logo
logo-text

Tải xuống cuốn sách này trong ứng dụng

Chapter Three

XYLINE'S P.O.V.
TAGAKTAK ang pawis ko sa ibat ibang parte ng katawan dahil sa walang tigil na pagtakbo namin paikot sa field. Nakailang ikot na rin kami ng mga ka-team ko at sukong suko na ang bawat isa samin dahil sa pagod at panghihina, gusto man naming huminto at magpahinga ay hindi namin magawa.
Kanina ng matapos ipakilala ng tagapag salita sa stage ang matataas na Estudyante ay staka naman ipinakilala ang magiging gabay namin sa team 2, ang sama lang dahil nasa team namin ang may kayabangan na lalaki, Si Tyler Sol Mvers. Panapat nya samin ang isang baril na hawak nya, nakakatakot dahil halatang hindi sya nag bibiro, kanina nga ay kamuntikan ng matamaan ang isa naming ka team. Natisod kasi ito pero sinubukan niya namang bumangon ang kaso hindi na kaya ng katawan niya kaya hinayaan niya na lang manatili nakadapa ang katawan niya para makapag pahinga saglit pero hindi pa siya nakakailang sigundo ay nagpaputok agad ng baril si Tyler naikinabigla ko Dahil din don ay nakaramdam ako ng takot, hindi dahil kay Tyler kundi sa tunog ng baril.
"Let's turn to the next thing to do!" Lahat kami ay napa tingin sa babaeng nasa stage ng sabihin nya yun at dahil sa sinabi nya ay sabay sabay kaming kusang bumagsak.
Nandito parin naman ang Team 1 to 5 sa feild pero malalayo samin, habang tumatakbo nga kami ay nakita ko si Kuya na pinapatakbo rin ang nga hawak niyang Estudyante. Mukhang pare parehas lang ginagawa ng team namin sa team ng iba. Pero ang Team 6 hanggang team 10 ay pinapunta sa ibang lugar dahil dun nila gagawin ipapagawa sa kanila, ewan ko nga lang kung ano basta ang alam ko iba ang una nilang gagawin.
Napatingin ako sa gilid ko ng maramdaman ang presenyang paggalaw ni Estella. "G-Grabe... hindi ko alam na mag ehersisyo tayo, Sana pala nag handa ako." Pag na sabi nito at hinayaan ang katawan na bumagsal sa damo.
"Shit ang sakit ng tuhod ko! Tignan ninyo ho, nangingig tuhod ko." Mangiyak ngiyak naman na sabi ni Zhonya habang hinihimas ang tuhod. Tumingin ako sa mga ka team namin na nasa likod at lahat sila may kanya kanyang kausap. Teka nasan ba yung humahawak ng Team namin at bakit wala dito, gusto ko sana itanong kung anong susunod na gagawin namin para naman handa ako, itatanong ko na rin sana kung anong oras matatapos to dahil pagod na ako, parangang hindi ko na magagawa ang susunod na ipapagawa.
"At sinong nag sabi sa na maupo kayo?!" Bigla akong napahawak sa dibdib ko dahil sa gulat. Napatingin ako sa unahan ko na kung saan nandon ang nag salita. Kumunot ang noo ko ng makita na nakatingin ito mismo sa'kin. 'problema nito?'
Tumayo ng mabilis ang mga ka team ko kasama na rin ang dalawa kong kaibigan, Pero nanatili pa rin akong naka upo. Nagpipiling hari bato?
Nakakailang minuto palang akong nakaupo papatayuin agad? Bawal ba mag pahinga?
"Hoy! Xyline, wag mo ilugar dito ang kaangasan mo." Mahinalang ang pagkakasabi ni Zhonya pero sapat na para marinig ko.
Iniba ko ang tingin ko, Grrr!! Nakakainis! Kakaupo ko palang!
Kahit gusto kong mag matigas para ipag laban ang illang pahinga ko ay wala akong magawa, ayokong makipag away kung hindi ko naman ganon kakilala si Tyler isa pa, isa siya sa mga matataas na ranggo kaya alam ko rin na mahusay to makipag laban, sa pagkakahawak pa ngalang ng baril wala akong laban.
Saktong kay Estella ako napatingin at nakatingin din ito sa'kin. "Paki tulungan mo nga ako." Magalang na utos ko. Lumapit ito sa'kin at aakayin na sana patayo ng mag salita ulit ang lalaki.
"Hindi mo siya pwede tulungan." Diing sabi ni Tyler, Taka naman kaming tumingin dito at nagulat ako na mas tumindi ang masamang tingin nito sakin.
Lumayo sa akin si Estella dahil sa sinabi ng lalaki. "Pero bakit?" Inosenteng sabi ko.
"You have no right to ask. Now, do what I said." Seryosong sabi nito.
Imbis na makipag talo ay lihim kong timago ang inis ko sa pagyuko at tumayo mag isa. Pero hindi ko inaasahan na biglang nanghina ang tuhod ko Pabagsak na sana ako ng may humawak sa braso ko. Tumingin ako sa humawak sa braso ko at doon na kita ko ang isang babae na naka ngiti sa'kin.
"Why did you help her? " Nakita ko ang gulat sa babaeng tumulong sa'kin ng mag salita ang lalaki. Ano bang problema ng lalaking to siya lang yata ang nag iisang ranggo na hindi marunong makibagay sa mga tao.
Si kuya nung lumapit siya sa mga kateam niya kahit hindi siya nakangiti mahinahon niyang kinakausap ang mga hawak niyang Estudyante, hindi kasi talaga palangiti si Kuya pero kaya naman niya makibagay at hindi siya mahigpit hinahayaan niya pa nga ngayon na mag pahinga ang kasamahan niya, ganun din yung iba. Meron pa nga na nakikipag biruan sa ka team niya kagaya ni Kuya Vincent. Pero itong si Tyler, konti na lang isumpa kaming lahat e.
"A-Ah eh k-kasi Tyler h-hindi sya makatayo ng maayos." Saad ng babae bigla akong napatingin sa mga kamay niya at nakita ko ang panginginig ng mga kamay nito, halatang natatakot siya.
"Next time, don't do that again Kung ayaw mong mamatay ng maaga." Galit na sabi nito bago umalis sa harapan namin.
Tumingin ako sa babae at patuloy parin ang panginginig ng kamay nito inilagay ko sa ibabaw ng kamay nito ang kaliwa kong kamay at napatingin naman siya sakin. "Wag kang matakot dun," nakangiting sabi ko "...salamat nga pala."
Ginantihan niya rin ako ng ngiti. "Wala yun, By the way, I'm Sheila. " Pakilala nito, kinuha niya ang kanang kamay ko at para makipag kamay.
Malugod ko naman iyon tinanggap. "Xylene Villanueva, Pleased to meet you..." Nakangiting sabi ko. Tumingin ako sa kaliwa ko. "I'd Like to introduce you to my two friends this Estella Devilla, and Zhonya Monte."
"Hi! I'm glad to meet you..." Pakilala ni Sheila sa dalawang kaibigan ko at nilahad pa ang kamay nya na tinanggap naman ng dalawa.
"it's great to meet you, I'm Zhonya." Ngiting sabi ni Zhonya.
Samantalang si Estella naman ay tumingi lang na parang may napapansin kay Shiela. "Nag kita na ba tayo noon?" Biglang tanong nito.
Tumingin naman sa kanya si Sheila at nag isip. "Uhmm... Hindi pa, ngayon lang kita na kita." Sagot nito. "Ikaw si Estella tama ba?" Tanong nito at inilahad ang kamay.
Tinanggap naman iyon ni Estella. "Yes.. siguro nga hindi ikaw yun." Nakangiting sabi nito. Pero para sa'kin pekeng ngiti iyon, sa tagal kong kilala si Estella kabisado ko na sya. Sure na nakita niya si Sheila noon, matalas kasi memory nito.
"Wait lang ah, ipapakilala ko rin sa inyo yung kaibigan kong bakla." Nakangiting saad nito. Napangiti naman kami at hinayaan siyang umalis.
Sinundan namin ng tingin si Sheila at lumapit siya sa isang lalaking gwapo, matangkad at maputi na nakatingin lang sa kawalan habang nakapamulsa. Napa taas ang kilay ko dahil parang hindi naman ito bakla.
Napansin ko na parang ayaw ng lalaki sumama kay Sheila at kung hindi pa hinila ni Sheila ay hindi ito susunod. Nang mag lakad ito ay doon ko na pansin na parang may kakaiba sa lakad niya.
Nakangiting lumapit saamin si Sheila. "Ito si James, James sila Xyline, Zhonya, at Estella." Masayang pakilala nito samin.
Ngumiti naman kami at ganun din siya inilahad nito ang kamay niya samin at isa isa naman naming tinanggap. "Nice too meet you all guys." Nahihiyang saad nito.
Bigla namang tumawa si Sheila. "HAHAHA! Ano kaba wag ka na ngang mahiya d'yan, hindi bagay sayo! Alam nilang bakla ka." Sabi nito habang naka ngiti at hininaan pa ang salitang 'bakla'
"T-talaga?" Gulat na sabi ni James habang nakatingin sa kaibigan at binaling samin.
"Oo, kakasabi lang niya kanina." Nakangiting saad ni Zhonya.
Biglang hinampas ni James ang braso ni Sheila. "Ikaw talaga napakadaldal mong bruha ka, paano kung malaman ng mga tao dito."
"Don't worry james, hindi kami madaldal and I'm promise na wala kaming pagsasabihan." Natatawa ring saad ko.
"Really?"
"Yes! Of course!" Magiliw na sagot ko.
Bigla naman siyang napatakip sa bibig at kunwaring na luluha. Ay bimigay na nga, Maya maya ay bigla siyang lumapit samin at yumakap. "Thank you girls... aasahan ko yan ah." Saad nito tumango naman kami.
"Bakit pala ayaw mong malaman ng iba na bakla ka?" Mahinang tanong ko habang naka tingin sa stage dahil kanina papala nagsasalita ang babaeng nasa Stage.
"Alam mo kasi Xyline," Si Sheila ang nagsalita. "Noong umamin siya sa mga kaibigan niyang mga lalaki binugbog siya," malungkot na saad nito napatingin naman ako kag James na nakatingin lang sa sahig at halata ang kalungkutan. "Buti na nga lang at nakita ko agad na binugbog siya dahil kung hindi ko siya na kita, baka wala na tong bakla na to."
"Grabe ka naman sa mawala, gusto mo ba talaga akong mawala?" Iritang saan nito habang sinisiksik sa tenga ang buhok nito kahit na wala naman siyang na sisiksik.
"Tsk! Sinabi ko naman kasi sayo na wag ka nang makikipag kaibigan sa mga lalaki bugbog tuloy na pala mo." Iritang saad naman ni Sheila.
"E sa gusto kong mapalapit sa mga lalaki, duh! Sa kakaganun ko naaakbayan ko ang mga lalaking gusto ko." Kinikilig na saad nito habang pumipikit pikit pa.
Natawa naman ako dahil sa sinabi niya. Habang si Sheila ay napangiwi naman sa idinahilan ng kaibigan. "The heck!"
****
Mahangin at hindi gaano kainit ang panahon ngayon pero basang basa na ang damit na suot ko dahil sa pawis.
'Ito na nga ba ang kinakatakutan ko.'
Pinunasan ko ang noo ko gamit ang kilod ng palad ko dahil sa namumuong pawis. Pagkatapos ay hinawakan ko ulit ng dalawang kamay ang medyo mabigat na baril at tinutok yon sa lata na metro ang layo sa'kin. Nang masure ko sa sirili ko na matatamaan ang latang yun ay ginalaw ko ang gatilyo ng baril at pinagbabaril ang lata na walang tigil hanggat hindi na uubos ang bala.
*BANG!* *BANG!* *BANG!*
Sa bawat pagbaril ko ay napapapikit ako dahil sa ingay at takot.
Tumingin ako sa lata na sobrang taas na kumpiyansa pero agad ding bumaba ang balikat ko ng hindi man lang gumalaw ito. Tumingin ako sa lalaking nasa gilid ko at halos ma iyak na ako ng sumenyas ito na ituloy ko ulit.
Nakakainis naman, Hindi niya ba ramdam na hindi ako marunong bumaril? Hayss! At isa pa takot ako sa tunog ng baril!
Ako na lang ang natitirang hindi pa natatamaan ang lata at ilang bala na rin ang sinayang ko para lang patamaan ang lata, pero hindi ko talaga matamaan kahit paulanan ko pa 'to. Kung hindi lang ako matino, iisipin ko na iniilagan ng lata ang mga bala ko. Tumingin ako sa mga kaibigan ko at nag aalala na rin sila sa kin.
Tinutok ko ulit ang baril at pikit matang kinalabit ang gatilyo pero walang lumabas na bala kaya sinubukan ko ulit ito pero wala talaga. Kaya napa tingin ako kay Tyler pero mabilis akong napa iwas ng hagisan ako ng baril.
Saglit akong napatingin sa baril na nasa lapag na at nilipat ang tingin kay Tyler. Pero isang masamang tingin agad ang binigay nito kaya kinuha ko ito na naka nguso at salubong ang kilay.
Bigla niyang pinitik ang noo ko. "Ouch!" Inis na tinignan ko ito.
"Tsk! Didn't I tell you not to close your eyes when you get shot. Don't be nervous like you're going to shoot a person, It's just a fucking Can and no one will die if you shoot that." Galit na sabi nito.
"I know, I know it's just a can." Banas na sabi ko. Hindi naman yun ang problema ko e. "Pero..." Hindi ko matapos ang sasabihin ko dahil hindi ko alam ang sasabihin sa kanya.
"Pero ano?"
"Pero... hindi ko kaya." Mahinang sabi ko habang naka yuko. Hindi ako magaling sa paghawak ng baril dahil mas sinanay ako ni Mama sa samurai.
"There's nothing you can do, try again." Seryosong sabi nito kaya na patingin ako sa kanya.
Kainis!
Tumingin ulit ako sa lata, ilang segundo ko pa ito pinatitigan bago tutukan ng baril. Sa unang baril ko ay hindi tumama ganun din sa pangalawa pangatlo at pang apat.
Pumikit ako at huminga ng malalim para ikalma ang sarili, sa ulit na pagsubok ko ay hindi pa rin tumama kaya laking tuwa ko ng daplisan ito pero hindi naman natumba kaya binaril ko ulit. Pero wala ng balang lumalabas.
"Ay nakakainis naman, oh!" Nangigil na sabi ko habang naka tingin sa lata. Nakita ko na may tumabi sa'kin kaya nalipat ang tingin ko dito. Si Tyler.
Nakatingin lang ako dito pero sya ay nakatingin sa direksyon ng lata. Ilang saglit lang ay tinutukan nya ito ng baril at tatlong beses na nagpakawala ng bala. Kitang kita ko ang mga bala na tumama sa mga lata at tuwang tuwa ng matumba ito, tumingin ako kay Tyler pero agad niyang binigay ang baril na hawak niya.
"Ito, isang bala na lang ang meron yan. Kung hindi mo matatamaan ang lata gamit ang isang bala, ibabagsak kita Naiintindihan mo ba?" May inis na ani nito.
Alanganin akong tumango. "Okay." Hindi ko alam ang mangyayari sa'kin kung babagsak ako sa paghawak ng baril.
Huminga ako ng malalim bago umayos ng pagkakatayo. Itinutok ko ang baril sa lata at seryosong tumingin doon.
'Sana tumama! Sana tumama! Sana tumama! '
Kinagat ko ang ibabang labi ko bago ko kalabitin ang gatilyo napapikit naman ako ng marinig ko ang pag putok ng baril pero agad din iminulat at tinitigan ang bala kung tatama ba sa target, hindi ko inalis ang paningin hanggat doon kaya ng lumagpas ang bala sa target ay bumaba ang mga balikat ko.
Hindi ko natamaan.
"The hell! Ikaw ang kauna-unahang taong wala man lang napatumba... hindi ka ba tinuran sa inyo?."
Tumingin ako dito. "iba tinuro sa'kin, Anong mangyayari na sa'kin?" Kinakabahan na tanong ko.
"Nothing, but if your Score continues to be Zero, I will sentence you to death." Seryosong saad nito.
"A-h- pa--" Hindi natapos ang sasabihin ko ng talikuran ako nito. Hayss... Ano bang klaseng school to!
****

Bình Luận Sách (23)

  • avatar
    Liziel Sosas

    rjrhgetwtwr2t4j4jjrjdhgsgsgdhrtktmrkrkekwywgdjjddjopkyreafjjfjgkuluktjrhgewfwffwwrwtegtjjyk7okytjrhwfwtey4opotirhrheefsHAHAHAHAHAHAHAHAHAHAHAHAHAHAHAHAHAHAHAHAHAHAHHAHAHAAHAHAHAHAHAHAHAHAHAHAHAHHAAMBOTAHAHAHAHAHAHAHAWHWHWHWHWUWUIWJWWWAKOLASABOTHAHAHAHHAHAAHAHAHAHAHAHAHHAWHWHAHAHAHWHAHAHAHIAOEKRGFKOSJRBFJWOOWIRJSKWKEJRJNDKDOWKmbtiskibajajejowowojfjorififidwolwksdnbfhhreuwiwijhshahahaahahahahahahahhahahhaahhahahahahahauwiwiwowoakndjfjdiriewowru7d66fyfydhsjaqpwlskdjdjjdiS NICE STORY WOWWWWWWWWWWWWW

    04/07

      0
  • avatar
    Hanz Villanueva

    it's ah good game

    23/10

      0
  • avatar
    Hann-jeff De Fiesta

    ud pls😅

    02/09/2023

      0
  • Xem tất cả

Các chương liên quan

Chương mới nhất