logo text
Thêm vào thư viện
logo
logo-text

Tải xuống cuốn sách này trong ứng dụng

Forgotten Memories

Forgotten Memories

heyitzme_stitchy


PROLOGUE

DISCLAIMER!!!
This is a work of fiction. Unless otherwise indicated, all the names, characters, businesses, places, events and incidents in this book are either the product of the author's imagination or used in a fictitious manner. Any resemblance to actual persons, living or dead, or actual events is purely coincidental.
This book contains grammatical error and typo. I'm still learning and improving, so feel free to tell me if there's something wrong. My story is open for critique mwehehe!
Advance thank you for reading my story and for supporting me! Love lotsss!!! 💙💙💙
~*~*~*~*~*
"Queen Abigail, oras na po para magturo ka ng mga bata." napalingon ako kay Kate na kakapasok lang sa kwarto ko. She is my assistant. I smiled when I remembered where I met her.
Nakilala ko siya isang kalsada lang. Malambot ang puso ko sa mga bata. No'ng nakita ko siya sa daan na pagala-gala at walang damit ay tinawag ko siya. I gave her foods and clothes.
Nalaman ko rin na gusto niyang mag-aral kaya hindi ako nagdalawang isip na paaralin siya. Hindi siya pumayag noon pero napapayag ko siya agad no'ng kinulit ko siya. I'm a Queen and it's my duty to help others. Isa pa, I promise that no one will suffer here in Asterin.
Pumayag si Kate pero sa isang kundisyon, hayaan ko raw siya na pagsilbihan ko siya. I agreed with that. Wala na rin naman kasi akong kanang kamay kaya pumayag din ako agad.
"Okay." yun lang ang nasabi ko sa kanya. Tumango siya sa akin bago tumayo nang maayos sa tabi ko. "Ayos lang ba ang suot ko?"
"Sa lahat po ng bagay ay maganda ka, Queen." agad namula ang mukha ko sa sinabi niya.
"Ano ka ba." natawa siya nang pumilintik ang kamay ko.
"Nagsasabi po ako ng totoo." nginitian ko lang siya bago tignan ang sarili sa salamin.
I'm wearing a pencil trousers and blazer suit. May suot akong white long sleeve polo sa loob. I partnered my outfit with white heels. Nakalugay lang ang mga buhok ko. I wore my butterfly dangle earrings. I smiled with myself through the mirror before looking back at Kate.
"Tara na."
Tumagilid siya para makadaan ako. Nauna akong makalabas sa kwarto. Taas noo akong naglakad. Naglakad ako na para akong nasa isang pageant. Nakangiti rin ako habang naglalakad.
May humintong kalesa sa harapan namin pagkalabas na pagkalabas namin. Agad akong inalalayan ni Kate na sumakay. Nang makasakay na ako ay sumunod siya. Tumingin ako sa bintana para tignan ang paligid habang umaandar ang sinasakyan namin.
Malinis, maayos, masarap sa mata, at masaya ang mga tao. Wala sa sariling napangiti ako agad. If I did not have a deal with Raging Bulls, maybe Asterin will not be like this.
"Nandito na po tayo." agad akong napalingon kay Kate nang sabihin niya iyon.
Hindi ko napansin na nakarating na pala kami sa pupuntahan namin. Bumaba ako mula sa kalesa at inilibot ang paningin sa eskwelahan na pinagawa ko para sa mga batang walang pang-aral. Yung walang pambili ng uniform at mga gamit sa school.
Dito sa pinagawa kong eskwelahan ay hindi mo na kailangan bumili ng uniform, school supplies at hindi mo na rin poproblemahin ang baon mo. It's all free. I made this school for them.
Ginamit ko ang kayamanan na iniwan ng mga magulang ko sa akin. Nagpagawa rin ako ng ilang mga shop dito sa Aterin para umiikot ang perang iniwan sa akin. May bakery, grocery store, clothes shop, shoes shop at book store. Naghanap na rin ako ng sponsors. 
The moment I step inside, the staffs immediately greeted me. I greeted them back while walking. Pumasok ako sa isang room kung saan tuturuan ko ang isang buong section kung paano magbasa. Hindi kalakihan ang school na pinagawa ko. 
Sakto lang siya para sa mga batang walang pera para makapag-aral. Kumuha ako ng mga teachers na willing magturo. Mabuti nalang ay madami ang nag-apply.
Pumupunta ako sa school na 'to kapag hindi ako busy. One of my dream is to become a teacher, but I can't do that since I'm a Queen now.
"Good morning!" bati ko sa mga bata sa loob.
"Good morning, Queen!" sabay-sabay silang tumayo at binati ako pabalik. Iminuwestra ko na pwede na silang umupo kaya nagsiupuan na sila.
"Tuturuan ko kayong magbasa ngayon. Ayos lang ba yun?" pinasigla ko ang boses ko para ganahan sila.
"Opo!"
I teached them the basic words to read. Inuna ko muna ang easy para madali nalang sa kanila ang iba pang ituturo ko.
Pagkatapos kong magturo ay napagpasyahan kong umuwi na. Nasa gilid ko lang si Kate habang naglalakad ako. Napansin kong hinihingal si Kate at sinusubukan niyang habulin ako kaya binagalan ko ang lakad ko. Masyado na yatang napabilis ang lakad ko.
Binuksan agad ng guard ang pinto nang makita akong palabas. Nakangiti akong tumingin sa kanya para ipakitang nagpapasalamat ako sa ginawa niya. Pero agad nawala iyon nang may dumaplis na palaso sa pisngi ko. 
Narinig ko ang singhap ni Kate, ng guard at ang mga kawal na kasama ko. Naramdaman ko ang pagtulo ng dugo mula sa pisngi ko. Agad na naging alerto naman sila sa nangyari at hinanda nila ang sarili na sugurin ang sino mang may gawa sa akin nito. Wala akong kahit ano mang reaksyon sa mukha ko.
I felt something weird on my cheek. Parang may mainit sa loob at may nararamdaman akong gumagalaw. 
"S-sino yun?" tanong ni Kate habang nililibot ang paningin para hanapin ang saralin. Hindi ko siya pinansin at hinintay na matigil sa pag-iinit ang pisngi ko. 
Nilingon ko ang isang building na malayo mula sa kinatatayuan namin. I smirked when I feel a bad presence of a man there. I did not think twice to teleport.
"Queen Abigai-" hindi ko na narinig ang kasunod na sinabi ni Kate dahil nakapagteleport agad ako papunta sa harapan ng isang lalaking may hawak na pana at palaso.
Sinubukan ng lalaki na tumakas pero mas mabilis pa ako sa kidlat kaya naabutan ko siya. "Q-queen.." hinawakan ko nang mahigpit ang kwelyo ng damit niya. 
"Who ordered you to do that?"
"W-wala po."
"Anong wal-Ahhh!" napatigil ako sa pagsasalita nang sikmuraan niya ako. Pumunta siya sa likod ko at pinalibot niya ang braso niya sa leeg ko. Napasinghap ako nang sakalin niya ako gamit ang braso niyang nakapalibot sa leeg ko. I tried hitting him, but he did not let go of me.
"Ikaw ang may kasalanan kung bakit namatay ang anak ko." may gigil na sabi niya.
The fuck?! It's not my fault that his son is a criminal. His son killed someone and I just did my duty to save someone. And I'm not the one who killed his son. Anak na mismo niya ang pumatay sa sarili niya.
"Hindi ko kasalanan yun. Your son killed himself. Grr..."
"Ikaw pa rin ang may kasalanan. Kung hindi mo siya nahuli, hindi niya maiisip iyon."
Ngumisi ako kahit mas hinigpitan niya pa ang pakakasakal sa akin. Ganyan na ba ang mindset ng iba?
Napapikit ako nang mariin ng mas lalo pa niyang higpitan ang pagkakasakal sa akin. Sinubukan kong kunin ang palaso niya na nakalagay sa likod niya. Pilit kong inaabot yun habang nahihirapan akong huminga.
Makukuha ko na, makakalaban na ako, makakawala na ako pero may dumating na ayaw kong makita.
"Bitawan mo siya." nakatitig ako nang masama sa bagong dating.
Hindi nakinig ang lalaki kaya walang nagawa ang bagong dating na tamaan siya gamit ang apoy na kapangyarihan niya. Hinabol ko ang hininga ko nang mabitawan na ako ng lalaki. Sakto namang dumating na ang mga kawal kaya hinuli na nila agad ang lalaki.
"Queen, ayos ka lang?" tanong ni Kate pero hindi ako nakatingin sa kanya. Masama pa rin ang tingin ko sa bagong dating. Ang traydor kong kaibigan.
"Abi, ayos ka lang? May masakit ba sayo?" dali-daling siyang lumapit sa akin.
Akmang hahawakan niya ako pero umatras agad ako. I saw pain in her eyes. Wala siyang karapatan na masaktan dahil ako ang sinaktan niya.
"Don't act like you care." naglakad ako paalis, iniwan siya.
"I care because you're my friend."
Nagpintig ang tenga ko sa narinig. I gritted my teeths. Hindi ako nagdalawang isip na gamitin ang kapangyarihan kong yelo. Gumawa ako isang patalim gamit iyon at itinutok sa leeg niya.
"You're not my friend. And remember that you killed my friend."
"I'm s-sorry."
"Hindi maibabalik ng sorry mo ang kaibigan ko, Delilah." I felt my tears fell on my cheeks. Once again, I saw pain on Delilah's eyes, but I didn't care about it.
Taas noo akong umiwas ng tingin sa kanya at tumalikod na para umalis. I can't bear looking at her. I wiped my tears. Kapag nakikita ko siya ay naaalala ko lang ang pagkamatay ng kaibigan kong mahal na mahal ko. Ang kaibigan kong handa akong iligtas sa kahit anong bagay.
"Queen, ayaw niyo po bang puntahan si Ate Madison? Magpahangin po kayo sa mundo ng mga tao."
Kumunot ang noo ko kay Kate nang sabihin niya yun.
"Bakit naman? Ayos lang naman ako."
"Tuwing nagkikita kayo ni Delilah lagi ka pong umiiyak. Sa tingin ko po kailangan mong magmove-on."
"H-hindi pwede. Paano ang Asterin?" Kate smiled and touched my hand.
"Ako na po ang bahala. Pwede naman po kayong pumunta-punta rito kapag nasa mundo kana ng mga tao."
Bumuntong hininga ako. "Mas lalo lang dadagdag ang mga gagawin mo. Is that okay to you?"
"Opo! Utang ko na rin po ito sa mga nagawa mo para sa akin. You deserve to rest, Queen." she cheerfully answered me. I smiled widely to her.
"Okay then I'll go to Ate Madison."
If going to human world is for me, then I will go. Kate is right. I need to move on. Hindi pwedeng lagi nalang akong umiiyak. At sigurado akong ayaw ng kaibigan ko na umiiyak ako. At saka kailangan ko rin magpahinga. 
"Queen!" inabot sa'kin ni Kate ang susi papunta sa mundo ng tao. Nang makarating na kami sa gubat kung nasaan ang lagusan papunta sa mundo ng tao ay agad kong hinanap ang puno kung saan ko dapat isaksak ang susi upang mabuksan ang lagusan. Lumingon ako kay Kate nang mabuksan na ang lagusan.
"Kate, aasahan kita. Ikaw na ang bahala, ha? Balitaan mo ako kung ano ang nangyayari rito."
Yumuko siya sa akin. "Masusunod po. Mag-iingat ka, Queen." tumango ako sa kanya bago tuluyang humakbang papasok sa lagusan. 
Nakailang hakbang lang ako ay nasa mundo na agad ako ng mundo ng tao. I roamed my eyes around. Puro puno ang nakikita ko. Mula dito sa kinatatayuan ko ay nakikita ko ang mga building at bahay na lumiit dahil sa malayo ako.
Ang daming mga magagandang buildings at mga lugar dito. Naglakad ako para puntahan ang bahay ni Ate Madison. Malapit lang sa lagusan ang bahay nila. Dito nila pinagawa ang bahay nila para kung sakaling pupunta ako dito ay walang makakapansin sa akin kapag lumabas ako sa lagusan.
I knocked three times on the door. Lumipas ang ilang segundo bago nagbukas ang pinto. Bumungad sa akin ang napakagandang nilalang na miss na miss ko.
Nanlaki ang mata niya nang makita niya ako. "Abigail!"
Napangiti ako sa reaksyon niya. "Hi, Ate!"
"Anak ng tinapa ka! Bakit hindi ka nagsasabi na pupunta ka? Ikaw na bata ka." her voice broke.  Naluha ako nang yakapin niya ako at no'ng mapansin kong malapit na siyang umiyak. 
I really missed her. Ayaw niya na kasing sumama sa Alynthi noon dahil ayaw niyang iwan ang mahal niyang lalaki rito. 
Nagkwentuhan lang kami tungkol sa mga nangyari sa amin. Nabanggit ko na pumunta ako rito para magmove-on sa pagkakamatay ng kaibigan ko. Kahit madami kaming mga memories dito ng kaibigan ko ay pumunta pa rin ako dito. I think it's also part of moving-on? Ate was so happy when I told her that I will stay here for a while. 
"Bakit hindi ka muna mag-aral habang nagmomove-on ka? At saka ang deal mo sa Raging Bulls ay matagal pa mangyari. Pangarap mong maging teacher hindi ba? One year nalang, bakit hindi mo pa tapusin?" tumango ako sa tanong niya.
Maganda ang sinabi ni Ate Madison. Mas mabuti nga na may pagkaabalahan ako habang nandito ako at nagmomove-on. 
"May alam akong collage school dito. Doon ka mag-aral." dagdag niya.
Lumiwanag ang mukha ko sa sinabi niya. "Omg! Really, Ate?!"
"Hmmm. I-eenroll kita bukas ang kaso ay late ka lang ng dalawang weeks siguro. Ayos lang ba sayo yun?"
Agad akong tumango sa sinabi niya. Ayos lang sa'kin yun basta makapag-aral ako. I did not have a chance to study in Alynthi because of my duty.
Ginawa ni Ate Madison ang sinabi niya. In-enroll niya nga ako at nakapasok naman ako. Kinabukasan na agad ang pasok ko kaya nagmamadali na kaming bumili ng mga gamit na kakailanganin ko.
Napangiti ako nang mahanap ko ang room ko. Agad akong naghanap ng mauupuan.
"Hi! Is this sit vacant?" tanong ko sa babaeng gusto kong makatabi.
Unang tingin ko palang sa kanya ay mukha naman siyang mabait. Ang cute nga niya, eh. She's beautiful too. Mas maganda pa yata sa'kin.
"No, you can sit naman dito."
"Thank you! I'm Abigail, but you can call me Abi." inilahad ko sa kanya ang kamay ko.
"I'm Haidee. Nice to meet you!"
"Nice to meet you t--" agad naputol ang sasabihin ko nang may pumasok na professor. Ang aga yata ni Sir? Kalahati palang yata kaming nandito.
"Good morning! Sorry I came early. Gusto ko lang kayo makausap nang mahaba."
Napalingon ako sa professor naming nagsasalita sa harap. I smiled, but my smile faded when I look at him. My heart started to beats fast. Napaawang ang bibig ko sa nakita. 
Handsome, tall, hot, cold face and his disheveled hair suits him. His gaze landed on mine. He smiled at me. My lips parted when he smiled at me. He looks cold, but when he smiles he looks cute.

Bình Luận Sách (111)

  • avatar
    Keith Abuan

    ang Ganda Ng story

    21d

      0
  • avatar
    Mga Chismosa

    slip

    21d

      0
  • avatar
    VillegasFrancheska

    Ganda

    22d

      0
  • Xem tất cả

Các chương liên quan

Chương mới nhất