logo text
Thêm vào thư viện
logo
logo-text

Tải xuống cuốn sách này trong ứng dụng

KABANATA 5: THE RANDLER SUPERIOR

(ANASHA CHAINE POINT OF VIEW)
Halos walang makapagsalita sa amin dahil sa nakakatakot niyang boses at sa tingin ko rin ay nakayuko silang lahat tulad ko. Walang nag-abala sa amin na sumagot sa sinabi niya baka ano pang gawin niya sa akin.
"Bibigyan ko kayo ng pagkakataon na makapaghanda, bukas na kayo magsimula magtrabaho dahil gabi na ngayon. Huwag niyong. akalimutan ang mga patakaran dito. Once you disobey my rules, then be ready for your death wish," sabi pa nito at narinig namin ang yapak ng kanyang paa na paalis na.
Umangat ako ng ulo at nakita ko na wala na siya roon. Lumingon ako sa aking mga kasamahan at lahat sila ay nakaangat na katulad ko. May ilan din na umaangat pa.
"May bawat room kayo, isang room ay tatlo kayong titira roon. Kumpleto ang mga gamit doon kaya pwede na kayo pumunta roon. Huwag kayo mag-aalala dahil may mga pangalan niyo na nakapaskil sa bawat pinto ng room. Kung nasaan ang pangalan niyo ay nandoon din ang room niyo. Maliwanag?" tanong ng isang lalaki na may hazel brown na buhok.
Malinis ang gupit ng kanyang buhok at kulay brown ang kanyang mata, makapal din ang kulay niya. Matangkad ito at masasabi mong gwapo siyang lalaki. Nakasuot ito ng  checkered na black with white polo na bumagay sa white pants niya.
"Oo," tugon naming lahat habang nakatayo pa rin kami.
"Mabuti,"
Nagsimula na kami maglakad at sabay kami ni Rylie sa paglalakad. "Ano na ang gagawin natin?" tanong niya sa akin kaya napaisip naman ako sa sinabi niya.
"Kailangan natin mag-ingat at sundin ang mga utos nila. Masakit sa akin ang pagkawala ni mama pero wala akong laban sa kanila," sagot ko sa kanya habang napakuyom ang aking kamao.
"Parehas lamang tayo, pinatay nila ang boung pamilya ko. Pati nakakabatang kong kapatid na lalaki ay pinatay nila. Niligtas ako ng mga pamilya ko kaya hindi ko sasayangin ang buhay ko na sinakripsyo nila. Kailangan nga natin sumunod sa kanila," sabi niya rin habang pumasok na kami sa isang pasukan.
Makikita mo rito ang bawat pinto na may mga pangalan.
"Nakaya nga nilang patayin ang mga pamilya natin, tayo pa kaya. We need to follow their rules," sagot ko na lang sa kanya at hinanap ang pangalan ko.
Tatlo kami sa iisang room. Tiningnan namin ang unang room pero wala roon ang pangalan namin. Lumipat kami sa tabi nito na number 02 pero wala pa rin. Patuloy kami sa paghahanap hanggang sa napunta kami sa 21 since hanggang room 30 ito. Nandoon ang pangalan namin.
ROOM 21.
Anasha Chaine Lawson
Angelie Rylie Forinzo
Layzzah Chandrea Zandoval
Halos hindi ako makapaniwala na magka-room kami. Bubuksan namin ang pinto pero may tumabi sa amin. Lumingon kami at nakita namin ang babaeng makinis ang kutis, maputi, matangos ang ilong at matang laging kumikislap sa ganda pero puno ito ng kalungkutan.
Nanginginig pa ang kanyang labi. Nakasuot siya ng t-shirt na puti na may punit sa bandang leeg nito kaya medyo kita ang ibabaw ng dibdib niya na maputi. Hanggang tuhod lang din ang sout niyang short. "Ikaw ba si Layzzah?" tanong ko sa kanya at tumango naman siya.
Niyakap niya ang kanyang sarili. "O-oo, tawagin niyo na lang akong Chan," sagot  niya sa akin habang nakatingin sa baba.
Binuksan ko ang pinto at pumasok kaming tatlo. Sinara rin agad ito ni Rylie na ramdam ko ang galit niya. "Anong nangyari sa iyo?" tanong niya kay Chan.
Napaiyak naman si Chan sa naging tanong ni Rylie. Ramdam ko ang dalamhati niya. Umupo ito sa kama. May tatlong kama dito at may mga sariling side table at walang palikuran o cr. May mga kabinet kami at lampara at 'yon lang ang nakalagay.
Umupo ako sa kama na kaharap ni Chan habang nasa malayo ang isang kama malapit sa gilid ng pinto. Hindi masyado kalakihan ang kwarto pero kasya naman kaming tatlo. "Pinatay nila ang mga magulang ko, ako na lang natira sa pamilya namin. Mga wala silang puso, akala ko hindi nila kami sasaktan dahil sumusunod kami sa patakaran nila pero nagkamali kami. Sila rin pala ang sisira sa batas nila," umiiyak na sabi ni Chan kaya nilapitan ko siya para patahanin.
Delikado na kapag nalaman nila na pinag-uusapan namin sila baka katapusan na namin.
"Parehas lamang tayong tatlo na nawalan ng pamilya, kaya ang tanging naisip ko ay maghiganti tayo sa kanila pero hindi muna ngayon. Kailangan natin magpalakas para matalo natin sila. Hindi makatarungan ang ginawa nila sa pamilya natin," sabi ko sa kanila na pinapagaan ang loob nila.
"Tama ka, pero mag-iingat muna tayo. Hindi pa natin alam kung gaano sila kalakas," pag-sangayon ni Chan sa akin.
"Magbihis muna tayo, lalo ka na Chan," aya ko kay Chan saka tumayo.
Tumayo rin siya at nilapitan ang gamit niya. Nilapitan ko rin ang cabinet ko at binuksan. Bumungad sa akin ang maraming damit kaya mas pinili kong soutin ang pantulog na damit. Isang black longsleeve na damit pantulog at pajama, kumuha rin ako ng undies. Mabuti na 'yong sigurado, baka patakbuhin nila kami or ano pa ipagawa sa amin.
Kumuha ako ng kumot at ginawa na parang tuwalya para makapagbihis. Mabilis akong nakatapos magbihis at naupo sa upuan. Nagugutom ako pero iniinda ko lang.
May narinig akong tunog ng tiyan kaya umangat ang tingin ko. Nakita ko ang awkward na smile ni Chan kaya natawa naman si Rylie na tulala kanina. "Gutom ka na ba?" tanong ko sa kanya at nahihiya naman siyang tumango habang nakahawak ang isa niyang kamay sa tiyan niya.
"Wala bang balak sila pakainin tayo? Gutom yata ang papatay sa atin," sabi ni Rylie kaya natawa na lang ako.
Walang puso talaga ang mga tao rito. Hilig talaga nila sayangin ang buhay ng isang tao, para sa kanila ay laro ang buhay ng tao pero nakakainsulto na ganun ang mindset nila. Madaling paglaruan sa kanila ang buhay ng isang tao dahil hindi nila alam ang halaga ng buhay ng isang tao. Bakit ba nila ito ginagawa? Ang katanungan na nasa isipan ko na walang kasagutan.
May narinig kaming ring kaya nagkatingnan kaming tatlo. "Anong meron?" tanong ni Chan pero nagkibitbalikat lang ako.
"Lumabas tayo para malaman natin," sagot ni Rylie kaya lumabas kaming tatlo.
Lumabas kami sa room namin at lumabas din 'yong iba sa mga sarili nilang room. Hindi namin alam kung anong meron. "Lahat ng mga alipin na bagong dating, pumunta kayo sa Randler Hall para marinig niyo ang anunsyo,"
Narinig namin ang malakas na anunsyo na mula yata sa speaker. Nagsimula kami maglakad sa harap at malayo pa lang ay natatanaw na namin ang napakalaking hall na maraming mga bleachers sa magkabilang gilid nito at sa harap nito ay may maliit na stage. Nakita namin na may mga nakaupo roon at sa harapan nila ay isang lalaki na nakatayo sa harap at may mic ba sa harap nito.
Pumila agad kami sa harap at naghintay ng iba nilang anunsyo. Pagkapila namin doon ay ngumisi 'yong tao na nagsasalita sa mic. "Una sa lahat, sasabihin ko ang mga batas tungkol sa loob ng Palace at huli ay ibibigay namin kung saan kayo naka-assign na trabaho," sabi ng taong naka-blonde ng buhok na may bilugan ng mata hindi gaano katangkad at nakasuot siya ng polo shirt with gray short na hanggang tuhod.
"Pero bago ang lahat ay magpakilala muna ako. Ako nga pala si Thistle Greip Ryuji at tawagin niyo na lang akong Greip. Una, kapag narinig niyo ang ring ay ibig sabihin nito ay may anunsyo or kainan na. 6 am kapag umaga kayo kakain, 11 am kapag hapon at 7 pm kapag gabi. Pangalawa, sumagot kayo ng matino sa mga taong bahagi ng organisasyon. Gagawin niyo ang mga utos nila kahit ano 'yon. Huli, walang titingin sa mata ng Superior. Kung sino man ang tumingin sa mata niya or mukha niya ay katapusan mo na," babala niya sa amin kaya lubos akong napaisip.
Bakit hindi pwedeng makita ang pagmumukha niya sa amin? Anong meron sa mukha niya na bawal namin makita? Tumango kaming lahat sa anunsyo nito.
"Tatawagin ko ang mga pangalan niyo at 'yon ang posisyon niyo rito sa Palace,"
Naghintay naman kami nina Chan na matawag ang pangalan namin. "Angelie Rylie Forinzo your position will be arranging things sa loob ng palasyo,"
Mabuti naman at ganun ang posisyon ni Rylie. "Layzzah Chandrea Zandoval, assign in cleaning the library everyday,"
Hindi naman masyadong malaki ang trabaho nina Chan at Rylie. Nagtawag ulit siya hanggang sa ako na lang ang natira. "Anasha Chaine Lawson, since ikaw ang napili na head maid. Trabaho mo na i-check kung ginagawa nila ng maayos ang trabaho nila at ikaw lang ang makakatapak sa 4th floor kung nasaan nandoon ang kwarto ng Superior. Ikaw ang magse-serve sa Superior at higit sa lahat. Huwag kang titingin sa kanya. Sana naging malinaw sa iyo ang trabaho mo," anunsyo niya ulit kaya palihim akong napatango.
Kailangan ko pala na hindi pumalpak sa aking trabaho dahil Superior na mismo ang amo ko at siya ang asikasuhin ko. Kunting pagkakamali ko lang ay paparusahan niya ako.
"Kumain na kayo at matulog dahil bukas ay magsisimula na kayo sa mga trabaho niyo. Sa likod ng Hall na ito matatagpuan ang kainan kaya roon kayo kakain," dagdag niyang anunsyo kaya sumabay ako kina Chan at Rylie sa paglalakad.
"Kailangan mo mag-ingat, Ana. Dahil pwede kang mapahamak dahil ang Superior na mismo ang ise-serve mo at hindi na ito basta-basta," payo sa akin ni Rylie kaya napatango ako sa sinabi niya.
"Tama si Rylie, Ana. Delikado na kapag pumalpak ka,"  segunda rin ni Chan.
Gagawin ko ang lahat para hindi ako maparusahan at kailangan ko rin magpalakas.
Tomorrow, I will meet the person who are the ruler here at Randler. He is the superior of this place.

Bình Luận Sách (57)

  • avatar
    Cristine Siaron Vargas

    I love the story❤️

    25/02/2023

      0
  • avatar
    Mydear16

    love story

    03/10/2022

      0
  • avatar
    John Rey Famor Pradel

    Good story

    22/06/2022

      0
  • Xem tất cả

Các chương liên quan

Chương mới nhất