logo text
Thêm vào thư viện
logo
logo-text

Tải xuống cuốn sách này trong ứng dụng

CHAPTER 4 : THE NEVER ENDING PAIN

Nakita ni Gabriel kung paano nagulat ang mga tao sa harap niya lalo na ang dalagang nag re-report. Tinignan niya ito sa mata, he misses those eyes, he misses everything about the woman infront of him. But he need to control his self for showing any concern, hindi dapat makita ni Aebriel na apektado pa rin siya sa presensiya nito.
"Six months?" tanong niya sa dalaga
"Sir?" naguguluhan at halata sa boses ni Aebriel ang kaba
"I need the whole report of sales covered of one year Ms. Sales manager so bakit six months lang ang sinasabi mo ngayon?"
"S-sorry sir" hingi ng paumanhin ng dalaga
"As I've said this morning Ms. Monares alam ko at aware ako sa nangyareng pag baba ng sales ng kumpanya at kaya ko kayo pinag report ngayon ay dahil gusto kong malaman kung saan, bakit at kailan kayo nagsimulang magkaroon ng decreases. So, pano ko malalaman ngayon ang dahilan ng pagbagsak ng sales kung ang nirereport mo sakin ngayon ay ang mga parte din na nabasa ko bago ko tanggapin ang pagiging presidente ng kumpanyang ito"
"Ire-revise ko nalang po sir and i'll present it to you later, just give me some time"
"Mukha bang may marami akong oras para sa pagiging unprofessional mong empleyado?"
Napayuko na lamang ang dalaga dahil sa kahihiyan. Hindi nito alam kung bakit ganon nalang kasama ang trato sakanya ng binata. Wala siyang maintindihan at ang alam lang niya ngayon ay nasasaktan siya, nasasaktan nanaman siya dahil sa isang tao na akala niya nakalimutan na niya.
***
Palabas na ng elevator sa ground floor sina Aebriel at Zuri dahil nandoon ang parking space nila na magkatabi lang. Wala pa rin imik si Aebriel at sobrang bigat ng dibdib niya. Para itong sasabog dahil sa pinag halo-halong emosyon.
"Gusto mo ba sabay na tayo sa kotse ko? iwan mo na muna ang sasakyan mo at susunduin nalang din kita bukas ng umaga" alok ni Zuri sakanya ng makarating sila sa tabi ng kotse nila
Pilit siyang ngumiti sa kaibigan na hindi pa rin nawala ang pag aalala sa mukha nito. Gusto niyang yumakap sa kaibigan at umiyak ng umiyak pero siguradong hindi din siya maiintindihan nito dahil hindi niya alam ang puno't dulo kung bakit siya nagkakaganun.
"Okay lang ako, kaya ko naman mag drive at may dadaanan din ako" pagsisinungaling niya para hindi na mangulit ang kaibigan
Niyakap siyang muli ni Zuri at pinaalalahanan bago ito napilitan umalis at iwan siya. Nang mag isa na lamang siya ay doon tuluyang tumulo ang luha niya. Napasandal siya sa kotse niya at napaupo habang pigil ang pag hikbi. Sinariwa ng utak niya ang nangyare mula makita niya ulit si Gabriel, hanggang sa pagpapahiya nito sakanya sa meeting.
FLASHBACK
"Mukha bang may marami akong oras para sa pagiging unprofessional mong empleyado?" nasaktan siya sa sinabing iyon ng binata
Mula magtrabaho siya sa kumpanyang yon na noon palang ay nagsisimulang umangat ay hindi siya kailanman nakarinig ng mga ganoong masasakit na salita at pang iinsulto.
"This morning when i arrived on your floor, your sleeping at pinalagpas ko yun pero hanggang dito ba naman sa meeting dadalhin mo ang pagiging iresponsable mong manager? Paano ka naging manager ng departamento mo kung ganyan ka ka-careless sa bawat galaw mo?"
"Sorry, sir." nakayukong sambit niya at hindi na mai-angat ang mukha dahil sa sobrang pagka pahiya
Hindi na siya nakarinig ng kahit ano sa binata, tanging yabag na lamang nito paalis ang maririnig sa loob ng kwartong iyon at huli ang pag sara ng pinto. Hindi pa rin siya kumikibo hanggang sa naramdaman na niyang tumayo lahat ng katrabaho at isa-isang umalis.
"Fix yourself, hindi ka dapat makita ng mga staff mo sa ganyang lagay" nagulat siya ng may humawak sa balikat niya at ng tignan niya kung sino ay nakita niya ang puno ng pag aalala na mukha ng floor manager nila, si Drew Legazpi.
Kung titignan ay para itong istrikto na tao pero kung kikilalanin mo ay isa ito sa pinaka mabait na tao sa kumpanyang iyon. Siya din ang tumanggap sakanya noong nag aapply palang siya.
Tumango siya at pinahid ang ilang takas na luha sa mata niya.
"I'm really sorry sir" hingi niya ng tawad
"Siguradong pagod lang si Mr. Tolentino at ikaw ang napagbuntunan dahil sa nangyare kaninang umaga. Ayusin mo na rin ang sarili mo at i-ready ang report mo for tomorrow dahil siguradong hahanapin pa rin niya yun" sabi ni Drew bago siya iwan
END OF FLASHBACK
Nasa ganoong posisyon pa rin si Aebriel sa labas ng kotse niya ng marinig niyang tumunog ang cellphone niya at ng tignan niya iyon mas lalo lang niyang gustong umiyak pero pinigilan niya yun. He composed herself, tried to fix her voice sa hindi halatang galing sa pag iyak bago sinagot ang tawag.
"Hello?" kunwari ay masayang bati niya sa kabilang linya
"Nasaan ka?" tanong ng nasa kabilang linya
"Bahay" pagsisinungaling niya
"sinungaling" nagulat siya sa sagot nito "kailan pa naging bahay ang parking lot?" sarkastikong tanong ng kausap
Lumingon lingon si Aebriel dahil alam niyang nandoon ang kausap niya at hindi nga siya nagkamali dahil bigla itong lumabas sa likod ng kotse niya.
"Kev" akala niya ay ubos na ang luha niya pero bigla nanaman itong nag unahan ng makita ang kaibigan
Niyakap din siya agad ng binata at hindi nagsalita. Ito ang isa sa gusto niyang ugali ng kaibigan niyang si Kevin, hindi ito magtatanong at basta nalang siya niyayakap sa tuwing alam nito na hindi siya okay. Hihintayin siya nito na magkusa siyang magbukas ng topic kung bakit hindi siya maayos, it's like he's giving her to think and respect her privacy but at the same time willing to wait for her to share her problems and trust it with him.
"He's back"
Nasa daan na sila pauwi at si Kev ang nagmamaneho ng kotse niya ng bigla niyang sabihin yun. Napatingin sakanya ang kaibigan na naka kunot ang noo.
"Si Gabriel" hirap na pag banggit nito sa pangalan ng binata "bumalik na siya Kev" bulong nito habang nakasandal ang ulo sa bintana ng kotse at nakatitig ito sa labas
Hindi nakapag salita si Kev dahil pati siya ay nagulat sa sinabi ni Aebriel.
@justmytaste

Bình Luận Sách (261)

  • avatar
    Yesha LynMonares

    As I read to this story, all I can say is that this story is well written. The author of this story did an excellent job. I'm excited to see what occurs next here in "The Never Ending Pain", as well as the following updates.

    13/03/2022

      6
  • avatar
    Jøhmürphy Barüc

    i wat ore

    7d

      0
  • avatar
    BerjaCelso

    that's ano ang

    24d

      0
  • Xem tất cả

Các chương liên quan

Chương mới nhất