logo text
Thêm vào thư viện
logo
logo-text

Tải xuống cuốn sách này trong ứng dụng

Chapter Two

"Mildred, look out!" Mabilis akong napalingon sa dahil sa sigaw ni Aurea.
Saktong paglingon ko ay tumambad sa 'kin si Mr. Yamamoto na may hawak na baril. Bago ko pa makalabit ang gatilyo ng baril ko ay may bumaril na sa hita ni Mr. Yamamoto.
"What the fuck! Guys, stick to the plan!" sigaw ni Aurea.
Nauubos na ang pasensya ko.
"Mildred, saan ka pupunta?!" tanong ni Millicent dahil nagsimula na akong maglakad papunta kay Mr. Yamamoto.
Pagkalapit ko sa kaniya ay agad ko siyang pinatayo at pinukpok ng baril ang batok niya. Dahilan ng pagkahimatay niya. Gigising din naman 'to mamaya baka isipin ulit niyang tumakas.
"Pinatulog ko lang," sagot ko.
"Last one," sabi ni Margaux na nasa gilid ko.
Ngunit nagulat ako ng sa 'kin niya itutok ang baril niya.
"What the f-" bago ko pa matapos ang sasabihin ko ay agad niyang kinalabit ang gatilyo. Hindi sa 'kin tumama 'yon kundi sa lalaking nasa likod ko.
"Do you really think that I can shoot you?" tanong nito sa 'kin kaya napalunok ako. Malay ko ba!
"Because, you look like a criminal that will shoot anyone in just a blink of an eye," sagot ni Millicent sa tanong ni Margaux na dapat ako ang sasagot.
"All of us are criminal," sabi niya.
"Yeah, pero mas mukha ka nga lang masamang tao," sagot naman ulit ni Millicent.
Margaux and Millicent as usual.
Hindi talaga iyan sila matatapos. Si Aurea may tama ng baril tapos sila nagbabangayan pa.
Mabilis akong lumapit kay Aurea at inalalayan ito. Sa kabilang building pa ang punta namin. Mabuti nalang may elevator sa parking noon papuntang rooftop.
Akala ko ay hindi pa sumunod ang dalawa ngunit paglingon ko ay nasa likuran ko na sila at inaalalayan nila si Mr. Yamamoto.
Ang utos sa 'min kunin lang ng buhay.
Pagdating namin sa helicopter ni Millicent ay agad akong pumasok kasama si Aurea. Kailangan niyang magamot agad.
"Hold tight, here we go."
Unti unti na kaming umaangat. Hawak ko si Aurea at hawak ni Margaux si Mr. Yamamoto.
Mabilis ang lakad namin nang makarating kami sa mansyon ni Aleli. Pagpasok namin sa loob ay andoon pa rin si Boss D kasama ang mga bata.
"Oh! Anong nangyari diyan?" tanong agad nito. Agad namang tinulak ni Margaux si Mr. Yamamoto papunta kay Boss D.
"He's all yours, our mission is done. Fuck! He's so heavy," reklamo nito.
Tapos na ang misyon at ang misyon ay hulihin si Mr. Yamamoto ng buhay. Buhay pa naman 'yon wala lang malay. Kapag nahuli na namin siya at nadala na rito ay wala na kaming pakealam kung anong gagawin sa kaniya ni Aleli.
Si Boss D ang bahalang gumamot sa kaniya o kaya huwag na nilang gamutin, papatayin din naman iyon ni Aleli sa basement. Lahat ng nahuhuli namin ng buhay ay dinadala ni Aleli sa basement.
"I'll go first," sabi ni Millicent ata agad naunang naglakad papunta sa mini clinic ng mansyon na ito.
Millicent is a doctor kaya alam niya kung anong gagawin niya. Lahat naman kami naka-graduate.
Pagpasok namin ay agad kong pinahiga sa kama na andoon si Aurea. Tumulong naman si Margaux sa pag alalay sa kaniya upang makahiga.
"Damn! There's no alcohol! Nalimutan na naman ni Boss D na kailangan natin ng supplies," pagmamaktol ni Millicent.
Anong gagawin namin? Wala akong alam sa ganito, hindi naman ako doktor.
Tumingin naman ako kay Margaux at nagkibit balikat lang din. Hindi niya rin ito alam, kung computer siguro ang may sira baka kanina niya pa naayos.
"We have no choice. Mildred, get some gin," utos nito.
Ano raw? Gin? Bakit gin? Iinom siya ng alak?
Hindi na lang ako nagtanong at mabilis na tumakbo papunta sa kabilang kwarto na puno ng alak. Kumuha ako ng isang bote ng gin.
Paglabas ko ay nakita ko si Margaux na papasok na rin sa kwarto kung saan andoon si Aurea at Millicent.
"Eto oh," abot ko sa kaniya ng gin na agad naman niyang binuksan.
"Here's the lighter," bigay naman ni Margaux ng lighter kay Millicent. 'Yon ata ang kinuha niya kanina sa baba.
Wala ng malay si Aurea pero humihinga pa rin naman ito.
"Mildred, remove the handkerchief in your wrist and give it to me." Mabilis ko namang tinanggal iyon at ibinigay sa kaniya.
Tinali niya iyon sa bibig ni Aurea. Ano bang gagawin niya?
"I have no choice. I have to do this bago pa siya mawalan ng napakaraming dugo." Hinanda niya na ang mga gagamitin niya. Ang gin, lighter, at ang panyo ko. Nasa tabi nito ang bandage, bulak, at iba pang mga kagamitan.
Anong gagawin niya? Anong balak niyang gawin?
"What the fuck are you talking about? We're talking about Aurea's life here! Not because you're a doctor, e gagawin mo na ang gusto mong gawin! I'm not a doctor but I don't think na tama ang ginagawa mo! You're risking Aurea's life!"
Tama si Margaux. Baka mamaya ito pa ang maging dahilan kung bakit malalagay sa panganib ang buhay ni Aurea.
Nakokonsyensya ako dahil kasalanan ko kung bakit siya nabaril. Sana ako nalang ang nabaril kasi kayang kaya ko naman ang sakit. Sana na ako roon.
"Can you please shut the fuck up?! Margaux, what do you want me to do? Dalhin siya sa ospital? We both know we shouldn't. Kaya itikom mo 'yang lintik na bibig mo dahil hindi ka doktor. Tumahimik ka dahil ako ang doctor dito! Sa ating dalawa mas may alam ako ngayon!"
'Yong pawis naming lahat ay kanina pa pumapatak. Walang nag abalang punasan iyon.
Hindi na umimik si Margaux at nagpatuloy naman si Millicent sa ginagawa niya. Kahit ako ay kinakabahan, paano kung hindi ito umubra. Pero doctor siya, kaya niya 'yan. Kakayanin!
Sinimulan niya nang punitin ang damit sa parte na may tama ng bala ng baril.
Bago siya magsimula ay kumuha siya ng sigarilyo sa bulsa ni Aurea at nilagay ito sa bibig niya.
Sunod ay binuhusan niya ng gin ang sugat ni Aurea dahilan upang mapasigaw ito sa sakit. Tinatanggal niya ang sigarilyo upang makagat ang labi niya at binabalik din pagkatapos. Kinakagat niya na ang labi niya dahil siguro sa sobrang sakit. Napapangiwi nalang sa tuwing sumisigaw si Aurea.
Sigarilyo ang nagiging kuhaan niya ng lakas.
Pagkatapos niyang buhusan ito ng gin ay nagsimula na siyang gawin ang dapat niyang gawin na hindi ko naman alam kasi hindi ako doctor.
Dahan dahan niyang tinanggal ang bala. Napapangiwi na lang si Aurea sa sakit. Potangina! Masakit 'yon.
"Arrghhh!!! What the fuck, Millicent!"
Halos hindi ako makatingin kay Aurea dahil halata sa kaniyang mukha ang sakit.
Pagkakatapos ay binuhusan niya ulit ito ng gin at nilinis ng bulak.
Halos pigilan ko na ang hininga ko. Kinuha niya na rin ang panyo, binasa ng tubig at nilagay sa noo ni Aurea. Si Aurea naman ay nawalan ulit ng malay. Ikaw ba naman buhusan ng gin ang sugat mapapagod ka talaga.
"She's fine, she needs to rest." Nakahinga ako ng maluwag dahil sa sinabi ni Millicent. Mabuti naman. Kinabahan ako!
Tumingin naman siya kay Margaux na halos hindi rin makapaniwala sa nakita. Tinapik niya ang balikat nito.
"She'll be fine, don't worry," sabi nito at tuluyang lumabas ng kwarto.
"Shit! I almost died because of what I saw."
Napangiti na lang ako sa sinabi ni Margaux. Kahit ako rin naman hindi ko alam kung anong gagawin ko habang nakatingin kay Millicent na ginagamot si Aurea sa ganoong paraan.
Kailangan ko ng fried chicken ngayon!
Pagdating ko roon ay naabutan ko si Millicent na kumakain. Nagutom din siguro. Nagsandok na rin ako ng pagkain ko at umupo sa katapat na pwesto ni Millicent.
Walang umiimik sa 'min at naka-focus lang ang atensyon sa pagkaing nasa harapan. Fried chicken!
"Are you alright?" tanong nito habang nasa kalagitnaan kami ng pagkain.
To be honest...
I'm not okay pero may magagawa ba sila kapag sinabi kong hindi ako okay? May magbabago ba? Wala pa rin naman.
"Yeah, ayos lang ako," sagot ko at nagpatuloy sa pagkain.
'Yan lagi ang sagot ko sa tuwing may nagtatanong kung ayos lang ba ako.
No one noticed the difference in my voice tone because of the sadness I had, or the blackness that gathers under my eyes from lack of sleep. No one understood that when I say that everything is always fine, I hide something else inside me. Most of the time, I avoid other things that cause me to remember the pain that I've been through. Because of such things and their weight on my heart.
Kahit anong pilit kong kalimutan ang lahat ay hindi ko magawa. Kasi paano ko makakalimutan kung 'yun ang dahilan kung bakit ako lumalaban.
Naalala ko pa 'yong sinabi sa 'kin ni Boss D.
"If you want to move forward, you must make the decision to let go of the past," sabi niya sa 'kin habang nasa labas kami at kaharap ang pool.
Naliligo roon ang mga bagong pasok na mga babae. Millicent, Margaux, at Aurea. 'Yon ang mga pangalan nila. Pinakilala sila sa 'kin ni Boss D dahil sila raw ang magiging kasama ko simula ngayon.
"Gusto kong mag move forward pero hindi ko gustong i-let go ang past dahil 'yon ang dahilan kung bakit ako andito ngayon. 'Yon ang dahilan sa patuloy kong paglaban. Kung ile-let go ko ang past parang kinalimutan ko na rin ang dahilan kung bakit ako andito," sagot ko naman habang nakatingin pa rin sa tatlong babaeng nasa harapan ko.
"I won't meddle with your decisions but choose and decide wisely, Mildred. You're not the same Michaela anymore."
Umiling ako.
Ako pa rin si Michaela, ang Michaela na pinalaki ng mga magulang ko. Maaaring para sa kanila wala na iyon ngunit para sa 'kin ay andito pa at pilit ko lang itinatago.
Pero isang bagay ang sigurado ako. Sigurado ako na si Michaela man ako o hindi na, lahat ng desisyon ay pag iisipan kong mabuti.
At...
Sinisigurado ko na kung sino man ang pumatay sa mama ko ay magbabayad dahil sa ginawa niya.
"Umiiyak ka?" nagulat ako sa tanong ni Millicent kaya mabilis kong kinapa ang pisngi ko at basa nga ito. Napaiwas ako ng tingin. Shit! Nakita niya!
"It's not bad to cry, I won't watch." Napangiti ako sa sinabi niya.
Hindi lang talaga ako sanay na may nakakakita sa 'kin na umiiyak. Lagi akong umiiyak sa tuwing mag isa ako lalo na tuwing gabi.
Lagi akong umiiyak bago matulog, madalas nakatulala. Lagi kong naaalala 'yung mga sad memories na dapat limot ko na, bad decisions at mga bagay na hindi ko naman dapat ginawa, lagi kong naiisip na worthless, trash, and a piece of shit lang ako. Nakakaiyak lang isipin na bago ako makatulog, malulungkot muna ako ng sobra to the point na nakakatulog ako nang umiiyak kakaisip sa mga bagay bagay na nangyari at pinagdaanan ko.
Simula noon hindi ko na kino-consider na pahinga ang bawat gabi ko.
Every night of my life is no longer for sleeping. Every night I had is for heartache and tears.
"Napuwing lang, hindi ako umiiyak," sagot ko at nilagay sa lababo ang pinagkainan ko. Hinugasan ko ito at binalik sa lalagyan.
"Okay, sabi mo, e."
Kaniya kaniyang hugas kami kapag hindi magkakasabay kumain ngunit kapag magkakasabay naman ay nagja-jack em poy kaming 5, kasama si Boss D. Childish no? Si Boss D din naman nakaisip ng ideya na 'yon.
"Salamat..." mahinang banggit ko pagbalik ko ulit sa inuupuan ko. Mahina lang iyon ngunit alam kong narinig niya dahil nag angat siya ng tingin sa 'kin.
"Don't thank me, I just did what I need to do."
Alam ko naman iyon ngunit alam kong pinrotektahan nila ako kanina. Kahit si Aurea na sinalo ang bala para sa 'kin. Si Margaux na ginawa rin ang lahat upang hindi ako masaktan. Si Millicent na hindi inalis ang paningin sa mga kalaban na handa na akong barilin. Ang sarap lang sa feeling na may nagpo-protekta sa 'yo. Kung ang kapalit ng pagiging frontliner sa bawat laban ay ang pagpoprotekta nila ay papayag ako na laging nasa frontline.
"What is this? A meeting?" Pareho kaming napalingon ni Millicent sa papalapit na si Margaux. Dumeretso ito sa fridge at kumuha ng dalawang beer na nasa can. Binigay niya iyon sa amin at umupo na rin siya sa gilid ni Millicent.
"Kakatapos lang namin kumain," sabi ko.
"That's fine, we have a doctor here. She can burn your kidney with the help of gin," natawa naman si Millicent sa sinabi niya.
May time na hindi kami - I mean sila, may time na hindi sila magkasundo ngunit hindi naman umaabot sa punto na nagkakasamaan sila ng loob. Siguro, oo, nagkakasamaan ng loob ngunit hindi 'yon tumatagal.
"Cheers to our kidney that will be burn by Millicent's gin!" sabay taas ni Margaux ng beer niya.

Bình Luận Sách (24)

  • avatar
    Montaner Jr Roger

    🤭🤭

    24/07

      0
  • avatar
    Jamyca Pagaduan

    jkk😏

    04/07

      0
  • avatar
    Heart Abaja

    this is so wild

    03/07

      0
  • Xem tất cả

Các chương liên quan

Chương mới nhất