logo text
Thêm vào thư viện
logo
logo-text

Tải xuống cuốn sách này trong ứng dụng

The continuation of chapter three....

****
Napatingala ako sa abandonadong building, nasa 3rd floor, Walang sinabi sa amin si Tyler kanina kundi ang sumunod sa kanya dadalhin niya raw kami sa susunod na gawain. kinakabahan ako dahil hindi ko naman alam kung ano ang ipapagawa niya samin.
"We're here, Team 10 just finished here so there are a lot of scattered arrows." Napatingin ako sa isang kasamahan ni Tyler, bale nasa lima ang kasamahan ni Tyler dahil sila ang nag dadala ng gagamitin naming armas.
"Everyone that I will call by name take a bow and three arrows, then go to the first floor of this building and hit the wooden statue." Walang kagana-ganang sabi ni Tyler habang nakaturo sa kahoy na sinasabi niya, nasa sampo iyon na pare-parehas ang pagkakagawa, ang dibdib at ulo ng Statwang kahoy na to ay may kulay pula na pabilog at maliit lang iyon mukhang iyon ang tamang tatargetin namin.
May lumapit sa'kin na isang lalaki. "This is the instruction, just look and read." Sabi nito at binigay sa'kin ang napakaraming kopyang papel.
Ano ba to! Bat sa'kin pa binigay. Kumuha lang ako ng isa tsaka ko binigay sa katabi ang mga papel.
Tinignan ko ang papel na kinuha ko tsaka ko binasa ang nakasulat. Bale isang palaso bawat palapag, tama ako, ang pula ang magiging target namin.
Unang palapag, pag natamaan yung pula mag 30 points ka, pero kung hindi mo natamaan yung pula may 20 points ka, pero kung hindi talaga natamaan ang statue may 10 points ka parin. Sa ikalawa at ikatatlong palapag ay maiiba ang points pag natamaan ang pula, pero ganun parin ang magiging points mo kung hindi naman natamaan yung pula o yung statwa.
"You understand what is written there?" Tanong ni Tyler.
Sabay sabay kaming tumango, tinignan ni Tyler ang kanyang clipboard at bigay na ng pangalan, nasa sampu ang pangalan nabunangit niya. Ang mga binangit niyang pangalan ay pumunta sa unang palapag na katulad. Kami namang hindi natawag ay pumunta sa isang tabi, ngunit si Tyler ay pumunta sa pinakaginta ng mga target at may hawak na pulang flag itinaas niya iyon hudyat na maghanda sa pagpana.
'Hindi kaya siya matamaan sa pwesto niya?'
Mabilis na ibinaba ni Tyler ang hawak niya at sabay sabay nag pakawala ng palaso ang mga sampung taong natawag. Namangha naman ako na lahat sila ay nakatama sa kahoy ngunit nasa tatlo lang ang nakatama sa kulay pula.
Sabay sabay silang pumunta sa ikalawang palapag at don ay mas dumami ang nakapuntirya sa pula pagkatapos sa ikalawang palapag ay sa itatlo naman.
Nakakatuwa na nakakaba ang nararamdaman ko ngayon, hindi pa kasi ako nakakasubok ng pana dahil hindi naman na ginagamit yun. Nagtataka nga ako kung bakit kasali ang pag pana sa kailangan naming matutunan. Para sakin mas mahalagang pag tuunan na lang ng pansin ang kadalasang nagagamit katulad ng baril. Lagi siyang nagagamit kahit nga magaling si Mama sa samurai kadalasan niyang ginagamit ay ang baril kaya nga ako na trouma sa baril e.
Sabay sabay kaming tumayo nila Zhonya, Estella, James, at Sheila ng matawag ang pangalan namin. Kahit hindi ko pa nahahawakan ang pana alam ko na ang magiging points ko.
30 points ang makukuha ko dito, sigurado.
. . .
Wews! Hindi man lang nadaplisan yung target. Puro kapos!
Kahit anong pilit ko, mahina talaga ako sa malayuang target.
"Zhonya 70 poins, Estella 80 points, James 60 points, Sheila 100 points, Xyline 30 points." Bigkas ni Tyler sa mga points namin.
I new it!
"Wow, 100 points ka Sheila!" Namamanghang sabi ni Zhonya.
"Ah yun ba, wala yun... Madali lang naman gamitin yung pana." Nahihiyang saad ni Sheila.
"Parang Hindi naman." Mahinang bulong ko.
"Simula pag kabata kasi tinuruan ako ni Jian gumamit ng pana para mang huli ng usa."
"Huh? Usa?" Takang tanong ni Zhonya.
"Oo, basta mahabang kwento. Sinabi ko lang yun para alam ninyo kung bakit marunong ako gumamit ng pana."
Nanliit ang mga mata ko dahil sa sinabi niya. Bakit kailangan niyang manghuli ng usa, para kainin? Gusto ko sana itanong sa kanya ang mga tanong sa isip ko pero iniba na ni James ang usapan kaya wala akong choice kundi ang sakyan ang pinag uusapan.
Ilang minuto ang lumipas ay natapos na ang pinakahuling sampung nag test sa pana, ng banggitin na ang mga points nila ay tsaka naman kami pinatayo ni Tyler dahil pupunta na raw kami sa susunod na gawain. Katulad kanina wala syang sinabi kung anong sunod naming gagawin kaya ngayon ay medyo kinakabahan na ako dahil baka mamaya wala pala akong alam sa ipapagawang gawain samin.
Kahit naman na sanay na ako sa panganib ng kamatayan ay ayoko paring mamatay, hindi ko panga nararamdaman ang peace life. Gusto kong mamatay dahil sa katandaan ko at hindi dahil sa nasaksak ako, nabaril, o nalason.
Napatingala ako ng makita ko ang isang building, pumunta kami don at sa pinakaunang room ay binuksan nang isang kasamahan ni Tyler ang pinto, ng mabuksan yun ay diretasong pumunta don si Tyler. Pumunta din kami don, pag pasok namin ay isang upuan lang ang nakita kong gamit, napansin ko rin na merong isang pinto at nakasarado iyon.
"Here in this room we will finish the three tasks, sit at the end and line up properly." Ani ni Tyler na sinunod naman namin. Katabi ko si Zhonya at Estella, si Zhonga ang nasa kanan habang nasa kaliwa si Estella at kasunod nya ay si Sheila at ang huli ay si James.
Pumunta ang limang kasamahan ni Tyler sa nag iisang pinto ng room na to. Habang si Tyler naman ay kinuha ang nag iisang upuan at nilagay sa gitna.
Nang bumalik ang mga kasamahan niya ay may dala na itong kunag na ikinataka ko, may nilagay din silang kahoy na mag sisilbing target namin.
Kumuha ng kunai si Tyler at tinignan ang talim nito. "The kunai isn't used like that anymore, but it's still useful so he was included in the list." Ani ni Tyler.
Hindi na nagpaligoy ligoy pa si Tyler pinasimulan niya na agad ang gagawin. Parang kanina lang kailangan lang tamaan ang target at mag kakaroon ka na ng points pero katulad din kanina mababa lang ang nakuha kong points. Pero kahit ganun ay nagulat ako ng maka 100 points si Estella.
Nag kwento naman siya na maraming kunay sa bahay nila at ginagamit niya yun sa mga dagang pumupunta sa underground na kung saan nakatago lahat ng mga computer at laptop niya.
Ang sunod naman na pinagawa samin ay hindi ganun kapamilyar sa'kin, ngayon ko lang to na kita at ngayon ko lang din na laman na pwede pala to gamitin. May tali ito at sa dulo nito ay may napakatalim na bakal. Robedark ang tawag dito pero dancing blade ang sinabi ni Tyler.
Dito naman pwede ka agad umatras kung hindi mo talaga kaya dahil baka kasi ito ang ikamatay kung gagamitin pa. Pero si Zhonya ay nakakamangha na hindi manlang siya umatras, namangha ako ng mag simula ito at masasabi kong napakagaling siya. Hindi ko alam na kaya niya palang gawin yun.
"Actually, trip trip ko lang ang pag gamit ng Robedark noong bata ako. May napanood kasi ako nood tapos ayun, hindi ko na namalayan na marunong na ako gumamit." Nakangiting paliwanag ni Zhonya ng mag tanong si Sheila kung paano niya natutunan ang Robedark.
Habang nag uusap kami ay nanlaki ang mga mata ko ng maglabas ng dalawang samurai ang tauhan ni Tyler. Shit! May pag-asa pa ako!
Biglang tumayo si Tyler sa pagkakaupo niya, mula nang pumasok kami dito ngayon na lang ulit siya tumayo.
"Unlike the others, the samurai is often used and it's also the assassin's weapon so it's also been put on the list to train." Paninula ni Tyler. "Now I'm the one you can trust in using the samurai, wounds will dictate whether you pass or not, if you injure me for any minute you get 100 points, if the fight reaches 10 minutes and I injure you 90 points, in 5 minutes 60 points and if the match does not reach the minute, 30 points will be obtained." Seryosong sabi ni Tyler.
Nag taas ako ng kamay dahilan para tumingin sa'kin si Tyler at ang mga kasamahan ko, nag taas ng kilay si Tyler. "Hindi kaya lugi ka?" Nag aalalang tanong ko. Paano kung maraming makasugat sa kanya.
Natawa ito dahil sa sinabi ko. "Don't underestimate me, Ms. Villanueva. I wouldn't have been second rank if I didn't know how to use a samurai."
"Uhm... Okay." Tama naman, bakit ba ako nag aalala.
Inibigay ni Tyler ang clipboard sa isang tauhan niya tsaka pumunta sa gitna. Nag salita ang mag hawak ng clipboard at tinawag ang isang pangalan ng isa naming kasamahan.
Ito na ang chance ko, may pag-asa pa ako.
****
Magkadikit ang mga palad ko habang nakatingin sa laban ni James at ni Tyler. Lima na lang kami ang lalaban pa, sa dami namin dito iilan lang ang nakalaban kay Tyler ngunit umabot lang sa limang minuto ang laban natalo na sila pero ngayon si James ay umabot na ng 10 minutes ngunit hindi niya parin na susugatan si Tyler.
Hindi ko inaasahan na marunong si James gumamit ng samurai, at sana naman matalo niya si Tyler.
Mag kalayo na ang dalawa ay lumipas ang ilang sigundo, unang sumugod si James na agad namang nasalag ni Tyler gamit ang hawak na samurai. Pero biglang nanlaki ang mga mata ko dahil sa bilis na nangyari ay parang imposible ang ginawang pag-ikot ng samurai ni Tyler dahilan para mabitawan ang hawak ni James, nag simula na ring may tumagas na dugo sa kanyang kamay dahilan para ikatayo ko.
What the!
"Out! Next." Malakas na sigaw ni Tyler
Dumadaing na nag lakad si James palapit samin habang hawak ang kamay na nasugatan. " James, Okay kalang ba? " Kinakabahang saad ko. Tumango naman siya at ngumiti.
"Yes okay lang, ikaw na ang sunod. Baka mainis na naman si Pogi." Mahinang saad nito habang natatawa.
Nasugatan na nga tumatawa pa.
"Don't worry, ipaghihiganti kita." Malakas na loob na sabi ko at kinuha ang samurai sa pwesto ko kanina. Ngumiti nalang si James at tumango.
Hindi ko maintindihan ang sarili ko, o kung ano ang nararamdaman ko ngayon. Natutuwa at nae excite ako, pero may kaunting takot din. Simula ng matapos ang birthday ko nung February, araw araw na akong binababad ng master ko sa paggamit ng samurai at ito talaga ang kinahihiligan ko. Pero hindi ko na napapansin na unti-unti na pala akong na aadik at iniisip na hindi sugat ang mag didikta para matalo ang kalaban kundi ang kamatayan.
Nung araw na yun nakakulong lang ako sa isang silid at ilang buwan na hindi pinalabas, dahil na rin siguro sa sunod sunod na training at saglitang na pag tulog at pag kain ay kung ano ano ng naiisip ko at kamuntikan ko ng mapatay ang master ko.
Dahilan tuloy para ihinto na ang pag ttraining ko, at simula rin nun hindi na ako pinahawak ng samurai at hindi ko na rin nakita si Master Kaijin. Pero na aalala ko parin ang itsura niya noon kung paano siya sumugod sa'kin. Oo tama, gusto niya rin akong patayin. Tinuturuan niya ako pero may pagtatangka sa kilos niya.
Lumakad ako palapit kay Tyler at bored naman siyang tumingin sa'kin na sinamahan niya ng bahagyang pagtaas ng kilay.
Inayos ko ang tayo ko at tinitigan siya sa mga mata. Yuyuko sana ako--dahil ayun ang nakasanayan ko na kapagmagsisimula ang training ay yuyuko dapat muna bilang paggalang-- pero hindi pa ako nakakayuko ng bigla niya galawin ang hawak niya palapit sa'kin. Pero mabilis ko itong pinigilan gamit ang katana ko, dahilan para tumunog na ng malakas ang mga katana namin.
"Hindi mo ako master para yukuan." Bulong nito habang magkadikit parin ang mga samurai namin.
Hindi ako komportable sa ayos namin dahil masyadong malakas ang depensa niya kaya sinipa ko ito para lumayo siya sa'kin. Natagumpayan ko naman na mapalayo siya.
Nag smirk ako. "Ah, sabagay, nasanay lang." Sabi ko habang nakatingin sa kanya at tsaka tumakbo palapit sa kanya.
Pinagpagan niya ang damit niya na sinipa ko."Sinipa mo ko? Kung ganun gusto mo ng totoong laban."
Siya na ang umaatras habang ginagamit na pangsalag ang katana nito. Hindi pa ako na kontento sa pag atake ko kaya sinamahan ko ito ng sipa sa tuwing dumidikit siya sa'kin. Kaya ang sipa ang ginagawa ko para lumayo siya at sasabayan ko ng pag-atake.
Ramdam ko na seryoso na sya at hindi ko inaasahan ay bigla siyang sumugod pero sinabayan at tinapatan ko iyon. Bigla kaming nag katitigan at ng makita ko ang mata niya ay nakita ko sa kanya ang emahe ng muka ni Master Kaijin kung paano ko kamuntikan sya mapatay, gantong ganto ang eksena, init ng tensyon at pag kagalit sa mukha niya, nakikita ko rin ang lahat nangyon kay Tyler.
"HAAA!!" Malakas na sigaw ko. Nakita ko sa mata ni Tyler ang pagkabigla dahilan para umatras ito pero huli na para mailagan ang galaw ko.
Hinihingal akong nakatingin kay Tyler na napa-upo habang hawak hawak ang kaliwang pisngi niya. Bigla akong natauhan ng makita kong may dugong lumalabas doon.
Mabilis akong lumapit. "Pasensya na..." Pag hingi ko ng tawad habang papalapit sa kanya.
Pinilit niyang tumayo, pero hindi lang pala pisngi niya ang nasugatan ko nataan ko rin ang dibdib niya, dahil napansin ko na napunit ang suot niyang damit ay may dugo rin iyon. Hindi naman ganon kalalim ang pagkakasugat ko sa dibdib niya dahil parang nadaplisan lang.
Malapit na ako sa kanya ng mag salita ito. "Lumayo ka.." Mahinang ani nito pero na rinig ko.
"Huh?" Naguguluhan.
"SABI KO LUMAYO KA!" Malakas na sigaw nito dahilan para ma pa-atras ito.
"Mr. Mvers... " Biglang lumapit ang isang kasamahan ni Tyler, tinulungan niyang tumayo si Tyler pero tinulak lang nito siya at tsaka lumabas ng room mag isa.
Ako naman ay napabitaw sa hawak ko dahil sa takot at pagkabigla. "Wag kang mag alala, hindi ikaw ang dahilan kung bakit siya sumigaw."
Napatingin ako sa likuran ko dahil sa nag salita. "Anong ibig mong sabihin?"
Ngumiti siya. "Dahil lang yun sa mga BM, kaya wag mong isipin na nagalit siya sayo." Huling sinabi nito bago lumabas para sundan si Tyler.
BM? Anong BM?
*CLAP* *CLAP**CLAP**CLAP*
Bigla akong napatingin sa mga sunod sunod na palakpak at nakita ko na pumapalakpak ang mga kaibigan ko maya maya ay sumabay narin ang iilang mga kasamahan ko.
"Wow! Brabo! Ang galing!"
"Waah! Xyline! Hindi mo ko binigo sa galing mo!" Biglang sigaw ni Zhonya at patakbong lumapit sakin. Niyakap niya ako ng mahigpit at hindi naman ako makahinga sa klaseng pagyakap niya buti nalang at bumitaw rin ito.
"My god! Tinotoo mo nga sinabi na babawian mo siya." Hindi makapaniwalang saad ni James.
Ilang na napangiti ako, mukhang pati si Tyler ay may nakitang emahe sa ginawa ko, hindi pagkabigla ang nakita ko sa reaction niya kanina kundi ang pagkatakot. Ganundin naman ako nakita ko ang imahe ng master ko sa kanya, puno ng galit.
Hays... Nababaliw na ata ako, imposible naman na matakot siya sa'kin, wait! Hindi kaya sa BM? Ano ba yung BM? Nakita niya ba sa'kin ang BM..? .....BM?BM?BM? The hell...! Ano yung BM?
SOMEONE'S P.O.V.
NAKANGITI ako habang nakatingin sa kanya. Totoo ngang may dugo kang Jangra.
Inaasahan kong gagaling ka pa, Gyda.
Tumingin ako sa labas kung saan dumaan si Tyler. Bigla ulit akong napangiti ng makita ko ang inis nito kanina, kung alam mo lang kung sino ang nakatapat mo sure na magugulat ka.
Nasa lahi na yata ng mga Tan o ahh hindi nasa lahi pala ng mga Jangra ang husay gumamit ng samurai dahil walang mintis na galing ang ipinakita ni Gyda kanina. Sure na mapupunta siya sa Section ng mga BM. (Blood Moon) na hindi dapat mangyari.
3rd PERSON POV
WALA sa sariling napasuntok si Tyler abg pader ng hallway dahil ramdam niya parin ang panginginig ng kamay niya. Haha... Mag kaparehas kayo ng kilos at galaw,.. who the hell are you, Xyline?
Dahil na rin siguro sa madugong pakikipag laban niya sa mga BM ay nakakaramdam na sya ng takot sa nga taong magagaling gumamit ng katana.
XYLINE's P.O.V.
Pabagsak akong humiga sa kama at ramdam na ramdam ang bigat ng katawan ko napatingin ako sa kisame habang iniisip ang mga nangyari kanina.
Nang matapos na kami sa gawain kanina ay pinagtipon tipon ulit kami at sinabi na bukas malalaman kung anong magiging section namin. Sinabi rin ni Tyler na ang basehan ng magiging section namin ay kung saan kami mahusay sa paggamit ng mga armas at mukhang magiging kaklase ko si James dahil kaming dalawa lang ang nakapuntos ng mataas sa katana.
SOMEONE'S POINT OF VIEW
KAHARAP ko ang principal at seryoso itong nakatingin sakin. "Sa section HN1-E mo siya ilagay." Seryosong saad ko.
Ngumiti naman ang kaharap ko at umayos ng upo. "At bakit ko naman gagawin yun? Alam mo at nakita mo kung saan siya magaling."
Napangiwi ako. "Hindi ko sinasabi ito bilang eatudyante lang dito. Sinabi ko to bilang anak ng boss." Diing saad ko. "Siguro naman, alam mo ang mangyayari sa oras na hindi mo sundin ang gusto ko. Kahit na hindi malakas ang kapit ko kay dad, alam kong may kapangyarihan ako para utusan ka." Nakangiting saad ko.
Unti unti namang nawala ang mga ngiti nito. "How dare you! Little brat!" nakita ko rin ang pag yukom ng mga kamao niya. Peke itong ngumiti. "Okay fine, gagawin ko ang sinabi mo, pero sa isang kondisyon." Seryosong saad nito habang nakatingin sa'kin. "Sasabihin mo lahat ng nalalaman mo tungkol sa magulang mo." Nakangiting sabi niya. Seryoso ko naman siyang tinignan bago tumango at binigay ang salitang yes.
Maliit lang na bagay para sa'kin ang ibigay ang mga alam ko sa pamilya ko dahil mas mahalaga para sa'kin ay magawa ko ang pinaplano ko.
****
⚠︎

Bình Luận Sách (23)

  • avatar
    Liziel Sosas

    rjrhgetwtwr2t4j4jjrjdhgsgsgdhrtktmrkrkekwywgdjjddjopkyreafjjfjgkuluktjrhgewfwffwwrwtegtjjyk7okytjrhwfwtey4opotirhrheefsHAHAHAHAHAHAHAHAHAHAHAHAHAHAHAHAHAHAHAHAHAHAHHAHAHAAHAHAHAHAHAHAHAHAHAHAHAHHAAMBOTAHAHAHAHAHAHAHAWHWHWHWHWUWUIWJWWWAKOLASABOTHAHAHAHHAHAAHAHAHAHAHAHAHHAWHWHAHAHAHWHAHAHAHIAOEKRGFKOSJRBFJWOOWIRJSKWKEJRJNDKDOWKmbtiskibajajejowowojfjorififidwolwksdnbfhhreuwiwijhshahahaahahahahahahahhahahhaahhahahahahahauwiwiwowoakndjfjdiriewowru7d66fyfydhsjaqpwlskdjdjjdiS NICE STORY WOWWWWWWWWWWWWW

    04/07

      0
  • avatar
    Hanz Villanueva

    it's ah good game

    23/10

      0
  • avatar
    Hann-jeff De Fiesta

    ud pls😅

    02/09/2023

      0
  • Xem tất cả

Các chương liên quan

Chương mới nhất