sa takot. Ayoko, ayokong sumunod sa kaniya. Sampung taon pa lamang ako pero bakit gan'tong trabaho na ang gusto niyang ipagawa sa akin.
Hindi ba alam ng Tatay ko na mapapahamak siya at makukulong dahil sa pagbebenta niya ng mga ipinagbabawal na gamot? Mas lalala ang mangyayari sa kaniya dahil tumatakbo pa naman siyang kapitan sa baranggay namin.
"Gagawin mo ba ang pinag-uutos ko sa'yo? Kasi kung hindi mo kaya may pagkakalagyan ka sa akin ngayon," pagbabanta niya.
Kaya kahit takot ba takot at nanginginig ay marahas naman akong umiling. Dahil do'n ay tuluyan ng naubos ang pasensya ni Papa at malakas na napamura sa harapan ko.
"Lintek na bata, walang kwenta!" Sabay sipa sa silya at muling dumekwatro sa harapan ko. Napatunganga na lamang ako sa isang bagay na hawak niya ngayon.
"Papa, ibaba niyo po 'yang baril na hawak mo po. Papa, pakiusap po. Huwag lamang po na pagbibigay ng marijuana ang iutos niyo po sa akin. Huwag lang po 'yun Papa. Nakikiusap po ako."
Nakaluhod ko nang pagmamakaawa pero tinawanan niya lamang ako at malamig na tumitig sa akin. Tila yata ay wala siyang pakialam kung ano ang gusto niyang gawin sa akin. Mas lalo pa akong nagmakaawa nang tutukan niya ako ng baril sa ulo at nakatitig sa akin na akala mo ay desidido nang wakasan ang buhay ko.
"Papa, nakikiusap po ako. Huwag po."
"Wala ka rin namang ambag sa buhay ko. Wala ka rin namang kuwenta, patayin na lang kaya kita? Mas maganda pa siguro 'yon, Hiah."
Napabalik ako sa kasalukuyan nang maramdaman kong umangat ako sa ere at may bumuhat sa akin at nilayo ako kay Lito na ngayon ay duguan ang mukha.
"Gago ka, gago ka. Idadamay mo pa ang bata sa kasamaan mo! Hindi ko alam kung anong klaseng ama ka, dapat 'di ka tinatawag na ama dahil mas masahol ka pa sa demonyo!"
Pagwawala ko habang yakap-yakap naman ako ni Santino na ngayon ay hinahaplos ang likod ko. Habang si Buknoy naman ay nakayakap sa akin at umiiyak na ng malakas.
"Tama na po. Mas sasaktan ka lang po ni Papa. Ayoko pa pong madamay pa po kayo sa akin," pagmamakaawa niya kaya napatingin naman ako sa kaniya.
"Buknoy, deserve ng Tatay mo 'yung mga suntok ko. Tatay siya, dapat siya ang nagta-trabaho ng maganda. Hindi 'yung ikaw pa na siyete anyos lamang pero ganoong bagay na ang pinapagawa sa'yo! Ano ba 'yang Tatay mo? Tanga?"
"Tama na, uuwi na tayo. Tingnan mo 'yang sugat sa ulo mo. Saka mo na kausapin ang Tatay ni Buknoy kapag kalma na kayong dalawa. Hindi 'yung ganito na mas paiiralin niyo pa ang init ng mga ulo ninyo at mapupunta sa hindi magandang bagay."
Mahinahong saad naman ni Alistair at tuluyan na kaming hinigit ni Buknoy papalayo sa lugar na 'yon. Habang papalayo kaming tatlo ay tinitingnan na naman ako ng mga taong nadadaanan ko.
"Tingnan mo 'tong batang 'to. Bente anyos na wala pa ring napapatunayan sa buhay. Kaya siguro iniwan ng pamilya."
"Oo nga. Ayan may sugat na naman. Ibig sabihin nakipag-away na naman 'yang bata na 'yan. Sabagay, araw-araw namang nagiging patapon ang buhay ng batang 'yan. Kaya 'di na talaga ako magugulat kung bakit talaga iniwan 'yan ng pamilya."
Kaya tumigil ako sa paglalakad at malamig na tumingin sa kanila. Dahan-dahan akong lumapit habang sila naman ay papalayo nang papalayo. Napangisi pa ako dahil sa ipinapakita nilang kilos sa akin.
Ang tatapang pag-usapan ang buhay ng iba pero kapag sila na ang pag-uusapan ay mga galit na galit pa. Mga pabiktima pa. Kaya siguro hindi umuunlad ang Pilipinas, dahil sa mga kagaya nila na hindi maganda ang pag-iisip sa kapwa.
"Tigilan niyo ako at sa oras na malaman ko ang sikreto niyong dalawa ay kayo ang isusunod ko. Ang mga ambag niyo lang naman dito sa lipunan natin ay mga walang kwenta niyong mga istorya." Nakangisi kong saad at tinalikuran sila.
Ang dalawa naman na sina Alistair at Buknoy na magkahawak pa ang kamay ay nakabukas pa ang mga bibig na tila ay gulat na gulat pa rin sa nasaksihan. Kaya napaasik na lamang ako at inaya na silang umuwi.
...
Malakas akong napamura dahil sa biglaang pagdiin ni Alistair sa sugat ko sa ulo. Matalim ko siyang tiningan bago magsalita, "Putcha! Dahan-dahan naman, ilipat ko kaya 'tong sugat ko sa'yo tapos diinan ko rin? Gusto mo? Willing ako para maramdaman mo rin ang sakit."
Kaya natawa siya at ibinaba ang kamay niyang may hawak na bulak na may alcohol. Tapos na rin niyang bendahan ang ulo ko kaya napasandal naman ako sa upuan at malakas na bumuntong hininga.
Napatingin naman ako kay Buknoy na ngayon ay malalim na ang tulog at bakas sa mukha ng bata ang kapaguran kaya napailing na lamang ako. Nakakaawang bata. Imbis na kaginghawaan ang ibinibigay sa kaniya ng Ama ay impyerno pala ang ibinigay dito.
"Bakit kanina, sobra ang galit mo sa Tatay ng bata?" Napabaling ako kay Alistair na ngayon ay nakatitig na sa akin at hinihintay ang sagot ko.
"Sinong hindi matutuwa kung maririnig mo sa isang magulang na walang kwenta ang anak nila at dapat ay mamatay na lang? Sino ang hindi matutuwa kung sa murang edad pa lamang ay kasamaan na ang itinuturo sa bata imbis na kabutihan." Tumigil ako saglit at mariing tumitig sa mga mata ni Santino na ngayon ay walang imik at taimtim na nakikinig.
"Sinong matutuwa sa isang magulang na ang itinuturo sa anak nila ay isang hindi magandang gawain sa lipunan?"
Dahil sa naging sunod-sunod kong mga tanong ay natulala lamang siya, habang ako naman ay nakadekwatro at hinihintay ang magiging tugon niya.
Nabasag na lamang ang katahimikang sa aming dalawa ng tumunog ang cellphone ni Santino na ngayon ay nakalapag sa lamesa ko. Nang makita namin kung sino ang tumatawag ay lihim akong napangisi.
Habang si Alistair naman ay dali-daling sinagot ang tawag ng Mama niya habang tinitingnan ang reaksyon ko. Kaya ang ginawa ko ay tinaasan lang siya ng kilay dahil hindi ako interesado sa pag-uusap nilang mag-Ina.
"Sige po, Ma. Pauwi na rin po ako. Opo, mag-iingat po ako. Sige po, Ma. Matulog na po kayo."
'Yun na lamang ang huli kong narinig bago niya pinatay ang tawag at napatingin sa akin. Kaya tumayo na ako sabay bukas ng pinto. Nilahad ko pa ang kamay ko na akala mo ay atat na atat akong paalisin siya.
"Pinapauwi ka na 'diba? Siya uwi na, galit na yata ang Mama mo. At saka salamat sa paggamot sa akin. Saka na lang ako babawi sa'yo," saad ko kaya wala na siyang naggawa at iiling-iling na lumabas.
Bago pa siya tuluyang umalis ay humarap muna siya sa akin at nagpaalam na. Kaya nang mawala na siya sa paningin ko ay tuluyan ko nang isinara ang pinto.
Pagkaupo ko ay saka ko lamang naramdaman ang matinding kirot sa sugat sa ulo ko. Kaya napasandal ako sa upuang kahoy at napahawak na lamang sa sugat ko.
Hindi pa nakakalipas ang limang minuto ay muli na namang may kumatok sa pinto. Kaya nakasimangot akong nagpunta dito at ihahanda ko na sana ang sarili ko dahil hindi pa pala nakakauwi si Santino.
Pero ng buksan ko ang pinto ay natulos na lamang ako sa kinatatayuan ko ng makita ko kung sino ang taong nasa harapan ko ngayon.
Si Dior Montenegro, ang Ama ko.

Bình Luận Sách (161)

  • avatar
    Viojan Eva

    🥰❤️💕

    8d

      0
  • avatar
    BudayKaeden Clyde

    otoke otoke

    8d

      0
  • avatar
    Sheena

    nakakakilig na nakakaiyak ganda ng story

    19d

      0
  • Xem tất cả

Các chương liên quan

Chương mới nhất