logo text
Thêm vào thư viện
logo
logo-text

Tải xuống cuốn sách này trong ứng dụng

CHAPTER 5

Nasa kalahati na ang movie pero ganun pa rin ang posisyon namin ni James. Hindi ba siya nangangalay? Kulang nalang kasi buong katawan ko na ang yayakapin niya.
We did not even touch the popcorn simula kanina since James is hugging me, caging me on his arms. Gutom na ako pero hindi naman ako makagalaw. His body is sending me heat. Ano uunahin ko? Pagkain o kalandian?
Pwede naman both. Siya nalang kakainin ko.
"You can't save your Captian because you're weak." napatigil ako sa kakaisip nang marinig ko iyon mula sa movie na pinapanood namin. 
Someone is talking to the protagonist. Saying that his weak kaya hindi niya maililigtas ang captain nila.
Kumuyom ang kamao ko. He is not weak. You are just giving him a reason to become weak.
This protagonist is just like me. Wala rin siyang kapangyarihan na tulad ng pamilya niya. Ang pinagkaiba lang namin ay buhay ang mga magulang niya pero they abandon him.
His name is Noah. He always has a smile on his face, but deep inside...he is hurting. Tuwing gabi ay umiiyak siya, tinatanong ang Diyos kung bakit hindi siya binigyan ng kapangyarihan tulad ng mga magulang niya. Yes, he is a boy and I did not judge him for crying everynight.
Every man can cry. Lahat ng tao nasasaktan. Lahat ng lalaki ay puwedeng ilabas ang sakit na nararamdaman nila. So don't judge a man if you see them cry. They are not gay, they are hurting.
Tama nga ako. Makakarelate ako sa movie na ito. Kanina pa kumukuyom ang mga palad ko. Naiinis kasi ako sa mga pamilya ni Noah. Pinalayas nila ito at dinala sa bahay ampunan kung saan nandun ang mga taong hindi rin binayayaan ng kapangyaihan. 
Noah is living happily in a place that no one will judge him not until nagkaroon ng gulo sa lugar niya. Kahit alam niyang wala siyang kapangyarihan para labanan ang sumugod sa kanila ay tumakbo siya kung saan nagmumula ang gulo. There is a team who want to kill every person who has a power. Gusto nilang patayin ang lahat ng pwedeng pumigil sa kanila. Gusto nilang sila ang mamahala sa buong mundo.
Noah wants to fight before dying. Ayaw niyang mamatay na walang napapatunayan sa mga magulang niya. Nakuha niyang mailigtas ang mga tao kahit wala siyang kapangyarihan.
Sa kalagitnaan ng pagliligtas niya sa iba ay narinig niya ang sigaw ng nanay niya. Hinihila na ito ng grupo na sumugod sa kanila. Natulala siya sa nakita. Kahit ang mga kapatid niya ay hinihila na.
Pinagsama-sama ang mga pamilya niya at sabay-sabay na sinaktan. Noah cried, but he did not move even a muscle to help them. Bumabalik sa isip niya ang sinasabi nila sa kanya. Kung paano siya tratuhin ng mga ito dahil hindi siya katulad ng mga ito. 
Ngunit napatigil siya sa pag-iyak nang saksakin ang nanay niya.
Agad nandilim ang paningin niya. "Yes, they abandon me. But I know to myself that I can't lose them." I smiled when I heard that.
Ganyan din ako nung una. Iniisip ko nga minsan kung paano kapag nawala ang mga magulang ko na ikinakahiya ako, lalo na si Papa? Matutuwa ba ako? 
Kasi kapag nangyari iyon wala ng tao na ikakahiya ako. Wala na yung taong dahilan bakit wala akong tiwala sa sarili ko. Sila ang dahilan kung bakit tuluyan ko nang tinanggap na wala akong kwenta...
Napaupo ako nang maayos nang biglang nagbago ang suot ni Noah. Ang punit niyang damit ay naging maayos. May kapa na siyang suot at may hawak na siya ngayong espada.
Doon nagsimula ang buhay ni Noah bilang bayani. The former imponent boy is now the strongest boy in his place. His parents were sorry for what they had done to Noah. They are also thankful to Noah because he save them.
Bago matapos ang movie, Noah said something that made me smile and look forward to the right time.
"Wait for the right time. Something special is coming your way."
I will wait for the right time. And if the right time comes, I will finally avenge my parents, I will protect all my loves ones because I will be stronger.
Tumingin ako sa mga palad ko. Alam ko na magkakaroon din ako ng kapangyarihan pero hindi ngayon, sa tamang panahon pa.
~*~*~*~*~*
"Thank you for today!" sabi ko kay James.
Naglalakad na kami papunta sa gate nang matapat na kami doon ay binuksan ko na ito. Humarap ako sa kanya.
"Thank you too. I enjoy...." tinignan niya ako nang malalim. "So much."
I smiled sweetly pero napawi yun nang mahawakan niya kaliwang pisngi ko. He rub my cheek using his thumb. Sa ginawa niyang iyon ay nakaramdam na naman ako ng kuryente na dumaloy mula sa pisngi ko papunta sa buong mukha ko. 
Bumilis din ang tibok ng puso ko. Ramdam ko rin na namumula na ako dahil nag-iinit ang mga pisngi ko.
"N-nag-enjoy din ako." naging pabebe ang boses ko. 
Napansin niya iyon kaya umangat ang gilid ng labi niya. After a second, I saw him smile, but his eyes are sad.
Akala ko ba nag-enjoy siya? Bakit lungkot ang nakikita ko sa mga mata niya.
"Did you really enjoy?" natigilan siya sa sinabi ko.
"O-of course."
"Your eyes can't lie, James."
"I was just...want to spend more time with you." nanlaki nang kaunti ang mata ko sa sinabi niya.
"Ulol!" he burst out laughing with what I just said. Humawak pa siya sa tiyan niya. Muntik na siyang mamatay kakatawa.
Bakit muntik lang? Ba't di pa namatay para mapatunayan na ang till death do us part.
"Can you repeat that?" nahihirapan pa siya na sabihin yun dahil tawa siya nang tawa. "Marunong ka palang magmura?."
"Syempre! Ano tingin mo sa akin? Diyosa?" tinaasan ko siya ng noo. Tinawanan niya lang ako. "Ayaw mo bang pumasok?"
Umiling siya. "I will go home now."
"Okay. Ingat ka." kumaway pa ako sa kanya.
Bumaba ang tingin niya mula sa mga mata ko papunta sa mga labi ko. Napalunok ako sa ginawa niyang tingin. Pinasadahan ko rin ng tingin ang buong mukha niya. Napansin ko rin na lumunok siya dahil gumalaw ang adams apple niya.
"Osige n-"
I did not finish my words when I felt his soft lips on my lips. Lumaki ang mata ko pero ipinikit ko rin iyon pagkalipas ng ilang segundo. He touch my jaw para mas ilapit ang labi niya sa labi ko. Hindi gumagalaw ang mga labi namin, nakalapat lang mga ito.
He is rubbing my jaw using his thumb. Pagkatapos nun ay inialis niya ang pagkakalapat ng labi niya sa mga labi ko. He lean his forehead on my forehead. Ngumiti siya kaya nahawa ako sa ngiti niya.
I saw how he licked his lower lip. Napalunok na naman ako sa pangalawang pagkakataon. Pero hindi ako papayag na magkaroon ng part two yung halikan namin. Sa susunod nalang. Hehehehe!
I cleared my throat. Umayos na siya nang tayo bago ako nagsalita.
"So...papasok na ako." he nodded while smiling.
"Okay."
"Ingat ka sa pagmamaneho." tumango siya ulit kaya tumalikod na ako sa kanya at humakbang.
Nakakailang hakbang palang ako ay lumingon ako sa kanya. Ganun din ang ginawa niya. Sabay kaming nag-iwas ng tingin at humakbang ulit. Nang marinig ko ang tunog ng gate ay lumingon na naman ako sa kanya.
Nakalingon na ako sa kanya pero siya ay palingon pa lang. Bago pa siya makalingon ay hinawakan ko na ang door knob para mahila pabukas ang pinto at pumasok sa loob. Nakasilip na ako sa pinto ngayon habang siya ay kinukuha niya ang susi ng kotse sa bulsa niya.
Ulo ko lang nakikita sa pinto. I smiled at him when he look at my way. Ngumiti rin siya pero nandoon ulit ang lungkot sa mga mata niya.
Ano ba ang dahilan ng kalungkutan ng mata mo, James? I hope it's nothing to do with me. Sana nga...
Sa sobrang pagod ko ay humiga muna ako sa kama at nagcellphone. Nag-iiscroll ako sa instagram and I found a t-shirt that will suit him. Ngumiti ako habang iniimagine na suot niya iyon. Bago pa ako magmukhang baliw kakangiti ay pumasok na ako sa bathroom para maligo. Pero habang nagshoshower ay iniisip ko siya.
Hayss...James what did you do to me. 
Maliligo na nga lang ako pero halos mapunit na ang mga labi ko kakangiti. Is this what you called inlove? Am I inlove with James?
Pagkatapos kong maligo ay tinignan ko ang phone ko. Bumungad sa'kin ang message ni James.
James:
Nakauwi na ako. 
hi foe my bf ka b? xana me n lng bf u gnda mo ksi e nkkinlove u
ah ayw mo? sori ha e2 lng aq. xana sinaksak n lng aq. 
Come on seen my chat na. I can't make hintay anymore. 
Sent a photo 
Look! It's so masarap.
Me:
 //sinaksak 
Sana ayos ka pa. 
James just reacted "haha" on my reply. Mabuti nalang ay hindi ako nanose bleed sa chat niya, ah. 
I was busy scrolling through my cellphone when James' profifel  picture popped out. Sinabi niya na binilhan niya ako ng wallet. Hindi niya raw kasi nabigay no'ng nakaraan sa akin dahil hindi niya raw ako makita at nakalimutan naman niyang ibigay sa'kin kanina. 
~*~*~*~*~*
I woke up when I heard my phone ringing. Nakapikit na kinakapa ko ang cellphone sa kama ko. Binuksan ko lang nang kaunti ang mata ko para makita kung sino ang tumatawag. Unregistered yung number kaya hindi ko sinasagot.
Matutulog na sana ulit ako kaso may tumutawag na naman. Balak ko paman ding matulog hanggang 8:00 kasi mamaya pang 10:00 kami pinapasok dahil may event sa school. Tinignan ko kung sino yun.
James Kurt Anderson calling....
Hay! What a good morning!
I press the green button immediately. Sino ba kasi yung matutulog ulit? Diba wala? Si James yan, hindi dapat pinaghihintay ng matagal yan. Basta kapag si lodi na ang tumatawag, sagot agad. 
"Yes?" I make sure that my voice looks like he disturb my sleep.
[I was calling you awhile ago!] hindi ko siya nakikita pero sigurado akong naiinis siya base sa boses niya. Naiimagine ko na rin ang cute niyang mukha kapag naiinis siya.
"Oh?"
[Yes! Bakit hindi mo sinagot?]
"Hahaha!" natawa ako sa accent niya. "Sorry! I did not know that it was you."
[There's a package that will be deliver there later. I'm sure they will deliver that before you go to school.]
"Package?" napabangon ako. Umalis ako sa kama ko habang hawak ko pa rin ang phone ko na nakatapat pa rin sa tenga ko.
[Yes. Surprise in advance!]
That was his last words before the call ended. Nagtataka kong tinanggal ang pagkakatapat ng phone ko sa tenga ko at tinignan ito. Nagkibit balikat nalang ako at pumasok sa bathroom para maligo. Saktong malapit 8:00 na pala tumawag si James.
Sinusuot ko ang P.E tshirt ko nang marinig ko ang sigaw ni Ate Madison.
"Abigail, bumaba kana dito! May package para sayo!"
Yun siguro ang tinutukoy ni James na package. I slowly walk down through the stairs para hindi halatang excited. Nang makita ko na ang package ay parang lalabas na ang mata ko sa nakita kung gaano kalaki ang box. Siguro halos kalahati ko na iyon tas medyo malapad. It's my first time to recieve such a big box.
I took a photo of that package and send it to James. Proof that I recieved it. Inilibot ko ang paningin ko sa labas ng package. Kung kanina ay lalabas na ang mata ko dahil sa laki ng box, ngayon lumabas na nang mabasa ko ang pangalan ko. 
Abigail Anderson
Dali-dali kong tinanggal yung name na iyon. Buti nalang naka-sticker lang yun, yung parang kapag nag-oorder ka sa online. Pumunta ako ng kusina para sa kumuha ng gunting pero napagpasiyahan ko na kumain muna.
I sat beside Calliope. Wala sa sariling napatingin ako sa kanya. She has a teasing smile on her face. Napaigtad ako nang tusukin niya ang tagiliran ko.
"Calliope!" I warned her. Yung tusok pa man din niya ang sakit.
"Sana all may package galing kay crush."
"Mainggit ka! Crush mo kasi bestfriend lang turing sayo." I stucked my tongue out.
CalRon lubog. Hahahaha!
Kinuha niya ang wand niya mula sa lamesa at itinutok sa akin iyon. Nagsimula na akong mahirapan huminga. Susuntukin ko na sana siya kaso narinig kong sumigaw si Ate.
"Calliope, tigilan mo na yan." itinutok ulit sa'kin ni Calliope ang wand niya kaya bumalik ang normal ko na paghinga dahil may nalalanghap na akong hangin.
"Tumigil ka rin, Abigail!" pigil sa akin ni Ate Madison nang makita niyang susuntukin ko sana si Calliope. Nasa ere pa rin ang kamao ko kaya binalaan ulit ako ni Ate. Kaya unti-unti ko na ito binaba.
"Nasa harapan kayo ng pagkain. Sa susunod h'wag niyo na gagawin yan." para kaming tuta ni Calliope habang tumatango sa sinabi ni Ate Madison.
She is not our mother, but we respect her. Hindi siya basta-bastang alipin lang dahil siya na ang pangalawa naming ina. She is the one who raised us when our parents is not around. She is the one who suffered. She is the one who witnessed our ups and down. We are blessed that we have her. Thank you and I love you is not enough to express how much thankful we are and how much we love her.
Ate Madison is like a mother to us. Calliope and I know that Ate treated us like her own children.
I'm always praying to God to give her a long life. Because we need Ate Madison. We need her as our mother. And because I want to spoiled her with my own money. I want her to experience to be a Queen by taking care and serving her like a Queen because she deserves it. She fucking deserve it!
Kapag nawala si Ate Madison ay baka hindi ko na makakaya. Baka sumunod na rin ako. She is the one who gave me hope to live. Kung wala siya baka sumunod na ako sa mga magulang ko. Dahil sa kanya nagkaroon ako ng lakas para ipaghiganti ang mga magulang ko. Nang dahil din sa kanya ay patuloy akong nagpapalakas.
I promise to myself that I will protect my love ones and everyone, I will avenge my parents and I will become strong to make my promise come true.
"Yaretzi Abigail dalian mo diyan! Buksan mo na itong package at pipicturan kita para naman hindi nakakahiya doon sa nagpadala," sabi ni Ate habang naghuhugas na ng pinggan at habang ako ay kumakain pa rin.
Ang bagal kong kumain at hindi ko alam bakit.
"Hindi nakakahiya iyon, Ate Madison. Yung ngang alaga mo hindi nahiya." umirap ako nang marinig ang sinabi ni Calliope.
"Basta crush mo hindi ka crush!" pikon na sabi ko. Inilabas ko ang dila ko para mas lalo pa siyang inisin.
Bago pa ako mahirapan huminga at bago ko pa masuntok si Calliope ay may kamay na may hawak na kutsilyo ang nasa pagitan namin.
"Magpatayan nalang kaya kayo?" muli na naman kaming naging tuta na umamo dahil kay Ate.
~*~*~*~*~*
"Oh doon naman sa labas. Maganda yung pinto natin." napakamot ako ulo ko pagkatapos ay ibinalik ko ang pagyakap sa stitch na pinadala ni James.
I didn't know that he bought the stitch that we saw yesterday on the store. Siguro he just want to surprise me kaya imbes na bilhin na ay ipinadala niya pa.
Minsan nagtataka pa ako, eh. Parang hindi na tama pinaggagawa niya. He treat me like a friend, but with what he is doing....I feel something wrong. Hindi niya ginagawa ito sa kaibigan niya.
"Hawakan mo rin yung bouquet na binigay niya," sabi ni Ate.
Hawak niya ang cellphone niya at nakatutok iyon sa akin kasi siya ang nagpipicture sa'kin. Calliope handed the bouquet to me. Yes, bumili rin siya ng boquet. At yung wallet na tinutukoy niya kagabi ay nandun din sa package.
Isinandal ko ang ulo ko sa stitch na yakap-yakap ko sabay ngiti. Nang matapos ay lumapit ako kay Ate Madison para makita ang mga picture.
Pinakafavorite ko dun ay yung nakangiti ako nang malaki habang hawak ko ang stuff toy at bouquet sa magkabilaang braso ko. Meron namang inaamoy ko kunwari ang boquet at nakapikit. Yun ang mga napili kong picture ay pinasend ko kay Ate sa akin. I'll post it later.
"Send mo nalang, Ate. Alis na po kami ni Calliope." I kissed her cheek. Ganun din ng ginawa ni Calliope.
Nang makalabas na kami sa street namin ay naghintay kami ng jeep sa high-way. Jeep kasi sinasakyan namin tuwing pumapasok kami ni Calliope. Pero minsan nagtatricycle kami.
Habang naghihintay ay kinuha ko muna ang cellphone ko mula sa bulsa ng jogging pants ko. Binuksan ko ang data nito para i-check kung senend na ba ni Ate yung mga picture na napili ko. Napangiti naman ako nang makitang senend nga niya. I saved those picture in my gallery and I send it to James.
Me:
Salamat, lods!
Nagnotif ang messenger, sinasabing nagsend ng picture si James. Binuksan ko naman iyon at hindi ko alam kung tatawa ba ako o malulungkot.
Senend niya yung resibo nung stuff toy at nung bulaklak.
James:
Pakibayaran nalang. Salamat! :*
Me:
Gagi!!!
Hindi ko na alam kung nagreply ba siya o hindi dahil dumating na ang jeep na sasakyan namin. Pagkababa ko ng jeep ay agad kong nakita si James malapit sa gate ng school.
Malayo palang ay namumukhaan ko na siya. Nakasandal siya sa pader at ang mga kamay niya ay nakalagay sa dalawang bulsa ng pantalon niya. Ang buhok naman niya ay nakikisayaw sa hangin. Mas lalo siyang gumwapo tignan dahil tumama ng bahagya ang ilaw ng araw sa mukha niya. 
 Nakangiti akong lumapit sa kanya. He smiled back at me. 
"Good morning, beautiful!" sabi niya at hinawakan ang kaliwa kong pisngi.
I automatically smiled. Ang sarap sa pakiramdam ng malambot niyang palad na nakalapat sa pisngi ko. Gaganahan akong pumasok kung ito lagi ang bungad sa araw-araw. 

Bình Luận Sách (111)

  • avatar
    Keith Abuan

    ang Ganda Ng story

    20d

      0
  • avatar
    Mga Chismosa

    slip

    20d

      0
  • avatar
    VillegasFrancheska

    Ganda

    21d

      0
  • Xem tất cả

Các chương liên quan

Chương mới nhất