logo text
Thêm vào thư viện
logo
logo-text

Tải xuống cuốn sách này trong ứng dụng

Chapter 2: Dare?

Still Khashirra’s POV:
    Great job Khashirra!
 
Waaaaah! 'Kaka goosebumps!
Khash grabe ‘di namin in-expect yun HAHAHA
Isa kang hayop! Nakakagulat ka bhe ang hina-hina ng boses mo ‘pag nagsasalita ta’s woahh astig!
Ilan lang ‘yan sa naririnig ko tuwing nagpraparaktis kami, minsan natatawa na lang ako sa mga comment nila tungkol sa akin HAHAHA hanggang ngayon gulat parin pala sila. Well anyway ‘to nga nasa practice ako again kasi malapit na ‘yong contest.
  Nakakapagod lalo’t dalawa ang sinalihan ko, radio broadcasting english and speech choir pero keri lang I love what I’m doing so.. balewala ‘yong pagod, stress reliever ko na rin kumbaga kaya as long as kaya naman and pasok sa oras ko G lang ako lagi. Actually isa din ito sa paraan ko to cope up with the pain kase dito pakiramdam ko ‘di ako nag-iisa at dito mahal nila ako.
Nagkakatuwaan kami ng mga kasama ko sa speech choir kasi break namin then isang sabak uli tapos magproproceed akong radio broadcasting para sa next practice. Kain lang kami ng kain actually lumabas kami para bumili ng ice cream HAHAHA. Palihim ‘to promise bawal daw kase muna kami sa malamig at sweets kaso alam na medyo pasaway kami HAHAHA, ‘wag nga lang sanang mahuli ni coach kase for sure mapagalitan kami at ‘di papansinin non.
    Then after eating sa labas bumalik na kami ng school since 10 minutes na lang magsisimula na ulit kami, so habang naghihintay kanya-kanya kaming pwesto sa stage HAHAHA, ewan kung anong trip namin. Si kuya Cyie kawawa pinagtutulungan namin ngayon ni ate Vie kase siya naman nauna hinahampas niya kaming drum sticks, nananahimik kami tapos biglang manghahampas aba’y papansin kaya ayan takbo siya nang takbo ngayon HAHAHA. Hahabulin ko na sana ulit ‘yong damuh*ng iyon dahil sinabunutan niya ako, kaso natigil ako when someone kissed me on my cheeks actually muntik na sa lips kasi tumatakbo nga ako ‘di ba .
Nagulat ako do’n but then ‘di ko na pinansin at tinignan kase hinila ako bigla ni kuya Cyie para magpraktis na uli.. so ayun ‘di ko alam kung sinong pangahas ang nanghalik sa akin huhu.
  Vie ampanget mo, HAHAHA  sira*lo talaga ‘tong si kuya Cyie.. ‘di na nga pinapansin e, masapak sana HAHAHA.
“Khashhhhhh!!! Si Vie inaaway ako .. help!!!” huh dinadamay pa ako HAHAHA sinasabunutan siya ngayon kaya nagpatulong ‘di na maexplain mukha niya pramis naiiyak na galit, kaya naman palihim na lamang akong tumatawa dahil panigurado ‘pag nakita ako nito ako kawawa mamaya.
“Nyenyenye, Wala ko naririnig BWAHAHAHAAHHA kuya ampanget mo na mukha kang natatae na ewan”  sigaw ko pabalik habang hawak ang tiyan sa sobrang katatawa, epic mukha niya as in pati nga ibang mga kasama namin ‘di na napigilan ang paghalpak ng tawa kaya ayon mas lalong nalukot mukha niya at ang sama na ng tingin sa akin dahil hindi ko siya tinulungan like duh siya kaya nagsimula tapos ngayon papatulong siya sa akin like walang siyang ginawa sa akin kanina..
Nasa gano'ng mga posisyon kami nang dumating si coach kaya ayan nakatikim kami ng mala traffic na sermon sa sobrang haba HAHAHA. Kidding baka magalit na ‘to at ‘di kami i-dismissed kaya naman umayos na kami and then paulit-ulit na ginawa ‘yong routine hanggang sa matapos. Hanggang sa satisfied na kaming lahat sa result ng practice namin for today.
  Busy akong nagpupunas ng pawis sa tabi ng stairs sa stage when someone approach me kaso nagmamadali na ako kasi nga magprapraktis pa ako sa radio so iniwan ko na lang siya at ‘di na narinig ‘yong sinasabi niya. Hindi ko na nga nagawang lingunin para malaman kung sino ‘yon dahil kailangan ko na talagang magmadali para makarami pa kami ng salang sa practice since anong oras na rin.
“This is Khashirra Krish for DWQP news on the line...” pagtatapos ko kase field reporter ako na-assign ngayon . Yes, rotation kami every practice para mas sigurado at para masubukan din namin kung paano ang ibang task para if ever man na magkaaberya like kunwari nawalan ng boses ‘yong nakaasign for local news may hahalili sakanya.
Saglit lang ang naging practice namin ngayon kasi late na rin, its already 5 kasi so isang on air lang ginawa namin then ready to go na.
Naglalakad na ako palabas ng school campus nang tabihan ako bigla ng isang babae—oh its Khime pala kaya hinayaan ko na lang and then biglang nasa tabi ko na lang din sila Paul kasama iyong mga kaibigan niya. Tahimik lang akong naglalakad kasi ang awkward, bakit ba naman kasi ako biglang sinabayan ng mga ‘to hays. Ang hirap kaya maging tahimik kung bakit ba naman kasi biglang nawala sa tabi ko ‘yong mga kasama ko.
Habang busy ‘yong utak ko kakaisip kung bakit sila nasa tabi ko bigla akong nahinto nang may nagsalita bigla sa tabi ko. Kashocked HAHA!
“DARE! Ahmm.. it’s j-just a dare,” kinakabahang wika ni Paul habang nakayuko.
Huh? Pinagsasabi ng isang ‘to? Medyo ‘di ko gets ha pwede untog ulo sa pader? Jk pero ano raw?
Dare?
Alin ang dare?
Tinignan ko lang sila kase ‘di ko naman alam kung anong sinasabi niya.
I was startled by his next words kaya nabitin ‘yong pag angat ng paa ko papasok ng tricycle sana.
“The kiss a-ahmm Dare..” he said without looking at me then continue walking passed me.
What? Pakiulit nga please? Siya iyon? As in?
Dahil sa sinabi niya para tuloy akong tang* na nakatulala dito sa loob ng tricycle pauwi ng bahay...
Naglalakbay pa ang aking isipan nang biglaang magtanong si kuyang driver kaya naman nagulat ako sa biglaan nitong pagsasalita, ngayon ko lang din narealized na mag-isa na pala akong sakay ng tricycle ni hindi ko man lang namalayang nagsibabaan na pala iyong mga nakasabay ko. Seriously ni hindi ko man lamang naramdamang huminto itong sinasakyan ko at malapit na pala ako sa bahay.
“Mmm.. kuya diyan lang po sa tapat ng may nakahintong wave sa harap ng punong mangga po,” pagtuturo ko kay manong kung saan ako bababa, medyo nahirapan pa nga ako dahil lutang pa ako hanggang ngayon...
Pagkababa ko ay agad na akong dumeretso sa loob ng bahay dahil marami pa akong mga gagawin bukod sa assignments.
Habang nagluluto ay sinimulan ko na rin ang magligpit ng kalat para mas mapabilis ako sa gawain at para rin mas maraming oras ko mamaya para magawa ang mga school works ko and all..
    
—End of chapter 2: To be continued..

Bình Luận Sách (10)

  • avatar
    Marc Lui Ramil

    thankyou

    09/08

      0
  • avatar
    Cris Sha

    I really like it 😍😍😍😍😍😍😍😍😍😍😍😍😍😍😍😍😍😍😍😍😍😍😍😍😍😍😍😍😍😍😍😍😍😍😍❤️❤️❤️❤️❤️❤️❤️❤️❤️❤️❤️❤️❤️❤️❤️❤️❤️❤️💝💝💝💝💝💝💝💝💝💝💝💝💝❤️😍😍😍😍😍😍💗❤️❤️💗😍😍💗❤️❤️😍💗😍❤️❤️❤️💗😍😍❤️❤️💗💝💝💝💝💝💝💝💝💝💝💝💝💝💝💝💝💝💝💝💝💝💝❤️❤️❤️💝💝💝💝💝💝💝💝💝💝💝💝💝💝💝💝💝💝💝💝💝💝💝💝💝💝💝💝💝💝💝💝💝💝💝💝💝💝💝💝💝💝💝💝💝💝💝💝❤️❤️❤️❤️❤️❤️❤️❤️❤️❤️❤️❤️❤️❤️❤️❤️❤️❤️💗💗💗💗💗💗💗💗💗💗💗💗💗💗💗💗💗💗💗💗💗💗💗💗💗💗💗💗❤️❤️❤️❤️❤️❤️❤️❤️❤️❤️❤️❤️❤️❤️❤️❤️❤️❤️❤️❤️❤️❤️❤️❤️❤️❤️❤️❤️❤

    18/01

      0
  • avatar
    Jay Ar Butac

    sobra nakakaiyak

    13/01

      0
  • Xem tất cả

Các chương liên quan

Chương mới nhất