logo text
Thêm vào thư viện
logo
logo-text

Tải xuống cuốn sách này trong ứng dụng

Chapter 4: Not Enough

"Nakausap ko ang doctor"napatingin ako sa kan'ya.
"Bukod sa mga sugat na ginamot mo kanina, may iba pa s'yang pasa na hindi pa tuluya'ng gumagaling." he sighed.
"Akala ng doctor may leukemia s'ya kase puro pasa ang katawan n'ya, but they ran a test. Discovered that maybe it's by accident- na nahulog daw s'ya somewhere or may bagay na sinadya'ng ibato or ipalo sa kan'ya" tumingin s'ya sa akin.
"They don't know anything, kausapin ko na lang daw ang pasyente kung ano'ng nangyari, nalagyan na naman daw nila ng treatment" at bumaba ulit ang tingin n'ya kay Queren.
"Napakawalang puso ni tita, paano n'ya naaatim na gawin iyon sa sarili n'yang anak" napabuntong-hininga na lang si daddy.
"Ibinabaling n'ya sa bata ang galit n'ya sa ama nito" tumunog ang cellphone ni dad, ipinakita n'ya sa akin ang caller.
Principal Allaika calling..
Principal ng school na pinapasukan ni Queren, sinagot n'ya ang tawag at ini-loud speaker
"Hello is this Mr. Chui, daddy ni Ms. Queren Chui?" bungad ng nasa kabilang linya
"Yes Ms. How may I help you?"
"Hello Mr. Good morning, I just want to inform you that today is our card giving day and we also have a meeting, hope you can attend or you have someone who can make it, Queren is our top student"
"Oh, sure Ms. my older son will attend, ahm, can you tell me the details so I can inform my son"
"It will start later 9:00am sharp in our classroom Sir"
"Okay Ms. copy that, thank you for informing"
"No problem sir, thank you" sabi n'ya at saka pinatay na ang tawag.
Tumingin ako sa wristwatch ko, 7:15am, maaga na pala.
"Umuwi ka na muna at mag-ayos, ako na muna ang magbabantay sa kapatid mo, mamaya pa namang 12:00nn ang meeting ko"
"Okay" lumapit ako kay Queren at hinalikan s'ya sa noo sabay kuha sa gamit ko at umalis na.
Bumaba ako sa parking lot para sumakay sa motor na dala ko.
Napatigil ako sa gitna ng paglalakad nang may makita'ng dalawa'ng tao na nag-aaway sa mismong harap ng motor ko.
Lumapit ako para sana sawayin sila pero napatigil na naman ako at nangunot ang noo nang makitang pamilyar ang dalawang nag-aaway.
Isang lalaki at babae, ang babae ay kamukha ng nakabangga ko kanina papunta sa canteen at iyong lalaki naman ay 'yung nakita ko na nag-aalo sa umiiyak na babae kanina. Pinagmasdan ko ang dalawa.
Umiiyak ang babae habang walang tigil na sinusuntok sa dibdib ang lalaki, samantala iyong lalaki naman ay pinipilit pigilan ang braso ng babae.
Lumapit ako at napatigil sila
"Excuse me" simula ko
"Ano'ng problema brad, hindi mo ba alam ang salitang privacy?" naiinis na tanong ng lalaki.
"Privacy is someone's personal zone" walang gana ko'ng sagot.
"Oh, alam mo naman pala e, bakit nandito ka sa harap namin, go away and mind your own business!" naiirita n'yang sabi saka muling hinarap ang umiiyak na babae, napalingon din ako sa kan'ya.
Pinapahid n'ya ng panyo ang sariling luha habang iniiwas ang sarili sa lalaki na pilit inaabot s'ya.
Napaatras sa akin ang babae at muntik nang matumba kung hindi ko naagapan.
"Ano ba dude, di ka pa ba aalis?! Kalalaking tao napaka chismoso, alis!" sigaw n'ya sabay hablot sa
kamay ng babae pero hinila ko pabalik ang babae na ikinagulat nila.
'what the heck am I doing' pipi'ng tanong ko sa sarili ko.
"Get the hell out in front of my motor and I will give the privacy you want" malamig ko'ng sabi.
Napatanga ang lalaki, napalingon naman sa'kin ang babae.
Awtomatikong umatras ang lalaki, napatingin s'ya sa motor na nasa likod n'ya at pagkatapos ay napatingin naman s'ya sa kamay ko na nakahawak sa braso ng dalaga.
Lumapit ako sa motor ko hila pa rin ang babae.
Ibinigay ko sa kan'ya ang helmet na pinapagamit ko kay Queren at sumakay sa motor ko.
Nilingon ko ang babae, pinagmasdan n'ya ang helmet at nagtatakang tumingin sa akin.
"Suotin mo 'yan at sumakay ka na" utos ko sa kan'ya, ang hina naman ng common sense nito.
Tinitigan n'ya lang ako, nagtataka
"SAKAY NA!" nagulat s'ya, muntik nang mabitawan ang helmet na hawak, tahimik akong napatawa.
"Ano miss, sasakay ka ba o hindi?"
"A-Ah, e-eh, e-eto na sasakay na" nauutal n'yang sabi sabay dali-dali'ng sumakay sa likod ko. Good
"What the heck?" agaw pansin naman ng lalaki
Tiningnan ko lang s'ya at saka isinuot ang helmet sabay paharurot ang motor. Naramdaman ko ang mahigpit na kapit ng babae sa laylayan ng shirt ko.
Maya-maya pa ay nasa tapat na kami ng bahay, binuksan ng guard ang gate saka ko ipinasok ang motor ko kasama pa rin ang babae.
Bumaba s'ya nang maipark ko ito sa garahe, inilibot ang paningin at nagtataka na namang tumingin sa akin.
"Sumunod ka" naglakad na ako papunta sa loob pagkatapos patayin ang makina ng sasakyan.
"Kumusta hijo, nasaan na si Queren, ngayong araw daw ang uwi n'ya ah" bungad sa akin ni manang. Nilingon ko ang babae na nililibot ang paningin sa kabuuan ng bahay.
Napatanga si manang at namamanghang tumingin sa akin saka nilapitan ang babae.
"Sino ka? Nobya ka ba nitong alaga ko? Napakaganda mo, aba't napakaswerte ng alaga ko'ng ito, itsura mo pa lang" sabi ni manag na ikinabigla ng babae
"N-Nako hindi ho.." sagot ng babae at saka tumingin sa akin, humihingi ng tulong.
Tinalikuran ko na sila at nagmartsa papunta sa taas kung nasaan ang kwarto ko.
"Dumaan lang ako dito manang, pupunta ako sa school ni bunso para kumuha ng report card, saka a-attend na rin ng meeting, ikaw na muna bahala sa kan'ya manang" tukoy ko sa babae
"Masusunod hijo" narinig ko na lang na inaaya n'ya ang babae papunta sa kung saan.
Tsk tsk, hindi man lang ako pinansin, kapag kase nagsasabi ako sa kan'ya na may pupuntahan ako ay ipinaghahandaan pa n'ya ako ng pampaligo.
Tumuloy na lang ako sa kwarto ko at nag-ayos.
Maya-maya pa ay bumaba na rin ako, hindi ko alam kung nasaan si manang at iyong babae, ibinilin ko na lang s'ya kay mang Cardo. Sinabi ko na itanong na lang ang babae kung saan ito nakatira at ihatid na lamang n'ya.
Bum'yahe na ako papunta'ng school. 8:45, abot pa ako. Iniwan ko sa parking lot ang motor ko at pumasok sa school diretso sa room ni Queren.
Marami nang tao at kaunti na lang ang hinihintay.
Maya-maya pa ay nagsimula na ang meeting, nag-announce ng project at kung ano-ano pa. In-announce rin ang top students ngayo'ng quarter at nakita ko na nangunguna sa listahan ang buong pangalan ng kapatid ko.
Kinuha ko ang card at pinirmahan, ibabalik ko na sana pero sabi ng adviser nila ay p'wede naman daw i-uwi at sa monday morning na lang ibabalik.
Lumabas na ako sa school at nagdecide na dumaan sa 7/11 para bumili ng ice cream.
11:30, tingin ko sa wristwatch ko, dumaan na rin ako sa nakita ko'ng coffee shop at umorder ng cake at tinapay for take-out.
Umalis na ako at dumiretso na sa hospital, gising na si Queren at wala na si daddy.
"Hey sis, kanina ka pa gising? Nasaan si dad?" bungad ko sa kan'ya.
"Kaalis lang kuya, magkasunod lang kayo, saan ka galing, ano 'yan?" tanong n'ya sa envelop na dala ko.
"Galing ako sa school mo, kumuha ng report card. Oh" abot ko sa kan'ya.
"Congratulations, top-notcher ka" ngumiti s'ya nang mapait.
Napalingon kami sa pintuan nang bumukas ito, napaayos ng upo si Queren.
"Mom" bati ng kapatid ko pero nagtuloy-tuloy lang ito sa pagpasok at dumiretso sa p'westo n'ya kanina
"Mom p'wede na raw po ako umuwi mamaya sabi ng doctor" imporma nito sa ina pero nagpalinga-linga lang ito sa paligid.
"Mom ito nga po pala ang card ko for this quarter" kausap n'ya'ng muli dito.
Tumigil lang ang tingin nito sa isang pouch, kinuha n'ya ito.
Lumapit s'ya sa amin at binuksan ang envelop na inabot ko kanina kay Queren.
"Top notcher s'ya" sambit ko naman pero tumingin lang s'ya kay Queren, ibinaba sa table ang envelop bago lumabas ulit ng silild.
Napatingin ako sa kapatid ko, tumingin lang s'ya sa akin at ngumiti nang mapait.
"'Yung tingin n'yang iyon.. That means, it isn't enough" napayuko s'ya.
"Still not enough to become her daughter" tumingin s'ya sa akin.
"How to become enough kuya? I was doing my best to reach the qualification of being her daughter but wang nangyayari, don't I deserve to be claimed as her daughter? Am I really not enough kuya?" naluluha n'yang tanong.
Wala ako'ng masabi, wala ako'ng kinalakiha'ng nanay kaya hindi ko s'ya maintindihan. Okay naman ang pakikitungo sa amin ng mommy n'ya noon kaya hindi ko maintindihan, wala akong maintindihan.
"I'm still not enought kuya" she said while sobbing.
Niyakap ko s'ya at hinalikan ang buhok n'ya. Ito lang ang kaya ko'ng gawin para mapatahan s'ya.

Bình Luận Sách (17)

  • avatar
    John Zeddrick Pascua

    goods❤

    03/07

      0
  • avatar
    Cherise Mae B. Bayas

    di lahat Ng tao ay Tama pero kailangan natin maging matapat para sa ating pamilya Kasi Sila nalang Ang tumutulong satin kaya mahalin natin Sila wag natin sisihin Ang atin sarili at wag natin saktan Hindi Naman nila alam kung Ikaw talaga Ang may kasalanan isipin nalang natin na mahal Tayo Ng magulang kahit nagagalit Sila Kasi Sila nalang Ang tumutulong satin kaya sa lahat Ng Bata Ngayon ay kailangan natin Silang mahalin Ng buong katapan at puso Ng walang katapusan kaya ma mahal na mahal kita mwa

    22/06

      0
  • avatar
    Gemmalyn Bacsan Baculi

    wow this is So lovely

    18/06

      0
  • Xem tất cả

Các chương liên quan

Chương mới nhất