logo text
Thêm vào thư viện
logo
logo-text

Tải xuống cuốn sách này trong ứng dụng

CHAPTER 6

Sa buong buhay ko ngayon lang ako ginanahan mag-aral. The scene earlier still plays on my mind. Kapag naaalala ko iyon ay awtamatiko akong napapangiti at ginaganahang makinig. 
Tipong pati ang boring na subject namin ay ginanahan akong makinig. Nakuha ko ring makaperfect sa lahat ng mga biglaang quiz. HIndi naman ako ganto dati, eh.
"Grabe ka! Nagbago kana. Di na ikaw ang Abigail na nakilala ko." mayabang na pinagpag ko kunwari ang kaliwang balikat ko nang lapitan ako ni Felicity.
Parehas kaming nakaharang sa pinto kaya nang may dumaan ay parehas din kaming tumabi. Lumapit sa amin ang tatlo naming kaibigan.
"Yun yung pinakaboring na sub natin. Take note about politics, knowing you, it's so boring for you. But you got perfect in that subject?" ani Aaron. 
"Don't forget na nalagpasan niya ang top 1." nameywang si Calliope, nagmamayabang na nalagpasan ko ang top 1 namin. 
"Lods, pashare naman ng ritwal diyan." sabay lahat kaming tumawa nang sabihin iyon ni Disney.  
Kilig lang ang katapat niyan. Proven and tested by me. 
Nang makarating kami sa labas ng gate ay nagkahiwahiwalay na kami ng dadaanan. We bid our goodbyes to each other. 
Dumaan muna kami sa bookstore bago kami umuwi ni Calliope. May gusto kasi siyang bilhin na libro na kakapublish lang kahapon. No'ng malaman niyang merong copy sa malapit na bookstore ay agad siyang nagbalak na pumunta. 
Gabi na nang makalabas kami sa bookstore dahil nagtagal kami sa loob dahil pumili pa siya ng ibang libro at kumain muna kami sa malapit na fast food chain bago kami pumunta sa bookstore. 
Medyo wala na ngang tao sa labas kapag gantong oras na. 
Nag-aabang kami ng jeep nang may marinig kaming sigaw ng isang babae. Sabay kami ni Calliope na lumingon kung saan banda iyon. 
"Kuya, kahit laptop ko nalang po ang ibalik mo." 
A girl no...a student is chasing a man who's wearing a black pants, shirt, jaceket, cap and a mask to cover his face. The man is holding a girl's bag. Mukhang ninakawan ang babae. 
Nagkatinginan kami ni Calliope at sabay na tumango bago tumakbo para sundan ang babae. Gantong oras pa talaga nangyari yan kung kailan walang masyadong tao. 
Hinihingal na ako peor hindi kami tumigl sa pagsunod sa kanila. Magaling ang lalaki dahil talagang dumaan siya sa mga wala talagang mga tao at madilim. Nakahinga ako nang maluwang no'ng makita kong malapit na kami sa police station. 
May lumabas na pulis at mukhang may katext. I was about to shout for help pero inunahan ako ng babaeng ninakawan. 
"Sir, help me please!" sigaw niya habang tumatakbo. 
Huminto kami at naglakad nalang papunta sa pwesto ng babae at ng pulis. Nag-angat ng tingin ang pulis sa babae. Nakita kong tinaasan niya ito ng kilay. 
"Ano yun?" 
"Sir, may nagnakaw po ng bag ko. Ayun po! Tumakbo siya papunta dun!" tinuro ng babae ang daan kung saan tumakbo ang lalaki. 
Nanliit ang mga mata ko, sinusubukan kong hanapin ang lalaki sa madalim na daan habang naglalakad pa rin kami sa pwesto ng babae.
"Busy ako."
Akmang aalis na ang pulis ay hinawakan ng babae ang braso nito. "P-pero.." 
Galit na kinuha ng pulis ang braso niya mula sa babae kaya nagmadali na ako ng lakad. "Busy nga ako MIss, eh. Anong mahirap intindihin doon?" at saka ito pumasok muli sa station nila. 
Kita ko ang pag-awang ng bibig ng babae at hindi ito nagdalawang isip na tumakbo sa daang tinuturo niya kanina. Sinundan ko siya tingin. Napansin kong may pinalis siya na kung ano sa mukha niya. 
Umiiyak ba siya?
This is the reason why I don't trust the police or any person who is working for government. 
Hindi naman sa nilalahat pero halos lahat ng mga tao na nagtatrabaho sa gobyerno ay hindi ginagampanan nang maayos ang trabaho nila. Sa panahon ngayon, kailangan mo silang bigyan ng pera para kumilos talaga at gawin nang maayos ang trabaho nila. 
Bilang lang sa daliri ang mga taong ginagampanan nang maayos ang trabaho nila. 
Agad kong nilingon si Calliope na nakatingin pala sa pinto ng station. Kailangan naming maghiwalay para sa planong naiisip ko. 
"Calliope, pwede bang pumunta ka sa station? Try to ask for a help. Susundan ko ang babae. Baka mapahamak yun." malalaki ang matang tumingin siya sa akin. 
"Are you sure? Pwede namang ako nalang ang sumunod sa babae at ikaw ang humingi ng tulong." 
"No, ako na. Trust me." seryoso ko siyang tinignan. 
"But I have powers, Abigail." kita ko sa mukha niya na nag-aalala siya. 
Bumuntong hininga ako. "Please! Trust me on this. I can do this." 
She heaved a sigh. "Okay. Just promise me na maabutan kitang buo. Naiintindihan mo?"
Napangiti ako sa sinabi niya. Tumango ako. "Oo naman." 
"Papasok ako kapag nakaalis kana. Run now. Susundan kita agad." 
I did not waste any time and run as fast as I could. Nakaramdam ako nang kaunting takot dahil madilim na sa daan. Tumaas ang mga balahibo ko sa braso dahil kung ano-ano na ang naiisip ko habang tumatakbo sa madilim na daan.
No'ng makarating na ako sa kanto ay hindi ko na makita ang babae kaya inikot ko ang paningin ko, sinusubukan siyang hanapin. Saan ba sila pwedeng pumunta?
Nakakita ako ng isang madilim na daan. Tumakbo ako papunta doon dahil sigurado akong nandun sila. May isang poste ng ilaw lang ang nagbibigay ng liwanag. 
"Kuya, ibalik niyo na po yung laptop. Yung laptop lang. The cash and my phone is yours now."
My eyes widen when the man pulled a knife in his pocket. "Kinuha ko kasi gusto ko tapos ibabalik ko sayo? Subukan mo lang lumapit, hindi ako magdadalawang isip na ibaon 'to sa tiyan mo."
Hindi ko na napigilan na lumapit sa tabi ng babae. Nakita kong natigilan ang babae. Baka ang akala niya ay kasama ako ng lalaking ninakawan siya.
"Hey, kakampi mo ako," sabi ko dahilan para mabunutan siya ng tinik sa dibdib.
Napangiti ako doon habang nakatingin ako sa kanya at siya ay nakaharap sa lalaki. Hindi ko nakikita ang mukha niya dahil nakaharang ang buhok niya. Dahan-dahan siyang tumingin sa'kin.  
My smile faded when I finally saw her face. I'm not being a judgemental..nagulat lang ako sa mukha niya. I didn't expect it. No'ng nakatalikod siya sa akin ay mukha siyang maganda.
Ngayon lang ako nakakita ng ganto. May suot siyang makapal na salamin, makapal din ang mga kanyang kilay, may mga pimples siya sa buong mukha niya. But if she will remove that glassess and take care of her face, I'm pretty sure that she will be the most beautiful girl in the world. 
Baka kapag nakita ko na siya na maganda baka bigla akong lumiko ng daan. Kung may boyfriend man ako nun baka bigla akong makipagbreak ng dahil sa kanya. 
I saw fear on her eyes. Agad siyang umiwas ng tingin. Nagulat naman ako sa ginawa niyang paglayo sa'kin na para siyang may nakakahawang virus. 
"I d-don't need y-your help. N-nag-aaksaya ka lang ng o-oras sa'kin." mas lalo akong nagulat sa sinabi niya.
"Oo nga bata. Huwag mo ng tulungan yang panget na yan."
"Shut up, poop!" sigaw ko sa lalaki. Lalong lumayo ang babae sa akin.
Akala niya ba hindi ko siya tutulungan dahil nakita ko ang mukha niya? Naalala ko ang paghingi ng tulong niya sa pulis kanina. Hindi ba siya tinulungan ng dahil sa mukha niya? 
Naglakad ako palapit sa kanya. I held her left hand. Gulat siyang tumingin sa'kin. 
"Don't worry. I will still help you." 
Lumiwanag ang mukha niya sa sinabi ko at ngumiti siya sa'kin. Naramdaman kong hinawakan niya pabalik ang kamay ko. Pagkalipas ng ilang segundo ay hinigpitan niya ang hawak niya sa kamay ko. 
"Mga bata talaga ngayon, oo!" inis na ginulo ng lalaki ang buhok niya. "Umalis na kayo't hayaan niyo na sakin ang mga 'to." inangat niya ang gamit na nakuha niya sa babae. 
I think it's important. Hindi hahabulin ng babae ang lalaki kung hindi 'to importante. 
"I need the laptop, Sir. Laptop nalang ang ibalik mo sa'kin."
"Isang pilit pa ibabaon ko na talaga sayo 'tong kutsilyong hawak ko." 
Inilibot ko ang paningin ko. Naghahanap ako ng pwede kong gamiting panglaban sa lalaki. Nang makakita ako ng malaking kahoy malapit sa basurahan ay dahan-dahan akong bumitaw sa babae habang abala sila sa pag-uusap. 
No'ng nagkaroon na ako ng pagkakataon na kunin ang kahoy ay agad akong tumakbo at kunin yun. Hindi ko pa nakukuha ay narinig ko na ang sigaw ng lalaki. 
"Hoy! Anong ginagawa mo?"
Ang paglingon ng lalaki sa'kin ay ginawang pagkakataon iyon ng babae para kunin mula sa kamay ng lalaki ang gamit niya. Ginamit niya ang lakas niya para hilahin ang bag niya mula sa lalaki. Nakuha ng babae na bawiin iyon. 
Mabilis ang pangyayari. Tumakbo ako papunta sa pwesto nila habang hawak ang kahoy na nakita ko at ang lalaki ay sasaksakin ang babae. Pero pare-parehas kaming natigilan sa sunod na nangyari....
There's a force field around the girl to protect her against the man. Ang babae ay hindi makapaniwalang inilibot ang paningin sa force field na nakapalibot sa kanya. Nabitawan ko ang hawak kong kahoy. 
W-what the hell? How did she make that? Nakatingin lang ako sa babae at sa force field na nakapalibot sa kanya. Hindi pa rin ako makapaniwala sa nakita ko. 
Dito? Sa mundo ng mga tao? M-may katulad kami ni Calliope at Ate Madison?
"Hindi naman ako lasing pero bakit kung ano-ano na ang nakikita ko?" natauhan ako nang marinig ko yun. 
Lumapit ang lalaki sa babae kaya naalerto ako. Kinuha ko  ang kahoy na nabitawan ko kanina. 
"Gago! Hindi 'to totoo!" sigaw ng lalaki at hindi nagdalawang isip na subukang saksakin  ang babae pero katulad kanina ay hindi niya ito nagawa dahil sa force field. 
Habang abala ito ay dahan-dahan akong lumapit sa likod ng lalaki. Agad ko itong hinampas sa likod at tumakbo papunta sa babae. Hinawakan ko siya sa braso at hinila palayo sa lalaki na namimilipit sa sakit. 
"Piste! Humanda kayo sa'kin!" 
Patuloy lang kami sa pagtakbo. Medyo mahirap lang dahil para kong ginuguyod ang babae. Nakatulala pa rin siya, hindi makapaniwala sa nangyayari. 
Ako rin naman pero kailangan naming tumakas. Delikado kami sa kutsilyong hawak niya. Naiintindihan ko siya kung bakit ganyan ang reaksyon niya. Normal lang na tao siya at talagang magugulat ka talaga kapag biglang may force field na lilitaw. 
"Bumalik kayo dito!" tinignan ko ang lalaki dahil narinig ko ang sigaw niya. Mukhang malapit na kasi siya sa amin dahil nabingi ako sa sigaw niya. 
Dahil sa paglingon ko na iyon ay hindi kami nakaiwas sa batong nakaharang pala sa dinadaanan namin. Nadapa kami sa lupa. Hindi ako nag-aksaya ng oras at dali-dali pa rin akong tumayo. 
Pagkatayo ko ay tinulungan ko siya. Wala sa sariling napatingin ako sa likod ko dahil nakaramdam ako ng presensya. Awtomatikong napaawang ang bibig ko nang bumungad sa'kin ang mala demonyong mukha ng lalaki. 
Agad kong sinuntok ang panga niya. Hindi pa siya nakakabawi sa pagsuntok ko ay sinipa ko na ang tiyan niya. Mabilis na kinuha ko ang kahoy kanina at hinampas ulit siya gamit iyon. 
Pinuntahan ko ang  babae at hinawakan ito sa balikat. NIyugyog ko siya para bumalik siya sa katinuhan. Halos tumalon ako dahil sa saya nang matauhan siya. 
"Hey, we need to run fast. Kaya mo naman yun diba?" 
Mahina siyang tumango. "Y-yes...." 
"Mamaya na natin pag-usapan ang nangyari kanina, ha? Kailangan muna nating tumak--"
"Akala niyo ba makakatakas kayo?" 
Parehas na nanlaki ang mata namin ng babae nang marinig namin yun. Agad kong sinenyasan ang babae na tumakbo kami pero bago pa ako makatakbo ay nahablot na ng lalaki ang buhok ko. 
"Ugh!" I held his hand and twisted it. Agad siyang nakabawi sa sakit. Itinutok niya sa akin ang kutsilyo at nakaramdam ako ng kaunting takot. Naglakad ako paatras. 
Ganun din ang ginawa ng babae. Nanginginig ang kamay niyang humawak sa akin. I can feel her cold hand. Sobrang tahimik ng paligid, tanging ang hakbang ng lalaki at lunok namin ng babae ang naririnig. idagdag pa ang medyo na madilim na pwesto  namin
"If he tries to hurt us, gagana naman siguro yung lumitaw kanina diba?" rinig ko ang panginginig ng boses ng babae. 
"Sana nga gumana." 
Baka hindi yun lumitaw ulit. Katulad ng nangyari sa akin noon. Nakapagteleport ako pero hindi na ulit nangyari yun kahit ilang beses ko ng sinubukan. Pero sana gumana ang forcce field ng babae dahil mukhang wala na kaming kawala dito. 
Ang tagal naman kasi ni Calliope at ng mga pulis. Bumilis ang lakad ng lalaki sa amin.
He is going to stabbed me. I felt something weird in my body. Humigpit ang pagkakahawak ko sa babae. The men was about to stabbed me, but there's a strong wind struck him. Napatingin ako sa pinagmulan ng hangin na iyon. Nakita ko si Calliope na masama ang tingin sa lalaki at nakatutok ang wand niya sa lalaki. 
Hindi na nakakapagtaka na siya ang may gawa nun sa lalaki. Ang lalaki ay nakahiga na ngayon sa lupa, namimilipit sa sakit. Nakahinga ako nang maluwang dahil doon. 
Calliope is here. I'm safe now. We're safe now.
Nanghihinang napaupo ako sa lupa. The girl's eyes are widen and her lips are parted. Feeling ko mababaliw na 'to dahil sa nakita. I will try ko explain it to her later. 
Sabay-sabay kaming napalingon sa lalaki ng bigla itong humagulgol. Kita ko sa gilid ng mata ko na inayos ng babae ang kanyang tayo. Nagulat ako nang maglakad ito papunta sa lalaki kaya dali-dali rin ako tumayo para lumapit. Baka biglang manugod ang lalaki.
"Sorry! Nagawa ko lang yun dahil desperado na akong gumaling ang anak ko." my lips parted. Ang babae ay natigilan.
"S-sir..."
"Tinanggal ako sa trabaho ng walang dahilan. Ni piso man lang hindi ako binigyan ng boss ko. Kahit huling sweldo bago ako tanggalin hindi niya binigay." umupo nang maayos ang lalaki.
"Gusto kong bilhan ng gamot ang anak ko dahil ayaw kong nakikitang nahihirapan siya pero wala akong pambili." nilingon niya ang babae. "No'ng nakita kita at may dalang mamahalin na gamit di na ako nagdalawang isip na nakawan ka."
We are all quiet. No one dared to talk. Nakikinig lang kami sa lalaki.
Kahit saan mo pa tignan ay hindi tama ang ginawa niya kahit may mabigat siyang dahilan. Halos mapatay na niya kami ng babae tapos sasabihin niya ang dahilan niya? Kailangan niyang magtanda.
Narinig namin ang tunog ng sasakyan ng pulis. Dahil doon ay nakahinga ako, kami ng maluwag. Tinignan ko ang babae kanina. Kita ko sa mukha niya na naaawa siya sa lalaki pero mas kita ang takot niya. 
Hinawakan ko ang kamay niya para mapatingin siya sa akin. Ngumiti ako. Sinisigurado ko na pati sa pagngiti ko ay gumaan ang pakiramdam niya. 
"Okay na. Huwag kana matakot." 
She smiled back at me. "Yes. Thank you for saving me." 
"Ano ka ba. Wala yun." 
Sabay kaming  napatingin sa mga pulis ng damputin nila ang lalaking magnanakaw. Bagsak ang balikat nito at parang nagsisisi. Totoo nga ang sinasabi ng iba na nasa huli ang pagsisisi. At the first place, hindi niya dapat ginawa yun. Dapat humanap siya ng ibang paraan, yung hindi siya mauuwi sa kulungan.
Ngayon, kawawa lahat ng pamilya niya dahil nasa kulungan siya.
Sumunod kami sa police station para magbigay ng ilang impormasyon tungkol sa nangyari. Nakita ko pa yung lalaking pulis na hindi tinulungan ang babae kanina dahil busy raw siya! Nginitian niya ako pero inirapan ko lang siya. 
"Ano ang pangalan mo, Miss?" napatingin ako sa harapan no'ng magsalita ang pulis sa harapan namin ng babae. 
"P-patricia po," sagot ng babae na tinulungan namin ni Calliope kanina. Tumango-tango naman ang pulis bago magtipa sa computer at nagtanong pa ng mga importanteng tanong. 
Matapos makuha ang mga impormasyong kailangan nila mula sa amin ay pinauwi na nila kami. Binigay na rin nila ang gamit ng babae na ninakaw kanina. Pagkalabas namin ay agad kong tinawag si Patricia para kausapin siya tungkol sa force field. 
"Can we talk to you?" nagtaka pa siya no'ng una pero tumango rin sa tanong ko. "Punta tayo sa malapit na cafe, doon tayo mag-usap-usap." 
Nilakad lang namin ang cafe kung saan kami pupunta dahil malapit lang naman. Sinabi namin ang mga order namin bago kami nag-usap. 
"Yung tungkol sa nangyari kanina. Yung force field-" 
Bago ko pa matuloy ang sasabihin ko ay pinutol na ni Patricia ang sasabihin ko. "I don't know why I have that. Ngayon lang nangyari sa akin yun." 
Nanlaki ang mga mata ko sa sinabi niya. "H-hindi mo alam?" 
"Oo, nagulat nga ako sa nangyari, eh. And that girl..." tinuro niya si Calliope. "She has a power?" 
Sabay kaming tumango ni Calliope. Umawang ang bibig niya. 
"That means....you're not an ordinary people?" tumango ulit kami ni Calliope dahilan para halos mahimatay si Patricia. Pinaypayan niya ang sarili niya. "Akala ko sa libro lang ang mga yan!" 
Habang abala si Patricia sa pagkakagulat niya ay nilingon ko si Calliope na natatawa sa reaksyon ni Patricia. Kinalabit ko siya at nakangiti naman niya akong nilingon. 
"Hindi ba may spirit fairy ka? Bakit hindi natin itanong yun kung may alam ba siya tungkol kay Patricia?" 
Her lips formed into 'o' with what I just said. "Yeah right! Sige punta tayo sa banyo at tatawagin ko si Zan." 
Tumango ako at inaya si Patricia. Pagkapasok namin ay tinignan muna namin kung mga tao ang cubicles bago gawin ni Calliope ang dapat niyang gawin. Inilagay ni Calliope ang kamay niya sa kaliwang dibdib at pumikit. 
Pagkalipas ng ilang segundo ay lumiwanag ang paligid ni Calliope at lumabas si Zan. 
"Magandang gabi mga binibini. Ang ang kailangan niyo?" ani Zan. 
"Zan, we will just ask you if you know anything about this girl?" tinuro ni Calliope si Patricia. 
Lumipad si Zan papalapit kay Patricia. Hinawakan niya ang noo ito at pumikit. Nag-aabang kami kung ano ang sasabihin ni Zan. Lumipas ang isang minuto ay tinanggal na ni Zan ang maliit niyang kamay sa noo ni Patricia. 
"Hindi siya galing sa Alynthi. Talagang taga dito lang siya pero nakita ko na may kakaibang nangyari kanina." 
Nadismaya kami ni Calliope sa sinabi ni Zan. Ibig sabihin hindi namin katulad si Patricia pero bakit may force field kanina?
Lumabas kami ng banyo at bumalik na sa pwesto namin. Nagkwentuhan kaming tatlo. Sinabi ni Patricia na isa siyang writer sa isang writting app. Sinabi rin niya na gagawa siya ng bagong genre dahil daw sa nangyari kanina. 
Pagkatapos namin maubos ang mga order namin ay nagsiuwian na kami. 

Bình Luận Sách (111)

  • avatar
    Keith Abuan

    ang Ganda Ng story

    20d

      0
  • avatar
    Mga Chismosa

    slip

    20d

      0
  • avatar
    VillegasFrancheska

    Ganda

    21d

      0
  • Xem tất cả

Các chương liên quan

Chương mới nhất