logo
logo-text

Tải xuống cuốn sách này trong ứng dụng

Sunset and Sunrise In Our Eyes

Sunset and Sunrise In Our Eyes

V1V13LL4


CHAPTER 1

"Vian! Bumaba ka na riyan at naghihintay ang pagkain sa lamesa! Ito oh, tuyo at sinangag! Paborito mo!" Sigaw ni mama mula sa aming kusina. Alam na alam talaga ni mama ang favorite ko. Hindi kumpleto ang araw ko kapag hindi ako nakakakain ng sinangag at tuyo na may kamatis. Nyealap sis!
"Pababa na ho! Maghihilamos lang at sipilyo. Alam mo na ma, dapat laging maganda para makabingwit ng pogi!" Sigaw ko mula sa kwarto habang tumatawa. Joke ko lang naman 'yon! Pogi sa korea lang ang tatanggapin ko, 'no.
"Aba't ayan ka na naman sa pogi ha! Mag-aral ka muna at ang pag-ibig ay kusang darating iyan. Bumaba ka na nga!" pagsesermon ni mama. Ayan ang gusto ko kay mama at papa, hindi naman nila ako hinihigpitan ngunit lagi akong pinaaalalahanan. Sabi nila, kung magkakaroon man ako ng manliligaw, ay huwag ko raw itatago sa kanila at hindi naman daw sila magagalit basta't alam lagi ang limitasyon sa mga bagay-bagay.
Bata pa naman ako, nasa baitang sais pa lang, ngunit maagang bumukas ang aking isipan sa mga bagay-bagay. Pinangangaralan ako ng aking mga magulang noon pa man sapagkat nag-iisa akong anak. Kaya kahit pa ako'y ganito magbiro, alam ko ang tama at mali sa mga kilos ko.
"Ma! Ang sarap talaga nitong sinangag mo, may tira pa po ba?" Tanong ko kay mama na kasalukuyang naghuhugas ng pinggan.
"Sira ka! Isang kawali na nga ang nauubos mo? Aba't humihirit ka pa? Ilang bulate ba ang kumakain diyan sa tiyan mo?!" paghirit ni mama. Tumawa ako nang tumawa at sinabing ako na ang maghuhugas. Hindi na siya nagpatalo dahil aalis siya, pupunta yan sa palengke magtitinda ng gulay. Ako nama'y papasok na sa school, kaya maghahanda na rin.
Pagkatapos kong maghanda para sa school, sumakay na ako sa tricycle papunta roon. Walang magbabalak nang masama sa akin dito sapagkat kasundo ni papa ang mga drivers.
Nakarating na ako sa school at naglalakad na ako sa corridor. Nalilito pa rin kasi ako minsan kung saan ang classroom ko, first week pa lang kasi namin sa school.
"Ouch!" Sigaw ko at napaupo sa sahig. May nakabangga sa akin habang naglalakad, nagtatawanan kasi sila ng mga kaibigan niya hindi niya siguro ako napansin. Shet, ang sakit! Umiiyak na ata puwetan ko. Mamaaaaa! Huhu!! Sakit talaga.
"Hala, sorry! Sorry talaga! Kapit ka sa kamay ko itatayo kita." Saad nung lalaki at nilahad ang palad niya. Nilagay ko ang palad ko doon at itinayo niya ako. Pinagpagan ko ang palda kong nalagyan ng alikabok. Pinipigil ko ang luha ko na malapit nang bumuhos dahil sa sakit ng pwetan ko.
"Okay ka lang ba? Ang cute mo pa naman." Nag-aalalang tanong niya at sinusuri kung may sugat ba ako. Tumango ako sa kaniyang tanong at tahimik lang, hindi ko alam ang sasabihin dahil nahihiya ako sa kaniya at sa mga kasama niya.
"Patingin naman ako ng name tag mo.." Saad niya at iniangat ang name tag ko na nakasabit sa akin. Yumuko lang ako dahil nahihiya ako.
"Vivianna Nathalia Castro." Pagbasa niya rito at tumayo mula sa pagkakaluhod sa harapan ko.
"Aww! Ang cute niya ang cute din ng pangalan!" Sigaw nung isa niyang kaibigan. Mukhang mababait naman sila kaya nginitian ko na lang.
"Nathalia, ihatid ka na namin sa classroom mo, pasensya ka na talaga kanina." Sabi nung lalaki. Ngayon ko lang napansin na sobrang tangkad niya pala.. Kaya pala hindi niya ako napansin. Tinanguan ko na lang siya at binitbit niya ang mga gamit ko, kasama namin ang mga kaibigan niya.
"Uhm.. Vian na lang po.. Kuya.. Hindi po ako sanay sa Nathalia.." Pabulong kong sabi. Totoo naman. Ang awkward pati, parang ang arte ko sa Nathalia.
"Gano'n ba? Ako na lang ang tatawag ng Nathalia sa 'yo, para unique! Or Thalia na lang? Mas maganda 'yon." Sagot niya habang malapad ang ngiti sa kaniyang mukha. Makulit siya, at naiirita ako sa totoo lang. Pero hinayaan ko na lang.
"Kayo po ang bahala.." Sagot ko sa kaniya habang nakayuko.. Nahihiya pa rin ako. Hindi ako sanay makipag-socialize lalo na sa kaniyang mas matanda pa sa akin.
"Oh Thalia, dito ka na ha? Kung may kailangan ka, punta ka lang sa room ng grade 9, hanapin mo si Kuya Liandre, ako 'yon! Ingat ka." Pagbibilin ni Kuya Liandre. Ang ganda ng pangalan niya.. Tumakbo na sila dahil nagbell na, ibig-sabihin ay pasukan na. Ang bilis ng tibok ng puso ko.. Bakit kaya? Weird naman, parang engot lang.
"Vian, anong baon mo? Ako ito oh, Mamon at saka Zesto, share tayo?" Tanong ng best friend kong si Zaniyah. Simula noong grade 1 ay lagi na kaming magkasama, kaya best friends na kami. Mabait si Zaniyah, may pagka-bitch lang pero in a good way. Kumbaga sa mga bitchesa ay anghel siya.
"Ito sa akin, kanin saka itlog, sabi ni mama para raw busog ako kanin daw ang kainin ko. Share na rin tayo rito." Sagot ko sa kaniya. Kumain na kami nang sabay habang nagkukuwentuhan. Lagi kaming tumatawa tuwing magkasama kami. Kahit si mama at papa ay tuwang-tuwa rin sa kaniya.
"Hi, Thalia!" Nagulat ako nang may magsalita sa gilid ko. Kilalang-kilala ko agad kung sino 'yon, si Kuya Liandre.
"Hello po." Sagot ko sa kaniya habang patuloy na nakayuko, nahihiya ako tuwing nandiyan siya. Ang bilis na naman ng tibok ng puso ko.. Ano ba 'to... Parang sira lang!
"Hey! Bakit Thalia ang tawag niyan sa 'yo, Vian? Ako rin! Thalia na rin tawag ko sa 'yo, please best friend?" Pakiusap ni Zaniyah habang ang kaniyang mga mata'y nagpapaawa. Hinawakan niya pa ang mga palad ko. Jusko, Niyah, kung alam mo lang na ayaw kong tinagawag akong ganiyan.
"Bata, huwag na. Vian na lang ang itawag mo sa kaniya kasi ako lang pwedeng tumawag ng Thalia sa kaniya. Aba, ako kaya ang nag-imbento ng nickname na 'yon! Sige ka, didikitan ka ng ipis at daga kapag tinawag mong siyang Thalia." Pagbabanta ni Kuya Liandre.. Bakit ayaw niya? Baka magalit si Zaniyah.. Pero mas okay nga 'yon, 'di ba? Minsan lang ako maiirita, or baka madalas. Ewan ko ba!
"Okay! Just don't do any stupid things to my best friend or else I will kick your ass off, brat." Sagot ni Zaniyah. Hindi siya galit? At anong sabi niya? 'I will kick your ass off, brat?' Hala, eh mas matanda sa kaniya 'yan.. Lagot na ko nito.. Pero bahala sila diyan. Problema nila 'yan, eh.
"Zaniyah, mas matanda siya sa atin.. Kuya Liandre na lang.." Pabulong kong sabi sa kaniya. Eh kasi, baka sabihin no'n, hindi namin siya nirerespeto. Nakakahiya naman.
"Oh, talaga? Okay then kuya brat." Saad ni Zaniyah at pinaikot ang kaniyang mga mata at sumubo siya ng chip.
"Hahahahaha! Ang cute mo talaga, Thalia! Hayaan mo na siya, kung saan siya masaya ay ayos lang. Basta't ikaw, Kuya Liandre ang tawag mo sa akin, ah?" Saad ni Kuya Liandre. Tinanguan ko siya habang nakangiti nang bahagya. Nahihiya pa rin ako. At naiinis ako, Thalia kasi siya nang Thalia! Pothaliangina!
"Bakit nga po pala kayo nandito?" Tanong ko kay Kuya Liandre. Hindi naman sa pinapaalis ko siya ah? Pero parang ganoon na nga, charot! Trip ko lang tanungin.
"Sasabayan kita kumain! Lumabas kasi 'yong mga kaibigan ko para bumili eh. Sila-sila na lang magsasabay. Tara kain na tayo!" Sagot ni Kuya Liandre. Hindi ko maintindihan kung bakit parang ang saya-saya ko kapag nandiyan siya kahit nakakairita 'yong pagtawag niya sa akin ng 'Thalia.' Hindi pa rin humihinto ang mabilis na tibok ng puso ko. Baka naninibago lang ako 'no?
"Kuya Liandre, tanong ko lang po, ilang taon na po kayo?" Halos pabulong kong tanong sa kaniya. Nawawalan ata ako ng boses, ah. Hinipnotismo ba ako nito?
"Ah ako? 14 year old na ako, Thalia. Ikaw ba? Ilang taon ka na? Hula ko, 10 ka palang, 'no?" Sagot ni Kuya Liandre.. Tama siya, 10 pa lang ako. Kaya tinanguan ko na lamang siya at nginitian nang kaunti. Unti-unti na akong nagiging komportable sa kaniya. Masaya ako at gusto ko siya laging nakakausap. Sana next time ay matanggap ko na 'yong pagtawag niya sa akin ng 'Thalia', kinikilabutan talaga ako! Nyemas.
Patuloy kami sa pagkain habang si Zaniyah ay patuloy sa pag-irap niya kay Kuya Liandre. Hindi ko naman alam kung bakit siya naiinis dito eh mabait naman 'tong si Kuya Liandre.. Makulit nga lang.. Medyo nasasanay na nga ako. Parang hindi teenager gumalaw!
"Bata! Pwede ko bang hiramin 'tong si Thalia sa 'yo? Pupunta lang kami sa playground at maglalaro." Pagpapaalam ni Kuya Liandre kay Zaniyah.. Hindi naman halatang ayaw nila sa isa't-isa? Medyo lang.
"No! My best friend is staying with me. She did not know you yet! Mamaya kung ano pang mangyari sa best friend ko! Wohoo I will die early, and my wrinkles will boom! So, it is a big no Kuya BRAT." Sagot niya kay Kuya Liandre. At oo, inemphasize niya ang 'brat' na word. Parang hinaplos tuloy ang puso ko.. Love na love ako ni Zaniyah. Pero sana ay yayain pa rin ako ni Kuya Liandre. Parang may urge na gusto kong sumama sa kaniya. Naks, urge! Urging urge.
"Huy! Hindi ako gano'ng tao, 'no! Ibabalik ko rin si Thalia sa 'yo nang buong-buo! Kaya, hihiramin ko muna siya, ha? Bye!" Saad ni Kuya Liandre at hinawakan ako sa kamay sabay na hinatak ako upang makatakbo kami nang sabay. Tumingin ulit ako sa direksyon ni Zaniyah na halatang nag-aalalang naiinis.
"Magiging maayos ako, Zaniyah! Huwag kang mag-alala!" Pahabol kong sigaw sa kaniya. Wala na siyang nagawa kundi lumakad pabalik sa classroom. Sana naman hindi siya magalit sa akin. Hurhurz!
Nandito kami ngayon ni Kuya Liandre sa playground at nakaupo kaming dalawa sa kulay berdeng swing. Nakatitig siya sa akin at nakangiti. Hindi naman nakakatakot ang ngiti niya dahil mukhang masayang-masaya siya. Saya niya, 'no? Hindi ba siya nangangawit kakangiti? Parang aso lang, wews.
Nagulat ako nang bigla niyang pisitin ang kanang pisngi ko. Hindi ito masakit ngunit nabigla ako. Wala man lang tanong-tanong kung pwede niyang pisilin 'no? Kapal ng feslak, sis!
"Ang lambot ng pisngi mo, Thalia! Sana all!" Saad niya habang tumatawa at umiwas ng tingin.
-<3♡

Bình Luận Sách (103)

  • avatar
    Jahziel Salvador

    sweet

    16d

      0
  • avatar
    AcebedoJessiett

    join

    17d

      0
  • avatar
    Jhay Ar Almano

    salaman

    20d

      0
  • Xem tất cả

Các chương liên quan

Chương mới nhất