logo text
Thêm vào thư viện
logo
logo-text

Tải xuống cuốn sách này trong ứng dụng

CHAPTER 4

Nang matapos na ang misa ay hinalikan ko si Ate Madison sa pisngi. Ayaw niya pang nagmamano kami sa kanya. Bata pa raw siya, pwede pang lumandi. Kaso walang lumalandi sa kanya.
My mom is five years older than her. Medyo bata pa si Ate Madison para humanap ng jowa. Kaya pa yan. Dapat nga magpamilya na siya, eh. Yung may sarili na siyang anak, yung hindi lang kami ni Calliope ang tinuturing niyang anak.
Nagsimula na kaming maglakad papunta sa pintuan para makalabas na sa simbahan. Bago kami makalabas ay nilingon kong muli ang altar sabay ngiti at nagsign of the cross.
I lost both of my parents, but I am not mad with God. I know that He has a better plan for me. He never really want to hurt me. Yes, my parents are dead not because He want it, but because He wants to challenge me. 
I was hurt and bad things happen to me and I know that God will make it beautiful. I was lost and my friends, Calliope and Ate Madison found me. They are the most beautiful gift that I had recieved.
Tumingin ako sa gawi kung nasaan si James at ang pamilya niya. Kita ko ang ngiti niya habang nagsasalita ang pamilya niya.
Soon you will be part of the most beautiful gift that I had recieved from god.
Ngumiti ako kay James nang mapalingon siya sa gawi namin. He smiled at me too. Napakunot ang noo ko nang iminuwestra niya ang kamay niya na lumapit ako sa kanya. Nagtataka pa akong naglalakad papunta sa kanya.
"Bakit?" tanong ko nang makalapit na ako sa kanya.
"Papicture tayo? We have been so closed and I want to have picture with you."
My lips parted. Talagang gusto niyang magpapicture sa'kin? Kung alam ko lang edi sana nagmake-up ako. Minadali ko pa man din ang pagligo ko.
"S-sure.." ibinigay niya ang phone niya sa kasama niya. Narinig kong tawagin niya itong mommy.
Nakaramdam ako ng hiya knowing na ang mommy niya ang magpipicture sa amin. Her mom is beautiful. She looks young. At masasabi kong hindi niya kamukha ang nanay niya. Wala man lang nakuha si James sa mommy niya.
"Okay! 1...2...3...Smile!" ngumiti ako, yung magmumukha akong maganda sa picture, but that beautiful smile became more beautiful when James put his arm on my shoulder. Mas napalapit ako sa kanya at mas naamoy ko siya.
"Perfect!" ang saya ng mommy ni James habang lumalapit siya samin para ipakita samin ang picture.
Sobrang laki ng ngiti ko. Sa sobrang laki ay mapupunit na ang labi ko. Ganun din si James. Para kaming couples na kinilig sa isa't-isa kaya ganun nalang kami kasaya sa picture. Sa sobrang ganda nung picture parang gusto ko ng i-patarpaulin iyon.
"Ah, Mommy? Si Abigail pala. Friend ko." sabi ni James sa Mommy niya.
I froze. My smile faded away. I felt a pang on my chest. Napalunok ako at kinagat ang ibabang labi ko. I expect that he treat me like a friend, but it hurts when he said that we are just friend in front of me. 
I am attracted to him. What do you expect me to react? Syempre masasaktan ako, hindi ba?
"He-hehehe! N-nice to meet you po!" ngumiti ako bago magbless.
Nang lumapat na ang likod ng kamay nito sa noo ko ay nawala ang ngiti ko. Tsaka lang ako ngumiti ulit no'ng tumayo na ako nang maayos.
"Napakaganda mong bata." nagulat ako sa sinabi ng Mommy ni James. I felt my face heated. Doon napalitan ang sakit na naramdaman ko kanina.
I tucked the strand of my hair behind my right ear before looking at James who's brushing my hair. Mas lalong namula ang mukha ko dahil doon. Nahihiya akong tumingin sa mommy niya. Namamanghang nakatingin siya samin. Para siyang nakakita ng nakakaamaze na bagay. Umalis na siya sa harapan namin ni James at pumunta sa mga kakilala niya.
"Is that your mother?" tinignan ko kung ano ang tinuturo ni James. Tumawa ako no'ng si Ate pala ang tinuturo niya. 
"No" natatawang sagot ko.
"Then who is she?"
"Ate ko." his lip formed into 'o' ,then he scratch his nape. Napangiti ako sa ginawa niyan yun. Ang cute niyang tignan.
"Your mother, where is she?" nawala ang ngiti ko sa mukha dahil sa tanong niya.
He was about to say something, but he notice that my face turn into serious one.
"Did I say something wrong?" kinakabahang tanong niya. Umiiling ako at tumuro sa taas. Sinundan niya ito ng tingin. "Oh, sorry!"
"It's okay. Pati Papa ko nadoon na rin sa taas." I smiled sweetly kasi kita kong naiilang na siya. Hindi niya sigruo alam kong ano sasabihin niya. "Bakit pala?"
Bakit naman kasi magtatanong siya about sa parents ko?
Ngumiti siya sa'kin bago ako lagpasan. Napamaang ako sa ginawa niyang yun. He walked towards Ate and Calliope. Sinubukan niyang magbless kay Ate pero hindi pumayag ito at nagbeso nalang silang dalawa.
Lumapit din siya kay Calliope. Akala ni Calliope makikipagbeso sa kanya si James pero nakipagshake hand lang ito sa kanya. Humakbang ako papunta sa kanila habang tumatawa.
"Ate Mdison, si James po friend ko." tinuro ko si James habang nagsasalita.
"Weh?" Ate Madison smiled.
Si Calliope naman ay ang lakas nang tawa sa tanong ni Ate na iyon. Humawak pa siya sa tiyan. Ang mga tao sa labas ng simbahan ay nakatingin na sa kanya, maging si James ay nakangiwi na habang nakatingin sa kanya.
Kung may kapangyarihan lang ako katulad mo, kanina pa kita tinanggalan ng hininga!
I was about to talked with Ate, but James preceded me. "James po." tumango si Ate.
James looks nervous. Tumingin muna siya sa'kin bago tumingin ulit kay Ate. "I just want to ask permission if Abi can go on a date with me today?"
Agad nanlaki ang mga mata ko sa narinig.  What the hell?! I slowly looked at him with my red and shocked face. Nakatingin pa rin siya kay Ate habang nakangiti. Maging si Ate ay nagulat sa tanong. 
In my whole life, walang nag-aya sa akin ng date. Wala akong nabalitaang may gusto sa'kin. And that's the reason why I believe that I'm not pretty like others. 
"Sure ka? Hindi na magbabago isip mo? Itong alaga ko..." Ate pointed her index finger to me. "Papatulan mo?"
Sinamaan ko siya ng tingin. Si Calliope at James naman ay sinabayan si si Ate Madison sa pagtawa. Tatlo na silang tinitignan ko ng masama.
"Sige na. Alis na kayo," sabi ni Ate pagkatapos niyang tumawa. 
Parehas kaming napangiti ni James. James handed me his right hand. Tinanggap ko iyon at ngumiti ako sa kanya at nagsimula na kaming maglakad palabas.
"Go, bebs! Landi well!" gusto ko ng palamon sa lupa noong marinig ko ang sigaw ni Calliope.
Nahihiya akong tumingin kay James at ngumiti ng matamis. "Pagpasensyahan mo nalang sila."
Nasa tapat na kami ngayon ng pintuan  ng simbahan kung nasaan ang pamilya niya pero hindi man lang siya nahihiyang hawak niya ang kamay ko. I tried to let go, bu he tightened his hold, so I can't let go. Palihim akong ngumiti.
"Its okay. To be honest, I envy how you bond with them and how close you are. My family were not like that. To be honest..." tumingin siya kung saan banda ang mga pamilya niya at sumenyas na aalis na siya. Tumango lang ang pamilya niya sa kanya kaya nagpatuloy kami sa paglalakad. "I'm shy."
"Nahihiya?"
"Nahihiya ako sa kanila. I can't even tell a joke to them."
"Edi...." buong lakas kong tinanggal ang kamay ko mula sa pagkakahawak niya. Lumundag ako ng kunti para maabot ang balikat niya at maakbayan siya. Medyo nakayuko na siya ngayon dahil sa pag-akbay ko. "Tayo nalang ang magbonding!"
He laughed before holding my waist. Nakiliti pa ako noong una pero mas kinilig ako sa ginawa niya.
"Okay!" he said it happily then we jumped like a children.
~*~*~*~*~
Naglakad lang kami papunta sa Ramen House na tinutukoy niya. Doon muna raw kami kakain.
"You like tteok-bokki?" tumango ako sa tanong ni James.
Ang gwapo niya habang hawak-hawak niya ang menu. Nakalagay ang isang kamay niya sa baba niya habang nakatingin sa menu. Bumagay sa kanya ang suot niyang white printed t-shirt. Ang buhok naman niya ay bagsak. Ang bangs niya ay hanggang kilay niya. Nahati yun sa dalawa, sakto lang para makita ko isa niya pang kilay. Tumingin siya saglit sa'kin.
"How about sushi?" tumango ulit ako. Hindi ako makapagsalita dahil bigla akong nahiya noong nakaupo na kami.
Sinabi na niya ang order namin sa waiter bago niya bitawan ang menu at tumingin sa mga mata ko. Ang lalim ng pagkakatingin niya.
"How about me?" he leaned closer enough to me. I innocently nodded.
Gusto ko naman talaga siya.
"Huh?" kita ko sa mukha niya ang gulat. Ang mga bibig niya ay nakabukas na. Natawa ako nang unti-unting namumula ang mukha niya.
"Lods, kasama ka ba sa menu? Kasi kung oo...." lumapit ako nang kaunti sa kanya. Ang lamesa lang ang harang sa pagitan namin. "Can I take you out?"
I smiled widely before winking at him. His face is red. His eyes are big and his mouth were parted.
Natatawang sumandal ako sa upuan ko. I crossed my arms in my chest while laughing. Mas lalo siyang namula sa sinabi ko. Nahihiyang umayos siya nang upo at umiwas ng tingin. Hanggang sa dumating ang order namin ay hindi niya ako tinitignan.
Hawak-hawak palang ng waiter ang tray na may lamang Ramen ay naamoy ko na ito. Inilapag na nito ang mga order namin.
"Enjoy your meal, Ma'am!" nakangiting sabi ng waiter.
"Thank you po!" I smiled too, but my smile faded away when I notice that James is throwing daggers to the waiter. "Hoy! Napano ka?"
"Gusto kong dukutin mata niya!!" ang sama nang tingin niya sa waiter na iyon.
Ang waiter naman ay naiilang na nakatingin sa kanya. I smiled at the waiter to show that I am sorry for James. Bakit naman kasi ang sama ng tingin ni James?
"Hoy!"
Lumingon siya sa'kin. Lumambot na ang mukha niya. "Kita mo yung tingin niya? I think he likes you."
"Eh, ano naman ngayon? Hindi ko naman siya gusto. Ikaw gusto ko, eh." 
Ayun na naman siya at hindi na naman siya nakatingin sa akin. Natatarantang sumubo siya ng Ramen kahit maiinit iyon kaya tawa ako nang tawa nang mapaso siya. Imbes na maawa ay tinawanan ko.
Hindi ko alam kung saan ako nakakuha ng lakas ng loob para masabi ang mga salitang iyon. Hindi ako natatakot o kinakabahan na sabihin kong gusto ko siya. Proud pa nga ako, eh. But I think he takes it as a joke. Pero okay lang yun. 
"Eat kana," he said.
Ngumiti ako bago tanggalin ang chopticks sa plastik. Sinubukan kong paghiwalayin ang mga chopticks pero hindi ko matanggal. Susubukan ko sana ulit kaso hinablot ni James sa akin iyon at siya ang naghiwalay.
"Thank you!"  he just smiled before he drinks water. Sinimulan ko ng kumain. Bi-no-blow ko pa ito dahil bagong luto talaga.
"Hmmm....Ang sarap!" I think this is the most delicious Ramen I ever eat.
"It's good that you like it."
"Ito na ang pinakamasarap na Ramen na natikman ko." pinuno ko ang bibig ko at ngumuya. "Parang gusto ko pa. Hahaha!"
"Finish it first, then we will order again."
Pati sa pagkain ng Ramen ay ang gwapo mo? Kahit may kunting dumi siya sa gilid ng labi niya ay ang guwapo pa rin niya. 
"Uy joke lang! Di mabiro 'to!" tumayo ako para maabot ang lagayan ng tissue.
"I'm seriou-" he frozed. I wiped the side of his lip.
Noong una ay nakangiti pa ako habang pinupunasan ang gilid ng labi niya. Nakaramdam ako ng kuryente nang aksidenteng lumapat ang daliri ko sa labi niya. Ang lambot ng labi niya at ang pink nito. Mas maganda pa ang labi niya kaysa sa'kin.
Tulalang nakatingin ako sa labi niya habang nasa gilid pa rin ng labi niya ang kamay ko na may hawak na tissue pampunas ko sa dumi ng labi niya. Binuka niya nang kaunti ang labi niya kaya napatigil ako sa pagpunas sa gilid ng labi niya. Nakatingin lang ako sa labi niya na para bang nakakita ako ng magandang art. 
He cleared his throat. Doon ako napabalik sa reyalidad. Napansin ko rin na wala na ang dumi na pinupunasan ko kaya unti-unti na akong tumatayo nang maayos. Pero bago ako tumayo ay muli ko pang sinulyapan ang mga labi niya.
"K-kasi naman bitin sa akin yan tapos kapag umorder tayo ulit sobra naman sa'kin. Siraulo lang tiyan ko kaya h'wag kana mag-order ulit," sabi ko.
Medyo nahihirapan pa akong magsalita dahil nasa isip ko pa rin ang labi niya.
Ang manyak mo naman, Abigail!
"O-okay. If you say so..."
I smiled a little. "Hahaha. Kain na tayo."
Naiilang na naman kami sa isa't-isa. Hanggang kailan kami magiging ganito? Dapat masanay na kami sa isa't-isa kasi magiging future husband ko na siya. Ehe!
We started eating again. Habang kumakain ako ay nakatingin lang ako sa Ramen ko pero napatingin ako kay James nang mag-abot siya ng sushi sa akin gamit ang chopsticks niya.
"Oh!" inilapat niya ang sushi sa harap ng mga labi ko. 
"Susubuin ko?" gulat na sabi ko.
"HIndi halikan mo!"
"Tsk!" inis kong sinubo ang sushi na iyon. Habang nginunguya ko iyon namula bigla ako.
Omg! Indirect kiss!
Pinagpatuloy ko nalang ang pagkain ko habang ang mukha ko ay kasing pula na ng kamatis. Pagkatapos naming kumain ay bumili siya ng ice cream para sa dessert namin. Umagang-umaga ice cream. Tinanong ko siya kung magkano ba ang i-she-share ko. Nainis pa siya kasi daw siya ang nagyaya tas daw papagbayarin niya ako.
Lumabas sa Ramen House at pumunta kung saan ang nakapark ang kotse niya. Niyaya niya pa ako sa mall. Humikab pa ako habang naglalakad kami. Inaantok pa ako. Pinuyat kasi ako nitong kasama ko.
Pagpasok namin sa loob ng mall ay inakbayan ako ni James. Sa pag-akbay na ginawa niya ay naamoy kong muli ang mabango niyang amoy. Hinayaan ko nalang na akbayan niya ako kasi gusto ko naman.
"Anong gagawin natin dito?" tanong ko. 
"Cinema." tumango ako sa sinabi niya. 
He is busy looking around. I think he is finding something. Minsan kasi ay kukunot ang noo niya at kakamot sa ulo tapos ililibot ulit ang paningin niya.
Nang matapat kami sa Blue Magic ay napatigil ako sa paglalakad. Nakita ko si James na tuloy-tuloy lang ito sa paglalakad pero napatigil din ng mapansin niyang  wala na yung inaakbayan niya.
I saw my favorite cartoon character through the glass of that store. My mouth parted and my eyes twinkled. Unti-unti ako napangiti sa ganda nun. Ang laki nun siguro about three feet ang taas at mataba yun.
Magkano kaya yan?
"So you like stitch?" I heard the cold and deep voice of James.
Nakangiti akong tumango. I heard him chuckled before pulling me inside the store.
Omg! Don't tell me bibilhin niya iyon para sa'kin?
"Goodmorning, Maam/Sir!" bati sa amin ng sales lady.
"How much is this?" bigla akong nakaramdam ng saya nang magtanong si James kung magkano iyon. Pero hindi ko pinahalata na masaya ako.
"One thousand three hundred eight pesos po, Sir!"
Lumibot ako sa loob, nagtingin-tingin ng pwede kong bilhin para sa kanya pero wala akong makitang maganda. Nalungkot ako no'ng lumabas kami sa store na wala akong dalang stitch. Hindi naman kasi niya responsibilidad na bilhin yun para sa'kin. Nadismaya lang siguro ako dahil umasa ako lalo na gusto ko ang tao. 
We rode the escalator. Maging sa pagsakay ay inalalayan niya ako. Ako ang pinauna niya bago siya sumusunod sa pagsakay. We stood at the right side of the escalator. 
"What do you want?" tanong ni James. I put my hand in my chin while looking at list of movies at the screen.  Wala akong mapili. Feeling ko lahat sila maganda. "How about The Imponent Boy?"
Tinuro ni James ang isang screen kung saan pinapakita ang trailer ang movie-ng tinutukoy niya. That movie is about a boy who doesn't not have any magical power. His family has power except him. Sa tingin ko makakarelate ako sa movie na ito kaya hindi ako nagdalawang isip na pumayag.
"Sure." nakangiti akong lumingon sa kanya.
Magandang tignan ang movie kahit trailer palang  dahil animation ito. Trailer palang ay makikita mo na ang kaastigan ng mga fight scene.
"Okay. Lets buy popcorn and drink first." nakangiti akong kumapit sa braso niya. "Why so cute?" pinanggigilan niya ang buhok ko by rubbing his left hand to my hair.
I felt my heart beats fast. Natuwa ako sa ginawa niya. Hindi ko maipaliwanag ang iba kong naramdaman noong ginawa niya sa akin iyon basta ang alam ko para akong lumulutang. 
Pagkabili namin ng ticket ay pinapasok na kami. Saktong-sakto lang ang dating namin dahil malapit na daw magsimula. Naghanap kami ng mauupuan namin. Pinili namin yung wala masyadong tao. Actually wala talagang masyadong tao. Wala yata sa kalahati.
"Here. Sit." James guided me to sit. Siya ang nagbaba ng upuan at hindi niya iyon binitawan unless nung nakaupo na ako.
"Thanks!" I smiled to him. Umupo na siya sa tabi ko. Binigay ko sa kanya ang popcorn. He bought the big one. He wants us to share.
Para-paraan ito. Gusto niya lang mahawakan kamay ko.
Napayakap ako sa sarili ko dahil nararamdaman ko na ang lamig ng aircon. I am not used to this kind of cold. Kapag nag-aaircon ako sa bahay hindi masyadong malakas, yung sakto lang.
Nanginginig ang kamay ko habang kumuha ng popcorn. Pagkatapos kong masubo ang popcorn ay nirub ko lang kamay ko sa pants ko.
"Are you cold?" tumango ako sa tanong ni James pero ang paningin ko ay nasa screen pa rin dahil nagsisimula na ang movie. "I  don't have a jacket here, but I can hug you."
Tumango ulit ako kahit hindi ko naintindihan ang sinabi niya. Nabigla nalang ako nang hilain niya ang braso ko para mapalapit ako sa kanya. Sobrang lapit namin sa isa't-isa. Yung tipong isang hila niya pa sa akin ay maghahalikan na kami.
Pero okay lang, wala naman makakakita hehehe!
He turned me around para mapaharap ako ulit sa screen. His next move sent shiver to my spine. He hugged me! Patagilid niya akong niyakap. Ramdam ko ang matigas niyang dibdib sa kanang braso ko. Napalunok ako sa position namin and I felt my face heated.
"Still cold?" umiling ako. Hindi ako makapagsalita sa sobrang gulat at kilig.
Lord, kapag ito hindi ko naging jowa pwede niyo na po siyang kunin, okay?

Bình Luận Sách (111)

  • avatar
    Keith Abuan

    ang Ganda Ng story

    20d

      0
  • avatar
    Mga Chismosa

    slip

    20d

      0
  • avatar
    VillegasFrancheska

    Ganda

    21d

      0
  • Xem tất cả

Các chương liên quan

Chương mới nhất