logo text
Thêm vào thư viện
logo
logo-text

Tải xuống cuốn sách này trong ứng dụng

CHAPTER 1

"Good morning, Mama!" bati ko sa aking ina.
Nirolyo niya ang hawak na papel at ibinigay ito sa kanang kamay na si Ate Madison bago siya ngumiti sa akin. Sinalubong niya ako ng yakap at hinalikan ako sa noo.
"Magandang umaga rin sayo, Abigail."
"Magandang umaga rin sayo Ate Madison!" ngumiti ito nang malawak bago ako binati pabalik.
"Magandang umaga, Princess Abigail!"
"The Queen of Alynthi is inviting you to join in her event later." nagulat ako sa sinabi ng aking ina. Seryoso ba? Iniimbitahan ako ng reyna ng Alynthi?
Firanda is the Queen of the Queens. Siya ang namumuno sa buong Alynthi. Alynthi is divided into four city. Asterin, Caspian, Zemira at Daesyn. Each city has a Queen and King to rule the city.
Hinaplos ni Mama ang buhok ko habang nakangiti. "Malalaman mo na kung ano ang kapangyarihan mo."
Nakaramdam ako ng excitement sa sinabi niya. Sana kapag nakuha ko na ang kapangyarihan ko ay maging kasing kasing lakas ko ang mga magulang ko.
Sabay kami kumain ni Mama kasama si Ate. Wala si Papa dito dahil baka may importanteng pinuntahan. Ang aking ama ay hari at isang doktor sa Alynthi. My father has an ability to heal.
Parehas na magaling ang mga magulang ko kaya umaasa ako na maging katulad din nila. Pagkatapos kong kumain ay tinulungan ako ni Ate Madison na mag-ayos.
I wore my victorian gown with floral print. Ate Madison fixed my hair into messy fishtail braid.
"You're so beutiful, Princess Abigail." nakangiti sakin si Ate habang tinitignan ako mula sa salamin.
I smiled back at her. Sabi nga nila ay kamukha ko si Mama. Kapag nga kaharap ko si Mama ay parang nakatingin lang ako sa salamin. Mula mukha at katawan ay magkaparehas kami.
Pagkalabas namin ay nakaramdam kami ng kakaiba sa paligid. Tumayo ang mga balahibo ko sa braso pero patuloy pa rin ako sa pagsakay sa kalesa. Nang makarating kami malapit sa bukid ay kita ko ang kalangitan na nagsisimulang magdilim. And I can feel my mother's power.
"That power..." napalingon ako kay Ate nang magsalita siya. "It's from the queen"
Nararamdaman din ni Ate kung kanino kapangyarihan iyon at parehas kami ng hula na kay Mama yun. We decided to go to my mother. Naabutan namin siyang may nakapalibot na tubig sa kanya. It was her defense attack. Pinapaulanan kasi siya ng apoy ng mga kalaban.
"Manong, anong nangyayari rito?" rinig kong tanong ni Ate sa matandang pinigilan niyang tumakbo.
I saw how scared the old man is. His hand is shaking and he can't even walk properly.
"M-may bigla nalang sumugod dito at gustong kunin ang mga sako ng mga bigas na kakaharvest palang"
Nalungkot ako sa sinabi ng matanda. Sila ang naghirap magtanim at mag-ani tapos kukunin lang sa kanila? Sa tutuusin nga ay binibili lang sa kanila yan nang mura. Wala pa doon ang hirap at pagod nila.
Someday I will be the Queen of Asterin and I promise that no one will suffer.
Muntik na kaming matumba sa kinatatayuan namin nang gumalaw ang lupa. Tumingin ako sa banda nila Mama at may nakitang apoy na may hugis dragon. Iyon siguro ang kapangyarihan ng kalaban niya.
"Sea Dragon!" rinig kong sigaw ni Mama at lumabas ang dragon na kulay asul.
Ang dragon ay gawa sa tubig kaya mapapansin mo ang balat nito na may tubig na umaalon. Water is her power. Kayang-kaya ng tubig ang apoy. Water can defeat the fire.
Nakuha ngang matalo ni Mama ang kalaban kaya tuwang-tuwa ang mga tao sa bukid.
"Maraming salamat po!" sabay-sabay na sabi ng mga tao sa bukid.
Halos lumuhod na sila sa pasasalamat kung hindi lang sila pinipigaln ni Mama. Ang iba ay naluluha na.
"Ano po ang pwede naming gawin para makabawi?" tanong ng isang babae na nakipagsiksikan pa para makapunta sa harapan. Madumi ang mga damit nito at naluluha rin.
"Ano ba kayo. It is my duty to protect the people in Asterin. No need to compensate." nahihiyang sabi ni Mama. I smiled at what she just said. Ang bait talaga ng Mama ko.
Umalis na kami kaagad doon para makapunta na ako sa palasyo ng Reyna ng Alynthi. Namangha ako agad sa ganda ng palasyo. May mga naglalakihang chandelier, mahahabang lamesa at nakaayos na ang mga plato, kutsara, tinidor at baso doon. Talagang pinaghandaan ito.
Hindi lang mga prinsesa at prinsipe ang mga nandito, lahat ng mga mamamayanan ng Alynthi na labing-lima ang edad ay nandito.
Humanap ako ng mauupuan ko at nakita ko agad ang matalik kong kaibigan. Calliope is my only bestfriend. Four years and counting na ang pakakaibigan namin. Calliope is the Queen of Daesyn's daughter. Our friendship is unexpected.
"Balita ko ay malalaman natin ngayon kung anong kapangyarihan ang makukuha natin kaya pinapunta lahat tayo dito," ani ni Calliope.
"Ah oo. Nabanggit ni Mama sa akin."
Napasinghap kaming lahat na nasa palasyo nang mamatay ang ilaw. Kasabay ng pagliwang ng stage ay ang siya ring pagsasalita ni Queen Firanda.
"Thank you for coming tonight. Bago ko ibigay ang mga nakatakdang kapangyarihan niyo ay kumain na muna tayo."
Napakagandang speech naman niyan, your highness
Sinimulan na namin ang pagkain pero in a professional way. Yung tipong brocolli nalang ay hinihiwa pa namin. Kahit gusto kong kumain na parang patay gutom, kailangan pa ring magmukhang prinsesa ako pati sa pagkain.
"Good noon, everyone!" bati niya matapos kumain ang lahat.
"Today is the day that you will know what your power is...with the help of our spirit fairies. May kanya-kanya kayong nakatakdang kapangyarihan. You will all be empowered according to your destiny. All the princess and prince will have their own spirit fairy."
Napatingin ako taas nang may narinig akong maliliit na tinig. I smiled when I saw two fairies. They are the powerful twin fairies, Zan and Eloisa. Zan is the spirit of wind while Eloisa is the spirit of fire. Kilala sila dahil isa sila sa mga malalakas na fairies.
"You will now get your powers." the Queen smiled after sitting down in her chair.
Namangha ako sa dami ng mga fairies. Ang kulay nila tignan dahil sa mga suot nila. Sa sobrang mangha ko ay nakalimutan ko na ang tungkol sa kapangyarihan ko. May mga nakikita rin ako na liwanag na lumulutang.
I am just enjoying the scene. Nang mapansin kong naibigay na sa iba ang mga kapangyarihan nila ay itinaas ko ang aking dalawang palad tulad ng ginawa ng iba na para bang namamalimos ako.
"Hahahaha! Walang napupunta sa kanya?"
"Such a disgrace."
"Ano kaya sasabihin ng mga tao sa Asterin kapag nalaman nilang walang kapanyarihan ang prinsesa nila?"
"A princess who doesn't have a power."
Nakita ko sa gilid ng mata ko si Calliope na nakatingin sakin. Base on what I see, she got her power because there's a spirit fairy in her shoulder. She got Zan that means that she is stronger than me and the others.
Lumingon ako sa kanya. Malungkot siyang nakatingin sakin.
"Where is it? I will wait!!" itinaas kong muli ang aking mga palad at sumigaw kaya mas lalong lumakas ang mga tawanan ng mga tao.
Lumingon ulit ako sa reyna. Seryoso lang siyang nakatingin sa'kin pero nakita ko sa mata niya na masaya siya. Kahit hindi kalakasan ang kapangyarihan ko ay papayaga ako.
I badly want to be a queen too, but how can I do that if I don't have a power? I want to protect our city pero ayaw yata ng city namin na ako magpoprotekta sa kanya. Inilibot ko ang aking paningin. Maraming tumatawa at marami rin ang malungkot para sakin tulad ni Calliope.
Buti pa siya.....
I ran as fast as I could. Hindi ko sila kayang harapin dahil sa kahihiyan. Ang anak ng isa sa pinakamalakas na reyna ng buong Alynthi ay walang kapangyarihan.
Sa sobrang labo na ng mata ko dahil sa luha ay hindi ko napansin na may bato pala akong natapakan dahilan para madapa ako pero hindi ako tuluyan nadapa sa lupa. Ramdam ko ang kapangyarihan nakapalibot sakin. Lumingon ako sa pinanggalingan nun.
Calliope is using her wind power to me. She is struglling using her power, but she's making sure that I will not fall. Bago palang sa kanya yun kaya mahihirapan siya.
Hindi ko alam bakit naiyak ako ng makita ko siya. Maybe she will say that I am not her friend anymore because I don't have a power.
"Abigail." I cried more when she hugged me. "Don't cry. Hindi kita iiwan."
Doon ako umiyak na parang batang pinalo ng nanay.
"Hindi naman dahil wala kang kapangyarihan ay iiwan kita. You're strong even without a power."
~*~*~*~*~*
"Princess Abigail!" I froze when I heard Ate Madison's happy voice. "Ano nakuha mo? Katulad ba sa nanay---oh bat ka umiiyak? Hindi ba katulad ng sa nanay mo? Hala okay lang y--"
"Wala po akong natanggap." I cut her off. Her smile faded away na mas lalong nagpakaba sakin.
"Wala?"I nodded. "Ay sus! Okay lang yun 'no."
Okay lang? Hindi mo ba ako pagtatawanan?
"Okay lang? Okay lang na hindi ko kayo mapoprotektahan?"
"Kailangan ba na may kapangyarihan ka dapat para maprotektahan mo kami? Princess Abigail, wala rin akong kapangyarihan pero nakukuha ko kayong protektahan dahil mahal ko kayo. Ni lamok nga hindi ko pinapadapo sayo, sa inyo." kinuha niya ang kamay yun at hinawakan nang mahigpit.
Ate is right. I don't need a power to protect them. Sapat na ang salitang mahal ko sila para maprotektahan sila. I will pursue my dream to be a queen at walang makakapigil doon.
Nginitian ko siya bago bawiin ang kamay ko mula sa kanya. Masayang hinawakan ko ang braso ni Ate Madison at sabay kaming pumasok. I'm also lucky to have her. Para na siyang kapatid ko at nanay.
"Nakakahiya ka!" sigaw ni Papa at naramdaman ko ang mabigat niyang palad saking pisngi dahilan para mapatingin ako sa kabila. Halos matanggal ang ulo ko sa lakas ng sampal niya.
Sampal agad ang bumungad sa akin pagkapasok namin ni Ate Madison sa palasyo. He did not even ask me if I'm okay. Akala ko matatanggap nila ako. Kung sino pa ang mga magulang mo, sila pa ang hindi tatanggap sayo. Mas masakit pa ang masampal ng katotohanan kaysa sa sampal ni Papa.
"Ace!!" rinig ko ang sigaw ni Mama pagkatapos akong sampalin. Niyakap niya ako at hinimas ang pisngi kong sinampal. "Nahihibang kana ba?"
"Umalis ka diyan, Charla kung ayaw mong masaktan." ramdam ko na umalis siya tabi ko. "Wala akong anak na walang kwenta!"
I felt my tears fell in my cheeks. Nagsimula ng sumakit ang dibdib ko. Hindi na ako nag-abalang magsalita at tumakbo na ako papunta sa kwarto ko. Kahit tinatawag ako ni Mama at ni Ate ay hindi ko sila nilingon.
Starting from that day....I never step out from my room not until today. The day that no one expect to be a nightmare. Ang araw kung saan mawawala ang mga taong importante sakin.
"Princess Abigail!" I heard Ate Madison's voice, but I did not look back. Nandito lang ako nakatayo sa bintana, pinapanood kung paano tumakbo ang mga tao, kung paano mawasak ang mga bahay.
Wala akong kwentang tao kaya bakit pa ako mag-aaksaya para tulungan slla?
Simula ng araw na yun ay pinagtawanan ako ng mga tao. Kahit anong cheer sakin ni Ate at ni Calliope ay nangingibabaw sakin ang tawa ng mga tao lalo na ang galit ni Papa. Nakikita ko mula sa bintana ang pakikipaglaban ng mga magulang ko sa Raging Bulls.
Ang Raging Bulls ang grupo ng mga taong may galit sa Alynthi. Sinasabi kasi nilang taga Alynthi ang pumatay sa lider nila. Ang lakas nilang sumugod noon pero wala naman silang natatalo.
But now is diffirent. I can feel their overflowing power. Kanino kaya nila nakuha yun? Ang huli nilang pagsugod dito ay hindi sila ganyan kalakas pero ngayon ay maski ang pinapakamalakas na reyna ng Asterin ay hindi sila matalo.
"Princess Abigail, kailangan nating tulungan ang mga magulang mo. Let's bring the people to a safe place." hinihila na ako ni Ate Madison pero nagmamatigas ako. "P-princess."
"They don't need my help. Kaya na nila yan." walang buhay na sabi ko.
I was supposed to look at her, but before I could do that she slapped me. Agad akong napasinghap sa ginawa niyang pagsampal sa akin.
"Did you just slap me?" hindi makapaniwalang tanong ko.
"Oo!" napatigil ako sa pagsigaw niya. "Princess, hindi ka ganyan. You love to help others. Huwag mong hayaang balutin ka ng lungkot para hindi mo sila tulungan. Hayaan mong i-judge ka nila pero huwag kang papadala sa sinasabi nila." she touched my cheek where she slapped me.
"Ano naman ngayon kung wala kang kapangyarihan? Ipakita mo sa kanila ang kaya mong gawin. Be strong, Princess Abigail."
"Anak!!!" sabay kaming napatingin ni Ate sa labas ng bintana nang makarinig kami ng sigaw.
May sumunod naman na sigaw, sigaw ng bata. "Mama!!"
Ang bata ay nakahawak sa kamay ng nanay niya habang ang nanay naman niya nadaganan ng poste sa paa. We ran as fast we could para makapunta sa mag-ina agad.
Pinagtulungan namin ni Ate ang pagbuhat ng poste kahit alam namin na hindi namin ito mabubuhat. Habang nahihirapan kami sa pagbuhat ay nakarinig kami ng yabag ng toro. May bumabalot na apoy sa sungay ng toro.
Masayang-masaya ang lalaking nakaupo sa likod nito. I think he's enjoying his view.
"I-iwan niyo na ako dito, Princess A-abigail. Kahit yung anak ko nalang iligtas niyo." nanghihinang sabi ng babaeng nadaganan ng poste.
"Hindi po pwede." tumingin ako sa toro na papalapit samin. Ang nakasakay na tao doon ay tumatawa na para bang walang bukas.
"Sorry, Princess Abigail kung pinagtawanan kita na wala kang kapangyarihan. I just realize that you are so kind even though we are laughing at you. S-salamat!"
Oo, kasama siya sa taong tumawa sakin pero hindi naman maganda na iwan ko siya. Paano nalang ang anak niya? Masyado pang bata ito. Hinawakan ako ni Ate pati ang bata.
"Hindi po ako aalis dito hanggat hindi ka kasama." hinawakan ko ang kamay niya.
I want to save all of you! Walang mamamatay at masasaktan!
"Princess! Malapit na ang kalaban" natatarantang sabi ni Ate.
Hindi ako aalis hanggat di siya kasama. Wala akong pake kung kasama ka sa tinawanan ako! I closed my eyes. Hindi ako susuko! It's not over yet! I want to save her!
A-ano yun? Nakaramdam ako ng kakaiba sa katawan ko.
"Princess!"
"Mama!"
Kasabay ng sigaw nila ay ang pagkawala ng yabag ng tumatakbong toro. Unti-unti kong minulat ang mga mata. Medyo lumabo pa kaya hindi ko pa nakikita ang paligid ko.
"Mama" sinundan ko ng tingin ang mag-ina.
I'm glad that they are saf- ......w-what?
"Princess Abigail, paano mo nagawa yun?" hinihingal pa si Ate Madison habang tinatanong sakin iyon.
I also don't know what happened. Nilibot ko ang paningin ko. Nasa ibang lugar na kami. Did I just teleported?!
"Basta ang alam ko gusto ko lang iligtas ang ina ng bata... tapos nangyari yun," sabi ko.
Litong-lito pa rin ako. I didnt recieve any power, but how can I teleport?
"Ikaw palang ang nakita kong nagteleport sa lahat ng may kapangyarihan." gulat akong napalingon sa kanya.
Ako palang? Pero wala akong kapangyarihan. Paano ako nakapagteleport? Hindi kaya may kapangyarihan ako pero nakatago? Parang talent ko, nakatago. Hindi ko alam saan nagtatago.
"Pwede bang mamaya na natin problemahin pagteleport ko, Ate?. Unahin mo na natin ang mga tao," sabi ko. Nagkatinginan kami at sabay na tumango. Sabay din kaming naglakad papunta sa mag-ina.
I helped the mother to stand up. Medyo ika-ika pa siya dahil sa nadaganan siya ng poste sa paa kanina.
"S-salamat, Princess Abigail!"
"Walang anuman po." kinurot ko ang pisngi ng bata bago ngumiti. Ngumiti sakin ito pabalik.
"Paglaki ko po pangako magiging matapang po ako katulad niyo."
"Matapang?" takang tanong ko sa bata.
"Opo! Ang tapang tapang niyo po kanina. Kahit alam niyo pong wala kayo kapangyarihan nakuha niyo pa rin po kaming iligtas," sabi ng bata nakapagluha sakin.
Ngumiti ako sa kanya. "Salamat!"
Ngunit ang ngiti ko ay biglang nawala nang may tumamang apoy sa braso ko dahilan para mapaso iyon at umiyak ako sa sakit. Napahawak ako sa braso ko pero mas lalo lang sumakit. Nagdudugo na ang balat ko at halos makita ko na ang laman ko.
"Princess Abigail!" rinig kong sigaw ng tatlo kong kasama. Hindi ko na sila natignan dahil hindi ko alam ang gagawin ko para sa braso kong sumasakit.
"Kunin niyo ang prinsesa." naramdaman kong may humawak sa dalawa kong braso para itayo ako.
"Saan niyo dadalhin ang prinsesa?" napatingin ako kay Ate.
Hindi siya sinagot ng humawak sa akin. Akmang hihilain ako ni Ate mula sa kanila pero agad nilang hinarangan si Ate gamit ang apoy na kapangyarihan ng kasama ng humawak sa'kin.
I saw Ate mouthed 'sorry' before they dragged me and they force me to sit on the bull's back. Ano gagawin nila sakin? Saan nila ako dadalhin?
Lahat ng tanong ko ay nasagot nang dalhin nila ako kung nasaan ang mga magulang ko. Halata sa kilos nila na pagod na pagod na sila pero patuloy pa rin sila sa paglaban. Maging ang iba pang kasama nila ay pagod na pagod na.
Wala man lang akong magawa para iligtas sila. Sinubakan kong magteleport para makawala sa tabi ng kumuha sakin at iligtas ang mga magulang ko pero hindi ko magawa dahil hindi ko alam kung paano.
"Boss, nandito na ang hinahanap mo," sabi ng kasamahan ng kumuha sakin. Napatigil sila Mama at Papa sa pakikipaglaban. Gulat silang nakatingin sa banda namin.
"Anak!"
"Abigail!" sabay na sigaw nila.
"Mama! Papa!" I tried to run to them, but someone is holding me. Nagmamakaawa akong tumingin sa lalaking nakahawak sakin.
He let me go, so I did not waste any time, I run as fast as I could. Pero bago pa ako makalapit sa kanila ay naglabas ng liwanag ang kalaban. Gumawa siya ng espada gamit ang kapangyarihan niya at itinutok sa mga magulang ko.
Sabay silang lumingon sakin at ngumiti bago isaksak sa kanila ang espadang gawa sa liwanag.
Huminto ang mundo at ang nakikita ko lang ay ang unti-unting pagbagsak ng mga magulang ko sa lupa. Umawang ang aking mga bibig habang ang mga luha ay sunod-sunod na tumutulo. Nabibingi na rin ako sa katahimikan. Dahan-dahan akong naglakad papunta sa kanila.
My memories with them suddenly appeared in my mind. Lumuhod ako at binuhat si Mama para maihiga ko ang ulo niya sa mga hita ko. Ganun din ginawa ko kay Papa. Raging Bulls are just looking at us while smirking.
"Ma! Pa!" sabay kong hinawakan ang mga pisngi nila.
Si Papa ay nasa kaliwang hita ko habang si Mama ay nasa kanang hita ko. Umiiyak ako sa pagitan ng mga ulo nila while caressing their cheeks.
"H-huwag niyo p-po akong i-iwan," sabi ko. Hindi ko na masyadong nabubuo ang mga salita dahil hirap ako sa pag-iyak.
"A-abi?" napalingon ako kay Papa ng tawagin niya ako. "I l-love you! S-sorry for everything."
"I-I love you t-too! Please! Don't l-leave me!" I beg.
"A-alam mo anak....m-malakas ka, m-matapang ka. Kaya pasensya na kung nagalit ako sayo na wala kang kapangyarihan. P-pero alam kong kahit w-wala kang kapangyarihan, m-malakas ka."
"P-papa." I got speechless. Masyadong maganda sa tenga ang sinabi ni Papa. That's all I need. Ang tanggapin niya na wala akong kapangyarihan. Napalingon ako kay Mama nang hawakan niya ang pisngi ko para mapunta ang paningin ko sa kanya.
"M-mahal ka namin. T-tandaan mo y-yan." hinawakan nila pareho ang mga kamay ko at sabay na nag-ilaw yun.
What's happening?
"W-we will give you o-our power," sabi ni Mama.
"M-ma. P-pa."
"Y-you are our only d-daughter and we want to p-protect you. K-kahit wala kami ay mapopoprektahan ka namin sa pamamagitan ng p-paggamit mo sa kapangyarihan n-namin." nahihirapan na si Mama. Si Papa naman ay tumatango lang.
"U-use it w-wisely. A-and please be h-happy." yun ang huling salitang binitawan ni Papa bago siya ngumiti sa akin, ganun din si Mama.
Patuloy na umagos ang mga luha ko no'ng bumagsak ang pareho nilang kamay na nakahawak sa akin. My parents are gone.

Bình Luận Sách (111)

  • avatar
    Keith Abuan

    ang Ganda Ng story

    20d

      0
  • avatar
    Mga Chismosa

    slip

    21d

      0
  • avatar
    VillegasFrancheska

    Ganda

    22d

      0
  • Xem tất cả

Các chương liên quan

Chương mới nhất